KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO REVIEWER PDF

Summary

This is a Tagalog document, discussing the concept of corruption in the Philippines, encompassing examples of corrupt practices, and common Tagalog terms used to describe it. Examples are categorized by source, providing insights into Filipino society and common corruption methods in the country.

Full Transcript

## KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO ### Dahil sa paniniwala ng metapisika ng materyalidad, hindi na mababago pa ang pakahulugan ng korapsyon. Ang larangan na lamang ay ang paglaro sa kondisyon at karanasan ng korapsyon, hindi ang pagbabalikwas ng kalakaran (Ayon kay G. Tolentino). Isama...

## KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO ### Dahil sa paniniwala ng metapisika ng materyalidad, hindi na mababago pa ang pakahulugan ng korapsyon. Ang larangan na lamang ay ang paglaro sa kondisyon at karanasan ng korapsyon, hindi ang pagbabalikwas ng kalakaran (Ayon kay G. Tolentino). Isama na rin natin ang pinaghalawan ng korapsyon ng mga entri sa diksyunaryo. ### Mga halimbawa ng mga entri sa diksyunaryong nagpapakita ng konteksto at karanasan ng korapsyon: - **Mula sa kalikasan:** araw, galamay, ambunan, arbor, green - **Mula sa pang-araw-araw na bagay:** bahaw, baterya, hamborjer, brown bag, bukol, butas, calcorlator, gatasan, dummy, envelop, panggasolina, pampalamig, pampainit, milking, manok, kalburo, pwet ng baso, red tape, suyod, under the table. - **Mula sa pang-araw-araw na kilos:** bisto, hilot, himas, diskarte, estimahin, masahe, luto, lusot, lukot, laglag, gapang, shopping. - **Mula sa krimen:** bangag, bantay-salakay, biskleta gang, colorum. - **Mula sa pelikula:** bituing walang ningning, tinimbang ka ngunit kulang. - **Mula sa syensya:** bacteria, buwaya, buwitre, doubledead, virus. - **Mula sa sports:** game-fixing, balato. - **Mula sa korte:** fixcal, falsification of records, blood money, hood in uniform, retainer. - **Mula sa pag-aaginaldo:** goodwill money, regalo. - **Mula sa trabaho.:** 15:30, apprentice, boundary, agent, backer, downpayment, DTR, commission, Republic Act 1530. - **Mula sa eleksyon:** dagdag-bawas, vote shaving, vote padding. - **Mula sa cellphone:** panload, G-100, G-300, S300. - **Mula sa edukasyon:** grades for sale, principal. - **Mula sa kababalaghan:** ghost employee, ghost meeting, ghost project, ghost delivery. - **Mula sa relasyon:** prinsipal, backer, ninong, ninang, padrino, kapit-an. - **Mula sa pagsusugal:** tong, balato. - **Mula sa estado:** bureaucrazy, for official use only. - **Mula sa proper nouns:** Chinatown, Department Store of Justice, Drakula, Greedy Group Plus, Kamag-anak Inc., Lutong Macoy. ### Hango mula sa leksyon ng grado 11- TVL sa paksang pagsulat sa piling larangan. Sa dalas ng korapsyon sa bansa, nakabuo na nang sariling "lingo" o salitaan ang mga Pilipino upang tukuyin ang mga tiwaling transaksyon. Ang mga karaniwang termino ay ang sumusunod: 1. **Areglo** - Pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit hindi katanggap-tanggap. 2. **Ayos** - Katulad ng areglo. 3. **Backer** - Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta kapalit ang particular na presyo. 4. **Barya-barya** - Maliit na paglalagay. 5. **Kumisyon** - Kabayaran sa transakyong iligal. 6. **Lagay** - Maaari ding suhol. 7. **Lakad** - Pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon, partikular sa pagkuha ng permit o lisensya. 8. **Lutong-makaw** - Katawagan sa pagdedesisyong mas pinaboran ang isang panig nang walang batayan. 9. **Rebate** - Katulad ng kumisyon. 10. **SOP** - Standard Operating Procedure. Ang awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay sa opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang transaksyong iligal. 11. **Suhol** - Maaari ring lagay. 12. **Tongpat o Patong** - Halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o serbisyo na magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transaksyon. 13. **Padulas** - Perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon. 14. **Pang-merienda** - Maliit na lagay. ### Makapamuhay nang matiwasay. Kaya naman kailangan nilang dumepende sa maliliit na suhol o lagay upang madagdagan ang kanilang kita. Ito ang karaniwang uri ng korapsyon na madalas kaharapin ng mga SME. Sa malakihang korapsyon, sangkot naman ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa mga malalaking kontrata at proyekto na pinamuhunan ng pamahalaan o mga pribadong ahensya. Ang maliit na korapsyon ay maaaring umiral sa konteksto ng isang establisadong sistema o balangkas ng pamamahala. Samantala, ang malakihang korapsyon naman ay sumisira sa sentral na gampanin ng pamahalaan at maaaring magkaroon nang negatibong epekto sa politikal at pang-ekonomiyang istabilidad ng pamahalaan. ### Maraming porma ng korapsyon. Kabilang dito ang sumusunod: 1. **Panunuhol** - Ang pagbibigay ng benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang tao. Ang benepisyo ay hindi kinakailangang pera. Maaari itong maging espesyal na pabor, regalo, pangaaliw, pagbibigay trabaho, pautang, o iba pang maibibigay upang makapang-udyok. Maaari din itong maging pampadulas, o maliit na halagang hinihingi ng nga opisyal ng pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo na karapatan mo naming tamasin. 2. **Pangingikil** - Paggamit ng pananakot, paninira, o iba pang pagbabanta upang mapuwersang makipagtulungan ang isang tao. Maaaring gumamit ang isang public prosecutor ng pagbabanta ng criminal na prosecution bilang batayan ng pangingikil. 3. **Kickbacks** - Iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mang-impluwensya sa mapipiling bigyan ng isang kontrata o transaksyon. Karaniwang pinapatungan ang presyo ng kontrata o transaksyon upang magsilbing kickbakc sa taong nakapagbigay ng espesyal na pabor sa isang partikular na indibidwal o kumpanya. 4. **State Capture** - Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo. ### Hindi kinakailangang konektado sa pamahalaan upang masangkot sa korapsyon. Maaaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa pribadong sektor. Nangyayari ang pribado-sa-pribadong korapsyon kapag ginagamit ng isang opisyal o empleyado ng isang kumpanya ang kanyang kapangyarihan upang impluwensyahan ang pagganap sa isang tungkulin sa kumpanya, at ginagamit ang kapangyarihang upang iyon na makakuha ng personal na kapakinabangan na may masamang epekto sa kumpanya. ### Halimbawa ng mga anyo ng pribado-sa-pribadong korapsyon: 1. **Purchasing at Procurement** - Regalong pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales representative ng isang kumpanya sa purchasing manager ng isang pang kumpanya upang makakuha ng produkto o serbisyo. 2. **Pautang o Iba pang Serbisyong Pinansyal** - Kabayaran ng isang kumpanya sa bank manager o loan officer upang makuha ang approval sa pautang. 3. **Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon** - Regalong ibinibigay sa personnel director ng kumpanya upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng nagbibigay nito. 4. **Audits** - Kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firmg kumpanyang ino-auid upang hindi na nila pansinin ang ilang iregularidad. 5. **Publisidad at Promosyon** - Kabayaran ng isang kumpanya sa mga mamamahayag upang pumanig ang mga ito sa kumpanya o upang hindi ilabas ng mga ito ang mga negatibong isyu laban sa kumpanya. ### Ang resulla sa mga SME ng pribado-sa-pribadong korapsyon ay negatibo. Sa parehong porma, may isang nasa pinagkatiwalaang posisyon ng kapangyarihan na kumikilos nang hindi naaayon sa kanyang tungkulin at responsibilidad upang personal na kumita mula sa isang transaksyon na nagiging posible dahil sa kanyang posisyon. ### Mga Sanhi ng Korapsyon Hindi nagaganap ang korapsyon nang walang dahilan. Magpapasya lamang ang isang tao na masangkot sa korapsyon kung malaki ang kapakinabangan at maliit ang tsansang mahuli. Kung gayon, ang opisyal ng pamahalaan na hindi sapat ang sahod upang suportahan ang kanyang pamilya ay matutuksong tumanggap ng suhol o lagay upang madagdagan ang kanyang kita lalo na kung naniniwala siyang maliit ang posibilidad na mahuli siya. ### Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto sa antikorapsyon, mayroong pormula kung paanong nagaganap ang korapsyon: C = M + D - A C ay Corruption o Korapsyon. M ay Monopoly o Monopolyo. D ay Discretion o kalayaang pumili. A ay Accountability o Pananagutan. ### Ayon sa pormula, ang isang sitwasyon ay malamang na humantong sa korapsyon kapag ang isang tao ay mayroong monopolyo sa isang produkto, bilihin o serbisyo, nabibigyan siya ng eksklusibong kalayaang mamili o magdesisyon kung sino ang makatatanggap nito, at wala na siyang pananangutan kung paano siya nagpasya matapos niyang gawin ang pagpapasyang yaon. ### Maraming mga salik na nag-aambag sa tumbasang M + D - A: 1. **Hindi malinaw, kumplikado, at madalas na nagbabagong batas at regulasyon.** Ang mga batas o regulasyong hindi malinaw o hindi nagkakaugnayan ay nagbibigay nang pagkakataon sa mga opisyal ng pamahalaan upang malaya nilang bigyan ng sariling interpretasyon. Hindi matiyak ng mga negosyante ang kanilang karapatan at obligasyon, kaya naman pumapayag sila sa korapsyon upang maiwasan ang hindi makatarungang desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan. 2. **Kawalan ng transparency at accountability.** Kapag walang nagbabantay sa mga transaksyon, ang pamantayang ginagamit sa pagpasok sa mga transaksyong ito ay hindi nasusukat. Ang mga taong sangkot sa transaksyong ito, kung gayon, ay hindi na mapasasagot sa kanilang mga nagiging aksyon. 3. **Kawalan ng kumpetisyon.** Ang mga kumpanyang may monopolyo sa pagbebenta ng produkto/bilihin o pagbibigay ng serbisyo ay mayroong malakas na impluwensya upang masuhulan ang mga opisyal ng pamahalaan upang ang mga desisyon nito ay mapanigan ang kanilang interes. 4. **Mababang pasahod sa pampublikong sektor.** Kapag ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi nababayaran nang sapat upang makapamuhay nang matiwasay, malakas ang tukso ng korapsiyon upang madagdagan ang kanilang kita. Gayundin, sa baba ng kanilang suweldo, madalas na hindi na nila inaalala ang pagkatanggal sa trabaho sa oras na mahuli nsilang nasangkot sa korapsyon. 5. **Kulang, pabago-bago, at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon.** Kapag ang batas ay hindi ipinapatupad nang patas, alam ng mga taong maaari silang manuhol upang maiwasan ang multa at iba pang parusa. Kung gayon, sa pagtasa kung paano bibigyang solusyon ang isang problemang kaugnay ng korapsiyon, hanaya ng nasabing makapangyarihan. Ang tanging pinanghahawakan lamang niya ay ang proteksyon na nanggagaling sa pinunong pinanghat binigyan niya ng pagsuporta sa panahong siya ay kailangan nito. Ang suliraning ito ay talamak sa tiwala at mga posisyong nakabatay lamang sa kumpiyansa (trust and confidence) ng taong nasa pwesto, bagamat ang mga posisyong nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Civil Service Commission ay hindi rin ganap na ligtas sa usaping ito. ### Masasabi na ang nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism) ay kasama rin sa mga ugat ng padrino o palakasan. Sa ilalim ng ating Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o ang pagbibigay ng pabor sa mga kamag-anak ay lantarang ipinagbabawal samantalang walang tiyak na batas na makapagpaparusa sa kronyismo o pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan, bagamat matindi itong kinukondina. Ang nepotismo at kronyismo ay hindi pinapaboran upang maiwasan ang mga sabwatan sa mga transaksyong kinasasangkutan ng dalawang panig na kasangkot. ### Mga Halimbawa ng Korapsyon sa Iba't Ibang Sangay ng Pamamahala Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing mga sangay ng pamahalaan kundi maging sa mga maliliit na yunit nito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang pagtataya sa mga suliraning may kaugnayan dito: ### Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan Hindi ligtas ang mga kapulisan at ang Hukbong Sandatahan sa usapin ng korapsyon. Nababalot din ng kontrobersiya ang kanilang mga pagbili ng mga kagamitang kinakailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kung matatandaan ay naging laman ng maraming balita sa telebisyon at pahayagan ang mga akusasyon ng katiwalian sa dating hepe ng AFP na si Angelo Reyes. Bunga marahil ng depresyon sa pagkasira ng kanyang pangalan na matagal niyang iningatan ay pinagpasyahan niyang kitilin ang kanyang buhay sa harap ng libingan ng kanyang namayapang ina. Sinabi ng dating AFP Chief bago wakasan ang kanyang buhay noong Pebrero 2011 na hindi siya ang nagsimula ng maraming iregularidad dad sa AFP. Aniya, ito ay isang tradisyon. Ang tanging naging kasalanan niya ay ang pagtanggap dito bilang ordinaryong bagay sa AFP. ### Pinaniniwalaan na ang korapsyon ay isang tiyak na anyo ng mga maling gawi palasak sa loob ng ahensya ng mga kapulisan at hukbong sandatahan. Kinasasangkutan ito ng pananamantala sa benepisyong pananalapi at iba pang mga kapakinabangang makapagsusulong ng kanilang mga karera. Sa kabila ng panunumpa sa kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga kapulisan ang espisipikong probisyon nito katulad ng mga sumusunod: - **(a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa ilegal na gawain.** Maraming naglipanang mga establisyemento at mga gawaing tahasang lumalabag sa kapulisan ay ilegal at hindi sinusuportahan ng kahit na anong batas sapagkat nilalabag nito ang karapatan ng isang tao sa tamang proseso ng batas (due process of law). - **Iba naman ang konsepto ng instigasyon sa pagtatanim ng ebidensya.** Dito ay karaniwang gumagawa ng paraan ang kapulisan upang ang isang indibidwal ay kumilos at ilabas ang ebidensyang kailangan upang magkaroon ng sapat na batayan ang kapulisan na hulihin ang naturang indibidwal batay sa mga ebidensyang ipinakita. Legal ang prosesong ito at kinikilalang naaayon sa batas. - **Ang pagpapahirap sa isang suspek (torture) ay isang konsepto ng pagpapaamin o pagpapahirap sa isang indibidwal na aminin ang isang krimen na maaaring kanyang ginawa o kaya ay hindi ginawa.** - **(e) Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o pananakot upang mapagtagumpayan ang nais na makuha.** Kinikilala itong isang anyo ng pangingikil na lumalabag sa mga umiiral na batas at polisiya sa Pilipinas. -(f) **Paglahok ng kapulisan sa mga organisadong krimen katulad ng pagnanakaw, terorismo, kiddnapping, at iba pa.** ### Korapsyon sa Huditakura Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno, kasama ng Ehekutibo (Executive), at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na may kapantay na kapangyarihan sa Ehekutibo at Lehislatibo. Ang Hudikatura ang sangay ng gobyerno na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad ng Ehekutibo. ### Ang Hudikatura ay hindi ligtas sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan. May mga kurakot din na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol upang magbaba ng desisyong pumapanig sa nagbigay ng suhol. May ilang mga hukom na pinatatagal ang pagdesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustisya sa mga taong walang kasalanan. Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga kasong administratibo o maaari rin namang pagtanggal sa kanila ng lisensya bilang mga abogado. ### Naging mainit ang mga usapin na ipinukol kay dating Supreme Court Justice Renato Corona dahil sa maling deklarasyon ng kanyang mga pagmamay-ari at mga pagkakautang batay sa deklarasyon ng kanyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Siya ang kauna-unahang Supreme Court Justice sa kasaysayan ng Pilipinas na pinatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. Pinatalsik siya sa pwesto noong Mayo 29, 2012. ### Ang kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (itinalaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III) ang kauna-unahang babaeng Chief Justice ng Korte Suprema sa Pilipinas ay hindi rin nalayo sa kapalaran ng kanyang pinalitan na si Chief Justice sa Korte Suprema ay nagbigay _inilapat_ kay Sereno. Ang artikulo ng impeachment ay _sa babaeng Chief Justice_. ### Hindi pa man umuusad ang proseso ng impeachment, si Solicitor General Calida ay naghain ng extraordinary remedy na quo warranto laban kay Sereno sa paniniwalang walang bisa ang pagtatalaga sa kanya dati ni Pangolong Aquino bilang Chief Justice sapagkat hindi niya naibigay ang basikong kahingian ng paghahain ng SALN. Bagamat may mga usapin sa remedyong ito na ibinigay ng Punong Mahistrado sa botong 8-6. ### Ang mga hindi pabor sa Quo Warranto ay ang mga sumusunod: 1. Estela M. Perlas-Bernabe. 2. Alfredo Benjamin S. Caquioa. 3. Antonio T. Carpio. 4. Mariano C. Del Castillo. 5. Marvic Mario Victor F. Leonen. 6. Presbitero J. Velasco Jr. ### Ang mga pabor sa quo warranto ay ang mga sumusunod: 1. Lucas P. Bersamin. 2. Teresita J. Leonardo de Castro. 3. Alexander G. Gesmundo. 4. Francis H. Jardaleza. 5. Samuel R. Martires. 6. Diosdado M. Peralta. 7. Andres B. Reyes, Jr. 8. Noel G. Tijam. ### Korapsyon sa Pamamahayag Ang pamamahayag ang isa sa mga basikong karapatang pantao na bibigyan ng proteksyon ng ating Saligang Batas, espisipiko sa Artikulo III. Seksyon 4. Isinasaad dito na walang makapapasang batas na bumabangga sa karapatan ng tao ng magsalita, magpahayag, o ang karapatan ng tao na magtipun-tipon sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang mga karaingan laban sa gobyerno. ### Sa kabila ng mga karapatang ito ay may mga pagkakataon na ito ay nababahiran din ng usapin ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon: 1. **Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata.** 2. **Pagpasa ng mga kontrata.** 3. **Pangingikil.** 4. **Panunuhol.** 5. **Pagtanggi sa pagbabayad ng buwis**. Ang pagbabayad ng buwis ay isang tungkuling iniaatang sa bawat mamamayang Pilipino kapalit ng seguridad at serbisyong ibinibigay sa kanila ng pamahalaan. Walang mamamayan na makatatayo nang mag-isa kung wala ang buwis na kinukuha sa bawat mamamayan. 6. **Ghost projects at payroll**. Kadalasan hindi umiiral ng gobyerno sa pamamagitan ng opisyal matataas na tauhan ng pamahalaan ay sinasahuran at binibigyan ng allowance na nagsusubasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata upang maiwasan ang paggawad ng kontrata sa mga negosyante o personalidad na makapagbibigay sa kanila ng personal na benepisyo. 7. **Pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata**. Mahalaga ang pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata upang maiwasan ang paggawad ng kontrata sa mga negosyante o personalidad na makapagbibigay sa kanila ng personal na benepisyo. 8. **Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa (subcontracting)**. Ang pagpapasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa ibang kontraktor ay maaaring magdulot ng paggamit ng mabababang uri ng materyales o hindi matapus-tapos na mga proyekto. 9. **Pangingikil**. Ang pangingikil ay tumutukoy sa isang akto ng panghihingi ng salapi, mahalagang bagay o serbisyo mula sa mga transaksyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kanilang mga tanggapan o opisina. Talamak ang ganitong anyo ng korapsyon sa mga tanggapan na nagbibigay ng clearance at mga kaugnay na dokumento, o mga serbisyong direktang kailangan ng mga mamamayan. 10. **Paglalagay ng suhol**. Ito ay aktong makikita sa isang pribado o ordinaryong mamamayan na karaniwang napipilitang maglagay sa opisyal ng pamahalaan resulta marahil ng matagal na pag-aksyon ng taong gobyerno sa transaksyon na kailangan ng pribadong indibidwal ng isang agarang aksyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser