Manwal sa Masinop na Pagsulat (PDF)

Document Details

BetterKnownFeynman

Uploaded by BetterKnownFeynman

2014

Virgilio S. Almario

Tags

Filipino grammar Filipino writing style guide language manual

Summary

This is a manual on proper Filipino writing style, covering topics like grammar, spelling, punctuation, and citation. The manual includes detailed explanation of various writing rules to address language proficiency.

Full Transcript

KWF MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2014 KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Karapatang-sipi © 2014 ni Virgilio S. Almario at ng Komisyon sa Wikang Filipino RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang...

KWF MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT AKLAT NG BAYAN METRO MANILA 2014 KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat Karapatang-sipi © 2014 ni Virgilio S. Almario at ng Komisyon sa Wikang Filipino RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Disenyo ng pabalat: Alyssa Romielle Manalo Disenyo ng aklat: Maria Christina Pangan Ang retrato ng buhangin sa pabalat ay hiniram sa bgfons.com/download/1036 at ang hilatsa ng parchment ay hiniram sa fc00.deviantart.net/fs48/f/2009/209/3/6/Texture_Parchment_by_Kida_Ookami.png. The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry: KWF manual sa masinop na pagsulat / Virgilio S. Almario, punong editor. -- Quezon City : Komisyon sa Wikang Filipino, c2014. p. ; cm. ISBN 978-971-0197-34-7 1. Filipino language -- Grammar. 2. Filipino language – Writing – Handbook, manuals, etc. I. Almario, Virgilio S. II. Title. PL6055 499.2115 2014 P420140147 Lupong Editoryal Punòng Editor Virgilio S. Almario Mga Mananaliksik: Jose Evie G. Duclay Alyssa Romielle F. Manalo Maria Christina A. Pangan Mga Kritiko: Sandor B. Abad Roberto T. Añonuevo Jomar I. Cañega Purificacion G. Delima Lorna E. Flores Mariano L. Kilates Kriscell L. Labor Minda L. Limbo Sheilee B. Vega Inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino 2/F Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., Malacañang Palace Complex, San Miguel, Maynila Tel. 02-733-7260 email: [email protected] NILALAMAN Ilang Paliwanag 1 Pagsulyap sa Kasaysayan Bilang Panimula 3 ni Virgilio S. Almario 1 Grafema 9 1.1. Titik 10 1.2 Di-titik 10 2 Pantig at Palapantigan 11 2.1 Kayarian ng Pantig 12 2.2 Pagpapantig ng mga Salita 12 2.3 Pantig na Inuulit 13 3 Pagbaybay na Pasalita 14 3.1 Pantig 15 3.2 Salita 15 3.3 Akronim 15 3.4 Daglat 16 3.5 Inisyals 16 3.6 Simbolong Pang-agham/Pangmatematika 16 4 Pagbaybay na Pasulat 17 4.1 Gamit ng Walong Bagong Titik 18 4.2 Bagong Hiram na Salita 18 4.3 Lumang Salitang Espanyol 19 4.4 Di Binabagong Bagong Hiram 19 4.5 Problema sa C, Ñ, Q, X 19 4.6 Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik 19 4.7 Eksperimento sa Ingles 20 4.8 Espanyol Muna, Bago Ingles 20 4.9 Ingat sa “Siyokoy” 21 4.10 Eksperimento sa Espanyol 21 4.11 Gamit ng Espanyol na Y 22 4.12 Kaso ng Binibigkas na H sa Hiram sa Espanyol 23 4.13 Gamit ng J 23 5 Kasong Kambal-Patinig 24 5.1 Unang kataliwasan 26 5.2 Ikalawang kataliwasan 26 5.3 Ikatlong na kataliwasan 26 5.4 Ikaapat na kataliwasan 26 5.5 Malalakas na Patinig 27 6 Kambal-Katinig at Digrapong SK, ST, SH, KT 28 6.1 Pasók ang SK, ST 29 6.2 Walang KT 29 6.3 Digrapong CH at SH 29 6.4 May SH ang Ibaloy 30 6.5 May TH at KH ang Mëranaw 30 7 Palitang E/I at O/U 31 7.1 Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U 32 7.2 Senyas sa Espanyol o sa Ingles 32 7.3 Kapag Nagbago ang Katinig 33 7.4 Epekto ng Hulapi 33 7.5 Kailan Di Nagpapalit 33 7.6 Kapag Bago ang Kahulugan 34 7.7 Huwag Baguhin ang Dobleng O 34 8 Pagpapalit ng D tungo sa R 35 8.1 Kasong Din/Rin, Daw/Raw 36 8.2 “D” Kahit Kasunod ng Patinig 37 9 Kailan “ng” at kailan “nang” 38 9.1 Mga Gamit ng “Nang” 39 9.2 Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang” 39 10 Pagbabalik sa mga Tuldik 40 10.1 Isang Anyo, Iba-Ibang Bigkas 41 10.2 Dagdag na Gamit ng Pahilis 41 10.3 Pahilis sa Mahabàng Salita 42 10.4 “Ma-” na May Pahilis 42 10.5 Dagdag na Gamit ng Pakupya 42 10.6 Tuldik Patuldok 43 10.7 Kung Hahanapin sa Computer 43 11 Mga Wastong Gamit ng Gitling 44 11.1 Sa Inuulit na Salita 45 11.2 Sa Isahang Pantig na Tunog 46 11.3 Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig 46 11.4 Sa Pinabigat na Pantig 47 11.5 Sa Bagong Tambalan 47 11.6 Iwasan ang “Bigyan-” 47 11.7 Tambalan ang “Punongkahoy” 47 11.8 Sa Pasulat na Oras 48 11.9 Sa Kasunod ng “De” 48 11.10 Sa Kasunod ng “Di” 48 11.11 Sa Apelyido 48 11.12 Sa Pagsaklaw ng Panahon 49 12 Mga Bantas 50 12.1 TULDOK 51 12.2 Sa Pagpapaikli 51 12.3 Paglilista o Enumerasyon 52 12.4 Sa Agham at Matematika 53 12.5 Relasyon sa Iba pang Bantas 53 12.6 Sa Sanggunian 55 12.7 Sa Sangguniang Online 55 12.8 Sa Diksiyonaryo 55 12.9 Gituldok: Espesyal na Uri ng Tuldok 55 12.10 KUWIT 56 12.11 Sa mga Serye 56 12.12 Pambukod ng mga Idea 56 12.13 Pambukod ng mga Detalye 56 12.14 Pansamantalang Pagtigil 57 12.15 Sa Pagsipi 57 12.16 Matapos ang Pang-abay at Pangatnig 58 12.17 Bilang Pamalit sa Detalye 58 12.18 Sa mga Liham 58 12.19 Sa Diksiyonaryo 58 12.20 TANDANG PANANONG 59 12.21 Relasyon sa Ibang Bantas 59 12.22 Mga Tuwiran at Di-tuwirang Tanong 59 12.23 TANDANG PADAMDAM 59 12.24 Relasyon sa Ibang Bantas 60 12.25 Iwasan ang Doble o Higit pang Padamdam 60 12.26 TULDOK-KUWIT 60 12.27 Sa mga Komplikadong Serye sa Pangungusap 60 12.28 Bago ang mga Pang-abay 61 12.29 Sa Paghihiwalay ng mga Detalye 61 12.30 Relasyon sa Ibang Bantas 61 12.31 TUTULDOK 62 12.32 Sa Pagsipi 62 12.33 Sa Paglilista 62 12.34 Sa Oras at Kabanata ng Bibliya 63 12.35 Sa Sanggunian 63 12.36 Sa mga Bahagi ng Liham 64 12.37 Treyser 64 12.38 Iskrip 65 12.39 PANIPI 65 12.40 GITLING 65 12.41 Paghihiwalay ng Numero 65 12.42 Pagbabaybay 66 12.43 Pananda ng Panlapi 66 12.44 Senyas ng Naputol na Salita 66 12.45 GATLANG EN 66 12.46 GATLANG EM 67 12.47 Sa Pagsulat ng Diyalogo 67 12.48 Gatlang 3 em sa Sanggunian 67 12.49 PANAKLONG 67 12.50 Para sa Paglilinaw 68 12.51 Sa Sanggunian 68 12.52 KUDLÍT 68 12.53 Hindi Dapat Pagdikitin 68 12.54 PANAKLAW 69 12.55 Sa Agham at Matematika 69 12.56 PAHILÍG 70 12.57 Saklaw ng Panahon 70 12.58 Pagsulat ng Petsa 70 12.59 Representasyon ng kada at bawat 71 12.60 Sa Agham at Matematika 71 12.61 Sa Pagsipi ng Tula 71 12.62 Sa URL ng Website 72 12.63 ELIPSIS 72 12.64 Apat na Tuldok 72 12.65 Sa Pagsipi ng Tula 73 12.66 Mahigit Isang Bantas 73 12.67 Isang Font sa mga Bantas 73 12.68 YUNIKOWD NG BANTAS 74 13 Mga Bílang 75 13.1 Numeral na Pabaybay 76 13.2 Alternatibong Tuntunin 76 13.3 Malaking Bílang at Halaga 76 13.4 Pangungusap na Nagsisimula sa Numero 77 13.5 Mga Ordinal 78 13.6 Konsistensi at Pleksibilidad sa Gamit 78 13.7 Mga Kantidad na Pisikal 78 13.8 Mga Praksiyon 79 13.9 Praksiyong Desimal at Paggamit ng Zero 79 13.10 Salapî 80 13.11 Mga Bahagi ng Aklat 80 13.12 Mga Bahagi ng Peryodikal 81 13.13 Mga Bahagi ng Legal na Dokumento 81 13.14 Taón sa Petsa 81 13.15 Kompletong Petsa 81 13.16 Siglo at Dekada 82 13.17 Mahabàng Panahon 82 13.18 Petsang Numero Lahat 83 13.19 Sistemang IOS 83 13.20 Oras 83 13.21 Oras Militar 83 13.22 Pangalang May Kasámang Bílang 83 13.23 Bílang ng Serye 84 13.24 Adres 84 13.25 Bantas sa Pagsulat na Numeral 84 13.26 Bílang Romano 86 14 Mga Pangalan at Katawagan 87 14.1 Pangngalang Pantangi 88 14.2 Pangalan ng Tao 88 14.3 Opisyal na Pangalan at Pamagat 89 14.4 Pangalan ng Organisasyon 89 14.5 Palayaw o Bansag 90 14.6 Nasyonalidad at Pangkating Etniko 91 14.7 Pangalang Heograpiko 91 14.8 Mga Pista’t Pagdiriwang Pangkasaysayan 92 14.9 Mga Konseptong Akademiko 92 14.10 Mga Dokumento at Pamagat ng Likhang Sining 93 14.11 Mga Pangalang Meteorolohiko 93 14.12 Mga Tatak ng Produkto 94 14.13 Mga Pangalan ng Sasakyan 94 14.14 Di-karaniwang Baybay ng Pangalan 94 14.15 PANGNGALANG PAMBALANA 95 14.16 Katawagang Pampamilya 95 14.17 Espesyal na Gamit ng Pangalang Pambalana 95 14.18 ITALIKO O ROMANO? 96 14.19 Pamagat ng Kaso 96 14.20 Pangalang Siyentipiko 96 14.21 Gene at Enzyme 97 14.22 Pangalan ng Sakít 97 14.23 Pamagat ng Malikhaing Gawain 97 14.24 PANGNGALANG TAMBALAN AT MAY GITLING 98 15 Daglat, Inisyals, at Akronim 100 15.1 Pangalan ng Tao 101 15.2 Igalang ang Panggitnang Inisyals 101 15.3 Panatilihin ang mga Unang Inisyals 101 15.4 Titulo o Katungkulan 102 15.5 Ekstensiyon sa Pangalan 102 15.6 Pangalan ng Banal 102 15.7 Daglat na Alyas 103 15.8 PANGALAN NG KAPISANAN 103 15.9 Daglat na Org at Korp 103 15.10 KATAWAGANG TEKNIKAL AT SIYENTIPIKO 104 15.11 Daglat mulang Latin 104 15.12 Daglat sa Kemikal 105 15.13 Daglat sa Oras 105 15.14 Daglat sa Araw at Buwan 106 16 Sipi at Panipi 107 16.1 PARAAN NG PAGSIPI 108 16.2 Mahabà o Maikling Sipi 109 16.3 Sundin ang Orihinal 109 16.4 Hindi Tuwirang Pagsipi 110 16.5 Malaki o Maliit na Titik 110 16.6 Pagsipi sa Batas 111 16.7 Kapag Mahigit Isang Talata 111 16.8 Pagsipi sa Liham 111 16.9 Bantas bago ang Sipi 112 16.10 Bantas sa Dulo ng Sipi 113 16.11 ESPESYAL NA GAMIT NG PANIPI 113 16.12 Himig na Mapang-uyam 114 16.13 ISAHANG PANIPI 114 16.14 Magkasunod na Isahan at Dalawahan 114 16.15 Kapag may Ikatlong Sipi 114 16.16 SIPI NA WALANG PANIPI 115 16.17 Sipi sa Karunungang-Bayan 115 16.18 USAPAN AT DIYALOGO 115 16.19 Usapan sa Dula 115 16.20 Gatlang em sa Usapan 115 17 Dokumentasyon 116 17.1 TALA AT TALABABA 117 17.2 Wastong Pagkakasunod 117 17.3 Pangalan ng May-akda 118 17.4 Sa Anonimong Awtor 118 17.5 Sa Alyas 118 17.6 Sa Dalawa o Higit pang Awtor 119 17.7 Sa Publikasyong Salin o Inedit 119 17.8 Sa Pagsulat ng Pamagat 120 17.9 Mga Banal na Kasulatan 120 17.10 Sa Mahabàng Akda 120 17.11 Sa mga Serye 120 17.12 Mga Edisyon ng Aklat 121 17.13 Publikasyong may Tomo 121 17.14 Panaklong sa Detalye ng Pagkakalathala 121 17.15 Walang Lathalaan at Walang Petsa 121 17.16 Panatilihin ang Baybay at Bantas 121 17.17 Sa Pagsulat ng Pahina 122 17.18 Mga Espesyal na Materyales 122 17.19 Mga Dokumentong Pampubliko 122 17.20 Usapin sa Husgado 122 17.21 Tesis at Disertasyon 123 17.22 Liham, Talumpati, Interbiyu 123 17.23 Mga Sekundaryong Sanggunian 123 17.24 Ibid., loc. cit., op. cit. 124 17.25 Ibid. sa Magkasunod na Banggit 124 17.26 Ibid. sa Iisang Awtor, Sanggunian 124 ngunit Magkaibang Artikulo 17.27 Op. cit. sa Iisang Akda, ibang Pahina 124 17.28 Loc. cit. 125 17.29 Para sa Pagpapaliwanag 125 17.30 Mahabàng Talababa 126 17.31 SANGGUNIAN 126 17.32 Wastong Pagkakasunod 126 17.33 Publikasyong Isa ang Awtor 126 17.34 Dalawa o Higit pang Awtor 127 17.35 Anonimo ang Awtor 127 17.36 Pagsulat ng Pamagat 128 17.37 Kung may Pangalawang Pamagat 128 17.38 Pamagat sa Loob ng Pamagat 129 17.39 Edisyon 129 17.40 Tomo 129 17.41 Lathalaan at Petsa 129 17.42 SANGGUNIANG ELEKTRONIKO 130 17.43 Mga Sangguniang Mula sa Websites 131 17.44 Pangalan ng awtor sa mga sangguniang elektroniko 131 17.45 Pamagat ng artikulo 131 17.46 Pangalan ng pahina at petsa ng pagkakalathala 131 17.47 URL 131 17.48 Mga Materyales na Audiovisual 132 Apendise 133 Pagmamarka ng Pruweba 134 Mga Simbolong Ginagamit sa Pagbasa ng Pruweba 136 Aplikasyon ng mga Simbolo 137 1 ILANG PALIWANAG ni Virgilio S. Almario N OON PANG SULATIN ko ang Patnubay sa Masinop na Pagsulat (1981) ay sinabi kong kailangan ang ganitong manwal upang mabigyan ng patnubay ang mga guro, estudyante, at sinumang nagnanais sumulat sa wikang Filipino. Nilalaman ng ganitong patnubay ang mga batas at tuntunin sa paggamit ng wika na mula sa matagal nang paggamit ng wika ng sambayanan at ng mahuhusay na manunulat. Ngunit unang-unang dapat linawin na patnubay ito sa masinop at maingat na pagsulat; hindi sa malikhain at magandang pagsulat. Bagaman marami sa mga tuntunin dito ang maaaring gamitin sa pagkatha o pagtula—lalò na upang mapatnubayan ang mga manunulat na oo nga’t malikhain ngunit burara sa ispeling at gramatika—ang higit na layunin sa pagtitipon ng mga tuntunin sa aklat na ito ay ituro ang mga pamantayan para sa higit na mabilis na komunikasyon. Ang ibig sabihin, para matiyak na ang isang sulatin ay maiintindihan ng target na mambabasá. Wika ko nga noong 1981: “Kung ang magandang pagsulat ay may kaugnayan sa pag-imbento ng higit na mahusay na modelo ng kotse, ang masinop na pagsulat ay may kaugnayan lámang sa wastong pagmamaneho ng kotse.” Tulad ng kotse ang wika. Tulad ng wika, hindi basta nagagamit ang kotse. Kailangang maalam ang tsuper sa pagpapaandar ng makina. Kailangang alam niya ang mga bahagi ng kotseng ginagamit sa pagmamaneho. Kailangang alam niya ang mga batas sa pagmamaneho upang hindi mabangga, makasagasa, o maaksidente. At idadagdag ko pa ngayon, upang hindi mahúli ng pulis (o editor?) dahil sa malaki man o munting paglabag sa batas trapiko. Ibinatay ang mga panuntunan sa librong ito sa nakamihasnan at sa mga nagbabagong kahingian ng praktikal na paggamit ng wika. Ang ibig sabihin, sa isang bandá, kinikilála ng librong ito ang mga tradisyonal na tuntunin sa pagsulat—mga tuntuning natipon mula sa mahabà na rin namang kasaysayan ng nakasulat na panitikan sa Filipinas. Ngunit kalakip nitó ang pag-unawa sa naganap na ring mga pagbabago at reporma bunga ng pinagdaanang ebolusyon ng wikang Filipino. Bukod pa, at sa kabilâng bandá, ang pagtanggap bílang bagong tuntunin sa makabuluhang mga eksperimento na nagaganap sa paligid sa kasalukuyan. Ang gatlang en ay tiyak na ikapapanibago ng mga nasanay sa gitling at pagsulat sa pamamagitan ng makinilya. Tiyak namang maraming bago ang kasalukuyang pagsusulat online. Ang problema, maraming abogadilyo sa paligid ang gumagamit sa “nakamihasnan” para sumalungat sa anumang pagbabago, lalò na’t makabuluhang pagbabago. Wika pa nilá, at sinisipi ang kasabihang Ingles, “Bakit aayusin ang hindi naman sirâ?” Ngunit dapat niláng maunawaan na nagbabago ang panahon at kasabay na nagbabago ang wika. Noon pa halimbawang panahon ng La Solidaridad ay ipinanukala ni Rizal ang ilang reporma sa ispeling upang makalaya sa mga “paraang Espanyol” na hindi angkop sa wikang Tagalog. Halimbawa’y ang paggamit ng K o S para sa tunog na kinakatawan noon ng C at ng paggamit ng AW para sa diptonggong AO sa dulo ng salita. Ngunit hanggang nitóng 2011, 2 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Introduksiyon sa Ortograpiyang Pambansa PAGSULYAP SA KASAYSAYAN BILANG PANIMULA ni Virgilio S. Almario A ng gabay sa ortograpiya o palatitikan ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling. Ninanais palaganapin sa gabay na ito ang estandardisadong mga grafema o pasulat na mga simbolo at ang mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito. Itinatanghal din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog bunga ng modernisadong alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa. Hindi ninanais na maging pangwakas na mga tuntunin ang nilalaman ng gabay na ito. Wika nga noon pang 1906 ni Ferdinand de Saussure hábang binubuo ang mga pangkalahatang simulain sa lingguwistika, mahirap mahúli ang bigkas ng isang “buháy na wika.” At isang malusog at umuunlad na wika ang Filipino. Wika pa niya, “Ang bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng kasaysayan nitó.” Walâng alpabeto ng alinmang wika sa mundo na perpekto ngunit bawat pagkilos tungo sa estandardisadong ispeling ay isang pagsisikap na makatulong tungo sa higit na mabisàng pag-agapay ng pagsulat sa wikang pabigkas. Higit na mapahahalagahan ang bawat tuntuning ortograpiko sa gabay na ito kapag sinipat mula sa pinagdaanang kasaysayan nitó kalakip ang paniwala na patuloy itong magbabago samantalang umuunlad ang pangangailangan ng madlang gumagamit ng wikang Filipino. Mulang Baybáyin Hanggang Abakada Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin mula sa sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybáyin. Sa ulat ng mga misyonerong Espanyol, nadatnan niláng 100 porsiyentong letrado ang mga Tagalog at marunong sumulat at bumása sa baybáyin ang matanda’t kabataan, laláki man o babae. Dahil sa pangyayaring ito, kailangan niláng ilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang Doctrina Christiana (1593), nang may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano sa paraang baybáyin. Sa gayon, ang libro ay binubuo ng mga tekstong Espanyol at may salin sa Tagalog, nakalimbag ang tekstong Espanyol at Tagalog sa alpabetong Romano ngunit inilimbag din ang tekstong salin sa baybáyin. Nakahudyat na rin sa libro ang isinagawang Romanisasyon ng palatitikang Filipino sa buong panahon ng kolonyalismong Espanyol. PAGSULYAP SA KASAYSAYAN 3 Ang baybáyin ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig. Ang mga simbolong kumakatawan sa mga letra ay gaya ng sumusunod: Noong nakadestiyero si Jose Rizal sa Dapitan, sinulat niya ang Estudios sobre la lengua tagala na nalathala noong 1899. Kasáma sa mga panukala niyang reporma sa ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig. Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang sulatin ang Balarila (nalathala, 1940). Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybáyin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino. Nakahanay ang mga ito sa sumusunod na paraan: A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y. Sa pagbása ng mga titik, ang mga katinig ay binibigkas nang may kasámang patinig na A, gaya ng sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/, /I/, /La/, /Ma/, /Na/, /Nga/, /O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/. Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay mahahalatang bunga ng matagal na panahon ng pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng wikang Espanyol. Sa aklat ni Tomas Pinpin, ang Librong pagaaralan nang manga tagalog nang uicang Caftilla (1610), masikap niyang ipinaliwanag na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilála sa magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispeling ngunit nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik. Halimbawa, iba ang pesa (timbang) sa pisa (dapurakin); iba ang rota (pagkatalo) sa ruta (direksiyon ng pasada). 4 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Sa kabilâ ng pangyayaring lubhang naimpluwensiyahan ng wikang Espanyol ang mga wikang katutubo sa Filipinas, hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño, Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga tunog sa mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga naging palasak na salitang Espanyol. HIRAM NA TITIK SALITANG BAYBAY TITIK TAGALOG ESPANYOL TAGALOG C k- calesa kalesa s- cine sine CH ts- cheque tseke s- chinelas sinelas F p- fiesta pista J h- jota hota LL ly- billar bilyar y- caballo kabayo Ñ ny- baño banyo Q k- queso keso RR r- barricada barikada V b- ventana bintana X ks- experimento eksperimento s- xilofono silopono Z s- zapatos sapatos Ang iba pang gabay sa pagsulat, gaya ng kung paano gamitin ang ng at nang, kung kailan nagiging R ang D, o kung bakit nagiging U ang O sa dulo ng salita kapag inulit, ay hinango sa mga tuntunin mula sa Balarila ni Lope K. Santos. Ang makabuluhang mga tuntunin ay tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinamagatan itong Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat (walang petsa) na inihanda ni Bienvenido V. Reyes sa isang hiwalay at nakamimeograp na polyeto at naging gabay ng mga guro, manunulat, at editor. Bagong Alpabetong Filipino Naramdaman ang pangangailangan sa radikal na reoryentasyon ng pagpapaunlad sa Wikang Pambansa noong pumapasok ang dekada 70. Hindi sapat ang pagpapangalan sa Wikang Pambansa na “Pilipino” noong 1959 sa bisà ng isang kautusang pangkagawaran ni Kalihim Jose Romero. Noong 1965, inusig ni Kongresista Inocencio Ferrer ang Surian at ibang ahensiya ng pamahalaan dahil sa diumano’y pagpapalaganap ng isang “puristang Tagalog” bílang Wikang Pambansa. Noong 1969, isang pangkating pangwika, ang Madyaas Pro-Hiligaynon Society, ang nagpetisyon sa hukuman na pigilin ang gawain ng Surian. PAGSULYAP SA KASAYSAYAN 5 Bagaman hindi nagwagi ang mga naturang pagkilos, naging hudyat ito para muling suriin ang konsepto ng Wikang Pambansa. Sa Konstitusyong 1973, tinawag na “Filipino” ang Wikang Pambansa. Sinundan ito ng isang bagong gabay sa ortograpiya na nabuo noong 1976 at nalathala sa anyong mimeograp noong 1977 sa pamagat na Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino. Isa sa nilalaman nitó ang pagbago sa abakada na naging tatlumpu’t isa (31) ang mga titik sa pamamagitan ng dagdag na labing-isang (11) titik na napagkasunduan sa isang serye ng mga simposyum noong 1976 at ikalawa ang lumang Patnubay na Sinusunod sa Pagwawasto ng mga Aklat Babasahin na noon pang dekada 60 ginagamit. Dahil sa dami ng mga titik ng bagong alpabeto ay tinawag itong “pinagyamang alpabeto”; ngunit sinundan ng mga puna na lubhang pinarami ito kaysa kailangang mga bagong titik. Muling sinuri ang alpabeto, binawasan ng mga bagong titik, at noong 1987 ay nalathalang dalawampu’t walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa. Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z. Pinalaganap din ang isang “modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B / bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, Ñ /enye/, NG /endyi/, O /o/, P /pi/, Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Ngunit hindi nasagot ng 1987 gabay ang ilang sigalot, lalò na ang hinggil sa kaso ng kambal-patinig o diptonggo, na lumitaw mula pa sa 1977 gabay. Samantala, muling pinagtibay ng Konstitusyong 1987 ang Filipino bílang Wikang Pambansa, gaya sa tadhanang: Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika. (Art. XIV, sek. 6) Kaugnay nitó, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1991 mula sa binuwag na Linangan. Ito ang nagpalabas ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na sa halip magpahupa ay lalòng nagpaalab sa mga alingasngas sa ispeling. Sinikap mamagitan ng Pambansang Lupon sa Wika at Salin, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pagdaraos ng isang serye ng forum noong 13 Agosto 2005, 3 Marso 2006, at 21 Abril 2006. Maraming napagkasunduang pagbabago sa naturang serye ng pag-uusap ng mga guro, eksperto, manunulat, at editor. Naging patnubay ang mga ito sa muling pagsasaayos ng inilathalang Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (2004 at nirebisa noong 2008) ng Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, Unibersidad ng Pilipinas gayundin sa rebisyon ng mga patnubay pangmanunulat na gaya ng Filipino ng mga Filipino (ikalawa at binagong edisyon, 2009) ng Anvil Publishing. Naglathala ang KWF ng bagong gabay noong 2009 na may ikaapat na edisyon nitóng 2012. Mapapansin sa gabay ang pagsisikap nitóng pulutin ang mga simulain mula 6 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT sa resulta ng mga forum ng NCCA gayundin ang nagbabagong tindig ng KWF mula sa unang edisyong 2009 hanggang pinakahulíng edisyong 2012. Dahil dito, minarapat ng bagong pamunuan ng KWF na muling magdaos ng tatlong araw na pambansang forum sa ortograpiya nitóng 11–13 Marso 2013. Sa pangangasiwa ni Dr. Galileo S. Zafra bílang convenor, sinikap pagtibayin ng forum ang mga tuntuning napagkasunduan na sa serye ng forum ng NCCA noong 2005–2006, bukod sa hinarap ang ibang problema kaugnay ng pagpapabilis sa pagsasanib ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Sinimulan ding talakayin sa 2013 forum ang mga problema sa panghihiram mulang Ingles bagaman hindi nabigyan ng karampatang pagpapasiya dahil kinapos sa oras. Sa gayon, nanatili ang napagkasunduang paraan ng panghihiram mulang Ingles sa 2005–2006 forum. Nakabatay ang kasalukuyang gabay na ito sa mga resulta ng pag-uusap sa 2013 forum at sa iba pang umiiral nang kalakaran. Isang magandang hakbang sa 2013 forum ang isinagawang paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Filipino bago tinalakay ang mga isyung kontrobersiyal. Sa tanglaw ng kasaysayan, may masisinag nang “tradisyon” o aktuwal na kasaysayan ng praktika sa ispeling ang wikang Filipino—mula sa eksperimental na paggamit ng alpabetong Romano ng mga misyonerong Espanyol hanggang sa makabuluhang mungkahi ni Rizal na paggamit ng K at W upang mabawasan ang problema ng lubhang pa-Espanyol na baybay sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, mula sa abakada noong 1940 hanggang sa modernisasyon ng alpabeto mulang 1987—na nagsisikap ilapat ang pagsulat sa bigkas ng mga mamamayan. Ang “tradisyong” ito ang hindi napapansin sa lubhang ngangayunin lámang na pagtitig sa wika. Samantala, may lumilitaw namang pagbago sa ilang tuntuning pinalaganap ng Balarila na maaaring ituring na batay lámang sa dila ng mga Tagalog at kailangang “paluwagin” upang maisaalang-alang ang mga layuning “pambansa” at “makabansa” ng wikang Filipino. May mga lumang tuntunin na ipinasiyang manatili ngunit may itinuring nang opsiyonal o hindi na nais pairalin bílang tuntunin. May nadagdag na sangkap sa pagsulat dahil sa dibdibang pagsasaalang-alang sa ibang katutubong wika ng Filipinas. Isang radikal na halimbawa ang pinagtibay na dagdag na tuldik na pansamantalang tatawaging patuldók, isang tuldik na kahawig ng umlaut at dieresis ( ¨ ), at kakatawan sa tunog na schwa na matatagpuan sa Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, at mga wika sa Cordillera. Anupa’t nakatuon ang talakay ng kasalukuyang gabay na ito hinggil sa paglilinaw ng mga lumang kontrobersiyal na kaso at sa pagpapanukala ng mga kabaguhang dulot ng pambansang pagpapalawak sa kabuluhan ng ortograpiya mula sa lumang saligan ng abakadang Tagalog. Upang luminaw, natalakay sa 2013 forum ang sumusunod na mithing katangian ng ortograpiyang Filipino: (1) Ang pagbuo ng panuto ay kailangang patnubayan ng matiyagang paglingon sa kasaysayan upang masipat ang anumang tradisyon ng nagdaang paraan ng pagsulat sa wika, PAGSULYAP SA KASAYSAYAN 7 mula sa panahon ng baybáyin, sa panahon ng pagpapalaganap sa alpabetong Romano, sa panahon ng abakada, at hanggang sa paggamit ng modernisadong alpabetong Filipino. (2) Kailangang ibatay ito sa mataas na modelo ng paggamit ng wika. Tinutukoy nitó ang dagdag na pagsuri sa nakasulat na panitikan upang paghugutan ng mga panutong ortograpiko bukod sa pagmamatyag sa nagaganap na pagbabago sa wikang pabigkas. Mahigpit ding kaugnay ito ng katatalakay na mithing hanguin ang tuntuning ortograpiko mula sa karanasang pangkasaysayan. (3) Kailangang episyente ang ortograpiya o kailangang nakatutugon ito sa mga pangangailangan sa pagsulat. Ang pagdaragdag ng mga titik para sa modernisadong alpabeto ay isang maliwanag na pag-angkop ng wikang Filipino sa mga gawaing hindi na káyang tupdin ng lumang abakada. (4) Kailangang pleksible ang ortograpiya upang magampanan ang lumalawak (pambansa) na gamit ng wikang Filipino. Masisinag sa kasalukuyang gabay ang pagsisikap na ipaloob ang ibang katangian ng mga wikang katutubo na walâ sa batayang korpus (ang Tagalog) ng abakada. (5) Kailangang madalî itong gamitin. Ang bagay na ito ang maipagmamalaki ng baybáyin at abakada. Gayunman, sa kabilâ ng pumasok na salimuot mula sa mga tunog ng modernisadong alpabeto ay maipagmamalaki pa rin na madalîng ituro (lalò na sa paaralan) at palaganapin ang kasalukuyang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino. Noong 1890 ay naipahayag na ni Rizal sa kaniyang panukalang reporma sa ortograpiyang Tagalog na kailangan itong “maging agpang sa diwa ng ating wika at ng mga kapatid na wika nitó” at higit sa lahat, para “mapagaan ang pag-aaral nitó.” Ang ibig sabihin, lumilikha ng mga tuntunin ang estandardisasyon tungo sa higit na mabisàng pagtuturo ng pagsulat. Ang ibig sabihin pa, para sa atin ngayon, inaalis ng mga tuntunin ang hindi kailangang lumang tuntunin at hindi kailangang baryasyon para higit na madalîng gamitin ang ortograpiya. Sa kabilâ ng lahat, hindi pa ito ang wakas. Sa 2013 forum, pinagtibay din ang pagpapalabas ng isang alpabetong ponetiko upang makapatnubay pa sa paggamit ng wika. Abangan ang susunod na kabanata sa pagsúlong ng wikang Filipino bílang isang wikang pambansa at pandaigdig. Ferndale Homes 17 Abril 2013 1 GRAFEMA GRAFEMA 9 Pangunahing tungkulin ng ortograpiya ang paglalapat ng grafema sa pahayag na pasalita at bigkas. Tinatawag na graféma ang isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat. Ang mga grafema sa praktika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo ng tinatawag na mga titik at mga di-titik. 1.1 Titik. Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante). Ang serye ng mga titik o letra ay tinatawag na alpabéto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mga titik sa tunog-Ingles maliban sa Ñ. Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg ey bi si di i ef dyi Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn eyts ay dyey key el em en Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss enye en dyi o pi kyu ar es Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz ti yu vi dobolyu eks way zi 1.2 Di-titik. Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing ang tuldik na simbolo para sa impit na tunog o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas. Sa abakadang Tagalog, tatlo ang pinalaganap nang tuldik: (1) ang tuldik na pahilís (´) na sumisimbolo sa diin at/o habà, (2) ang tuldik na paiwà (`), at (3) ang tuldik na pakupyâ (^) na sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag ang ikaapat, ang tuldik na patuldók, kahawig ng umlaut at dieresis ( ¨ ) upang kumatawan sa tunog na tinatawag na schwa sa lingguwistika. Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap. Mga karaniwang bantas ang kuwít (,), tuldók (.), pananóng (?), padamdám (!), tuldók-kuwít (;), tutuldók (:), kudlít (’), at gitlíng (-). Tingnan ang seksiyong 12 para sa pagtalakay ng mga bantas. PANTIG 2 AT PALAPANTIGAN PANTIG AT PALAPANTIGAN 11 Ang pantíg o sílabá ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal- patinig at isa o mahigit pang katinig. Bawat patinig (a/e/i/o/u) ay isang pantig; samantala, kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig. Dagdag pa, may isa lámang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig. 2.1 Kayarian ng Pantig. Alinsunod sa sinundang paliwanag, ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig. Sumusunod ang mga kayarian ng pantig sa pasulat na simbolo at kinakatawan ng P ang patinig at ng K ang katinig: Kayarian Halimbawang Salita P a a KP bi be PK ok ok KPK pat pat, fag fag to KKP pla pla PKK arm, urn KPKK dorm, form KKPK plan, tram, fak ghet KKPKK tsart KKPKKK shorts Pansinin na ang mga itinanghal na kayarian ng pantig ay nakabatay sa paraan ng pagsulat sa kasalukuyan at hindi sa posibleng tunog sa isang pantig. Sa gayon, hindi nitó nailalarawan ang pagkakaroon ng kambal-patinig sa pantig dahil sa kasalukuyang tuntunin sa pagsulat ng pantig na may kambal-patinig (tingnan ang seksiyong 5). Pansinin din na ang mga pantig na may dalawa o mahigit pang katinig ay malimit na taglay ng salitang hiniram mula sa Espanyol o Ingles. 2.2 Pagpapantig ng mga Salita. Ang pagpapantig ay paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito. Nakabatay ito sa grafema o nakasulat na mga simbolo. Halimbawa, /u be/ (ube), /ba hay/ (bahay). Narito ang ilang tuntunin: Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyong pang-una, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig. Halimbawa: /a ak yat/ (aakyat), /a la a la/ (alaala), / to to o/ (totoo). Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at ang ikalawa 12 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT ay isinasáma sa kasunod na pantig. Halimbawa: /ak lat/ (aklat), /es pes yal/ (espesyal), /pan sit/ (pansit), /os pi tal/ (ospital). Nasasaklaw nitó pati ang mga digrapo, gaya sa /kut son/ (kutson), /sit sa ron/ (sitsaron), /tit ser/ (titser). Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /eks per to/ (eksperto), /trans fer/ (transfer), /ins pi ras yon/ (inspirasyon). Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay isinasáma sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. Halimbawa: /a sam ble a/ (asamblea), /tim bre/ (timbre), /si lin dro/ (silindro), /tem plo/ (templo), /sen tro/ (sentro). Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod na pantig. Halimbawa, /eks plo si bo/ (eksplosibo), /trans plant/ (transplant). 2.3 Pantig na Inuulit. Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /a ak yat/ (aakyat), /i i big/ (iibig), /u u bu hin/ (uubuhin). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita. Halimbawa: /ma a ak yat/ (maaakyat), /u mi i big/ (umiibig), /u mu u bo/ (umuubo). Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang inuulit. Halimbawa: /la la kad/ (lalakad), /ba ba lik/ (babalik). Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat. Halimbawa: /mag la la kad/ (maglalakad), /pag ba ba lik/ (pagbabalik). Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang unang katinig at patinig lámang ang inuulit. Halimbawa: /i pa pla no/ (ipaplano), /mag ta trans port/ (magtatransport), /pi pri tu hin/ (piprituhin). Nagaganap ito kahit sa kaso ng hindi pa nakareispel na salitang banyaga. Halimbawa: / mag be-blessing/, /i pa ko-close/, /i se-share/. Gayunman, maaaring ituring na varyant ang pag-uulit ng dalawang katinig at patinig, gaya sa /i pla pla no/, /mag ble-blessing/. PAGBAYBAY 3 NA PASALITA 14 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp. 3.1 Pantig Pagsulat Pagbigkas to /ti-o/ pag /pi-ey-dyi/ kon /key-o-en/ trans /ti-ar-ey-en-es/ 3.2 Salita Pagsulat Pagbigkas bayan /bi-ey-way-ey-en/ plano /pi-el-ey-en-o/ Fajardo /kapital ef-ey-dyey-ey-ar-di-o/ jihad /dyey-ay-eyts-ey-di/ 3.3 Akronim MERALCO (Manila Electric Company) /kapital em- kapital i- kapital ar- kapital ey- kapital el- kapital si- kapital o/ CAR (Cordillera Administrative Region) /kapital si- kapital ey- kapital ar/ ASEAN (Association of Southeast Asian /kapital ey- kapital es- kapital i- kapital ey- Nations) kapital en/ AIDS (Acquired Immune Deficiency Syn- /kapital ey- kapital ay- kapital di- kapital es/ drome) EDSA (Epifanio de los Santos Avenue) /kapital i- kapital di- kapital es- kapital ey/ PAGASA (Philippine Atmospheric, /kapital pi- kapital ey- kapital dyi- kapital ey- Geophysical, and Astronomical Services kapital es- kapital ey/ Administration) Pag-IBIG (Pagtutulungan: Ikaw, Bangko, /kapital pi-ey-dyi-gitling- kapital ay- kapital Industriya, at Gobyerno) bi- kapital ay- kapital dyi/ PAGBAYBAY NA PASALITA 15 3.4 Daglat Bb. (Binibini) /kapital bi-bi tuldok/ G. (Ginoo) /kapital dyi tuldok/ Gng. (Ginang) /kapital dyi-en-dyi tuldok/ Kgg. (Kagálang-gálang) /kapital key-dyi-dyi tuldok/ Dr. (Doktor) /kapital di-ar tuldok/ atbp (at iba pa) /ey-ti-bi-pi/ 3.5 Inisyals 3.5.1.Mga Tao/ Bagay MLQ (Manuel L.Quezon) /kapital em- kapital el- kapital kyu/ LKS (Lope K. Santos) /kapital el- kapital key- kapital es/ AGA (Alejandro G. Abadilla) /kapital ey- kapital dyi- kapital ey/ TKO (Technical Knockout) /kapital ti- kapital key- kapital o/ CPU (Central Processing Unit) /kapital si- kapital pi- kapital yu/ DOA (Dead on Arrival) /kapital di- kapital o- kapital ey/ 3.5.2 Mga Samahan/ Institusyon/ Pook KKK (Kataas-taasang Kagalang- /kapital key-kapital key-kapital key/ galangang Katipunan) BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) /kapital bi-kapital es-kapital pi/ KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) /kapital key-kapital dobolyu-kapital ef/ PLM (Pamantasan ng Lungsod ng /kapital pi-kapital el-kapital em/ Maynila) MSU (Mindanao State University) /kapital em-kapital es-kapital yu/ LRT (Light Railway Transit) /kapital el-kapital ar-kapital ti/ 3.6 Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika Fe (iron) /kapital ef-i/ lb. (pound) /el-bi tuldok/ kg. (kilogram) /key-dyi tuldok/ H2O (water) /kapital eyts-tu-kapital o/ NaCl (sodium) /kapital en-ey-kapital si-el/ PAGBAYBAY 4 NA PASULAT PAGBAYBAY NA PASULAT 17 Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyáng sulat” sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa mga na isang pagpapaikli sa lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit noon hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling ng at ang mahabàng nang, isang tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na mahabàng “nang” lagi ang isinusulat. 4.1 Gamit ng Walong Bagong Titik. Isang radikal na pagbabago sa pagbaybay na pasulat ang paggamit ng walong (8) dagdag na titik sa modernisadong alpabeto: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas. Ang mga titik na F, J, V, at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Hindi tulad noong panahon ng abakada na ang “Ifugaw” ay isinusulat na “Ipugaw” o ang “Ivatan” ay isinusulat na “Ibatan.” Narito pa ang ilang halimbawa: alifuffug (Itawes) ipuipo safot (Ibaloy) sapot ng gagamba falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may nakaipit na dahon sa ihipan feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo jambangán (Tausug) halaman masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa gusaling sambahan ng mga Muslim julúp (Tausug) masamang ugali avid (Ivatan) ganda vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw kuvat (Ibaloy) digma vuyu (Ibanag) bulalakaw vulan (Itawes) buwan kazzing (Itawes) kambing zigattu (Ibanag) silangan 4.2 Bagong Hiram na Salita. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang pórma pati ang mga deribatibo nitóng pormál, impormál, pormalísmo, pormalidád, depormidád, atbp. Hindi rin dapat ibalik ang pírma sa firma, ang bintanà sa ventana, ang kálye sa calle, ang tséke sa cheque, ang pinyá sa piña, ang hamón sa jamon, ang eksisténsiyá sa existencia, ang sapátos sa zapatos. 18 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT 4.3 Lumang Salitang Espanyol. Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa bakasyón (vacacion), kabáyo (caballo), kandilà (candela), puwérsa (fuerza), letsón (lechon), lisénsiyá (licencia), sibúyas (cebolla+s), siláhis (celaje+s), sóna (zona), kómang (manco), kumustá (como esta), pórke (por que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol. 4.4 Di Binabagong Bagong Hiram. Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa dalawang binanggit na diksiyonaryo sa seksiyong 4.3. Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa, vertebrá, zígzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, lével (na hindi dapat bigkasing mabilis—“lebél”—gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Espanyol), énvoy, devélop, ziggúrat, zip. 4.5 Problema sa C, Ñ, Q, X. Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita na may mga titik C, Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang simulaing pangwika mula sa baybáyin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nitó sa unang titik ng coche (kótse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad (siyudád). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya sa dónya (doña), pinyá (piña), bányo (baño). Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.6, ginagamit lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at pang-agham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangngalang pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na késo (queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY bárbikyú (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ékstra (extra). 4.6 Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik. Sa kasalukuyan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa tatlong pagkakataón ng panghihiram mula sa mga wikang banyaga. Una, sa mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang PAGBAYBAY NA PASULAT 19 banyaga, halimbawa, Charles, Ceferino, Catherine, Colorado, Fidel, Feliza, San Fernando, Filipinas, Jason, Jennifer, St. Joseph, Jupiter, Beijing, Niñez, Montaño, Santo Niño, Enrique, Quiroga, Quirino, Vicente, Vladimir, Nueva Vizcaya, Vancouver, Xerxes, Maximo, Mexico, Zenaida, Zion, Zobel, Zanzibar. Ikalawa, sa mga katawagang siyentipiko at teknikal, halimbawa, “carbon dioxide,” “Albizia falcataria,” “jus sanguinis,” “quorum,” “quo warranto,” “valence,” “x-axis,” “oxygen,” “zeitgeist,” “zero,” “zygote.” Ikatlo, sa mga salita na mahirap dagliang ireispel, halimbawa, “cauliflower,” “flores de mayo,” “jaywalking,” “queen,” “quiz,” “mix,” “pizza,” “zebra.” 4.7 Eksperimento sa Ingles. Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga. Dapat madagdagan nang higit ang istámbay (stand by), iskúl (school), iskédyul (schedule), pulís (police), bóksing (boxing), risés (recess), bílding (building), gróserí (grocery), ánderpás (underpass), háywey (highway), trápik (traffic), grádweyt (graduate), kórni (corny), písbol (fishball), másinggán (machinegun), ármaláyt (armalite), bísnés (business), atbp. Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag- aaral dahil higit na madalî niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita. Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling. Ngunit tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag: (1) nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino, (2) nagiging higit pang mahirap basáhin ang bagong anyo kaysa orihinal, (3) nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan, (4) higit nang popular ang anyo sa orihinal, at (5) lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino. Halimbawa, bakâ walang bumili ng “Kok” (Coke) at mapagkamalan itong pinaikling tilaok ng manok. Matagal mag-iisip ang makabása ng “karbon day-oksayd” bago niya maikonekta ito sa sangkap ng hangin. Iba ang baguette ng mga Pranses sa ating kolokyal na “bagets.” Nawawala ang samyo ng bouquet sa nireispel na “bukey.” Nakasanayan nang basahin ang duty-free kayâ ipagtataká ang karatulang “dyuti-fri.” May datíng na pambatas ang habeas corpus kaysa isina-Filipinong “habyas korpus.” Bukod sa hindi agad makikilála ay nababawasan ang kabuluhang pangkultura ng feng shui kapag binaybay na “fung soy” samantalang mapagkakamalan pang gamit sa larong dáma ang pizza kapag isinulat na “pitsa.” Malinaw ding epekto ito ng lubhang pagkalantad ng paningin ng mga Filipino sa mga kasangkapang biswal (iskrin, karatula, bilbord) na nagtataglay ng mga salitang banyaga sa mga orihinal na anyong banyaga. 4.8 Espanyol Muna, Bago Ingles. Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mulang Espanyol, lalò’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod ang wikang Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles. Higit na magaang basáhin (at pantigin) ang estandardisasyón (estandardizacion) mulang Espanyol kaysa “istandardiseysiyon” (standardization) mulang Ingles, ang bagáhe (bagaje) kaysa “bageyds” (baggage), ang birtúd (virtud) kaysa “virtyu” (virtue), ang ísla (isla) kaysa 20 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT “ayland” (island), ang imáhen (imagen) kaysa “imeyds” (image), ang sopistikádo (sofisticado) kaysa “sofistikeyted” (sophisticated), ang gradwasyón (graduacion) kaysa “gradweysiyon” (graduation). 4.9 Ingat sa “Siyókoy.” Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyókoy ni Virgilio S. Almario, mga salitang hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang pananalita. Napansin ito nang iuso ni Rod Navarro sa programa niya sa radyo ang “konsernado,” na pagsasa-Espanyol niya ng Ingles na concerned. Pinuna ang artistang anawnser dahil “siyokoy” ang Espanyol. Ang tumpak na anyo nitó sa Espanyol ay konsernído (concernido). Ngunit marami siyáng katulad sa akademya at midya. Dahil kulang sa bantay-wika, dumami ang salitang siyokoy. Bagaman bago, mabilis kumakalat ang mga salitang siyokoy dahil pinalalaganap ng mga sikat na artista, brodkaster, manunulat, at akademista na limitado ang kaalaman sa wikang Espanyol. Ilang siyokoy ngayon ang “aspeto” na hindi ang Espanyol na aspecto; “imahe” na hindi ang wastong imahen (imagen), “pesante” na hindi ang tumpak na paisano ng Espanyol ni ang peasant ng Ingles; “kontemporaryo” na hindi ang kontémporaneó (contemporaneo) ng Espanyol; “endorso” na halatang naipagkakamali ang endorse ng Ingles sa endóso ng Espanyol. Ipinapayo ang pagkonsulta sa mapagkakatiwalaang diksiyonaryong Espanyol bago isalin sa Espanyol ang nais sanang sabihin sa Ingles. O kayâ, huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung iyon ang higit na alam: aspect, image, peasant, contemporary, endorse. O kayâ, maaaring higit na maintindihan ng madla kung ang katapat na salita sa Filipino ang gagamitin: mukhâ o dakò, laráwan o hulágway, magbubukíd o magsasaká, kapanahón o nápápanahón, pinilì o pinagtibay. Maituturing ding siyokoy ang paraan ng paggamit sa level ng ilang akademisyan ngayon. Binibigkas ito nang mabilis at binabaybay nang “lebél” sa pag-aakalang naiiba ito sa Ingles na level. Hindi kasi nilá alam na ang tunay na salitang Espanyol nitó ay nibél (nivel) at matagal nang hiniram ng ating mga karpintero. Kung nais ang Ingles, bigkasin nang wasto ang lével (malumay) at hindi na kailangang ireispel. Tulad sa bagong pások sa Filipino mulang Ingles na lével-ap (level-up). Kung nais namang higit na maintindihan, maaaring gamitin ang Tagalog na antas gaya sa “antas primarya” at “antas sekundarya,” o taas gaya sa “taas ng tubig sa dagat” o “taas ng karbon sa hangin.” 4.10 Eksperimento sa Espanyol. Iba sa salitang siyokoy ang sinasadyang eksperimento o neolohísmo sa pagbuo ng salitang pa-Espanyol. Nagaganap ito malimit ngayon sa paglalagay ng hulaping pangkatawagan, na gaya ng -ismo, -astra (astro), -era (ero), -ista (isto), -ica (ico), -ia (io), -ga (go). Pinapalitan o pinagpapalit ang mga ito sa ilang eksperimento kung kailangan at nagbubunga ng salita na iba sa orihinal na anyo ng mga ito sa Espanyol. Isang malaganap na ang kritisismo para sa panunurìng pampánitikán. Kung susundin, krítiká (critica) ang tumpak na anyo nitó at may ganito nang salita sa Tagalog noon pa, pati ang krítikó para sa manunurì o mapanurì. Maaari din sanang kritisísim (criticism) mula sa Ingles. Ngunit ginamit ng nag-eksperimento ang -ismo upang waring ibukod ang PAGBAYBAY NA PASULAT 21 kritisismo bílang panunuring pampanitikan sa karaniwang kritika. Ang totoo, noon pang dekada 60 ay inimbento rin ni Alejandro G. Abadilla ang “kritikástro” upang tuksuhin ang kaniyang mga kritiko at may alusyon ang neolohismo sa diktador na si Fidel Castro. May nagpalabas din ng “kritikéro” para sa mababàng uri ng pamumuna. Ngunit higit ngayong ginagamit sa akademya at pormal na pagsulat ang kritisísmo. Dalawa pang magandang neolohismo ang siyentísta at sikolohísta. Kung susundin ang anyong Espanyol, ang dapat gamitin ay siyentípikó (cientipico) at sikólogó (psicologo). Pero ang cientipico ay pantawag kapuwa sa dalubhasa sa agham at sa pang-uri hinggil sa may katangiang pang-agham. Anupa’t nais ng pag-imbento sa siyentísta na ibukod ang tao upang maipirme sa pang-uri ang siyentípikó. Samantala, ayaw ng mga dalubhasa sa sikolohiya ang “sikologo” (para daw katunog ng “kulugo”!), kayâ higit na nais niláng gamitin ang inimbentong sikolohísta. Tandaan: Sinasadya ang naturang neolohismo at may dahilan ang paglihis sa anyo ng orihinal sa wikang hiniraman. Kaiba ito sa “siyokoy” na bunga ng malîng akala at dahil sa limitadong kaalaman sa hinihiramang wikang Espanyol o ibang wikang banyaga. Kaugnay ng naturang pangangailangan, sa halip na laging manghiram sa Espanyol o Ingles, kailangang isaloob ang paggamit ng angkop na salita mulang ibang katutubong wika upang itumbas sa isinasalin na konseptong banyaga. Maraming kaalamang wala sa korpus na Tagalog ngunit nása ibang wikang katutubo ng Filipinas. Halimbawa, ang ginagamit na ngayong ilahás mulang Ilonggo upang itapat sa konseptong wild sa agham, ang rabáw mulang Ilokano upang itumbas sa siyentipikong surface, ang láwas mulang Sebwano upang itapat sa body. 4.11 Gamit ng Espanyol na Y. May espesyal na gamit ang titik na Y—na binibigkas na katulad ng ating I, gaya sa “Isulat,” at kasingkahulugan ng ating at—na mungkahing ipagpatuloy ang gamit sa Filipino. Ginagamit ito, una, upang isulat nang buo ang pangalan ng lalaki kasáma ang apelyido ng ina. Halimbawa, isinusulat kung minsan ang pangalan ng pangulo ng Republikang Malolos na “Emilio Aguinaldo y Famy” upang idugtong ang apelyido ng kaniyang inang si Donya Trinidad Famy. Ginagamit ito, ikalawa, sa pagbílang sa Espanyol at binabaybay. Halimbawa: Alas-dos y medya (ikalawa at kalahati) Ala-una y kuwarto (ikaisa at labinlima) Alas-singko y beynte (ikalima at dalawampu) Kuwarenta y singko (apatnapu’t lima) Singkuwenta y tres (limampu’t tatlo) Treynta y siyete (tatlumpu’t pitó) Pansinin na nawawala ang Y kapag nagtatapos sa E ang pangalan ng unang bílang, gaya sa beynte dos, alas-siyete kuwarto, alas-dose medya. 22 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT 4.12 Kaso ng Binibigkas na H sa Hiram sa Espanyol. Sa wikang Espanyol, ang titik H (hache) ay hindi binibigkas. Kayâ ang hielo ay yélo; hechura, itsúra; hacienda, asyénda; heredero, eredéro; hora(s), óras; at habilidad, abilidád. Ngunit may ilang salitang Espanyol na kailangang panatilihin ang H dahil may kahawig ang mga ito na salitang iba ang kahulugan. Halimbawa, ang humáno (tao) na kapag inalisan ng H ay makakahawig ng katutubong umanó. Sa gayon, kahit ang mga deribatibo ng humáno na hiniram na ngayon sa Filipino, gaya ng humanísmo, humanísta, humanidád(es), humanitáryo, ay hindi pinupungusan ng unang titik. Katulad din bagaman may kaibhan ang kaso ng historia, na sa Espanyol ay maaaring gamiting kasingkahulugan ng “kuwento” o ng “kasaysayan.” Sa praktika ngayon, ang histórya ay ginamit na singkahulugan ng kasaysayan samantalang ang istórya ay itinapat sa salaysay. Kasáma ng historya sa Filipino ang historyadór, historikó, historisísmo. 4.13 Gamit ng J. Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na ngayong hústo at huwés. Ilalapat, sa gayon, ang bagong titik na J sa mga katutubong salita na may tunog /dyey/, gaya ng jámbangán at jántung ng Tausug, sínjal ng Ibaloy, at jínjin at íjang ng Ivatan. Gagamitin din ito sa mga bagong hiram na salita, gaya ng jet, jam, jazz, jéster, jíngle, joy, enjóy ng Ingles, jujítsu ng Hapones, at jatáka ng Sanskrit. Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin man ay magkakaroon ng anyong “dyeneral,” “dyenereytor,” “daydyest,” “ridyon.” Hindi naman kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya sa dyípni (jeepney), dyánitór (janitor), at dyáket (jacket). KASONG 5 KAMBAL-PATINIG 24 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Kailangang tingnan sa kasaysayan ang kaso ng kambal-patinig. Noon pa, mahahalata na ang dalawang tradisyonal na pagsulat sa tunog ng kambal patinig, gaya sa salitang buwáya. Ang unang kambal-patinig na UA ay siningitan ng malapatinig na W at naging dalawang pantig. Samantala, sa ikalawang kambal-patinig na IA, tinapyas ang unang patinig na I at pinalitan ng malapatinig na Y. Ang problema: Kailan nananatili ang kambal-patinig kahit padulasin sa isinisingit na W o Y at kailan tinatanggal ang unang patinig at pinapalitan ng W o Y? Sa kaso ng buwáya, lumilitaw na isang tradisyonal na pagsulat sa kambal-patinig ang pagpapanatili nitó at pagtuturing na dalawang pantig kapag lumitaw sa unang pantig ng isang salita, gaya sa buwán, tuwíng, tiyán, siyá, biyák, kahit na isinusulat din ang mga ito noon na “buan,” “tuing,” “tian,” “sia,” “biak.” Kapag naganap ang kambal-patinig sa ikalawa o iba pang pantig ng salita, ang unang patinig ay inaalis at pinapalitan ng W o Y, gaya sa tulyá, tilapyà, sawá, pinawà. Umiral ang paraang ito sa pagsulat ng mga hiram na salitang may diptonggo mulang Espanyol, gaya ng makikita sa pagsulat noon ng piyáno, kuwénto, diyamánte ngunit karwáhe, báryo, brilyánte. Ang orihinal na mga panuto hinggil dito ay inilatag sa Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat (1977) ng Surian. Isa ito sa binago ng Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino noong 1987 at ang naturang pagbabago ay pinagtibay pa ng mga gabay ng KWF noong 2001. Ninais ng mga gabay noong 1987 at 2001 na pumilì ang manunulat ng isa sa dalawang paraan—(1) manatili ang diptonggo kahit may singit na Y at W o (2) tanggalin ang unang patinig—at ang pinilìng paraan ang laging gamitin. Hindi pinansin ng maraming editor ang ninais na “konsistensi” sa tuntunin ng mga gabay 1987 at 2001. Ngunit hinati nitó ang damdamin ng akademya. May patuloy na nanalig sa orihinal na tuntunin ng Surian ngunit may mga kolehiyong arál sa lingguwistika ang naggiit sa pagbabago at higit na mahilig sa paraang tinatanggal ang unang patinig sa diptonggo. Mapapansin naman sa nagbabagong mga edisyon ng gabay ng KWF mulang 2009 hanggang 2012 ang pagbabalik sa “tradisyonal” na pagtuturing sa kambal-patinig. Ganito rin ang pinagtibay ng 2013 forum ng KWF at iminumungkahing pairalin ng kasalukuyang ortograpiya, gaya sa sumusunod na paliwanag: Sa pangkalahatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal-patinig na I+(A, E, O) at U+(A, E, I) kapag siningitan ng Y at W sa pagsulat. Ang ibig sabihin, napapalitan ng Y ang orihinal na I at ng W ang orihinal na U sa diptonggo. Ganito ang nagaganap sa kompanYA (compañia), akasYA (acacia), tenYEnte (teniente), at benepisYO (benepicio); sa indibidWAl (indibidual), agWAdor (aguador), sinigWElas (chineguelas), perWIsyo (prejuicio). Maaaring ipaliwanag ang pangyayari na ang I at U ay inuuring mga patinig na mahinà kung ikokompara sa mga patinig na A, E, O na itinuturing namang mga patinig na malakas. Sa gayon, naglalaho ang tunog ng I at U kapag napalitan ng tunog na Y at W. Pansinin pa: Nagiging isang nagsasariling pantig ang kambal-patinig na napalitan ng Y o W ang unang patinig. KASONG KAMBAL-PATINIG 25 Ngunit may apat (4) na kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin. May kaukulang katwiran din ang bawat kataliwasan. 5.1 Unang kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita. Halimbawa, tIYA (tia), pIYAno (piano), pIYEsa (pieza), kIYOsko (kiosco), bIYUda (viuda); tUWAlya (toalla), pUWErsa (fuerza), bUWItre (buitre). Pansinin: nahahati sa dalawang pantig ang kambal-patinig at nása ikalawang pantig ang diin o tuldik. Mabilis ang bigkas mula sa una tungo sa ikalawang pantig ngunit tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan nitó, dalawa ang patinig kayâ nangangailangan ng dalawang pantig. Ganito rin naman ang dahilan sa tradisyonal na baybay noon pa ng katutubong diptonggo, gaya ng siyá, niyá, tuwíng, at buwán. Kung nais isulat ang bigkas nang wala ang unang patinig, kailangang katawanin ang nawalang patinig ng simbolikong kudlit (’), gaya sa s’ya, n’ya, t’wing, o b’wan. 5.2 Ikalawang kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita. Halimbawa, ostIYA (hostia), impIYErno (infierno), leksIYOn (leccion), eleksIYOn (eleccion); lenggUWAhe (lenguaje), engkUWEntro (encuentro), biskUWIt (biscuit). May layuning pedagohiko ang kataliwasang ito. Ang pagpapanatili sa unang patinig ay isang paraan ng “pagpapaluwag” sa mga pantig at upang matulungan ang mag-aaral (lalo na ang hindi sanay sa Espanyol) sa pagpapantig ng salita. Isipin, halimbawa, ang magiging kalituhan ng estudyante kung paano papantigin ang “induSTRYa” (industria) o “iMPLWeNSYa” (influencia) kapag inalis ang unang patinig na I at U at nagkumpulan ang mga katinig. Samantala, higit na magaan itong mapapantig sa anyong indústriyá /in dus tri ya/ o impluwénsiyá/im plu wen si ya/. 5.3 Ikatlong kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H. Halimbawa, mahIYA (magia), estratehIYA (estrategia), kolehIYO (colegio), rehIYOn (region). Ang H ay isang mahinàng katinig kayâ naglalaho ito kapag walang kasámang patinig, gaya sa naganap na paglalaho nitó sa perwisyo (prejuicio). Imposible, sa gayon, ang anyong “kolehyo” o “rehyon” dahil magiging “koleyo” o “reyon” ang karaniwang aktuwal na bigkas kapag hindi binigyan ng tanging diin ang H na walang kasunod na patinig. 5.4 Ikaapat na kataliwasan: kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Halimbawa, ekonomIYA (economía), pilosopIYA (filosofía), heograpIYA (geografía). Sa mga naturang halimbawa, may lumitaw nang varyant na “ekonomya” at “pilosopya” (kung minsan, “pilusupya”) ngunit malimit na ginagamit ito nang may pakahulugang iba sa orihinal na kahulugan ng mga ito bílang mga disiplina o sangay ng karunungan. Ang ekonomyá (mabilis ang bigkas) ay matalik na kaugnay ng pagtitipid; ang pilosopyá, gaya sa “pamimilosopya,” ay higit na ukol sa mapagmalabis na paggamit ng pangangatwiran. Kapag pinag-aralan ang mga nabanggit na kataliwasan, maiintindihan kung bakit Húnyo, Húlyo, Setyémbre, Nobyémbre, Disyémbre ang anyo ng junio, julio, septiembre, noviembre, diciembre ngunit Miyérkolés, Huwébes, Biyérnes ang anyo ng miercoles, jueves, 26 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT viernes. Maiintindihan din kung bakit lumaganap sa panahon pa ng Amerikano ang anyong kuwénto (cuento), biyólin (violin), suwérte (suerte), diyalékto (dialecto), aksiyón (accion) at lalo na ang Kristiyáno (cristiano), senténsiyá (sentencia), sarsuwéla (zarzuela), bagaman may pasyón (pasion), kalbáryo (calvario), komédya (comedia). May sistema ang naturang pagtrato sa mga kambal-patinig ng salitang Espanyol, at isang tradisyon itong hindi basta mabubura sa pamamagitan ng “konsistensi.” 5.5 Malalakas na Patinig. Sa kabilâng dako, hindi nagdudulot ng ganitong sigalot ang mga kambal-patinig na may malakas na unang patinig (A, E, O). Maliban sa ilang varyant, maaaring baybayin ang mga ito nang walang singit na Y o W. Halimbawa, aórta (aorta), paráon (faraon), baúl (baul), haúla (haula); ideá (idea), ideál (ideal), teátro (teatro), león (leon), neón (neon), teórya (teoria); poéta (poeta), poesíya (poesia). Maaaring ituring na varyant lámang ng ideá ang ideyá, ng ideál ang ideyál. Gayunman, dapat pansinin ang nakagawiang pagturing sa diptonggong AU na katulad ng AO, at kaugnay ng panukala ni Rizal noon, ang ikalawang patinig ay pinatutunog na W. Ito ang sanhi sa popular na varyant ng haúla na háwla. Malinaw ding ito ang nasusunod sa mga kasalukuyang anyo ng máwsoléo, (mausoleo), áwditóryo (auditorio), áwditíbo (auditivo), báwtísmo (bautismo), káwdílyo (caudillo). Pansinin ding nagaganap ito kapag ang diin ay nása unang patinig ng diptonggo. KAMBAL-KATINIG 6 AT DIGRAPONG SK, ST, SH, KT 28 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Maituturing na kambal-katinig o dígrapó ang dalawang magkadikit na katinig na pinatutunog sa loob ng isang pantig, gaya ng SK o SC sa Ingles na desk, disc, brisk, ng ST sa Ingles na test, contest, pest, post, artist, ng KT (CT) sa Ingles na aspect, subject, correct. Pansinin: Nása dulo ng mga salita ang mga inihanay na kambal-katinig. Malimit kasing natitilad ang mga ito sa dalawang pantig kapag nása gitna o umpisa ng salita, gaya sa naging bigkas Filipino sa scholar (iskólar) at schedule (iskédyul). 6.1 Pasók ang SK, ST. Sa abakadang Tagalog noon, hindi pinatutunog ang ikalawang katinig sa mga binanggit na mga kambal-katinig, kayâ “des” noon ang desk at “kontes” ang contest. Sa mga ginanap na forum mulang 2005 hanggang 2013, pinagtibay ang pangyayari na pinatutunog sa Filipino ang SK at ST. Sa gayon, maaari nang baybayín ang desk at disc na desk at disk. Samantala, tinatanggap na sa Filipino ang anyong test, kóntest, pest, post, ártist. 6.2 Walang KT. Gayunman, hindi tinanggap ang KT (CT) dahil hindi diumano pinatutunog ang T sa tabi ng K sa loob ng isang pantig. Sa gayon, áspek ang aspect, korék ang correct, at maaaring sábjek ang subject. Narito pa ang ilang halimbawa: ábstrak (abstract) ádik (addict) konék (connect) kóntrak (contract) 6.3 Digrapong CH at SH. Ang digrapo ay kambal-katinig na binibigkas nang may isang tunog, gaya ng CH sa cheese, check, chopstick, at ng SH sa shooting, shampoo, shop, workshop, ambush, brush. Ang CH ay matagal nang tinapatan ng TS sa Tagalog kapag nanghiram sa Espanyol. Kayâ kung isasa-Tagalog ang tatlong halimbawa ng CH mulang Ingles ay magiging tsis, tsek, tsap-istík ang mga ito. Ganito rin ang mangyayari sa rich (rits), peach (pits), pitcher (pítser). Tinatapatan na ng TS ang ganitong tunog sa mga wikang katutubo, gaya sa tsidát (kidlat) ng Ivatan at tsánga (sistema ng patubig sa payyo) ng Ifugaw. Ang totoo, dapat tapatan ng TS sa halip na CH ang ganitong tunog sa mga balbal na imbentong gaya ng tsánsa, tsáka, tsíka, tsitsà, at tsibúg. Narito pa ang mga halimbawa mulang Espanyol at Ingles: tsísmis (chismes) tsánel (channel) tsápa (chapa) tsánselór (chancellor) tsampáka (champaca) tsupér (chofer) títser (teacher) letsón (lechon) swits (switch) letsúgas (lechugas) tsart (chart) atsára (achara) Ngunit tigib sa alinlangan hanggang ngayon ang pagtanggap sa digrapong SH kung pananatilihin o tatapatan ng tunog Tagalog. May nagnanais panatilihin ito, gaya sa “shampu.” May nagnanais tapatan ito ng SY, gaya sa “syuting.” Ngunit may nagsasabing KAMBAL-KATINIG AT DIGRAPO 29 nawawala ito sa dulo ng salita kayâ dapat “ambus” ang ambush. Pansamantalang nakabukás hanggang ang kasalukuyang gabay para sa mananaig na eksperimento hinggil dito. 6.4 May SH ang Ibaloy. Ang malaking problema, isang lehitimong tunog ang SH sa mga wika sa Cordillera. Sa wikang Ibaloy, natatagpuan ang SH sa umpisa, gitna, at dulo ng salita. Halimbawa, shuwa (dalawa). Sa 2013 forum, ipinasiya na isaalang-alang ang SH bílang isang tunog ngunit hindi tutumbasan ng katapat na bagong titik. Ang ibig sabihin, mananatili ito sa anyo nitó ngayon bílang katutubong digrapo at babaybayin sa mga titik S at H, gaya sa sumusunod na mga salitang Ibaloy: shuhol—nahiga sadshak—kaligayahan savishong—lason peshen—hawak 6.5 May TH at KH ang Mëranaw. Isang bagong pások na kaso ang pagpapatunog sa H, na kumakatawan sa nagaganap na aspirasyon, o pahingal na pagpapatunog sa katinig o patinig, sa digrapong TH at KH. Sa lumang abakadang Tagalog ay hindi pinatutunog ang aspiradong H ng TH at KH. Kayâ iniispeling noon na “maraton” ang marathon. Ngunit binago ito; ang ibig ngang sabihin, tinanggap sa 2013 forum upang gamitin ang aspirado o pahingal na bigkas sa H. Hindi ito dahil sa Ingles na gaya ng aspiradong bigkas sa tin at kit. Ang higit na mahalagang dahilan: Naririnig ang bagay na ito sa wikang katutubo na tulad ng Mëranaw: thínda—magluluto thengéd—pinsan lítha—gulay khabádot—mahuhugot pekháwaw—nauuhaw kalókha—pansamantalang pagtigil Ang totoo, sa Mëranaw, mahalaga ang pagpapatunog sa H sa TH at KH upang maibukod ang mga salitang may aspiradong T at K sa mga kahawig na salitang walang aspiradong T o K. Halimbawa: matháy (matagal, patagalin)—matáy (mamatay) lítha (gulay)—litâ (dagta) khan (kakain)—kan (kumain) khalà (tumawa)—kalà (laki) Gayunman, ang paglalagay ng titik H katumbas ng pahingal na tunog kasunod ng T o K ay limitado pa sa gamit sa ganitong katangian ng mga katutubong wika ng Filipinas. Hindi pa ito magagamit sa Ingles, dahil na rin sa pangyayaring malimit na bigkas Filipino ang nagaganap na panghihiram ng salita mulang Ingles. PALITANG E/I 7 AT O/U PALITANG E/I AT O/U 31 Walâ namang batas hinggil sa nagaganap na pagpapalit ng E sa I at ng O sa U. May ilang tuntunin lámang ang Balarila kung kailan ito nagaganap kayâ umiral ang paniwalang isang natural na pangyayari sa mga wikang katutubo sa Filipinas ang gayong pagpapalit. Maaari din itong ugatin sa pangyayari na tatlo (3) lámang ang titik ng baybayin para sa mga tunog ng patinig. Sa naturang sitwasyon, nagsasálo sa isang titik ang E at I gayundin ang O at U. Maaaring ito ang sanhi ng nakaugaliang pagdausdos ng dila sa pagbigkas ng E at I at ng O at U gayundin ang nagkakapalitang pagsulat sa dalawang tila kambalang mga patinig. Alam ito ni Tomas Pinpin. Kayâ noong isulat niya ang aklat na Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Caftilla (1610) ay nag-ukol siyá ng mga leksiyon hinggil sa wastong pagbigkas ng E o I at O o U kalakip ang babala na hindi dapat ipagkamali ang E sa I o ang O sa U sapagkat may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng baybay ngunit nagkakaiba ng kahulugan dahil sa may E ang isa at may I ang ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa. Ibinigay niyang mga halimbawa ang pecar at picar, queso at quizo, peña at piña, modo at mudo, at poro at puro. Kahit ngayon, maaaring idagdag ang pagkakaiba sa isa’t isa ng pénoy at Pinóy, ng méron at mirón, ng bálot at balút, ng Móra at múra, ng ébun sa Kapampangan at íbon sa Tagalog, ng otót (dagâ) at utót (kirot) sa Pangasinan. Kahit sa hanay ng mga kabataan, ibinubukod ng E ang ekspresyon niláng “Hánep!” sa ibig sabihin ng orihinal na “hánip.” 7.1 Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U. Bahagi sa pagdisiplina sa ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E sa I at ang O sa U. Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng mga salita, gaya sa “iskandalo” sa halip na eskandaló, “istasyon” sa halip na estasyón, “istilo” sa halip na estílo, “minudo” sa halip na menúdo, atbp. Bagaman nakapagtatakang hindi napalitan ng I ang unang E sa estéro, estranghéro, eréhe, at eredéro. Kung didisiplinahin, mapipigil ang paabakada kunong “liyon” sa halip na león, “nigatibo” sa halip na negatíbo. Mapipigil din ang ugaling palitan ng U ang O sa gaya ng “kuryente” sa halip na koryénte, “Kuryano” sa halip na Koreáno, “dunasyon” sa halip na donasyón, “murado” sa halip na morádo, “kumpanya” sa halip na kompanyá, “sumbrero” sa halip na sombréro, “pulitika” sa halip na politiká. 7.2 Senyas sa Espanyol o sa Ingles. Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S, gaya sa sumusunod: eskándaló (escandalo) iskándal (scandal) estasyón (estacion) istéysiyón (station) espesyál (especial) ispésyal (special) esmárte (esmarte) ismárt (smart) eskuwéla (escuela) iskúl (school) estandárte (estandarte) istándard (standard) estílo (estilo) istáyl (style) eskolár (escolar) iskólar (scholar) 32 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT 7.3 Kapag Nagbago ang Katinig. Sa kaso ng O/U, ipinahihintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F. Halimbawa, ang anyong kumperensiya ng conferencia. Napalitan ng U ang O kaugnay ng naganap ng pagpapalit ng kasunod na N sa M dahil sumusunod sa P/F. Ito rin ang katwiran sa pagpalit ng U sa O sa orihinal ng salitang Espanyol sa sumusunod: kumbensiyón (convencion) kumpisál (confesar) kumbénto (convento) kumpórme (conforme) kumportáble (confortable) kumpiská (confisca), kumpiskasyón (confiscacion) kumpéti (confeti) Hindi sakop ng tuntuning ito ang “kumpanya” at “kumpleto” na dapat baybayíng kompanya at kompleto dahil compañia at completo ang orihinal sa Espanyol. Letrang M na talaga ang kasunod ng O sa orihinal. Kaugnay ng tuntunin, malinaw din na hindi dapat gawing U ang O kung N ang orihinal na kasunod sa mga salitang gaya ng monumento (monumento), kontrata (contrata), kontrobersiya (controvercia), at konsumo (consumo). 7.4 Epekto ng Hulapi. Nagiging I ang E at nagiging U ang O kapag nása dulo ng salita at sinusundan ng hulapi. Halimbawa, ang E sa “babae” ay nagiging I sa kababaihan; ang O sa “biro” ay nagiging U sa biruin. Halimbawa pa: balae—balaíhin bale—pabalíhin tae—nataíhan onse—onsíhan kalbo—kalbuhín pasò—pasùin takbo—takbuhán tabò—tabùan Ngunit tandaan: Nagaganap lámang ang pagpapalit kapag binubuntutan ng hulapi ang salitang-ugat. 7.5 Kailan Di Nagpapalit. Taliwas sa lumaganap na akala, hindi awtomatiko ang pagpapalit kayâ hindi nagaganap sa ibang pagkakataón, gaya sa sumusunod: (1) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na na(-ng). Tumpak ang “babáeng masipag” at hindi kailangan ang “babaing masipag”; tumpak ang “biròng masakit” at hindi kailangan ang “birung masakit.” PALITANG E/I AT O/U 33 (2) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang- ugat. Wasto ang babáeng-babáe at di-kailangan ang “babaing-babae”; wasto ang birò-birò at hindi nararapat ang “biru-biro.” Maaaring nagaganap ang pagpapalit ng I sa E o ng U sa O sa karaniwang pagbigkas ng mga Tagalog ngunit hindi kailangan isulat, maliban kung bahagi ng realismo sa wika ng isang akdang pampanitikan. Ang ibig sabihin pa, hindi kailangan ang tuntunin hinggil sa pagpapalit dahil may mga Tagalog na hindi isinasagawa ang gayong pagpapalit sa kanilang pagsasalita. Bukod pa, isang bawas na tuntuning dapat isaulo ng mga hindi Tagalog ang tuntuning ito mula sa Balarila. Tandaan pa ang sumusunod: anó-anó hindi “anu-ano” alón-alón hindi “alun-alon” taón-taón hindi “taun-taon” píso-píso hindi “pisu-piso” pitó-pitó hindi “pitu-pito” palóng-palúngan hindi “palung-palungan” pátong-pátong hindi “patung-patong” 7.6 Kapag Bago ang Kahulugan. Sa kabilâng dako, nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at U sa O kapag walang gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ng bagong kahulugan, gaya sa “haluhalo” na iba sa “halo-halo.” Isang popular na pagkaing pampalamig ang haluhalò; paglalarawan naman ng pinagsáma-sámang iba’t ibang bagay ang halò-halò. Narito pa ang halimbawa ng salitang may gitling at walang gitling: sálo-sálo—magkakasáma at magkakasabay na kumain salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao bató-bató—paraan ng paglalarawan sa daan na maraming bato batubató—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati 7.7 Huwag Baguhin ang Dobleng O. Iminumungkahi rin ang paggalang sa ilang salita na may dobleng O (oo) kahit sinusundan ng hulapi, gaya sa noó na lagyan man ng hulapi ay nananatiling noohín. Iminumungkahi ring pairalin ito sa ilang salita na may UO gaya sa tuón at tuós na dapat baybayíng pagtuonán at tuosín. Narito pa ang halimbawa: noón—kanoonán noód—panoórin doón—paroonán poót—kapootán poók—poók-pookín tuód—tuoránin buód—buorín buô—kabuòan salimuot—kasalimuotán PAGPAPALIT 8 NG “D” TUNGO SA “R” PAGPAPALIT NG “D” TUNGO SA “R” 35 May mga tiyak na pagkakataón na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita. Halimbawa, ang dito ay nagiging rito at ang dami ay nagiging rami. Karaniwan nagaganap ang pagpalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o salita na nagtatapos sa A. Halimbawa, ang D ng “dito” ay nagiging R sa narito o naririto. Ngunit nananatili ang D kapag andito o nandito. Tingnan pa ang sumusunod: doón—naroón (ngunit andoón o nandoón) dámi—marámi (ngunit pagdámi o dumámi) dápat—marápat, nararápat, karapatan (ngunit karapát-dápat) dúnong—marúnong, pinarúnong (ngunit dunóng-dunúngan) dupók—marupók (ngunit pagdupók) dálitâ—marálitâ (ngunit nagdálitâ o pagdarálitâ) Ang naturang pagpapalit ng tunog ay malinaw na isang paraan ng pagpapadulas sa pagsasalita. Kayâ karaniwang ginagamit ang D sa unahan ng salita. Sa loob ng salita, karaniwang sumusunod ito sa katinig (sandok, kordon, bundat) samantalang higit na malimit makikita ang R sa loob ng salita lalo na’t sumusunod sa patinig (markado, kariton, bolero, bangkero, bordador, birtud). 8.1 Kasong Din/Rin, Daw/Raw. Ang pagpapalit ng D tungo sa R ay nagaganap sa mga pang-abay na din/rin at daw/raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod: Masaya rin— ngunit Malungkot din Uupô raw— ngunit Aalis daw Nabili rin—ngunit Nilanggam daw Okey raw—ngunit Bawal daw Ikaw raw—ngunit Pinsan daw Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa -ri, -ra, -raw, o -ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw, gaya sa sumusunod: Maaari din— hindi Maaari rin Kapara daw—hindi Kapara raw Biray din—hindi Biray rin Araw daw—hindi Araw raw Walang paliwanag sa nabanggit na kataliwasan. Marahil, dahil nagiging lubhang malamyos ang pagsasalita kapag sinundan pa ng rin o raw ang isang salita na nagtatapos sa pantig na may R. Ngunit kahit sa tula ay hindi ito ipinagbabawal. Sa halip, sinisikap pa ng makata ang paglikha ng ganitong aliterasyon. 36 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT 8.2 “D” Kahit Kasunod ng Patinig. Dapat ding banggitin na may salitang gaya ng dulás at dalî na malimit na binibigkas at isinusulat nang may D kahit may sinusundang A, gaya sa madulás o mádulás [bagaman may pook na “Marulas” (madulas) at “Marilao” (madilaw) sa Bulacan] at sa madalî, mádalìan, madalián. May kaso rin ng magkahawig na salita na may nagkakaibang kahulugan dahil sa D o R, gaya sa mga pang-uring madamdámin (tigib sa damdamin) at maramdámin (madalîng masaktan ang damdamin). Sa ganitong pangyayari, magandang isaalang-alang ang pinalaganap na paraan ng paggamit sa daw/ raw at din/rin. Subalit tandaan: Hindi ito dapat ituring na tuntunin sa pagsulat. Ang ibig sabihin pa, hindi dapat ituring na pagkakamali ang paggamit ng din at daw kahit sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig at malapatinig. KAILAN “NG” 9 AT KAILAN “NANG” 38 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Isang malimit pagtaluhan kahit ng mga eksperto sa Filipino ang wastong gamit ng ng na maikli at nang na mahabà. May mga nagmumungkahi tuloy na alisin na ang ng at nang na lámang ang gamitin sa pagsulat. Isang panukalang paurong ito dahil ganoon na nga ang ugali bago ang Balarila ni Lope K. Santos. Sa panahon ng mga Espanyol, nang lámang ang ginagamit sa pagsulat ng mga misyonero. 9.1 Mga Gamit ng “Nang.” Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit ng nang at lima (5) lámang ang mga tuntunin: Una, ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong. Halimbawa, “Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.” Ikalawa, ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o “para.” Halimbawa, “Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.” Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsámang na at “ng.” Halimbawa, “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanyol. Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.” Ikaapat, ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano). Halimbawa, “Binaril nang nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakít.” Ikalima, ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita. Halimbawa, “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.” Ang iba pang pagkakataón, bukod sa nabanggit na lima, ay kailangang gamitan ng ng. Halimbawa: “Ipinabaril ng mga Espanyol si Rizal. Pinainom ng gamot si Pedro.” Ngunit tingnan ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap. (1) “Pagkamartir ang katulad ng sinapit ni Rizal.” (2) “Gusto mo ba ang katulad nang magmartir si Rizal?” 9.2 Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang.” Malimit mapagkamalang nang ang kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa pangungusap na “Laganap nang himagsik pagbaril kay Rizal.” Kailangang isulat ito nang may kudlit (’) upang ipahiwatig ang naganap na kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa “Laganap na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.” PAGBABALIK 10 SA MGA TULDIK 40 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT Mahalagang ibalik ang paggamit sa mga tuldík o asénto. Kung mahihirapang markahan ang lahat ng salita, gamitin ang tuldik upang maipatiyak ang wastong bigkas lalò na sa mga salitang magkakatulad ng baybay ngunit nagbabago ang kahulugan dahil sa bigkas. Karaniwang gamitin noon ang iba’t ibang paraan ng bigkas sa “paso” (páso, pasó, pasò, pasô) na may iba’t iba ring kahulugan. Sa Balarila, ipinasok ni Lope K. Santos ang tatlong tuldik bílang sagisag sa mga paraan ng pagbigkas: (1) ang tuldik pahilís (´) na ginagamit para sa salitang mabilis, (2) ang tuldik paiwà (`) na ginagamit para sa salitang malumi, at (3) ang tuldik pakupyâ (ˆ) para sa salitang maragsa. Totoo, maaaring magbago sa pagtagal ng panahon ang bigkas sa mga salita. Halimbawa, ang balatkayó ay mabilis sa panahon ni Balagtas ngunit ngayon ay maragsa na ang bigkas: balatkayô. Ngunit nagaganap ngayon ang maraming malîng bigkas dahil hindi nabibigyan ang madla—lalò na ang kabataan at mga bagong gumagamit ng wikang Filipino—hinggil sa wastong tuldik ng mga ordinaryong salita. Halimbawa, ang bakâ (hindi tiyak) ay maragsa ngunit binibigkas ng mga estudyante sa Maynila na malumi: “bakà.” Ang kíta ay malumay ngunit napagkakamalang malumi (“kità”) kayâ lumilitaw ang aberasyong gaya ng “kitain” sa halip na kitáhin. 10.1 Isang Anyo, Iba-Ibang Bigkas. Nagiging komplikado pa ang problema sa bigkas kapag isinaalang-alang ang mga salita sa ibang katutubong wika ng Filipinas na may magkakahawig na ispeling ngunit iba-iba ang kahulugan dahil sa iba-ibang bigkas. Halimbawa, ang layà (malumi) ay unang ginamit noong 1882 ni Marcelo H. del Pilar bílang katumbas ng libertad sa Espanyol. Iba ito sa láya (malumay) sa Bikol at Kabisayaan na isang uri ng lambat na pangisda. Iba rin ang layá (mabilis) ng Ilokano na tumutukoy na halamang-ugat na lúya ng mga Tagalog. Iba rin ang layâ (maragsa) sa Kabisayaan na tumutukoy sa layak at mga tuyong dahon at tangkay, at sa pang-uring layâ (maragsa) na ilahas para sa mga Tagalog at lantá para sa Kabisayaan. Narito pa ang halimbawa: páli—Sinaunang Tagalog para sa pagpapalitan ng katatawanan. palí—Ivatan para sa pagpulpol ng dulo. palì—Kapampangan para sa init o alab. palî—Tagalog para sa organo sa tabi ng bituka, spleen sa Ingles. Ilonggo din para sa naghilom. 10.2 Dagdag na mga Gamit ng Pahilis. Hinihingi ng masinop na pagsulat ang mga dagdag na gamit ng tuldik na pahilis upang higit na matulungan ang mambabasa hinggil sa tumpak na bigkas. May diksiyonaryong nagsasagawa na ng sumusunod na gamit sa tuldik pahilis: (1) Tuldik sa salitang malumay at iminamarka sa itaas ng patinig bago ang hulíng pantig; (2) Ikalawang tuldik sa mahabang salita; (3) Tuldik sa unlaping ma-(na-) na nagpapahayag ng hindi sinasadyang kilos o pangyayari; (4) Panlinaw na tuldik sa salitang mabilis na may tuldik patuldok (tingnan sa 10.7 ang dagdag na paliwanag). 10.3 Tuldikan Kahit Malumay. Ipinapayo para sa maingat na pagsulat at pagbigkas ang pagmamarka ng pahilis kahit sa salitang malumay. Mahalaga ito, lalo na, para tiyakin ang PAGBABALIK SA MGA TULDIK 41 bigkas at kahulugan ng isang salitang malumay na may kahawig na anyo ngunit iba ang bigkas at kahulugan. húli—paraan upang mawalan ng layang kumilos ang isang tao o bagay hulí—hindi nakarating o nakatapos sa oras níto—katapat ng patuná sa Ilokano nitó—panghalip na pamatlig sa kaukulang paari na tumutukoy sa tao, bagay, o pangyayaring nagtataglay ng anumang katangiang ipinahahayag ng nagsasalita malapit sa kaniya píli—malaki-laking punongkahoy na may makinis at madaling matanggal na balat pilì—hirang o paghirang para sa isang gawain o tungkulin 10.4 “Ma-” na May Pahilis. Mahalaga rin ang dagdag na markang pahilis para sa unlaping ma- (na-) na nagpapahayag ng kilos o pangyayaring hindi sinasadya at upang maibukod ito sa kahawig ng baybay ngunit ibang bahagi ng pangungusap, gaya sa mádulás (naaksidenteng nabuwal) na iba sa pang-uring madulás; nápatáy (hindi sinasadyang nabaril o nasaksak) na iba sa pandiwang namatáy. Iba rin ang máhulí (hindi umabot sa takdang panahon) sa máhúli (mábihag ang tumatakas) at ang másáma sa pang-uring masamâ. Narito pa ang mga halimbawa: mádapâ, nádapâ másagasàan, násagasàan máligtás, náligtás 10.5 Dagdag na Gamit ng Pakupya. May bagong tungkulin din ang pakupya. May eksperimento ngayon na gamitin itong simbolo sa impit na tunog sa loob ng isang salita na nagaganap sa Bikol at mga wika sa Cordillera. Sa Bikol, halimbawa, ang hâ-dit ay balísa at iba sa hadít na nauukol sa pag-iingat. Ipinahihiwatig ang impit sa loob ng salita sa pamamagitan ng tuldik pakupya sa ibabaw ng patinig at gitling pagkatapos ng pantig. Halimbawa: lî-muhen (Tiboli) ibong nagbibigay ng babala ang huni tî-sing (Tiboli) singsing bû-ngaw (Bikol) bangin, na iba sa búngaw, Bikol din para sa sakit na luslós. kasâ-lan (Bikol) kasalanan bâ-go (Bikol) bágo hû-lung (Ifugaw) patibong sa daga mâ-kes (Ibaloy) pagbatì pê-shit (Ibaloy) isang seremonyang panrelihiyon na may kantahan at sayawan sâ-bot (Ibaloy) dayuhan 42 MANWAL SA MASINOP NA PAGSULAT 10.6 Tuldik Patuldok. Isang bagong tuldik ang ipinasiyang palagiang gamitin upang katawanin ang bigkas na schwa na matatagpuan sa mga katutubong wikang gaya ng Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, Kinaray-a, Kuyonon, Kankanay, at Ibaloy. Tinawag itong tuldik patuldók at kahawig ng umlaut o dieresis (¨) na tila kambal na tuldok sa ibabaw ng patinig. Narito ang ilang halimbawa: wën (Ilokano) katapat ng oo kën (Ilokano) katapat ng din/rin këtkët (Pangasinan) katapat ng kagat silëw (Pangasinan) katapat ng ilaw utëk (Pangasinan) katapat ng utak panagbënga (Kankanay) panahon ng pamumulaklak tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo matëy (Mëranaw) katapat ng matagal tëngel (Mëranaw) katapat ng sampal sëlëd (Kinaray-a) katapat ng loob yuhëm (Kinaray-a) katapat ng ngiti gërët (Kuyonon) katapat ng hiwa Solusyon ito sa kasalukuyang hindi magkasundong ginagawang pagtutumbas ng A o E sa bigkas na schwa, gaya sa Darangan/Darangen at Bantugan/Bantugen. Ang dalawang nabanggit na salitang Mëranaw ay dapat baybayíng Darangën at Bantugën. 10.7 Mabilis na Tuldik Patuldok. Bílang dagdag na panlinaw sa bigkas ng salitang may tuldik patuldok, iminumungkahi ang paglagay ng tuldik pahilis kung mabilis ang bigkas. Sa kasong ito, ang tuldik pahilis ay mailalagay sa dulo ng salita na ang dulong pantig ay may schwa. aampakálingë´ (Ayta Mag-Antsi) bingi ëmët´ (Agutaynen) pisngi erënëmën´ (Kuyonon) alak magayën´ (Tagbanwa) maganda marahët´ (Ivatan) masama PAGBABALIK SA MGA TULDIK 43 Bílang dagdag na tulong sa mga gumagamit ng computer, narito ang talahanayan ng mga dapat tipahin para makabuo ng mga titik na may tuldik at ng iba pang espesyal na karakter: a e i á – Alt 160 é – Alt 130 í – Alt 161 à – Alt 133 è – Alt 138 ì – Alt 141 â – Alt 131 ê – Alt 136 î – Alt 140 ë – Alt 137 o u ó – Alt 162 ú – Alt 163 ò – Alt 149 ù – Alt 151 ô – Alt 147 û – Alt 150 Ñ Alt 165 ñ Alt 164 Alt 0183 (gituldok; tuldok sa pagpapantig) ˆ Alt 0136 ´ Alt 0180 ` Alt 096 ¨ Alt 0168 ’ Alt 0146 (upang maiwasan ang baligtad [‘]) – Alt 0150 (gatlang en) — Alt 0151 (gatlang em) MGA WASTONG 11 GAMIT NG GITLING

Use Quizgecko on...
Browser
Browser