FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO - MODULE 6 - PDF

Document Details

AffluentEuler

Uploaded by AffluentEuler

College of Liberal Arts, Sciences, and Education

Jeric Z. Romero|Hubert V. Hernandez|Jayson V. Miranda

Tags

communication reading writing Filipino

Summary

This module discusses the fundamental concepts of reading and writing in academic Filipino to enhance communication. It covers the definitions, objectives and processes of these macro skills.

Full Transcript

FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda...

FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda MODYUL 6 MAKRONG KASANAYAN: PAGBASA AT PAGSULAT Panimula at Deskripsyon Tinatalakay sa modyul na ito ang mga batayang kaalaman sa pagbasa at pagsulat tungo sa pagpapayabong ng komunikasyon sa akademikong Filipino. Kabilang dito ang mga kahulugan, layunin, at proseso ng pagbasa at pagsulat bilang mga makrong kasanayan. Layunin: Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Maipaliwanag ang mga batayang kaalaman sa pagbasa at pagsulat 2. Magamit at mapayabong ang sariling kakayahan sa larangan ng pagbabasa at pagsusulat Bago Bumasa 1. Ano ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat? 2. Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa pagsasagawa ng mga gawaing pang- akademiko? Aralin 6 PAGBASA Nasa modernong panahon na tayo ngayon, ang ating mundo'y iba't ibang pagbabago ang nakaumang sa alinmang larangan gaya ng agham, edukasyon, ekonomiks, politika, at teknolohiya. Nakakatulong ang pagbabasa sa anumang pagbabago na ating haharapin. Ang pagbasa ay isang saykolinggwistik na paghinuha (guessing game) kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa, ito ay ayon kay Goodman (1967, 1971, 1973). At naniniwala siya na ang pagbabasa ay kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika at kaisipan at ang mga proseso ng pagbabasa ay pag-ikot ng paghahalimbawa, paghihinuha, pagsubok, at pagkilatis sa katotohanan (Austero, et. al, 2009). Ang mga dalubhasa at mga paham ay nagkakaisa na, ang pagbabasa ay gintong susi sa kaliwanagan at lugod, isang katotohanang matutuklasan natin ang hiwaga ng daigdig, masasaliksik natin ang mga natipong karunungan at matutuhan ang mga bagay na dati'y wala tayong kaalaman. (Sauco et al., 2009). Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. KAHULUGAN NG PAGBASA → Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Page 1 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda → Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon. → Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa buhay. → Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin. → Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip. → Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito'y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba't ibang karanasan sa buhay. LAYUNIN NG PAGBASA → may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan. → may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag- iwanan ng takbo ng panahon. → may nagbabasa upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman. MGA URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN → Mabilisang pagbasa (skimming) - ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Nagtuturo ito sa mga mambabasa upang malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin. Tinatatawag din itong pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na paraan ng pagbasa. Ginagamit ang paraang ito sa pamamagitan ng mga sumusunod. ▪ Pagtingin at pagbasa nang mabilisan sa kabuuang nilalaman ng isang aklat. ▪ Pagtingin at pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa pananaliksik (key word). ▪ Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman. → Pahapyaw na Pagbasa (scanning) - tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa mahalaga rito'y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Tulad ng paghahanap ng telepono sa direktoryo, paghahanap ng trabaho, mga paupahang establisemento (buy & sell), pagtingin sa resulta ng mga eksamen, numerong nanalo sa swipstiks, lotto atbp. → Pagsusuring Pagbasa (Analytical reading) - nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri sa pagbasa. Ginagamit dito ang matalino at malalim na pag-iisip. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip. Dapat na matiyak ng mambabasa na naunawaan ang buong nilalaman ng akda. Sa pamumuna hindi lamang ang nilalaman ng akda ang binibigyan ng pansin. Kasama rito ang pagpuna mula sa pamagat, simula, katawan (nilalaman) at wakas ng akda. Binibigyan din ng pansin Page 2 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda o puna ang istruktura ng mga pangungusap, ang mga ginamit na salita o istilo sa pagsulat ng may- akda. Tinitingnan din ang kalakasan at kahinaan ng paksa at ng may-akda. → Tahimik na Pagbasa (silent reading) - mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasang ito, walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang nalilikha ng bumabasa ng teksto. → Pasalitang pagbasa (oral reading) - pagbasa ito ng teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig hindi ito "undertime pressure" na pagbasa. Binibigyan dito ng guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa teksto. Ang pagpapabasa sa mag-aaral sa bahay ng isang teksto at sa pamamagitan ng kanyang nabasa ay ipalalahad ang buod, aral at pananaw sa kanyang binasang aklat. Madadagdagan ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan. → Pagbasang nakapagtuturo - nagbabasa ang isang tao dahil mayroon siyang nais malaman o marating. Kailangan natin ang layuning ito upang madagdagan ng bago ang ating dating kaalaman. Kasiya-siya ito dahil napapaunlad nito ang bawat larangan na ating tinatahak → Pagbasang paglilibang - ang pagbabasa ay mainam gawing libangan dahil nakapagpapataas ng isip at diwa ng tao. Ito ang pagkain ng ating isipan at may kaligayahang naidudulot sa ating buhay. Pagkilala sa mga salita (word perception) ▪ Kakayahang umunawa sa iba't ibang kahulugan ng salita, pagpapantig, pagbabaybay, at pagbigkas. Pag-unawa (comprehension) ▪ Kakayahan sa pag-unawa mula sa payak hanggang sa mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda. Pagpapahalagang literal (literary appreciation) ▪ May kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu. Pananaliksik at pandiksyunaryong kasanayan (Research & dictionary skills) May kakayahan sa paghahanap o pagsisiyasat sa mga bagay at kaalamang di- makita o matagpuan 1) Pag-unawang literal 2) Pagbibigay ng Interpretasyon 3) Mapanuri o kritikal na pagbasa 4) Paglalapat o Aplikasyon 5) Pagpapahalaga Page 3 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda IBA'T IBANG ANTAS NG PAGKAUNAWA (COMPREHENSION) 1. Pag-alam sa literal na kahulugan o unang antas ng pagkaunawa sa binasa. 2. Pagbibigay kahulugan sa binabasa. 3. Pag-gamit ng kaalamang nakuha mula sa binasa. 4. Paghuhusga o pagtatasa sa nilalaman ng tekstong binasa. Proseso ng pagbasa Sinasabi ng mga dalubhasa na kumplikado ang proseso ng pagbasa dahil maraming kasanayan ang nililinang upang maging epektibo ito. Mahusay na mambabasa ang layunin ng binabasa, gumagamit ng teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha (inference) sa binasang akda, at naiuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binasang teksto ay maituturing na mahusay na magbasa. Mga Hakbang sa Pagbasa 1) Pagkilala - ito ang proseso at pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag sa salita o simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita. 2) Pag-unawa - proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. 3) Reaksyon - proseso ito ng pagpapasya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto, pagpapahalaga sa mensahe nito at pagdama sa kahulugan nito. 4) Pag-uugnay - ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at bagong karanasan sa tunay na buhay. 5) Metacognitive na pagbasa - pagkilala sa nakalimbag na salita at pag-unawa sa kahulugan nito. Tatlong elemento ang isinasaalang-alang hinggil dito. PAGSULAT Kahulugan Ang pagsulat ay paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng sagisag o simbolo, ito ang paliwanag ni Ginoong Alcomster Tumangan (1997). Isang uri ito ng pakikipagtalastasan na ginagamitan ng mga titik para makabuo ng diwa nang sa gayon ay maunawaan ng sinuman na makakabasa nito. URI NG PAGSULAT AYON SA ANYO 1. Pormal na Pagsulat → Sumusunod ito sa tamang pormat, tuntunin at hakbangin ng pagsusulat. Pinaghandaan ito ng kaukulang panahon at sinasamahan ng pagsasaliksik para may sapat na basehan sa mga paksa na tinatalakay. Hindi pangkaraniwan ang paksa, dahil ang layunin nito ay maghatid o maglahad ng mga impormasyon, ideya sa paraan na malinaw, maayos at kawili-wili. 2. Di-Pormal na Pagsulat → Maaring paghandaan o hindi ito. Madalian o biglaan, kung kaya pwedeng hindi na sumunod sa pamantayan at tuntunin ng wastong pagsulat. Kadalasan ang pinapaksa nito ay bunga ng sariling karanasan, obserbasyon, pananaw at paniniwala Page 4 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda MGA LAYUNIN NG PAGSULAT 1. Pang-akademikong pagsulat → Pagsulat na isinasagawa ng mga mag-aaral sa pamamatnubay at pagtuturo ng mga guro sa mga institusyon na pang-edukasyon. Karaniwan na sinasanay ng mga guro ang mga estudyante na sumulat ng mga sanaysay na nagpapahayag ng saloobin nila hinggil sa kanilang sari-saring karanasan sa loob ng klase o kaya sa pagsagot nila sa katanungan sa panahon ng pagsusulit. 2. Malikhaing Pagsulat → Naisasagawa ang pagsulat na may ganitong uri sa pamamagitan ng paggamit ng imahinasyon upang makabuo ng diwa a paksa. Ang mahusay na halimbawa nito ay ang panitikan o literatura. Sa pagkatha ng tula, awitin, kwento, dula at nobela ng isang malihaing manunulat ay gumagamit ng matatalinhagang salita na magiging palaisipan ng mga mambabasa. 3. Pampahayagang Pagsulat → Tinatawag itong responsableng pagsulat dahil may kinalaman ito sa mga pangyayari na nagaganap dito sa loob at labas ng ating bansa. Pawang katotohanan ang sinasaliksik, tinitimbang ang tama at maling impormasyon at ito'y nangangailangan ng mga ebidensyang biswal o limbag. 4. Pampropesyonal na Pagsulat → Pagsusulat ito na kinapapalooban ng mga termino o teknikal na mga salita na nauukol sa mga dalubhasa sa iba't ibang larangan. Sa larangan ng batas, hindi karaniwan ang mga salita na ginagamit sa paglilitis sa hukuman. Ang mga doctor, mayroon din silang termino na pangmedisina, sa mga inhenyero, arkitekto, at mga guro. 5. Panteknikal na Pagsulat → Pagsulat na iba ang katangian dahil ang mga salitang nakasaad ay pawang nauukol sa mga modernong kagamitan tulad ng computer, cellphone, at lahat ng may kinalaman sa teknolohiya at agham. Mga teknikal na mga salita na nagpapaliwanag para sa mga mambabasa. BAITANG SA PAGSULAT Pag-asinta (Triggering) → Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo'y sumulat. Kung tayo'y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa. Pagtipon (Gathering) → Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyang magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magasin, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon. Page 5 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Paghugis (Shaping) burador - draft → Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng hugis ang ating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan makita natin ang pokus ng ating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa. → Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di- pormal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat. MGA MEKANISMO NG PAGSUSULAT Pagsasaayos ng Burador Lubhang mahalaga ang pagsasaayos ng burador upang maiwasan ang mga kamalian sa mekanismo, pagsasaayos ng pagkakabuo, pagkakawasto sa kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa pag-aalis ng mga hindi mga kailangang mga bagay at pagpapasya sa kinakailangang haba. Dapat bigyang pansin sa pag-aayos ng burador ang mga sumusunod: 1. Kaisahan → Lahat ba ng pangungusap sa burador ay naaayon sa paksa o pangunahing kaisipan? Lahat ba ng pangyayari ay naaayon sa pangunahing kaisipan? Wala bang mga pagmamalabis? Kung ang ideya o diwa ay nahahati sa iba't-ibang bahagi, pantay-pantay ba ang pagbibigay diin sa bawat bahagi? 2. Katuparan at Katiyakan → Natupad ba ang layuning nasa isip ng sumulat? Ang sariling pananaw ba ng may-akda ay napanatili. 3. Kaliwanagan at Katiyakan → Ang pagkakabuo ba ng burador ay maliwanag? May mga halimbawa ba ang sumulat upang mapanindigan ang kanyang ideya? Wasto ba ang pagkakapili ng mga salita upang maiparating nang maliwanag ang diwa? Ang kaisipang napapaloob ay ayon ba sa hinala o sa sarili ng may-akda? 4. Makatotohanan at Walang Pagkiling → Makatotohanan ba ang mga talang tinatalakay ng sumulat? Ang mga sanggunian ba ay buong ingat na sinipi? Wala bang pagkiling ang may-akda sa pagtalakay sa paksa? Hindi kaya niya pinamayani ang sariling damdamin at napatangay sa silakbo ng kalooban? May saligan ba ang kanyang mga kuro-kuro? 5. Kabagayan → Nababagay ba sa paksa at sa mga mambabasa ang wikang ginamit? Ang paraan ba o istilo ng pagsulat ay makinis, natural at orihinal? Ang mga pananalitang ginamit ay tinatanggap ba ng lipunang ating ginagalawan? Ang burador bang nayari ay umaakit ng kawilihan, kapanabikan, at madaling maintindihan? Page 6 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda 6. Pagkakabuo → Makatuwiran ba ang pagkakabuo? Makinis ba ang pagkakasulat ng mga talata? Makatuwiran ba ang pagbibigay-diin sa mga bahagi o may mga bahaging labis na binigyang- diin ng sumulat? Napapanahon ba ang paraan ng pagkakabuo? Naaayon ba ang haba ng layunin ng pagsusulat? Ano-ano kaya ang maaaring alisin nang hindi nasisira ang diwa ng burador? 7. Mekanismo → Nabigyang-pansin ba ng sumulat ang sumusunod na mga bagay: Wastong pagbaybay, wastong bantas at gamit ng malalaking titik, ang mga panuring, kaisipan sa simuno a pahaguri, Saaba ng mga pangungusapagatambilang ma pag-uulit, mahahalagang sangkap ng pangungusap, gamit ng mga tambilang mga pananalitang kinaligtaan isama? Tinig at aspeto ng pandiwa, at mahahalagang dapat tandaan sa pagbuo ng talata? Pagsulat ng Burador → Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin → Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan. → Iwasan ang distraksyon o abala → Magpahinga Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya ▪ Pagtatala - paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Matutunghayan dito ang pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detalye tungkol sa paksa kapag magsusulat. ▪ Palitang-kuro - grupo ang karaniwang gumagawa nito. Malawak nilang titingnan ang paksa sa iba't ibang anggulo at ang kaligiran ng usapin. Ang mga potensyal na opinyon ang bibigyang konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para marating ang mapagkakasunduang layunin. ▪ Malayang Pagsulat - pamamaraan itong kung ano ang lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang maging mapaghatol sa isinusulat at huwag magwawasto. Pabayaang malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang pagkontrol, sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong ideya ay lumitaw. ▪ Pamamaraang Tanong-Sagot - tinatanong ang sarili tungkol sa paksa at tiyak makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano ang mga katanungan at ang mga ito'y pinagsunud-sunod at pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisusulat. WASTONG PAGGAMIT NG MGA BANTAS 1. Tuldok (.) a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay, pakiusap, at pautos ng mga pangungusap. b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita. Halimbawa: Editor - Ed. | Pahina - ph. Page 7 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda 2. Tandang Pananong (?) a) Ginagamit itong panapos sa mga pangungusap na patanong 3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!) a. Pangungusap na padamdam b. Ekspresyong padamdam 4. Kuwit o Koma (,) a) Pagitan ng petsa ng buwan at taon. b) Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod. c) Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan. d) Bating panimula ng liham pangkaibigan. e) Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham pangangalakal. f) Paghahanay pahalang ng mga salita. g) Magkakasunod na parirala. h) Pagitan ng tuwirang-sabi at ibang bahagi ng pangungusap. i) Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan. j) Pagkatapos ng ngalang panawag. k) Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno. 5. Tutuldok o kolon (:) a. bating panimula ng liham pangangalakal b. pagsulat ng oras c. pagtatala ng iisa-isahing bagay d. pagpapakilala ng tuwirang sipi 6. Kudlit o Apostrofi (‘) a. ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa sinusundang salita. 7. Panaklong o Parentesis ( ) a. ginagamit na pangkulong sa mga pinamimiliang salita o parirala. 8. Panipi o kotasyon ("") a. Diyalogo b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp. c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o pangungusap Page 8 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda 9. Gitling (-) a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal. b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o salita kaya pinag- iisa na lamang na maaaring manatili ang kahulugan kaya'y magkaroon ng ikatlo. c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay na at. d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig. e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian. f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero. g. Fraksyong isinusulat nang pasalita. h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng napangasawa. i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya. 10. Tuldukuwit (;) - ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay. 11. Elipsis (...) - pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (....) sa huli ng pangungusap o katapusan ng sipi. 12. Braket ([ ]) - binago sa isang tuwirang sipi at dito ito ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang ginawa. 13. Asteriko (*) - may tinanggal na isa o mahigit pang talata sa isang sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakita na may karagdagang impormasyon nakatalababa o naka-futnowt. 14. Salungguhit (___) - gamit sa mga pamagat ng aklat, dula, nobela, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng babasahin (dyaryo, magasin, dyornal, polyeto at mga programang panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita. Pagtataya 1. Bakit mahalagang alamin ang iba’t-ibang gamit ng bantas sa pagsusulat? 2. Bilang mag-aaral sa kolehiyo, paano makatutulong ang pagbabasa at pagsusulat sa iyong mga aralin sa professional o major na mga asignatura? Paano naman bilang isang prospektibong prospesyunal? Mga Gawain 1. Obhektibong Pagtataya (Quiz) 2. Pagsulat ng Sanaysay. Komprehensibong sagutin ang mga katanungang ibinigay ng guro sa klase. Gamiting gabay ang rubriks na makikita sa hulihan ng modyul na ito. Repleksyon Ang repleksyon ay isasagawa sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng mga ideya at saloobin sa mga natutunan pagkatapos ng talakayan sa klase. Page 9 of 10 FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO College of Liberal Arts, Sciences, and Education Inihanda ni: Jeric Z. Romero | Hubert V. Hernandez | Jayson V. Miranda Sanggunian: Sanchez, Remedios. (2020). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Unlimited Books Library Services and Publishing Inc. Institusyunal na Rubriks Very Comprehensiveness Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory and Accuracy (10) (6) (4) (2) (8) Answers are Answers are Answers are not Answers are Answers are Score comprehensive, accurate and comprehensive or partial or incomplete. accurate and complete. Key completely stated. incomplete. Key ________ complete. Key points are stated Key points are points are not ideas are clearly and supported. addressed, but not clear. Questions stated, explained, well supported. are not and well supported. Very few spelling adequately and punctuation Most spelling, answered Free from spelling, errors, minor punctuation, punctuation or grammatical errors and grammar are Most spelling, grammatical errors correct allowing punctuation, reader to progress and grammar are though correct allowing essay. Few errors reader to remain. progress though essay. Some errors remain. Very Grammar and Excellent Satisfactory Fair Poor Satisfactory Mechanics (10) (6) (4) (2) (8) Free from spelling, Very few spelling Most spelling, Most spelling, Spelling, Score punctuation or and punctuation punctuation, punctuation, punctuation, grammatical errors errors, minor and grammar are and grammar are and ________ grammatical errors correct allowing correct allowing grammatical reader to progress reader to errors create though progress though distraction, essay. Few errors essay. Some making reading remain. errors remain. difficult. Page 10 of 10

Use Quizgecko on...
Browser
Browser