Summary

This document contains information about Filipino writing, including definitions, types of writing, and methods of writing. It appears to be geared towards secondary school students.

Full Transcript

-ELYZZA- Filipino Ang pagkakaroon ng isang tiyak at ANO ANG PAGSULAT? maganda na tema ng isusulat ay isang Ang pagsulat ay isang...

-ELYZZA- Filipino Ang pagkakaroon ng isang tiyak at ANO ANG PAGSULAT? maganda na tema ng isusulat ay isang Ang pagsulat ay isang paraan upang magandang simula dahil dito iikot ang buong ang kaisipan ng isang tao ay kanyang sulatin. maipahayag sa pamamagitan ng mga Kailangan na magkaroon nang sapat simbolo. na kaalaman sa paksang isusulat upang Ito ay isang paraan ng maging makabuluhan at wasto ang mga pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t datos na ilalagay sa akda o komposisyong ibang ideya na pumapasok sa ating isipan. susulatin. KAHULUGAN NG PAGSULAT 3. LAYUNIN Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel Ang layunin ang magsisilbing gabay o sa anumang kasangkapang maaaring sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng magamit na mapagsasalinan ng mga isusulat. nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. (Bernales, et al., 2001) 4. PAMAMARAN NG PAGSULAT May limang paraan ng pagsulat upang Ito ay kapwa fisikal at mental na mailahad ang kaalaman at kaisipan ng aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa layunin. (Bernales, et al., 2002) pagsusulat. Ayon kay Josefina Mangahis, ang a. Paraang Impormatibo pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya, Ang pangunahing layunin nito ay konsepto, paniniwala at nararamdaman na magbigay ng bagong impormasyon o ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at kabatiran sa mga mambabasa. elektroniko. b. Paraang Ekspresibo Ayon naman kay Keller (1985), ang Ang manunulat ay naglalayong pagsulat ay isang biyaya, isang magbahagi ng sariling opinyon, pangangailangan at isang kaligayahan ng paniniwala, ideya, obserbasyon at nagsasagawa nito. kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling Ayon kina Xing at Jin (1989), ang karanasan o pag-aaral. pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, c. Paraang Naratibo talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika Ang pangunahing layunin nito ay at iba pang elemento. magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay at tiyak na pagkakasunod-sunod. ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay d. Paraang Deskriptibo naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga Ang pangunahing pakay ng pagsulat tao. ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, MGA GAMIT SA PAGSULAT natunghayan, naranasan at 1. WIKA nasaksihan. Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, e. Paraang Argumentatibo karanasan, impormasyon at iba pang nais Naglalayong manghikayat o ipabatid ng taong nais sumulat. mangumbinsi sa mga mambabasa. Nararapat magamit ang wika sa Madalas ito ay naglalahad ng mga malinaw, masining, tiyak at payak na paraan. isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 2. PAKSA Ang paksa ay ang sentro ng isang 5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP teskto o diskurso. Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang -ELYZZA- mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon sa paggawa ng konseptong impormasyon na ilalapat sa pagsulat. papel, tesis at disertasyon. 6. KAALAMAN SA WASTONG 6. AKADEMIKONG PAGSULAT PAMAMARAAN NG PAGSULAT Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Dapat isaalang-alang sa pagsulat Ang gawaing ito ay nakatutulong sa ang pagkakaroon nang sapat na kaalaman pagpapataas ng kaalaman ng isang sa wikat at retorika partikular sa wastong indibidwal sa iba’t ibang larang. Ito ay may paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong sinusunod na partikular na kumbensiyon pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga talata, at masining at obhetibong paghabi ng ideyang pangangatwiran. mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. MGA HAKBANG SA PAGSULAT 1. BAGO SUMULAT (Prewriting) 7. KASANAYAN SA PAGHAHABI NG Sa yugtong ito nagaganap ang BUONG SULATIN pagpaplano, pangangalap ng impormasyon, Ito ay tumutukoy sa kakayahang pagtukoy ng estratehiya at pag-oorganisa ng mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mga ideya at datos. mula sa panimula hanggang sa wakas na Kasama rin sa bahaging ito ang maayos, organisado, obhetibo, at masining pgbuo ng balangkas o outline simula sa na pamamaraan ang isang komposisyon. paksa hanggang sa mga pansuportang detalye. URI NG PAGSULAT 1. MALIKHAING PAGSULAT 2. PAGGAWA NG BURADOR (Drafting) Pangunahing layunin nito ay Sa pagsulat ng burador ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin inaasahang susundin ang binuong at makaantig sa imahinasyon at isipan ng balangkas para sa bawat seksiyon ng mga mambabasa. sulatin. Karaniwang bunga ito ng ating Dito sisimulan ang pagsasalin ng malikot na imahinasyon o kayhang-isip mga datos at mga ideya sa bersyong lamang. preliminari. 2. TEKNIKAL NA PAGSULAT 3. PAGREBISA (Revising) Layuning pag-aralan ang isang Sa yugtong ito nagaganap ang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pagpapakinis ng isinulat sa pamamagitan pag-aaral na kailangang lutasin ang isang nang paulit-ulit na pagbasa, pagsusuri sa problema o suliranin. estruktura at pag-oorganisa ng mga pangungusap ng lohikal. 3. PROPESYONAL NA PAGSULAT Ito ay kaugnay sa mga sulating may 4. PAG-EEDIT (Editing) kinalaman sa isang tiyak na larang na Ito ang huling yugto ng proseso ng natutuhan sa paaralan. Ito ay may pagsulat bago maprodyus ang pinal na kaugnayan sa piniling propesyon o bokasyon dokumento. Ang pagwawasto ng mga ng isang tao. piniling salita, ispeling, balarila, bantas ay isinasagawa sa yugtong ito. 4. DYORNALISTIK NA PAGSULAT Ito ay tungkol sa sulating may ETIKA SA PAGSULAT kaugnayan sa pamamahayag. 1. Kilalanin ang ginamit na ideya. Mahalaga na ang mga taong 2. Iwasang kumuha ng datos ng walang sumusulat nito ay maging bihasa sa permiso. pangangalap ng mga totoo, obhetibo at 3. Iwasang gumawa ng mga personal na makabuluhang mga balita at isyung obserbasyon lalo na kung negatibo ang nagaganap sa kasalukuyan na kanyang mga ito. isusulat sa pahayagan, magasin o kaya 4. Huwag kang mag-short cut. naman ay iuulat sa radyo at telebisyon. 5. Huwag kang mandaya. 5. REPERENSIYAL NA PAGSULAT Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o -ELYZZA- Pladyarismo – ay salitang teknikal kaugnay argumentong nais gawin at hindi lamang ng pangongopya ng gawa ng iba na walang nakabatay sa sariling opinion ng manunulat. pahintulot. MAY PANANAGUTAN AKADEMIKONG PAGSULAT Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa AKADEMIKO mga sangguniang pinaghanguan ng mga Ang salitang akademiko o academic impormasyon. Ang pangongopya ng ay mula sa wikang Europeo (Pranses: impormasyon o ideya ng ibang manunulat o academique; Medieval Latin: academicus) plagiarism ay isang kasalanang may takdang noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. kaparusahan sa ating batas. Ito ay terminong may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larang MAY KALINAWAN ng pag-aaral na nakatuon sa pagbasa, Dapat na maging malinaw ang pagsulat ng pagsulat at pag-aaral mismo. mga impormasyon kung kaya ang pagpapahayag sa pagsulat ay sistematiko. ANO ANG AKADEMIKONG PAGSULAT? Ang akademikong pagsulat ay isang KOMPLEKS intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa Ang akademikong pagsulat ay gumagamit antas ng kaalaman ng mga mambabasa. ng mas kompleks na pananalita kaysa sa Isinasagawa sa akademikong institusyon pasalitang wika. Ito ay mas mayaman sa kung saan kinakailangan ang mataas na leksikon at bokabularyo at may antas ng kasanayan sa pagsulat. kompleksidad na gramatika. Layunin nito na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na TUMPAK manlibang lamang. Ang datos tulad ay dapat ilalahad nang walang labis at walang kulang. ISTRUKTURA/BAHAGI Karaniwang istruktura o bahagi ng isang EKSPLISIT teksto o sulating akademiko ay simula, Responsibilidad ng manunulat na gawing katawan wakas. malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa Simula - karaniwang naglalaman ng isa’t isa. Gumagamit ng “signaling words”. introduksiyon Katawan - naglalaman ng mga paliwanag WASTO Wakas - naglalaman ng resolusyon, Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga kongklusyon, rekomendasyon salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas Ito ay nangangailangan nang mas pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng mga sulatin. Mayroon lamang itong isang paksa RESPONSABLE na may magkakaugnay-ugnay na mensahe. Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng Sistematiko ang pagkakahanay ng mga ebidensiya sa kanyang argumento. mga pangungusap, talata at seksiyon upang Dapat responsable sa hanguan ng mas maging malinaw ang pagkakabuo ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw mga ideya at paliwanag niyang marapatan na isang playgyarista. MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG MALINAW NA LAYUNIN SULATIN Ang layunin ng akademikong pagsulat ay PORMAL matugunan ang mga tanong kaugnay ng Ang paggamit ng mga kolokyal at balbal na isang paksa. Ang tanong na ito ang salita ay hindi angkop saakademikong nagbibigay ng layunin. pagsulat.Dapat gumamit ng pormal na wika. MAY POKUS OBHETIBO Bawat pangungusap at bawat talata ay Ang pokus nito kadalasan ay ang kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. impormasyong nais ibigay at ang mga Kailangang iwasan ang mga hindi kailangan, -ELYZZA- hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa impormasyon. ilang pamantayan. Madalas na iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamin LOHIKAL NA ORGANISASYON ang mga bunga o epekto, sinusuri ang Dapat may sinusunod na istandard na kabisaan, inaalam ang mga paraan ng organisasyonal na hulwaran. Ang paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay karamihang akademikong papel ay may ang iba't ibang ideya at inaanalisa ang introduksyon, katawan, at kongklusyon. argumento ng iba. Isang halimbawa nito ang Bawat talata ay lohikal na nauugnay pagsulat ng Panukalang Proyekto. sakasunod na talata. IMPORMATIBONG LAYUNIN MATIBAY NA SUPORTA Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng Ang katawan ng talataan ay kailangang may sagot sa isang tanong upang mabigyan ang sapat at kaugnay na suporta para sa mambabasa ng bagong impormasyon o pamaksang pangungusap at tesis sa kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito pahayag. Ang suportang ito ay maaaring sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o kapalooban ng datos, halimbawa, pinupuwersa ng manunulat ang kanyang deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga sariling pananaw sa mambabasa, manapa'y eksperto at quotations. kanyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil sa paksa. Isang halimbawa KALIKASAN NG AKADEMIKONG nito ang pagsulat ng Abstrak SULATIN TUNGKULIN O GAMIT NG KATOTOHANAN AKADEMIKONG SULATIN Ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY makatotohanan. LUMILINANG NG KAHUSAYAN SA WIKA Sa akademikong pagsulat, nalilinang EBIDENSIYA ang kakayahang komunikatibo ng mga mag- Ang manunulat ay gumagamit ng mga aaral. Sa pamamagitan ng aplikasyon ng mapagkakatiwalaang ebidensiya upang kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga suportahan ang katotohanang kanilang gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang inilahad. linggwistik ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan naman ng paglalapat ng mga BALANSE prinsipyong komunikasyon sa mga gawaing Ang manunulat ay gumagamit ng wikang pasulat, nalilinang ang kakayahang walang pagkiling, seryoso, at hindi pragmatik ng mga mag-aaral. emosyonal sa paglalahad ng mga makatuwiran sa mga nagsasalungatang ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY pananaw. LUMILINANG NG MAPANURING PAG- IISIP LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULATIN Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN bilang isang proseso, kaysa bilang isang Layunin ng manunulat na mahikayat ang awtput. Ang prosesong ito ay maaring kanyang mambabasa na maniwala sa kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. pagpapasya at iba pang mental o Upang maisakatuparan ito, pumipili siya ng pangkaisipang gawain. isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY at ebidensiya, at tinatangka niyang baguhin LUMILINANG NG MGA ang pananaw ng mambabasa hinggil sa PAGPAPAHALAGANG PANTAO paksa. Isang halimbawa nito ay ang Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang Pagsulat ng Posisyong Papel. nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang MAPANURING LAYUNIN linangin ang kaaya-ayang pagpapahalaga o Tinatawag din itong analitikal na values sa bawat mag-aaral. pagsulat. Layunin nitong ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at -ELYZZA- ANG AKADEMIKONG PAGSULAT AY ▪ petsa at lugar ng kapanganakan ISANG PAGHAHANDA SA PROPESYON ▪ edad Hindi lamang mga propesyonal na ▪ buhay-kabataan-kasalukuyan manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng ✔ Kaligirang pang-edukasyon maisip na propesyon ay kinasasangkutan ng ▪ paaralan pagsulat. ▪ digri ▪ mga karangalan MGA ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN  Talumpati ✔ Ambag sa larangang  Posisyong Papel kinabibilangan  Lakbay sanaysay ▪ kontribusyon  Replektibong Sanaysay ▪ adbokasiya  Abstrak  Memorandum ✔ Seminar/kapulungang dinaluhan  Adyenda ✔ Dating pinagtrabahuan  Larawang sanaysay ✔ Kasalukuyang katungkulan  BIonote  Buod KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE  Panukalang proyekto I. TIYAK ANG LAYUNIN Mahalaga ang layunin sa anomang BIONOTE uri ng pagsulat. Dahil ang bionote ay isang ANO ANG BIONOTE? sulatin na nagpapakilala sa awtor o Nabuo ang bionote sa mga salitang manunulat, ang layunin nito ay ganoon din. Griyego na “bio” na nangangahulugang buhay at “graphia” na ang ibig sabihin naman II. MAIKLI ANG NILALAMAN ay tala. Karaniwang hindi binabasa ang Kapag pinagsanib ang dalawang mahabang bionote, lalo na kung hindi naman salita ay mabubuo ang salitang ingles na talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na biography na isang mahabang salaysay ng impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang buhay ng isang tao. bionote, mas babasahin ito. Karaniwang hindi binabasa ang Ang bionote ay isang maikling mahabang bionote, lalo na kung hindi naman paglalarawan sa manunulat gamit ang talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na ikatlong panauhan na madalas inilalakip sa impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang kanilang mga naisulat. Maaari rin nating bionote, mas babasahin ito. ihanay dito ang mga impormasyon na Sikaping paikliin ang iyong bionote at naririnig kapag ipinapakilala ang isang isulat lamang ang mahahalagang tagapagsalita ng palatuntunan. impormasyon. Iwasan ang pagyayabang. Ito ay binubuo ng dalawa o hanggang III. GUMAGAMIT NG PANGATLONG tatlong pangungusap sa isang talata na PANAUHANG PANANAW madalas kalakip ng artikulo o akdang isinulat Tandaan, laging gumagamit ng ng taong pinatutungkulan. pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol LAYUNIN AT GAMIT sa sarili. Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang IV. SIMULAN SA BUONG PANGALAN indibidwal, tulad ng kanyang academic Nararapat na magsimula sa career at mga academic achievements at iba pangalan upang makilala agad kung sino pang impormasyon ukol sa kanya. ang tinutukoy at magrehistro agad sa isip ng mga mambabasa. NILALAMAN NG BIONOTE V. ISA-ISAHIN ANG MAHAHALAGANG ✔ Personal na impormasyon TAGUMPAY ▪ pangalan Piliin lamang ang mga detalye ng ▪ edad tagumpay na ilalagay. Katulad ng binanggit -ELYZZA- sa itaas, i-ayon ang mga kredensyal sa uri ng  Hindi nagbibigay ng sariling ideya at isinulat. kritisismo.  Hindi nagsasama ng mga VI. GUMAMIT NG BALIKTAD NA halimbawa, detalye, o impormasyong TATSULOK hindi binanggit sa orihinal na teksto. Katulad sa pagsulat ng balita at iba  Gumamit ng mga susing salita. pang obhetibong sulatin, unahin ang  Gumamit ng sariling salita. pinakamahalagang impormasyon. MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD 1. Basahin at unawaing mabuti ang buong akdang gagawan ng buod hanggang sa makuha ang buong kaisipan nito. 2. Suriin at hanapan ng pangunahin at pantulong na mga kaisipan. 3. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto. 4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag maglagay ng sariling pananaw o kuro-kuro. 5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal. 6. Basahin at suriin ang unang ginawang VII. MAGING MATAPAT SA buod. Kung mapaiikli pa ito na hindi PAGBABAHAGI NG IMPORMASYON mababawasan ang kaisipan ay lalong Walang masama kung paminsan- magiging mabisa ang isinulat na buod. minsan ay magbubuhat ng sariling bangko 7. Isulat ang pinal na buod. kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa LARAWANG SANAYSAY iba ang kakayahan. ANO ANG LARAWANG SANAYSAY? Ang larawang sanaysay, na BUOD tinatawag sa Ingles na pictorial essay o ANO ANG BUOD? photo essay, ay isang uri ng sulatin na Ito ay tala ng indibidwal, sa sarili naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng niyang pananalita, ukol sa narinig o isang akda sa pamamagitan ng mga nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, nakahanay na larawan na sinusuportahan ng isyu, usap-usapan at iba pa. mga deskripsyon o kapsyon. Ito ay isang Ito rin ay isang uri ng lagom na koleksyon o limbag na mga imahe o kalimitang ginagamit sa mga akdang larawang inilalagay sa isang partikular na naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela at pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang iba pang anyo ng panitikan. mga pangyayari, mga damdamin, at mga Ito ay pagbubuod ng mga konsepto sa pinakapayak na paraan. mahahalagang nilalaman ng isang akda Layunin nito na magbigay ng aliw, gamit ang sariling pananalita. maglarawan, mangatwiran at magsalaysay ng mga detalye naumiikot sa mga larawang KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG inihalayhay. BUOD Ayon kina Swales at Feat, 1994 DALAWANG SANGKAP NG LARAWANG  Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal SANAYSAY na teksto. TEKSTO  Ilahad sa pamaraang nyutral o - Madalas ay may “journalistic feel” walang kinikilingan. - Kailangang maikli lamang ang sanaysay  Pinaiksing bersyon at ginamit ang para salarawan, at mayroong. nilalamang sariling pananalita ng gumawa mapakikinabangang mensahe mula sa larawan. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA LARAWAN BUOD - Ito ay kaiba sa picture story sapagkat ito ay  May obhetibong balangkas ng may iisang ideya o isyung nais matalakay. orihinal na teksto. -ELYZZA- - Ang mga larawan ay inaayos ayon sa CLOSE-UP SHOT pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay ang layunin nito ay magsalaysay o lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa magkuwento. paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng much at sulat-kamay sa KATANGIAN NG LARAWANG SANAYSAY isang papel. TIYAK NA POKUS May malawak na kabatiran hinggil sa paksa EXTREME CLOSE-UP SHOT at ang mgalarawang nakapaloob ay may Ang pinakamataas na lebel ng " close-up kaugnayan sa iisangkaisipang nais bigyang- shot". Ang pinakapokus ay isang detalye diin sa akda. lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa SARILING LIKHA halip na sa buong mukha. Ang mga larawan, paraan ng paglalahad at pagbibigay- kahulugan sa mensaheng nais HIGH ANGLE SHOT ipaabot nito ay mula sasariling ideya. Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anngulo o pokus ay nagmumula sa ORGANISADO mataas na bahagi tungo sa ilalim. Nakaayos ayon sa lohikal na pagkakasunod- sunod ang mga larawan at mga kapsyon. LOW ANGLE SHOT Kinapapalooban ito ng malinaw, malaman at Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya kawili-wiling panimula, katawan at wakas. ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. MAY KALIDAD ANG MGA KUHANG LARAWAN BIRDS EYE-VIEW Ang mga imahe ay tunay na nagpapahayag Maaari ring maging isang “ aerial shot” na ng kahulugano damdaming maaaring anggulo na magmumula sa napakataas na nakabatay sa kulay, ilaw at artistikong bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. pagkakakuha. REPLEKTIBONG SANAYSAY KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY ANO ANG SANAYSAY?  Ang mensahe ng larawang sanaysay Ang SANAYSAY ay isang anyo ng ay pangunahing makikita sa serye ng sulatin na nagtatampok ng mga datos na mga larawan. maaaring naglalahad, nangangatwiran,  Ang mga larawan ang pangunahing naglalarawan at kung minsa’y nagkukuwento samantalang ang nagsasalaysay. mga nakasulat na teksto ay suporta Ito ay naglalayong magpahayag ng lamang sa mgalarawan. opinyon, kuro-kuro at personal na  Ang pag-aayos ng mga larawan sa obserbasyon ng manunulat hinggil sa isang larawang sanaysay ay nakabatay sa paksa. kung paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa. Halimbawa nito, ay mga Lakbay sanaysay, Larawang sanaysay at Replektibong ANGGULO AT KUHA NG KAMERA Sanaysay ESTABLISHING / LONG SHOT Sa ibang termino ay tinatawag na " scene- REPLEKTIBONG SANAYSAY setting ". Mula sa malayo ay kinukunan ang Ang REPLEKTIBONG SANAYSAY buong senaryo o lugar upang bigyan ng ay isang personal na salaysay na may ideya ang manonood sa magiging takbo ng layuning bumuo ng bagong kaalaman mula buong pelikula o dokumentaryo. sa sariling reyalisasyon o repleksiyon hango sa paksang tinatalakay. MEDIUM SHOT Sa pamamagitan nito, natutuklasan Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula ang sariling pag-iisip, damdamin o opinion baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao at sa mga senaryong may diyalogo o sa kung paano naapektuhan ng mga ito. pagitan ng dalawang taong nag-uusap. -ELYZZA- “Ang replektibong sanaysay ay may INTRODUKSYON kinalaman sa pagsasanay sa pagsuri o pag- Mga dapat tandaan sa pagsulat ng arok sa isip o damdamin. Pagbabahagi ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay mga bagay na nasa isip, damdamin at makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, pananaw hinggil sa isang paksa” — Michael maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa Stratford pagsulat nang mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Ayon kay Morgan, ang replektibong quatation, tanong, anekdota, karanasan, at sanaysay ay nagpapakita ng personal na iba pa. paglago ng isang tao mula sa isang Sundan agad ito ng pagpapakilala ng karanasan o pangyayari. – Kori Morgan paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng Ito ay maaaring nasa anyo ng; sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang  Personal na Sanaysay talata.  Lahok sa Journal  Diary KATAWAN  Reaksiyong papel or learning log Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad SANAYSAY sa panimula. Ang mga bahagi ay mga  Sa pagsulat nito, tayo ay obhetibong datos batay sa iyong nagpapahayag ng damdamin at dito naobserbahan o naranasan upang higit na ay may natutuklasang bago tungkol mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran. at paggamit ng mga mapagkatiwalaang  Ang pagsulat nito ay proseso rin ng sanggunian bilang karagdagang datos na pagtuklas. Natutukoy natin ang ating magpapaliwanag sa paksa. mga kalakasan at kahinaan at Sa bahagi ring ito makikita o isusulat nakaiisip tayo ng mga solusyon sa ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga mga problemang kinakaharap natin. tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga KATANGIAN NG REPLEKTIBONG karanasang ito sa iyo. SANAYSAY 1. Ito ay Personal KONKLUSYON Ang replektibong sanaysay ay personal. Sa Sa pagsulat naman ng Konklusyon, sulating ito, sinasagot ng manunulat ang muling banggitin ang tesis o ang mga replektibong tanong na naglalayong pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ipakita ang ugnayan ng manunulat sa ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung kaniyang paksa. paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. 2. Hindi lamang limitado sa paglalarawan Bilang pagwawakas, maaaring ng kuwento magbigay ng hamon sa mga mambabasa Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay upang kanila ring pagnilayan sa kanilang hindi lamang limitado sa paglalarawan ng buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya kuwento. Nangangailangan din ito ng mas naman ay mag-iwan ng tanong. mataas na kasanayan ng pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning ORGANISASYON diwa. Kapag nagsusulat nito, nagsasagawa Ang repleksyong papel ay kailangang rin ng pagsusuri. maisaayos katulad ng iba pang uri ng pormal na sanaysay HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Use Quizgecko on...
Browser
Browser