Filipino 9 Q2 Week 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document is a Filipino 9 past paper on poems, specifically on Japanese poems Tanka and Haiku. It contains a set of multiple-choice questions.
Full Transcript
1 Aralin Filipino 9-Q2-W1 Mga Tulang Hapon at Suprasegmental 1 Mga Inaasahan Sa araling ito, ating masasaksihan ang mga panitikan na nagmula sa bansang Hapon na tinatawag na Tanka at Haiku. Suriin mong mabuti ang kaibahan ng panitikan Hapon sa ati...
1 Aralin Filipino 9-Q2-W1 Mga Tulang Hapon at Suprasegmental 1 Mga Inaasahan Sa araling ito, ating masasaksihan ang mga panitikan na nagmula sa bansang Hapon na tinatawag na Tanka at Haiku. Suriin mong mabuti ang kaibahan ng panitikan Hapon sa ating panitikan. Pag-aaralan mo rin ang tamang paggamit ng suprasegmental. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na kasanayan : 1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9PN-Ila-b-45) 2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku (F9PB-Ila-b-45) 3. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku (F9PT-Ila-b-45) 4. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-Ila-b-47) 5. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku (F9WG-Ila-b-47) Tayo na’t simulan ang ating gawain sagutan ang paunang pagsubok. Paunang Pagsubok A. Basahin ang nilalaman ng tula at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Kalikasan Ang kalikasan ay pag-ingatan, Huwag pabayaan. Parang relasyon kung kalimutan, Tuluyang magmaliw. 1. Ang panitikan na iyong binasa ay isang ____________. A. tula B. awit C. dula D. elehiya 2. Ang akdang iyong binasa ay tungkol sa _____________. A. relasyon B. kalikasan C. pag-iingat D pamamaalam 3. Ano ang damdaming inihahayag ng tula? A. pagmamahal B. kalungkutan C. kasiyahan D. pagkabalisa 4. Saan inihambing ng tula ang kalikasan? A. tao B. pag-ibig C. relasyon D. nararamdaman 5. Ang ibig sabihin ng magmaliw ay _______ A. lilipas B. lalayo C. titibay D. tatalima 6. Kanino humihingi ng pagkalinga ang kalikasan? A. sa kaniyang minamahal C. sa kaniyang kapwa Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 2 B. sa mga tao D. sa poong Maylikha 7. Ano ang bilang ng pantig ng tulang iyong binasa A. 9 6 9 6 B. 8 7 8 7 C. 10 6 10 6 D. 7 6 7 6 8. Ano ang nais iparating ng tula sa atin? A. Ang kalikasan ay pabaya sa relasyon. B. Ang kalikasan ay nagmamahal pero iniiwan. C. Ang kalikasan ay may puso ding nagmamahal. D. Ang kalikasan ay kailangan din ng aruga at pagmamahal. 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng tula? A. matimpi ang paksa B. may tugmaan ng pantig at tono C. karaniwanang paksa ay pag-ibig at kalikasan D. karaniwang maikli lamang at puno ng saloobin 10. Sang-ayon sa tulang iyong binasa nais ng sumulat na A. ating pag ingatan ang ating mga mahal sa buhay B. ating mahalin at pangalagaan ang kalikasan C. magtanim ng mga puno sa kagubatan D. magturo ng kabutihan sa kapwa Nalaman mo na ang isang uri ng panitikan na tula. Atin naman bigyang-pansin ang isang panitikang nagmula sa bansang hapon na Haiku at Tanka. Balik-tanaw Sagutin ang mga tanong sa pagbabalik-tanaw. Gawin sa sagutang papel. Ano ang Sarbey? Ano-ano ang mga Magbigay ng dalawang layunin sa pagbuo dapat tandaan sa pagbuo ng Sarbey? ng sarbey Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos: Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 – dalawang pamantayan lamang Kaalaman sa paksa. 1 – isang pamantayan lamang Maayos at malinaw ang paglalahad. Pagpapakilala ng Aralin Sa araling ito, tuklasin mo ang tungkol sa kultura at panitikan ng bansang Hapon na nagbigay ningning sa kanilang panitikan. A. Ang Haiku at Tanka Bilang Isang Anyo ng Sinaunang Panitikan ng mga Hapon Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 3 Ang bansang Hapon ay makikita sa Silangang Asya ito ay nasa Pacific Ring of Fire, kung saan natatala ang pinakamaraming lindol at pagputok ng bulkan. Tokyo ang kabisera nito. Nihonggo ang karaniwang wika ng mga Hapon at ang kanilang mga relihiyon ay Shintoismo at Buddhismo. Malaki ang naging impluwensya ng dalawang relihiyon sa pamumuhay at kaisipan ng mga Hapones. Ang Shintoismo ang nagbigay ng kaisipang sila ay anak ng diyos at magiging mga diyos kapag sila ay namatay at ang kodigo ng Bushido naman ang nagtuturo sa kahalagahan ng dangal ng isang tao na kung saan mas mabuti pang mamatay kaysa mawalan ng dangal. TANKA AT HAIKU Sa bansang hapon, tinitipon ang mga tulang isinulat ng mga kilalang tao mula pa noong ika-8 siglo hanggang sa kasalukuyan. Isang koleksiyon ng mga sinaunang tula ay ang manyoshu na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay Collection of Ten Thousand Leaves. Ang Manyoshu ay naglalaman ng 4,500 na tula, siyamnapung bahagdan ng mga tulang ito ay tanka. Ang tanka ay maikling tulang binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7. Katulad ng tanka, ang haiku ay isa ring maikling tula, binubuo ito ng tatlong taludtod at may sukat na 5-7-5. Kadalasanang tema ng haiku ay tungkol sa kalikasan. Ang tanka ay nagsimula noong ikawalong siglo samantalang ang haiku ay ika labing limang siglo. Ito ay may layuning pagsama-samahin ang mga ideya sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Ito ay halimbawa ng tanka na isinulat ni Oshikochi Mitsune na isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson at ni Princess Nukata na inihandog niya sa kanyang asawa na si Prinsipe Oama. Napakalayo pa nga Sa Murasaki Wakas ng paglalakbay Ang bukid ng palasyo Sa ilalim ng puno Pag pumunta ka Tag-init noon Wag ka sanang Makita Gulo ang isip Na kumakaway sa ‘kin Ito ay halimbawa ng haiku na isinulat ni Matsuo Basho na isinalin sa Filipino ni C. Ambat. Mundong ‘sang kulay Ambong kaylamig Nag-iisa sa lamig Maging matsing ay nais Huni ng hangin Ng kapang damo Makikita naman sa ibaba ang iba’t ibang uri ng tulang taglay ng panitikan Pilipino gayundin ng panitikan ng ibang bansa. Tanka Haiku Sa piling mo masaya Tignan ang ganda Kahit malayo ka man Kalikasan sa’tin lang Ikaw pa din mahal ko Ako at ikaw Laman ng puso Huwag mabigo Nasilayan ka Kaibigan ka Layo daw ako Kahit saan mapunta Pero ako’y nahulog Mag-iingat ka Sa ngiti mong di sadya Ngayong natuklasan mo na ang panitikan ng hapon na tanka at haiku. Ngayon naman ay pag-aralan mo ang iba’t ibang gamit ng Ponemang Suprasegmental. Ponemang Suprasegmental Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at hinto o antala (juncture). Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 4 1. Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Halimbawa: HaPON-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese) HApon-bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon) BUhay-bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life) buHAY-bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pangtig (alive) 2. Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas o pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan ang nag-uusap. Ang pagbigkas ng salita ay maihahalintulad sa musika, may tono o intonasyon- may bahaging mababa, katamtaman, at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon. Halimbawa: Nagpapahayag: Ang ganda mo. Nagtatanong: Ang ganda mo? Nagbubunyi: Ang ganda mo! 3. Ang hinto o antala ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto din pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na maunawaang nais nitong ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa hinto. Halimbawa: Hindi ito ang aso ko. Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi iyon ang aso na pinag-uusapan. Hindi, ito ang aso ko. Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na ito ang aso na pinag- uusapan. Hindi ito, ang aso ko. Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya” na hindi ibang aso ang nasa isip kundi ang aso niya mismo. Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi. Mga Gawain Panuto: Sagutan ang mga pagsasanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan Piliin at bilugan ang kasalungat ng nakasalungguhit na salita mula sa iba pang salita sa tula. Pagkatapos ay isulat ang kasingkahulugan nito sa patlang. Piliin sa kahon ang iyong sagot. a. ginaw b. paglalayag c. tagtuyot d. dilat e. mahal Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 5 Gawain 2 Panoorin at pakinggan ang pagbigkas ng mga tulang Tanka at Haiku. Suriin ito batay sa kanilang pagkakabigkas. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Ito ang link ng papanoorin (https://www.youtube.com/watch?v=MBxCU0abDTs) Tanong: Anong tono ng pagbigkas ang ginamit ng mga mag- aaral sa iyong pinanood? Bakit sa palagay mo ganito ang kanilang pagkakabigkas? Tama ba ang kanilang pagbigkas sa tula? Sagot: Gawain 3 Pagsagot sa mga Tanong Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo sa pagbuo ng tanka at haiku gamit ang graphic organizer. PAGKAKATULAD TANKA HAIKU PAGKAKAIBA Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang iyong napansin sa tulang tanka at haiku ng bansang Hapon? 2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang Hapon sa tulang Pilipino? 3. Paano makikilala ang kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng kanilang mga tula? 4. Bakit mahalaga na pag-aralan ang kultura at panitikan ng iba’t ibang bansa? 5. Ano ang kabisaan ng tulang tanka at haiku bilang isang napapanahong akda? Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 6 Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos: Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan ✓ Naaangkop ang ibinigay na 3 – dalawang pamantayan lamang kasagutan 1 – isang pamantayan lamang ✓ Maayos naipaliwanag ang kasagutan ✓ Nasagutan ng tama ang tanong Gawain 1.4 Pagsasanay Panggramatika A. Nagagamit ang Suprasegmental na antala, diin at tono sa pagbigkas ng mga pahayag. A. Tukuyin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng bawat pahayag. Isulat ang letra sa patlang. A. tasa B. taSA ____1. Tulis ng lapis ____2. Isang uri ng bagay na iniinuman A. kita B. kiTA ____3. sweldo ____4. nasilayan A. basa B. baSA ____5. natapunan ng tubig B. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga pahayag batay sa paggamit ng suprasegmental. Halimbawa: Ito ang alaga ko. Paliwanag: Pagmamay-ari niya ang aso. 1. Ikaw ang naghugas?______________________________________________________ 2. Hindi, si Sonny ito. ______________________________________________________ 3. Dito ka na! _______________________________________________________________ 4. Kuya, ako ang guro. _____________________________________________________ 5. Masaya ako ngayon?______________________________________________________ Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na Mga katangian ng sagot : puntos: ✓ Naaangkop ang ibinigay na 5 – taglay ang 3 pamantayan kasagutan 3 – dalawang pamantayan lamang ✓ Maayos naipaliwanag ang 1 – isang pamantayan lamang kasagutan ✓ Nasagutan ng tama ang tanong Magaling! Natapos mo ang mga gawain. Pag-ibayuhin mo pa ang iyong kaalaman. Tandaan Matapos mong pag-aralan ang tanka at haiku at iba’t ibang paggamit ng ponemang suprasegmental, ito naman ang dapat mong tandaan. 1. Ang Tanka at Haiku ay isang panitikang Hapon. 2. Ang Tanka at Haiku ay kabilang sa koleksiyon ng mga sinaunang tula noong ika-8 siglo na Manyoshu. Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 7 3. Ang Manyoshu ay naglalaman ng 4500 na tula na tinatawag na Collection of Ten Thousand Leaves. 4. Tanka at Haiku ay may layuning pagsama-samahin ang mga ideya sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. 5. Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at hinto o antala (juncture). Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan Pag-alam sa mga Natutuhan A. Sumulat ng iyong sariling tulang Haiku at Tanka. Maaari kang pumili sa kahit anong paksang iyong naibigan. Gawin sa sagutang papel. Ito ay halimbawa na maaari mong sundan sa pagbuo ng sarili mong tula. Minsan lang nakadama Kapayapaan Ligaya’t saya Lagi kong hinahangad Pa’no pag wala kana Para sa atin Luha’t pighati Kailangan bang madama https://bit.ly/3kWhLPm Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos: Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan ✓ Nagamit ng maayos ang mga pamantayan 3 – dalawang pamantayan lamang sa pagbuo ng tanka at haiku. 1 – isang pamantayan lamang ✓ May tamang sukat ang bawat tula ✓ Maayos ang pagbuo ng tula B. Pagbigkas ng tulang Tanka at Haiku. Sa gawaing ito iyong bigkasin ang isinulat mong tula gamit ang ponemang suprasegmental. Kuhanan mo ang iyong sarili habang binibigkas ang iyong tula. Ilagay ito sa inyong facebook page. Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos: Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan ✓ Nagamit ng maayos ang mga pamantayan 3 – dalawang pamantayan lamang sa pagbigkas ng tula. 1– isang pamantayan lamang ✓ Nagamit ng tama ang ponemang suprasegmental ✓ Maayos ang pagkakabigkas ng tula Pangwakas na Pagsusulit Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Anong tula ang may sukat na 5-7-5-7-7? Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 8 A.Tanka B. Awit C. Haiku D. Elehiya 2. Anong tula ang may sukat na 5-7-5? A.Tanka B. Awit C. Haiku D. Elehiya 3. Ano ang karaniwang paksa ang ginagamit sa pagbuo ng haiku at tanka? A. Diyos B. Kaibigan C. Magulang D. Kalikasan 4. Ano ang pinakamahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng tulang hapon? A. angkop na paksa C. tamang sukat ng tula B. sariling istilo D. wastong pagbasa ng tula 5. Ano ang layunin ng Haiku at Tanka? A. Maipakita ang mahusay na pagbasa ng tula. B. Maging bihasa sa pagbuo ng tula gamit ang sariling istilo. C. Pagsama-samahin ang ideya sa kakaunting salita lamang. D. Makilala ang ambag ng bansang Hapon sa ating panitikan. 6. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbasa ng tula? A. Tamang bilis, istilo at lakas B. Tamang bilis, antala, tono. C. Taman diin, antala at tono D. Tamang diin, istilo at lakas Basahin ang tula at sagutin ang tanong sa ibaba. Pamilya mahalaga Huwag mong kalimutan At laging mamahalin para sa atin para sayo rin 7. Tungkol saan ang tulang binasa? A. pamilya B. pagmamahal C. pagpapahalaga D. pagkalimot 8. Ano ang bilang ng pantig ng tulang iyong binasa? A. 7 5 7 5 5 B. 5 5 7 7 7 C. 7 7 7 5 5 D. 5 7 5 7 7 9. Ano ang nais iparating ng tula sa atin? A. Pahalagahan mo ang iyo sarili C. Huwag kalilimutan ang pamilya B. Pahalagahan ang pamilya D. Ang pamilya mo ay iyong mahalin 10. Ang tulang binasa ay isang halimbawa ng _____. A. Tanka B. Awit C. Haiku D. Elehiya Pagninilay Sagutin sa kahon ang katanungan sa ibaba. Bilang isang kabataang Asyano paano mo mapapangalagaan at maipagmamalaki ang iyong kultura? Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos: Mga katangian ng sagot : ✓ Naaangkop ang ibinigay na 5 – taglay ang 3 pamantayan kasagutan 3 – dalawang pamantayan lamang ✓ Maayos naipaliwanag ang 1 – isang pamantayan lamang kasagutan Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 9 ✓ Nasagutan ng tama ang tanong Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro. FILIPINO 9 SAGUTANG PAPEL Markahan: Ikalawa Linggo: Una Pangalan: ____________________________________ Guro: ____________________ Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ____________________ Paunang Pagsubok 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. Balik-tanaw Ano ang Sarbey? Ano-ano ang mga layunin sa Magbigay ng dalawang dapat pagbuo ng Sarbey? tandaan sa pagbuo ng sarbey Gawain 1 Gawain 2 1. 2. 3, 4. 5. Gawain 3 1. 2. 3. 4. Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo 10 5. Gawain 1.4.A. Gawain 1.4.B 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. Pag-alam sa Natutuhan Pangwakas na Pagsusulit 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4 9. 5. 10 Pagninilay Modyul sa Filipino 9 Ikalawang Markahan: Unang Linggo