FIL 102 Yunit 4: Anthropocene: Tao vs Kalikasan at Kapaligiran PDF

Summary

This document provides an overview of the Anthropocene, a proposed new geological epoch defined by the significant impact of human activity on Earth's systems. It discusses the concept, key characteristics like global warming, and the connection to human activities such as industrialization and resource consumption.

Full Transcript

**FIL 102 YUNIT 4: ANTHROPOCENE: TAO VS KALIKASAN AT KAPALIGIRAN** Ano ang Anthropocene? Tao vs Kalikasan Industriyalisasyon vs Kalikasan Ecomafia **KAHULUGAN AT KONSEPTO NG ANTHROPOCENE** - Tinatawag tayong mga nabubuhay sa panahon ngayon bilang **Anthropocene.** Ang mga tao ay isa sa m...

**FIL 102 YUNIT 4: ANTHROPOCENE: TAO VS KALIKASAN AT KAPALIGIRAN** Ano ang Anthropocene? Tao vs Kalikasan Industriyalisasyon vs Kalikasan Ecomafia **KAHULUGAN AT KONSEPTO NG ANTHROPOCENE** - Tinatawag tayong mga nabubuhay sa panahon ngayon bilang **Anthropocene.** Ang mga tao ay isa sa may malaking impluwensyang species sa daigsig kung saan nagdudulot ng global warming at iba pang nakapagpapabago sa kalikasan, lupa, tubig, organism maging ng atmospera. - Ang salitang ***Anthropocene*** ay hango sa salitang Griyego na tumutukoy sa humans o mga **tao** (anthro) at **bago** (cene), ngunit ang depinisyong ito ay kontrobersyal. - Nabuo ang salitang ito noong 1980 at naging tanyag lamang noong 2000 dahil sa atmospheric chemist na si Paul J. Crutzen at diatom researcher na si Eugene F. Stoemer. - Iminungkahi ng dalawang dalubhasa na tayo ay nabubuhay sa sa ***new geological epoch*.** - Malaki ang impak at impluwensya ng ***Homo Sapiens*** o mga tao sa daigdig maging ng kinatitirhan nito na kalikasan, sistema at proseso, at biodaybersidad. - Ang daigdig ay 4.5 bilyong taong gulang ang mga modernong indibidwal ay namumuhay sa loob ng 200,000 taon. - Sa lumipas na 60 taon, nagdulot ng malaking impak at impluwensya sanhi ng pagtaas at pagdami ng mga pagbabago sa daigdig. Ang panahong ito ay tinawatag na ***Great Acceleration***. - Ito ay tumutukoy sa **carbon dioxide emmisions, global warming, ocean acidification, habitat destruction, ekstinksyon, at malawakang pagkasira ng mga likas na yaman.** Ang lahat ng ito ay sinyales ng pagbabago o pagmomodipika sa ating daigdig. - Sa kabila nito, hindi lahat ay sumasang-ayon sa mga pagbabagong ito bilang patunay sa ***new formal geological epoch*** na ***Anthropocene.*** May pagtatalo pa rin ang mga dalubhas sa buong daigdig hinggil dito. **MGA SIGNOS NG ANTHROPOCENE** - Ayon sa artikulo ni Sam Wong na ***Marks of the Anthropocene: 7 signs we have made our own epoch***, naglahad siya ng 7 mga signos ng Anthropocene. - Ito rin ang tinutukoy ng mga dalubhasa na ang mga pagbabagong nagaganap sa daigdig ay dahil sa kagagawan ng tao at hindi sa natural na pamaraan ng kalikasan. - Sinang-ayunan ito ng naunang pahayag ni Glotfelty na ang lahat ng nararanasang sakuna ngayon ay dahil sa ***ethical system functions*** at hindi dahil sa ***ecosystem functions***. 1. **Nuclear Weapon**. Isang pinakadelikado at mapinsalang kagamitan sa buong daigdig. Maaari itong makasira sa isang buong lungsod at pumatay ng milyong-milyong tao at sumira sa kalikasan maging sa hinaharap. Nag-iiwan ito ng mapaminsalang epekto. Ang halimbawa nito ay ang pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki noong 1945 na pumatay sa libo-libong tao. 2. **Fossil Fuels**. Tumutukoy sa anumang klase ng mga materyal na may *hydrocarbon* na maaaring pagsimulan ng enerhiya. Ang Fossil fuels na mga produkto na karaniwang kilala at ginagamit natin ngayon ay ang [coal](https://www.britannica.com/science/coal-fossil-fuel)[,](https://www.britannica.com/science/petroleum) [petroleum](https://www.britannica.com/science/petroleum)[,](https://www.britannica.com/science/natural-gas) [natural gas,](https://www.britannica.com/science/natural-gas) [,](https://www.britannica.com/science/bitumen) [bitumens](https://www.britannica.com/science/bitumen)[,](https://www.britannica.com/science/tar-sand) [tar sands,](https://www.britannica.com/science/tar-sand) at [heavy oils.](https://www.britannica.com/science/heavy-oil) Ang gasoline na bahagi ng industriya ay isang fossil fuel. Humigit sa 3. 80% ng enerhiya ang kinokunsumo ng industriya sa iba-t ibang bansa. Kaya hindi nakapagtataka na patuloy ang global warming dahil sa walang tigil na paglabas ng carbon dioxide dulot ng fossil fuels. Ang simpleng pagsusunog ng basura ay nagdudulot ng carbon dioxide na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer. 4. **New Materials**. Isa sa mga malaking kontribusyon ng tao sa pagbabago sa kapaligiran ay ang presensya ng paggamit ng aluminum, concrete, at plastik. Ang **aluminum** ay hindi pa alam ang elemental na gamit nito hanggang sa ika-19 siglo. Sa ngayon ay nakakapagprodyus na ng 500 milyon tonelada nito. Ang **concrete** naman ay naimbento ng mga Romano ngunit naging tanyag lamang ito bilang materyales sa paggawa ng mga gusali noong ika-20 siglo na umaabot na ng 50 bilyong tonelada na ang napoprodyus ngayon na maaari nang iaklat sa bawat square meter ng daigdig. Ang **plastik** naman ay inisyal na nadebelop noong 1900s ngunit dumami lamang ito noong 1950s. Ngayon, nasa 500 milyong tonelada na ito kaya hindi nakapagtataka na ito rin ang pinakamaraming uri ng basura. 5. **Changed Geology**. Tumutukoy ito sa mga pagbabagong nagaganap sa pisikal na istruktura ng daigdig o *geological changes*. Sa tuwing sinira natin ang ilang bahagi ng kagubatan ay nagbabago rin ang hinaharap na kalagayan ng pisikal na istruktura ng daigdig. Ngayon, 50% ng bahagi ng daigdig ay tuluyan ng nagbago dahil sa Anthropocene gaya farming, drilling, mining, landfills, dam-building at coastal reclamation na nagdudulot ng pagputok ng bulkan, landslides, pagbaha, tsunami, at iba pa. 6. **Fertlizers**. Tumutukoy ito sa mga patabang ginagamit partikular sa larangan ng agrikultura. Ang layuning matugunan ang pangangailangang pangkalasugan at nutrisyon ng lumulubong populasyon ay nagkakaroon din ng malaking epekto sa kalikasan. Ang pagtaas ng lebel ng nitrogen at phosporus sa lupa sa nagdaang siglo ay dumoble pa dahil sa paggamit ng mga pataba. Nakakapagprodyus ng 23.5 milyong tonelada ng phosporus sa bawat taon. 7. **Global Warming**. Isa sa mga aspeto ng pagbabago ng klima na tumutukoy sa pangmatagalang pag-init ng temperature ng daigdig. Ito ay dulot ng walang tigil na paggamit ng mga kagamitang nagbubuga o naglalabas ng carbon dioxide gaya ng pagsusunog ng fossil fuels, deforestation, at farming na nagdudulot ng greenhouse effects sa atmospera. 8. **Mass Extinction**. Malawakang pagkawala o pagkamatay ng mga organism. Ang mass extinction na ito ay dulot ng ***global changes***. May iilan na ipinapalagay na nasa ika-6 na yugto na tayo ng mass extinction ng kasaysayan ng daigdig na ¾ ng mga organism at species ay maaaring mawala sa susunod na siglo. **ANTHROPOCENE AT INDUSTRIYAL NA REBOLUSYON** - Iminungkahi ng iilan na ang Anthropocene ay nagsimula nang magsimula rin ang Industrial Revolution noong ika-18 siglo, kung saan nalikha ang kauna-unahang ***fossil fuel economy*** sa daigdig. - Ang pagsunog sa organikong karbon ng foosil fuel ay naging sanhi ng malawakang produksyon at pagtaas ng bilang ng pagmimina, pabrika, at mills na sinundan ng maraming bansa sa daigdig. Ang demand ng coal ay mas lalong tumaas na siya ring pagtaas ng carbon dioxide emission na sumisira sa kalikasan. - Ang ibang mga bansa, rehiyon, komunidad at industriya ay may malaking kontribusyon sa ***planetary pollution*** at ***climate change*** **KALIGIRANG KASAYSAYAN NG REBOLUSYON INDUSTRIYAL** Ito ay isang transisyonal na panahon (1760-1840) sa Europe at Amerika na nakatuon sa pagbabago sa pamamagian ng paggawa mula sa pagbuo ng mga produkto sa pamamagitan ng kamay papunta sa paggamit ng mga makinarya at awtomisasyon. 1. Nag pagsimula ng rebolusyong agrikultral na naglatag ng daan para mangyari ang maagang industriyalisasyon sa Britanya. 2. Ang migrasyon ng tao mula sa rural papunta sa urban na lugar. 3. Maraming negosyanteng Briton ang handing sumugal sa pagtatayo ng mga pabrika. 4. May malakaing mina ng coal sa loon nh bansa ng britanyan. 5. Sa panahon na ito ang britanya ay may malaking emperyo sa ibat ibang dako ng daigdig. **EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL SA IBA'T IBANG INDUSTRIYA** 1. **AGRIKULTURA**. Ang Europa ay may malaking populasyon sa labas ng mga siyudad dahil ang pangunahing hanapbuhay noon ay ang pagsasaka. Matapos ang ilang mga inobasyon at mga inbensyon na nakatulong sa mabilis na pagtatanim ng mga butil, ito ay ang dulot ng ekponensyal na paglaki ng surplus sa agrikultura at sa hindi na pangangailangan ng madaming tao para sa pagtatanim at pag-aani. 2. **TEXTILE**. Ang industriya ng tela at sinulid ang pangunahing naapektuhan ng rebolusyong industriyal. Ang paggawa ng textile noon ay isang manomanong gawain na nangangailang ng mahabang oras para matapos lamang ang isang hakbang ng proseso (hal. Pagtatanggal ng buto sa bulak, pagpusod nito papunta sa pagiging hibla ng sinulid, paghahabi ng tala atbp). Ang mga kagamitan ng mga manggawa noon ay mga simpleng makina para lamang mapadali ang manwal na gawain ng mga mangagawa. Sa pagpasok ng rebolusyong industriyal, dumating ang iba't ibang makinarya na nagbigay daan sa pagpapabilis sa paggawa ng mga sinulid, tela at mga damit. Ilan sa mga makina na ito ay: a. **Ang cotton gin o ang "cotton engine"** -- ito ay isang makina na nilikha ni **Ely Whitney** na nagpadali sa proseso ng paghihiwalay ng mga hibla ng bulak sa buto nito. b. **Ang Spinning Jenny** -- ito'y makina na nilikha ni **James Hangreaves**. Ito ay nagpabilis sa paggawa ng mga sinulid at paglalagay nito sa mga basyo nito. c. **Flying Shuttle** -- ang imbensyon na ito ay nagpabilis sa paghahabi ng mga sinulid upang maging tela. Sa tulong ng imbensyon ni **John Kay**, isang tao na lamang ang kailangan na gumamit ng isang habian 3. **TRANSPORTASYON**. Ang naging tagumpay ng rebolusyong industriyal ay nakasalalay sa kakayahan na ihatid ng mga negosyante ang hilaw na materyales at ang mga tapos na produkto sa mga lugar na patutunguhan nito. Maaaring hindi naganap ang rebolusyong industriyal kung nanatiling primitibo ang paraang paglalakbay ng mga tao sa lupa at sa tubig. Ang *steam engine* ay ginamit upang mas lalong mapabilis sa paglalakbay ang mga tao. Sa gitna ng 1800's matagal nang ginagamit ang steam power sa mga barko ngunit nang unang ginamit ang steam engine sa mga locomotive ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa transportasyon ng mga tao. Noong 1928, nilikha ni **John Stephenson** ang unang gumaganang steam engine locomotive na tinawag nilang **"Rocket"**. Ito ay nagdulot ng pagsikat ng pagamit ng tren sa Europa at sa America. **EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL SA LIPUNAN** Nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao ang rebolusyong industriyal. Karamihan sa mga pagbabagong ito ay nararamdaman pa rin ng mga tao sa modernong panahon. Isa sa idinulot nito ay ang pagbibigay tuon ng mga tao sa kahalagahan ng industriyalisasyon sa pag- unlad ng mga bansa. - Ang populasyon ay nagsimula lumipat sa mula sa mga rural na probinsya papunta sa urban na siyudad. - Isa sa mga naging epekto nito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon sa mga urban na lugar. - Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay nagdulot ng kakulangan sa trabaho sa loob ng siyudad. - Sa panahon din ito naging laganap ang child labor o ang paghahanap buhay ng mga bata sa mga pabrika. - Ang kondisyon ng kalikasan ay hindi rin maganda sa loob ng mga siyudad. - Ang rebolusyong industriyal ay nagtulak sa mga tao sa landas ng industriyalisasyon. Kung hindi dahil sa rebolusyong ito ay hindi natin mararanasan ang mga ginhawa ng modernong panahon. - Ngunit kailangan pa din tignan ang mga naging negatibong aspeto na nagsimula sa panahon na ito. Karamihan ng mga isyu kinakaharap ng mga tao ngayon ay nagsimula dito at lalo pa nito lumalala sa kasalukuyan, tulad nang di pantay na distribusyon ng yaman at mabilis na pagkasira ng kalikasan. **TAO AT KALIKASAN** - Mauunawaan ang usaping pangkalikasan kung titignan at aaralin natin ang saligang relasyong ng tao at ng kalikasan at ang kaugnay na relasyon ng tao sa tao sa isang lipunan. Ang kasaysayan ng sangkatauhan, nakapaloob ang paggana ng relasyon ng tao at ng kalikasan, ay makikita sa kasaysayan kung papaano pinapa-unlad ng mga tao ang produksyon sa lipunan at gayundin ng pag-unlad ng mga lipunan - Hindi hiwalay bagkus integral ang tao sa kalikasan. Ang tao ay ang mismong kabuuan ng mga sangkap na nagmula sa kalikasan at, sa huli, kapag sya ay namatay ay muling magbabalik sa kalikasan. - Gayundin, ang tao ay ang sentral na bahagi ng kalikasan. Ang tao ang pinaka-abante at pinakamulat sa mundo. Di tulad ng hayop, ang tao ang syang mas nakakapagtakda sa kalikasan. - Ang kalikasan ay siyang lahat sa tao. - Sa patuloy na paglahok ng tao sa produksyon, natututunan nya ang mga katangian ng mga bagay, ang mga ugnayan nito sa ibang bahagi ng kalikasan at ang mga batas sa pagbabago nito. Dahil dito patuloy nyang napapayaman ang kanyang kaalaman sa syensya at napapataas ang antas ng kanyang teknolohiya na muli ay nagagamit sa pagpapa-unlad ng kanyang produksyon. - Bago matutong magsaka at mag-alaga ng hayop, mahabang panahon na umasa sa pangangaso at pangangalap ng pagkain mula sa kapaligiran ang tao gamit ang pinakasimpleng kasangkapan tulad ng bato o buto ng mga hayop. - Ang mga produkto tulad ng GMOs, kompyuter, robot at satelyt ay resulta na ng pagkadalubhasa ng tao sa kalikasan, produkto ng modernong produksyon na gumagamit ng modernong teknolohiya at makinarya. **UGNAYAN NG TAO, KALIKASAN, AT LIPUNAN** - Ang kalikasan ay likas na tirahan ng mga organismo, hindi artipisyal na nilikha ng mga tao. - Sa isang mas malawak na kahulugan, ang kalikasan ay isang buhay na mundo na pumapaligid sa atin saan man. Ang mundong ito ay walang hanggan at magkakaiba. Ang kalikasan ay isang layunin na katotohanan na umiiral anuman ang kamalayan ng tao - Ang lipunan ng tao ay bahagi ng kalikasan at hindi ito nangangailangan ng espesyal na patunay. Pagkatapos ng lahat, ang natural na kemikal, biological at iba pang mga proseso ay nagaganap sa katawan ng bawat tao. - Ang katawang tao ay gumaganap bilang likas na batayan ng kanyang aktibidad sa lipunan sa larangan ng paggawa, politika, agham, kultura, atbp. - Bilang isang patakaran, ang mga natural na proseso na nagaganap sa lipunan ay nakakakuha ng isang pormang panlipunan, at ang natural, pangunahin na biological, mga regularidad ay kumikilos bilang biosocial. - Ang mga batas sa biosocial ay nagpapahiwatig ng impluwensyang mutual ng mga simulain ng biyolohikal at panlipunan sa pag-unlad ng lipunan. - Ang papel na ginagampanan ng kalikasan sa buhay ng lipunan ay palaging may katuturan, sapagkat ito ay gumaganap bilang isang likas na batayan para sa pagkakaroon at pag-unlad. - Ang organikong koneksyon sa pagitan ng tao at kalikasan ay ginagawang kinakailangan upang ganap na isaalang-alang ang natural na mga kadahilanan sa pag-unlad ng lipunan. Iyon ang dahilan kung bakit palaging ang pansin ng kalikasan. - Ang kahalagahan ng kapwa walang buhay at pamumuhay na kalikasan para sa lipunan ay dumarami. Ang likas na pamumuhay ay bumubuo sa ***biosphere*** ng daigdig: ***flora*** at ***fauna***, ang pagkakaroon ng kung saan ay objectively kinakailangan para sa pagkakaroon ng tao at lipunan. - Itinuturo ang pagkakasundo at kagandahan ng kalikasan, isa sa mga kinatawan ng pilosopiko romantismo - Pinagtalo ni ***J.J. Rousseau*** na ang paghihiwalay ng sangkatauhan mula sa kalikasan at paglipat nito sa sibilisasyon (na kinatukoy niya bilang masama) ay ang mapagkukunan ng lahat ng mga problema at kasawian ng mga tao. - sinabi ni **C. Montesquieu** na ang klima, lupa \"at ang posisyon na pangheograpiya ng bansa ang dahilan para sa pagkakaroon ng iba\'t ibang anyo ng kapangyarihan ng estado at batas, matukoy ang sikolohiya ng mga tao at ang bodega ng kanilang karakter.***\"Sa kanyang palagay, tinutukoy ng klima at kapaligirang pang-heyograpiya ang*** ***katangian ng pag-iisip at pagnanasa ng puso,*** \" na hindi maiwasang makaapekto sa sikolohiya ng mga tao, ang likas na katangian ng kanilang sining, kaugalian at batas. **Kaya, ang papel na ginagampanan ng kalikasan ay ang mga sumusunod:** 1. Ang kalikasan ay pangunahin sa isang kapaligiran sa pamumuhay. 2. Ang kalikasan ay mahalaga din sa ekonomiya. Ito ay mula sa kalikasan na iginuhit ng tao ang lahat ng kinakailangang mapagkukunan para sa pagpapaunlad ng kanyang aktibidad na pang-ekonomiya; upang maitaguyod ang yaman na materyal. 3. Ang pang-agham na kahalagahan ng kalikasan ay sumusunod mula sa katotohanang ito ang mapagkukunan ng lahat ng kaalaman. 4. Ang pang-edukasyon na halaga ng kalikasan ay nakasalalay sa ang katunayan na ang pakikipag-usap dito ay may kapaki-pakinabang na epekto sa isang tao sa anumang edad, bubuo ng isang sari-saring pananaw sa mundo. 5. Ang aesthetic na halaga ng kalikasan ay napakalaking. Ang kalikasan ay palaging naging inspirasyon para sa sining, pagkuha, halimbawa, isang gitnang lugar sa gawain ng mga pintor mga pintor sa tanawin at hayop. Ang kagandahan ng kalikasan ay umaakit sa mga tao at may kapakipakinabang na epekto sa kanilang kalagayan. **ANG DOKTRINA NG NOOSPHERE** - Ang doktrina ng noosphere ay pinagsasama ang maraming mga tularan mula sa tila kaunti sa mga karaniwang disiplina: pilosopiya, ekonomiya, geolohiya. - Ang siyentipikong Pranses-Matematiko na si ***Edouard Leroy*** ay unang nagsabi sa mundo kung ano ang noosfir noong 1927 sa kanyang mga publikasyon. - Ang doktrina ni Vernadsky ng noosphere, ayon sa mga siyentista, ay naiugnay sa seksyon lamang na \"ebolusyon\" nang ang biosphere ay naging noosphere. - Sinulat ni Vladimir Ivanovich sa kanyang librong \"Siyentipikong Kaisipan bilang isang Planetang Penomena\" na ang paglipat mula sa biospeher patungo sa noosphere ay posible kapag ang prosesong ito ay naiimpluwensyahan ng kaisipang pang-agham. - Ayon kay ***A. D. Ursula***, halimbawa, ang noosphere ay isang sistema kung saan ang kadahilanang moral, mga halagang nauugnay sa talino, ang humanismo ay magpapakita ng kanilang sarili bilang isang bagay na dapat unahin. Sa noosphere, ayon kay Ursul, ang sangkatauhan ay nabubuhay na konsepto ng kalikasan, sa isang mode ng magkasamang pakikilahok sa mga proseso ng ebolusyon. - Ang **tao** at ang **noosaur** ay konektado sa pinaka direktang paraan. Ito ay kaugnay sa mga kilos ng tao at sa direksyon ng kanyang isipan na lumitaw ang noosphere (ang mga aral ni Vernadsky ay tiyak na nagsasalita tungkol dito). - Sa pahayag na \"The Pinitensya ng Tao\", ang siyentipikong Pranses na si **Pierre Teilhard de Chardin** ay naglagay ng ilang mga konsepto ng pilosopiko na nakakaapekto sa isang hindi pangkaraniwang bagay na tulad ng noosphere. - Maaari silang mailarawan nang maigi tulad ng sumusunod: ang tao ay naging hindi lamang isang bagay ng ebolusyon, kundi pati na rin ang makina nito. Ayon sa mga konsepto ng siyentista, ang pangunahing mapagkukunan ng dahilan ay ang pagmuni-muni, ang kakayahan ng isang tao na malaman ang kanyang sarili. - Ang teorya ni Teilhard de Chardin at ang konsepto ni Vernadsky ay pinag-isa ng teorya ng hitsura ng tao. Ang parehong mga siyentipiko ay naniniwala na ang mga tao ay naging espesyal at naiiba mula sa iba pang mga nabubuhay na nilalang dahil sa kamalayan ng kanilang sarili bilang mga indibidwal. - Ang pangunahing pagkakaiba sa pag-unawa sa noosphere ayon kay Teilhard de Chardin ay siya ay nagpapatakbo ng mga nasabing kategorya bilang \"superman\" at \"space\". **IMPLUWENSIYA NG KALIKASAN SA MGA TAO** - Sa kabila ng pag-unlad ng industriya at teknolohikal, ang tao ay walang kontrol sa kalikasan. Sa antas ng biological, nakakaimpluwensya ito sa pamamagitan ng pagbabago ng presyon ng atmospera, mga bagyo ng magnetiko, at iba pa. - Upang maiwasan ang mga hindi balance sa ekosistem na maaaring humantong sa mapaminsalang kahihinatnan, ang mga dalubhasa na nauunawaan ang mga isyu ng karampatang pamamahala sa kalikasan ay lumilikha ng mga samahan na tumatawag sa sangkatauhan na matalino na gumamit ng likas na yaman. - Bago ang pagkuha ng mga mineral, isang masusing pagsusuri ng mga deposito ay isinasagawa na may isang pagtataya ng kanilang epekto sa kapaligiran, napapailalim sa pag-unlad. **KONSEPTO NG ECOMAFIA** - Marahil bago lamang sa pandinig ng iilan ang salitang ***ecomafia***. - Ang salitang ito ay unang pinagtambal ng ***Ligambiente***, isang samahan ng mga Italyano na nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan. - 20 taong na ang humigit nang ikonsidera ng mga pulis ng Italya at Opisyal ng Kustom na bayani ang mga *narcotics* nang mamataan nila ang mga ito na nagsilbing boys scout. - Lumabas noong 1990, ang mga Italyano ay nagorganisa ng ***crime- syndicates*** o ***mafia***. Napag-alaman ng mga ito na sa papamagitan ng pagtulong at pag-alis ng mga *toxic waste* ng mga industriya ay kikita sila ng malaking pera o *profit*. - Nagpatuloy ang imbestigasyon ng Legambiente nang magsimula silang mag-imbestiga noong 1993 nang mamataan at madiskubre nila ang toxic waste na nasa NATO Military Base ng Italy. Dahil dito, nabuo nila at pinagtambal ang salitang ***ecomafia***. - ***"The mafia saw toxic waste as a huge business opportunity. They noticed how industries faced difficulties in safely disposing of their waste, and offered a turn-key solution: a cheaper and faster way to get rid of the waste, avoiding costly investments and bureaucratic procedures,"*** ayon kay Antonio Pergolizzi ng Legambiente. - Dahil sa ecomafia, ang mga nagmamay-ari ng mga industriya, pabrika, at iba pang pagawaan ay mas ninanais na lumapit sa mga ecomafia dahil mas mura ito kaysa sa *proper waste*. - Maaaring bagong sibol lamang ang salitang ecomafia sa Italya ngunit hindi nab ago ang konsepto nito sa iba't ibang bansa kung saan laganap ang industriyalisasyon gaya ng Pilipinas. -Flora at Fauna Ekokritisismpo at mga Hayop - mula sa salitang *Latin* na *Flora* na *diyosa* ng mga halaman at bulaklak sa Mitolohiyang Romano. - Ang Flora ay tawag sa mga halamang nabubuhay sa isang partikular na lugar o panahon. Ito ay ang mga pananim na kolektibong tumutubo sa isang lugar at pana-panahon din kung umusbong o yumabong. - May matatagpuang 3000 uri ng iba't-ibang puno sa bansa katulad ng Lumber, Tanguile, Yakal, Tindal at Kamagong; - - 1,000 Ferns, 8000 uri ng Orchids, 800 na matatagpuan sa ating kagubatan. 1. Katutubo o Indehinus a. Pang-agrikultura -- sinadyang itinanim ng mga tao para sa isang tiyak na layunin. b. 2. Weed Flora -- mga halamang hindi kanais-nais **PILIPINAS** - Waling-Waling / Sander's Euanthe *(Euanthe sanderiana)* **WORLDWIDE** - Rafflesia "Stinking Corpse Lily" **FAUNA** - anak ni Faunus sa Mitlohiyang Romano. - Diyosa ng mga hayop, buhay sa ilang at kasaganaan. - Tawag sa lahat ng mga nabubuhay na hayop sa isang patikular na lugar at panahon. - Isa sa pinakasikat na Water Buffalo ay ang Kalabaw. - Marami ring uri ng ibon ang matatagpuan sa Pilipinas. - Ang Agila ang tinuturing na pamabansang ibon ng bansa. - May 2,000 uri ng mga isda na matatagpuan sa paligid ng Arkipelago ng Pilipinas. - May mga uri ng hayop na matatagpuan lamang sa Pilipinas katulad ng Tamaraw (Mindoro Dwarf Buffalo), Pilandok (Mouse Deer), Philippine Monkey Eating-Eagle o Great Philippine Eagel at Tarsier. **Pangkalahatang Uri ng Fauna** 1. Cytofauna -- mga hayop na napakabihira. 2. Megafauna -- mga karaniwang malalaking hayop **HALIMBAWA NG FAUNA** **PILIPINAS** - PHILIPPINE TARSIER **WORLDWIDE** - Rhinoceros **Kahalagahan ng Flora at Fauna** 1. **Pagpapanatili sa balanse ng ekolohiya** - Kung walang flora at fauna hindi mabubuhay ang tao. Ang flora ang naglalabas ng Oxygen na kailangan pareho ng tao at hayop upang makahinga. Kapalit naman nito ay ang inilalabas na Carbon Dioxide ng fauna na kailangan ng flora para sa photosynthesis. - Ito ay isang simbiotikong relasyon., Ang hanging nilalanghap (Oxygen) ng tao ay nagmula sa flora samantalang ang hanging ating binubuga (Carbon Dioxide ) ay mahalaga sa flora. - Napakalaking kapakinabangang idinudulot ng flora at fauna sa panganganilangan ng tao: pagkain, gamut at tubig. Ang pangunahing pagkain natin ang nagmula sa halaman at hayop. Mahigit 90% ng gamot na iniinom at ginagamit natin upang magamot ang ating mga - karamdaman ay mula sa flora. Kung hindi dahil sa flora wala tayo ngayon sapagkat sa flora nanggagaling ang tubig na ating iniinom. - Pinananatili din ng mga hayop ang equilibrium across the board sa pagiging predator nila sa mga halama't ibang mga hayop kaya naiiwasan ang sobrang pagdami ng mga ito. Suplemental na mineral para sa mga halaman ang mga hayop kapag ito ay namatay, nagiging pataba ito sa mga halaman. 2. **Aesthetic value** - Ang bilang sa estadistika ang makapagpapatunay na bawat taon aabot ng hanggang kalahating bilyon ng tao ang bumibisita sa mga magagandang protektadong tanawin tulad ng mga: - national parks indigenous forests wildlife refuges recreation areas historic sites wild and scenic rivers - Nagpapatunay lamang ito kung gaano kahalaga ng flora at fauna sa pang-araw-araw nating pamumuhay. 3. **Expands local economies** - Hindi matatawaran ang kontribusyon ng flora at fauna sa pandaigdigang ekonomiya lalo na sa turismo. - Lipunan-Tawag sa pook kung saan bahagi ang tao, at ang kalikasan. - Maituturing na politikal na tawag sa pamahaalan mula pa sa panahon ng pananakop ng mga espanyol.-katawagan sa lipunan na pinamamahalaan kalakip nito ang pagbuo, at pagpapatupad ng batas. - Ekokritisismo- tumutukoy sa interdisiplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng panitikan. Sapamamagitan ng panitikan ay nakikita ang kung paano napapangalagaan o sinisira ng lipunan angkalikasa - Ang mga Batas Panteritoryo at Pangkalikasan - Bakit kailangan ng Batas Pangkapaligiran? - Upang lubos na mapangalagaan ang kapakanan ng mga likas na yaman ng bansa. Nakasaad sapanimula ng Saligang-Batas ang katarunagng panlipunan at karapatang pantao,mga konsiderasyongpangekolohikal at ibang mga batas na tumatalakay sa pangangalaga nating mga Pilipino sa yamangtaglay ng ating bansa. - **P.D 1151 Philippine Envirnomental Policy** na itinadhana upang magkaroon, mapaunlad, mapanatili, at mapabuti ang mga katayuan kung saan ang tao a kalikasan ay mabubuhay nang produktibo at magkaayon. - **P.D. 1152 The Philippine Environmental Code)** pinagtutuunan ng pansin ang kalidad ng hangin, tubig,gamit ng lupa, pamamahala ng mga likas na yaman, pamamahala sa basura, balanse ng kapaligiran,populasyon at pangangalaga ng mga ito. - **P.D. 705 Binagong Forestry Code ng 1975** Binigyang kahulugan ang kagubatan, ang paggamit, kontrata,lisensya, Atbp. Kasama na ang mga Illegal Loggers - **Executive Order No. 263** Itinadhana ang paggamit ng community-based forest management bilangpambansang estratehiya upang masiguro ang pananatili ng mga kagubatan sa bansa. - **Republic Act (R.A.) 7586 (NIPAS Act)** Kinikilala ang mga bahaging tubig at lupa na may kakaibang anyoat kahalagahang biyolohiko - **R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001)** pagpaparami ng iba't ibang uring buhay-ilang, ang pag-aaral, pangongolekta, at paggamit ng mga biyolohiko at genetik namapagkukunan. - **R.A. 7942 (Mining Act of 1995)** nakasaad na lahat ng mga yamang-mineral sa pampubliko atpambribadong lupa, at kagubatan ay bukas sa mga usaping pinansyal o teknikal - **R.A. 7076 (Peoples Small Scale Mining Law of 1991**) tuon sa mas maraming trabaho sa industriya ngpagmimina - **Executive Order 270 (Revitalization of the Mineral Industries)** Responsableng pagmimina - **Fisheries Administrative Order No. 155** Pagbabawal sa paggamit ng pinong lambat - **R.A. 9275 (Clean Water Act of 2004)** inaalagaan ang katubigan ng bansa laban sa mga polusyon mulasa industriya at mga komunidad. - **Fisheries Administrative Order No. 144** regulasyon sa komersyal na pangingisda - **Executive Order No. 704, Section 33** pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong bagay,kuryente, at iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda. - **Executive Order No. 1219 at 1688** nagbabawal sa pagbibili at paglalabas ng mga korales. **Mga Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Lupa**. - **E.O NO. 2151** Ipinagbabawal ang anumang Gawain sa mga pook na may tanim na bakawan - **R.A. 9003** (Ecological Solid Waste Mangement Act of 2004) Segregasyon (Nabubulok, Di-nabubulok,resiklo) - **R.A 6969** ( Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990) ninanais namapangalagaan ang kalusugan at kapaligiran laban sa banta ng kemikal na mula sa Pilipinas o sa labas nito

Use Quizgecko on...
Browser
Browser