AP9 U7.pdf
Document Details
Uploaded by ReputableChrysoberyl
Tags
Summary
This document appears to be a study guide for Grade 9 students in the Philippines covering the topic of demand in economics. It includes a table of contents with different lessons.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 7 Ang Demand TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kahulugan ng Demand 4 Layunin Natin...
ARALING PANLIPUNAN BAITANG 9, YUNIT 7 Ang Demand TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kahulugan ng Demand 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 21 Sagutin Natin 22 Pag-isipan Natin 22 Gawin Natin 22 Aralin 3: Elastisidad ng Demand 24 Layunin Natin 24 Subukan Natin 25 Alamin Natin 26 Pag-aralan Natin 26 Suriin Natin 32 Sagutin Natin 33 Pag-isipan Natin 33 Gawin Natin 33 1 Karagdagang Kaalaman 35 Pagyamanin Natin 36 Paglalagom 39 Dapat Tandaan 40 Dagdag Sanggunian 41 Gabay sa Pagwawasto 41 Sanggunian 44 2 Pindutin ang Home button para BAITANG 9 | ARALING PANLIPUNAN bumalik sa Talaan ng Nilalaman YUNIT 7 Ang Demand Iba-iba ang demand ng mga tao para sa iba't ibang produkto. Isa sa mga pangunahing layunin ng ekonomiks ay ang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Maraming pangangailangan ang mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pangangailangan ng tao ay walang katapusan. Dito makikita ang kahalagahan ng mga tagagawa ng produkto o kaya ng mga bahay-kalakal. Ang kakayahang ito ng bahay-kalakal ang tumutugon sa demand o pangangailangan ng tao. Sa yunit na ito, ating aalamin ang sagot sa sumusunod na tanong: Ano ang demand? Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa demand? Bakit mahalagang malaman mo kung paano kinakalkula ang elastisidad ng demand? 3 Aralin 1 Kahulugan ng Demand Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya. Bawat isang tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan na kailangang punan ng mga negosyo at ng pamahalaan. Sinasabing ang demand ang pwersa na nagpapadaloy sa ekonomiya dahil sa usapin ng walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagtupad sa mga pangangailangan at kagutuhang ito ang nagtataguyod sa paglago at pagpapalawak ng ekonomiya. Kung walang demand, walang negosyo ang mag-aabala na magprodyus. 4 Subukan Natin Hanapin sa kahon at lagyan ng guhit ang mga salitang nasa listahan. Ang ayos ng bawat salita ay maaaring pahalang, pababa, pahilis, o pabalik. DEMAND PRODUKTO SCHEDULE SERBISYO CURVE PAMILIHAN G E E C E T I F E R E K K A R P O R T U R U L E E N D E M A N D S E P E U U A I O L F N Y A S O S R P S N U T R P S S Y R P O R S E V R U C E S C T E P O A O R P A M I L I H A N D S N T R C B I P P S E O U M I A I R E U R O P E D K E M E E O P O T A M I A T R L S C H E D U L E A R O O 5 Pag-aralan Natin Ang demand ay tumutukoy sa dami ng Alamin Natin produkto o serbiyo na gusto at handang bilhin ng isang mamimili sa isang takdang presyo. Tandaan at gawing gabay ang Sa madaling salita, ito ang iyong kagustuhan kahulugan ng sumusunod na na bumili ng isang produkto, batay sa kung salita: ano ang presyo nito, at kung magkano ang gumugugol – gumagasta iyong kayang bilhin. tantya – sa Ingles, estimate binabalangkas – sa Ingles, Malapit ang ugnayan ng demand sa suplay summarize (pag-aaralan natin ito sa susunod na yunit), kaban – isang sako na may 50 kaya naman bawat negosyo ay gumugugol kilo ng malaking halaga upang malaman ng tiyak hypothethical – hindi totoo, kung gaano kalaki ang magiging demand para ipinagpalagay sa produktong kanilang ipoprodyus. Kung sila ay magkamali sa pagtantya sa laki ng demand, hindi nila magagamit ang pagkakataon upang kumita ng mas malaki o kaya naman ay maaari silang malugi sa negosyo. Presyo Batas ng Demand Ang kagustuhan ng isang tao na bumili ng isang produkto ay naapektuhan ng iba’t ibang salik. Ngunit alam natin na ang presyo ng bilihin ang isa sa pinakamahalagang konsiderasyon sa pagbili ng produkto. Ang relasyong ito sa pagitan ng presyo at demand para sa isang produkto ay Demand binabalangkas ng Batas ng Demand. Ipinapakita nito ang epekto ng pagbabago ng presyo ng isang produkto batay sa laki ng demand para dito. Ugnayan ng Presyo at Demand 6 Halimbawa, kung ang iyong badyet sa isang buwan para sa bigas ay PhP 1,500, maaari kang bumili ng isang kaban (50 kilos) kung ang presyo ng bigas ay PhP 30 lamang per kilo. Kung tumaas ang presyo nito sa PHP 60 bawat kilo sa susunod na buwan, at ang iyong badyet ay parehas pa rin, malamang ay bibili ka na lamang ng kalakahating kaban (25 kilos). Kung nais mong bumili ng isang kaban, kailangang magdagdag ka ng PhP 1,500. Ngunit kung hindi pa naman tumataas ang iyong sweldo, kakailanganin mong bawasan ang iyong badyet para sa ibang bagay upang pandagdag sa pambili ng bigas. Sa madaling salita, ang demand para sa isang produkto at ang presyo nito ay inversely proportional o mayroong magkasalungat na ugnayan sa isa’t isa. Ayon sa Batas ng Demand, tuwing tumataas ang presyo ng bilihin, bababa ang demand. Kung bababa naman ang presyo, tataas ang demand. Makikita ang pagglalaw ng Batas ng Demand sa pang-araw araw na pamumuhay. Halimbawa, dahil sa sobrang mahal ng sports car at iba pang produktong pangmarangya, Hindi malaki ang demand sa sports car dahil sa mataas kaunti lamang ang demand o na presyo nito bumibili nito. Demand Schedule at Demand Curve Mayroong paraan ang mga ekonomista upang matukoy ng tiyak kung paano naapektuhan ng presyo ang demand para sa isang produkto. Dalawa ang pangunahing kasangkapan na kanilang gamit: ang demand schedule at demand curve. Ang demand schedule ay talaan na nagpapakita ng dami ng produktong mabibili isang partikular na presyo. Ipinapakita nito kung paano nagbabago ang demand habang nagbabago ang presyo nito batay sa Batas ng Demand. 7 Tingnan ang hypothetical na talaan sa ibaba: Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand A 50 100 B 40 200 C 30 300 D 20 400 E 10 500 Mula sa demand schedule, madaling makita ang ebidensiya ng Batas ng Demand. Kung susuriin ang talaan, habang bumababa ang presyo ng produkto ay tumataas naman ang demand para sa produkto. Ang kurba ng demand (demand curve) ay isang graphic representation ng ugnayan ng presyo ng demand sa produkto. Inilalarawan ito bilang isang downward slope. Ito ay batay sa demand schedule. Makikita natin sa tsart sa ibaba na ang presyo ng produkto ay nasa y-axis at ang laki ng demand naman ay palagiang nasa x-axis. Mahalaga ang demand curve dahil dito makikita ang epekto ng pagbabago ng presyo batay demand para sa isang produkto. Laki ng Demand 60 Presyo ng Produkto 50 40 30 20 10 0 0 100 200 300 400 500 600 Laki ng Demand 8 Suriin Natin A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag. ____________________ 1. Ang demand ang nagpapadaloy sa isang ekonomiya. ____________________ 2. Sinasabi ng Batas ng Demand na sa bawat pagtaas ng presyo, tataas din ang demand para sa isang produkto. ____________________ 3. Upang mapanatili ang balanse, kung walang ibang salik sa ekonomiya na magbabago, kailangang bumaba ang demand ng mga tao. ____________________ 4. Ang demand curve ay talaan ng ugnayan sa pagitang ng presyo ng produkto at ang laki ng demand para sa isang bagay. ____________________ 5. Inversely proportional ang relasyon ng demand sa presyo. B. Isa-isahin ang hinihinging sagot. Anong galawang kasangkapan ang gamit ng mga ekonomista upang matuklasan ang epekto ng presyo sa demand para sa isang produkto? 1. ________________________________ 2. ________________________________ Magbigay ng tatlong paglalarawan sa demand curve. 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ 9 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang demand? 2. Ano ang ugnayan ng presyo at demand? 3. Ano ang demand schedule? Pag-isipan Natin Paano mo magagamit ang iyong kaalaman tungkol sa demand sa pagdedesisyon sa produkto o serbisyong bibilhin? Gawin Natin Maalala natin na nagkaroon ng bugso ng pagtataas ng presyo ng bilihin ng dahil sa TRAIN Law na ipinatupad noong Enero 2018. Kapanayamin ang iyong mga magulang at alamin ang sumusunod: 1. Buwanang badyet para sa bigas, ulam, pamasahe, tubig, kuryente, damit, at sapatos. 2. Paano nagbago ang inyong badyet para sa mga item sa #1. 3. Nagbago ba ang dami ng inyong binibiling bigas, ulam, damit, at sapatos? 4. Paano nagbago ang inyong gastusin pagdating sa pamasahe, tubig, at kuryente? Matapos ng iyong panayam, sumulat ng isang sanaysay na sasagot sa katanungang ito: Ano ang praktikal na halaga ng batas ng demand, batay sa iyong natuklasan mula sa paggamit ng iyong pamilya sa mga kalakal at serbisyo? Maaaring gamitin ang resulta ng iyong panayam bilang suporta sa iyong argumento. 10 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Kalidad ng Kulang ang May iilang Maraming Puno ng tamang Nilalaman sanaysay at hindi detalye lamang; detalye ang detalye at ito nakadagdag may ibang isinaad; may maayos ang sa pag-unawa ng bahagi na ilang puntos sa pagkakasulat ng paksa kinakailangan pa sanaysay na sanaysay. ayusin hindi angkop sa Nagpapakita ng paksa malawak na pag- unawa sa paksa ng gawain. Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Pagsisikap gawain para gawain ngunit gawain na may isang lamang hindi sinikap na kasiya-siyang napakagandang may maipasa sa mapaganda pa resulta, may gawain na may guro itong lalo pagsisikap na masidhing pagandahin pagsisikap na pang lalo maging natatangi ito Kasanayan/ Hindi Nagpapakita ng May angking Nagpapakita ng Husay naipapakita ang pagnanais na husay sa husay at pagnanais na mapaghusay ang paggawa; galing sa mapaghusay ang kaniyang kailangan pa ng paggawa; may isinumiteng paggawa kaunting sapat na gawain pagsasanay kaalaman o pagsasanay Panahon ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Nakapagpasa ng Paggawa gawain sa loob kanilang gawa sa kanilang gawa sa kanilang ng dalawang loob ng itinakdang gawa bago pa araw matapos isang araw petsa ng ang itinakdang ang matapos ang pagpapasa petsa ng itinakdang petsa itinakdang petsa pagpapasa ng pagpapasa ng pagpapasa KABUUAN 11 Aralin 2 Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand, at matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand. Ang demand ay maaaring para sa isang produkto o kaya naman ay isang serbisyo Nalaman natin sa nakaraang aralin na mahalaga ang demand dahil ito ang batayhan sa pagtataguyod ng malagong ekonomiya. Nais ng pamahalaan na mapalaki ang demand upang wakasan ang recession. Pinaliliit naman ang demand para sa isang produkto upang hindi gaanong tumaas ang presyo nito, na maaaring magdulot sa pagbaba ng demand para dito. Kung ikaw ay mayroon ding negosyo, nais mo ring lumaki ang demand ng mga tao para sa iyong serbisyo at produkto upang lumaki ang iyong kita. 12 Subukan Natin Bigyang pansin ang mga salitang nakasalungguhit. Ibigay ang sariling kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. 1. Mahalaga ang kita 2. Mayroong mga produkto 3. Ang juice at gatas ay mga sapagkat ito ang nagbibigay na parehas ang dami ng substitute goods. sa mga mamimili ng kinokonsumo, katulad ng kakayahang tustusan ang kape at asukal kanilang mga pangangailangan. Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: 4. Hindi bibili ang mga 5. Maaaring maapektuhan 6. Maaaring mabago ng mamimili ng inferior goods ng expectation ng mga pag-aanunsyo ang kung tataas ang kanilang mamimili ang demand para pananaw ng isang mamimili kita o kung magmamahal sa isang produkto. tungkol sa isang produkto. ang presyo ng mga Halimbawa, kapag Halimbawa ang paggamit produktong ito. napabalita ang pagtaas ng ng mga doktor ng isang gasolina, bumibili sila agad brand sabon sa mga ng kanilang imbak upang komersyal ay isang paraan makamura. upang makumbinsi ang mga mamimili Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: Sariling kahulugan: 13 Pag-aralan Natin Alamin Natin Ano nga ba ang mga salik na maaaring makaapekto sa demand? Sa ekonomiks, Tandaan at gawing gabay ang mayroong limang salik ang demand. kahulugan ng sumusunod na salita: Ito ay ang: salik – sa Ingles, factors o 1. Presyo ng produkto determinants 2. Presyo ng mga produktong kapareha o natalakay – napag- pamalit usapan, napag-aralan 3. Kita ng mamimili tagapulot – sa Ingles, honey 4. Kagustuhan at panlasa ng mga sapat – eksakto mamimili kalidad – sa Ingles, quality 5. Expectation ng mamimili pananaw – pagtingin mamanipula – mabago ayon sa kagustuhan Presyo ng produkto Ang pokus ng ekonomiks ay ang epekto ng presyo sa demand para sa isang produkto. Ito rin ang dahilan kung bakit nabuo ang Batas ng Demand na atin nang natalakay sa nakaraang aralin. Tandaan na bagamat ang presyo ang pinakamahalagang salik na makaaapekto sa demand, totoo lamang ang Batas ng Demand kung walang magbabago sa iba pang salik. Kung sakali mang magbago ang isa sa mga ito, gagalaw din ang buong demand curve. Ating tatalakayin ang mga pagbabagong sa araling ito. Totoo lamang ang ugnayang ito kapag walang ibang salik na magbabago 14 Presyo ng mga Produktong Kapareha o Pamalit Kung ikaw ay bibili ng kape, kailangan mo rin ng asukal, at kapag kaya pa ng badyet, maaaring bumili ka ng coffee creamer o kaya naman ay gatas. Ang kape ay isang produkto, at ang mga kapareha nitong produkto ay ang asukal at coffee creamer. Sa ekonomiks, ang mga produktong ito ay tinatawag na completementary goods dahil sila ay kinukunsumo ng magkasama. Minsan, ang demand para sa isang produkto ay maaaring Ang kape, asukal, at coffee creamer ay maituturing maapektuhan ng presyo ng na complementary goods kapareha nitong produkto. Halimbawa, maaaring bumaba ang demand para sa kape kung mataas ang presyo ng asukal. Ngunit, ating tandaan na hindi lamang asukal ang maaaring gamiting pampatamis ng kape. Halimbawa, mayroong tagapulot at balikutsa na parehas na maaaring pamalit sa asukal. Ang asukal, tagapulot, at balikutsa ay tinatawag na substitute goods dahil isa lamang sa kanila ang kinukunsumo sa isang takdang panahon. Kapag nagkataong naging mas mababa ang halaga ng balikutsa kaysa sa asukal, maaaring tumaas ang demand para sa kape ngunit imbes na asukal, balikutsa na ang magiging kapareha nito. Tandaan na sa pagkakataong ito ay hindi nagbabago ang presyo ng kape. Kita ng Mamimili Mayroong direktang ugnayan ang kita ng isang mamimili at demand para sa isang produkto: kapag tumaas ang kita, tataas ang demand; kapag bumaba ang kita, bababa rin ang demand. Ngunit kung nadoble ang kita ng isang mamimili, hindi ibig sabihin nito na dodoble rin ang kaniyang demand para sa isang produkto o serbisyo. Mayroon lamang sapat na dami ng kape na nais mong inumin sa isang araw. Maaaring dumating ang panahon na magsasawa ka na sa kape. Ito ang konsepto ng marginal utility. 15 Ang epekto ng kita sa demand para sa isang produkto ay nakabatay rin sa kalidad at klase ng produkto. Para sa karamihan ng mga produkto, may direktang ugnayan sa pagitan ng kita ng isang mamimili at ang demand niya para sa isang produkto. Ang mga produktong ito ay tinatawag na normal goods. Ngunit mayroon ding mga produkto na nagpapakita ng negatibong relasyon sa pagitan ng demand nito at kita ng mamimili. Halimbawa, mayroong mga produkto na hindi mo na bibilhin kung tataas iyong allowance. Kung dati ay pancit canton ang iyong agahan, ngayon na mas mataas na iyong allowance, b umibili ka ng ng bacon. Ang mga produktong mayroong inverse relationship sa pagitan ng kita at demand ay tinatawag na inferior goods o mga produktong itinuturing na mas mababa ang kalidad. Maaaring mas pipiliin mo na ang bacon kung tataas ang iyong allowance Tandaan na nakabatay sa pananaw ng isang tao kung ang isang produkto ay isang normal good o inferior good. Ang inferior good para sa isang mamimili ay maaaring isang normal good para sa isa. Halimbawa, maaaring mas gusto ng iyong kaibigan ang pancit canton kaysa sa bacon, kaya para sa kaniya isang normal good ito. Kagustuhan at Panlasa ng Mamimili Ang demand para sa isang produkto ay maaaring mabago depende sa kagustuhan, emosyon, at kasalukuyang estado ng mga mamimili. Halimbawa, naalala mo pa ba ang panahong inuubos mo ang iyong allowance upang makabili lamang ng teks o kaya naman ng magic cards? Maaaring sa paglaki mo ay hindi ka na masyadong gumagatos para sa mga ganitong bagay. Paano ka makukumbinse na bilhin ang headphone na ito? 16 Ang epekto ng kagustuhan at panlasa ng mamimili sa demand ay mahirap tukuyin, ngunit mahalaga ito sapagkat ito ay nababago. Sa pamamagitan ng advertising, maaaring mamanipula ng mga negosyo ang pananaw ng mga mamimili tungkol sa isang produkto. Ito rin ng dahilan kung bakit iba-iba ang normal goods at inferior goods para sa isang tao. Bukod sa pag-aanunsyo, ang mga makabagong tuklas na kaalaman, pati na rin ang klima o panahon sa isang lugar ay maaaring makaapekto sa demand. Halimbawa, kapag may bagong pag-aaral tungkol sa isang bagay na nagsasabing maaari itong makasama sa iyong kalusugan, maaaring bumagsak ang iyong demand Magkaiba ang demand para sa para sa bagay na ito. Samantala, sa mga lugar na mainit damit pangmalamig sa mga tulad ng Pilipinas, mababa lamang ang demand para sa tropikal na bansa ka at sa mga fur coats ngunit mahalaga ang mga ito sa Europa malalamig ng bansa at Canada. Expectation ng mga Mamimili Hindi lamang ang kasalukuyang mga pangyayari ang maaaring makaapekto sa demand—ang mga inaasahan sa hinaharap ay maaari ring makaapekto nito. Halimbawa, kung mayroong expectation na maglalabas ang isang sikat na kompanya ng cellphone ng panibagong modelo sa dulo ng taon, hindi muna bibili ng lumang modelo ang mga tao. Hihintayin muna nila ang paglabas ng bagong produkto. Dahil dito, maaaring maliit lamang ang demand para sa mga kasalukuyang modelo ng mga cellphone. Ang expectation din ang dahilan kung bakit humahaba ang Malaki ang epekto ng expectation pila sa mga gasolinahan bago ang araw ng pagtaas sa sa demand at presyo ng cellphone presyo nito. Batay sa mga halimbawang nabanggit, magbabago ang demand kung mayroong inaasahang pagbabago sa alinman sa limang mga salik na nakakaapekto sa demand. 17 Paglipat ng Kurba ng Demand Kapag nagbago ang alinman sa mga salik, bukod sa presyo ng bilihin, ay maaaring lumipat ang posisyon ng demand curve. Halimbawa, tingnan mo ang demand schedule batay sa kita ng mga mamimili. Ang demand para sa produkto ay tugma lamang sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Hindi tumataas ang demand dahil hindi nagbabago ang kita. Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand A 50 100 B 40 200 C 30 300 D 20 400 E 10 500 Laki ng Demand 60 50 Presyo ng Produkto 40 30 20 10 0 0 100 200 300 400 500 600 Laki ng Demand Sa dagdag na sahod, magkakaroon ang mamimili ng kakayahang bumili ng mas 18 marami produkto. Kung gayon, tataas ang demand para sa mga ito. Bunga nito, ang kurba ng demand ay gagalaw sa kanan. Makikita sa tsart ang kaibahan ng mga demand batay sa pagtaas ng sahod. Kung titingnan, tumaas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita. Presyo ng Taas ng Demand Punto Produkto Katamtaman Tumaas ang Kita ang Kita (Q1) (Q2) A 50 100 200 B 40 200 300 C 30 300 400 D 20 400 500 E 10 500 600 Suriin ang graph sa ibaba para makita ang paggalaw o paglipat ng kurba ng demand. Paglipat ng Kurba ng Demand 60 50 Presyo ng Produkto 40 30 20 10 0 0 100 200 300 400 500 600 700 Laki ng Demand Katamtaman ang Kita (Q1) Tumaas ang Kita (Q2) 19 Kung magkaroon ng bawas sa sahod ng mga mamimili, mawawala ang kakayahan nilang bumili. Dahil dito, baba ang demand para sa mga produkto. Bunga nito, ang kurba ng demand ay lilipat sa kaliwa. Laki ng Demand Punto Presyo ng Katamtaman Tumaas ang Bumaba ang Produkto ang Kita (Q1) Kita (Q2) Kita (Q3) A 50 100 200 50 B 40 200 300 150 C 30 300 400 250 D 20 400 500 350 E 10 500 600 450 Makikita sa talaan sa taas at sa graph sa ibaba ang paggalaw ng demand batay sa kita. Sa graph, makikita na ang dating kulay bughaw na guhit ay gagalaw sa kaliwa at magiging berdeng guhit sa pagbaba ng kita. Paglipat ng Kurba ng Demand 60 Presyo ng Produkto 50 40 30 20 10 0 0 100 200 300 400 500 600 700 Laki ng Demand Katamtaman ang Kita (Q1) Tumaas ang Kita (Q2) Bumaba ang Kita (Q3) 20 Suriin Natin A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A. Hanay A Hanay B 1. Mga produktong kinokonsumo ng magkasama A. normal goods 2. Mga produktong maaaring gawing pamalit para B. complementary goods sa iba 3. Mga produktong ang demand ay mayroong C. paglipat inverse na relasyon sa kita ng mamimili 4. Mga produktong ang demand ay mayroong D. inferior goods direktang relasyon sa kita ng mamimili 5. Tawag sa paggalaw ng posisyon ng buong E. demand curve demand curve F. substitute goods G. demand schedule B. Ano ang limang salik na nakakaapekto sa demand ng mga indibiduwal? 1. ________________________________ 2. ________________________________ 3. ________________________________ 4. ________________________________ 5. ________________________________ 21 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano-ano ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng demand? 2. Paano naaapektuhan ng kita ng mga konsumer ang demand para sa isang produkto o serbisyo? 3. Paano nakakaapekto ang expectation sa demand? Pag-isipan Natin Sa iyong sariling karanasan, mayroon pa bang ibang salik na nakaaapekto sa iyong pagdedesisyon sa pagbili ng mga produkto na hindi natukoy sa araling ito? Gawin Natin Mangolekta ng isang print ad mula sa dyaryo at isang video ad mula sa internet. Siguraduhing ang mga advertisement na ito ay patungkol sa iisang produkto lamang. Tingnan nang maigi ang mga anunsyong ito at sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Sino ang inaanyayahan na gumamit ng produkto o serbisyo na nasa advertisement? 2. Paano umaapela ang anunsyo sa kagustuhan at panlasa ng mga mamimili? Ilarawan ang produkto, maging ang paraang gamit sa paghikayat ng mga mamimili. 3. Nagbibigay ba ng sapat na impormasyon ang anunsyo upang makapagdesisyon ng maayos ang mga mamimili? 4. Ano ang mga kapareha ng produkto mula sa mga anunsyo na iyong napili? 5. Ano ang mga pamalit na produkto mula sa mga anunsyo na iyong napili? 6. Sa iyong karanasan, mayroon bang mga produkto na hindi na kailangan pang gawan ng isang advertisement? Magbigay ng halimbawa. Gumawa ng isang powerpoint presentation bilang output. Iulat sa klase ang iyong mga sagot. 22 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Sinubukang Sinubukang Mahusay at Napakahusay at sagutin ang sagutin ang malinaw ang napakalinaw mga mga mga sagot; ang mga sagot; katanungan, katanungan, pinag-isipan pinag-isipang maraming mali; may ilang mali; ang kasagutan; mabuti ang hindi nag-isip; nag-isip nang halatang kasagutan; tiyak tila walang bahagya; may natuto sa aralin na tiyak na natutunan sa kaunting natuto sa aralin aralin natutunan sa aralin Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang minuto/oras/ minuto/oras/ minuto/oras/ itinakdang araw/ linggo araw/ linggo araw/linggo ng minuto/oras/ matapos ang matapos ang pagpapasa araw/linggo ng itinakdang itinakdang pagpapasa panahon ng panahon ng pagpapasa pagpapasa dahil ipinaalala ng guro KABUUAN 23 Aralin 3 Elastisidad ng Demand Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiuugnay ang elastisidad ng demand sa presyo ng kalakal at paglilingkod. Tulad ng isang rubber band, ipinakikita ng elastisidad ng demand ang laki ng pagbabago sa demand batay sa presyo nito. Ang elastisidad ng demand ay tumutukoy sa galaw ng relasyon sa pagitan ng demand at iba pang salik na nakakaapekto rito. Sa pamamagitan ng pagtukoy ng elastisidad ng demand, nagkakaroon ang isang negosyo ng paraan upang matugunan ang eksaktong pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili. 24 Subukan Natin Alin sa mga produkto o serbisyo na ito mayroong malaking epekto ang pagbabago ng presyo? kuryente gulay sapatos karne tubig pagpasok sa paaralan renta sa bahay dyaryo bigas Malaki ang epekto ng pagbabago ng Maliit o walang epekto ng pagbabago ng presyo sa dami ng demand para sa presyo sa dami ng demand para sa produktong ito produktong ito 25 Pag-aralan Natin Kapag pinagusapan na ang elastisidad ng Alamin Natin demand, kadalasang tinutukoy nito ang price elasticity of demand, o ang pagbabago sa laki Tandaan at gawing gabay ang ng demand batay sa pagbabago sa presyo nito. kahulugan ng sumusunod na mga Gayunpaman, mayroon ding tinatawag na salita: cross-elasticity of demand na tumutukoy sa absolute value – positibong pagbabago sa laki ng demand batay sa numero pagbabago ng presyo ng mga kapareha at value – halaga kapalit na produkto nito. Para sa diskusyon ng katumbas – kapareho ng araling ito, ating pag-uukulan ng pansin ang halaga price elasticity of demand at ang iba’t ibang uri nito. Pagkuha ng Halaga ng Elastisidad ng Demand Tulad ng nabanggit, ang elastisidad ng demand ay kadalasang tumutukoy sa price elasticity of demand, o relasyon sa pagitan ng porsiyento sa pagbabago sa laki ng demand para sa isang produkto at ng porsiyento ng pagbaba sa presyo nito. Para makuha ang halaga ng elastisidad ng demand, ginagamit ang sumusunod na formula: 𝑃𝑜𝑟𝑠𝑖𝑦𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝐷𝑒𝑚𝑎𝑛𝑑 EP = 𝑃𝑜𝑟𝑠𝑖𝑦𝑒𝑛𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑃𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 %∆ 𝑄𝐷 = %∆ 𝑃 %∆ 𝑄𝐷 = %∆ 𝑃 Kung saan: EP = elastisidad ng demand QD = laki ng demand P = presyo Δ = pagbabago 26 Ang pagbabago sa demand ay makukuha sa: ∆ 𝑄𝐷 = 𝑄𝐷2 − 𝑄𝐷1 Samantala, ang pagbabago naman sa presyo ay makukuha sa pamamagitan ng pormulang ito: ∆𝑃 = 𝑃2 − 𝑃1 Ang porsiyento naman ng pagbabago ng demand ay makukuha sa: 𝑄𝐷2 − 𝑄𝐷1 %∆ 𝑄𝐷 = ( ) 𝑋 100 𝑄𝐷 𝑄𝐷1 + 𝑄𝐷2 𝑄𝐷 = 2 Samantala, ang porsiyento ng pagbabago ng presyo ay makukuha sa pormulang ito: 𝑃2 − 𝑃1 %∆𝑃 = ( ) 𝑋 100 𝑃 𝑃1 + 𝑃2 𝑃= 2 Sa madaling salita, maaaring makuha ang elastisidad ng demand sa pamamagitan ng pormulang ito: 𝑸𝑫𝟐 − 𝑸𝑫𝟏 ( ) 𝑿𝟏𝟎𝟎 𝑸𝑫𝟏 + 𝑸𝑫𝟐⁄𝟐 𝑬𝑷 = 𝑷𝟐 − 𝑷𝟏 ( ) 𝑿 𝟏𝟎𝟎 𝑷𝟏 + 𝑷𝟐⁄𝟐 Maaaring gamitin ang pormulang ito, tumaas man o bumaba ang presyo ng isang produkto. 27 Bilang pagsasanay, subukan nating gamitin ang pormulang ito gamit ang sitwasyong inilalarawan ng demand schedule at demand curve sa ibaba. Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand A 60 3000 B 70 2800 C 80 2600 D 90 2400 E 100 2200 F 110 2000 G 120 1800 H 130 1600 Laki ng Demand 150 H Presyo ng Produkto G F 100 E D C B A 50 0 0 500 1000 1500 2000 2500 3000 3500 Laki ng Demand Mula sa mga datos na ito, ating kalkulahin ang elastisidad kapag bumaba ang presyo ng produkto mula punto B (70) patungo sa punto A (60): 𝑸𝑫𝟐 − 𝑸𝑫𝟏 ( ) 𝑿𝟏𝟎𝟎 𝑸𝑫𝟏 + 𝑸𝑫𝟐⁄𝟐 𝑬𝑷 = 𝑷𝟐 − 𝑷𝟏 ( ) 𝑿 𝟏𝟎𝟎 𝑷𝟏 + 𝑷𝟐⁄𝟐 𝟑𝟎𝟎𝟎 − 𝟐𝟖𝟎𝟎 ( ) 𝑿𝟏𝟎𝟎 𝟐𝟖𝟎𝟎 + 𝟑𝟎𝟎𝟎⁄𝟐 = 𝟔𝟎 − 𝟕𝟎 ( ) 𝑿 𝟏𝟎𝟎 𝟕𝟎 + 𝟔𝟎⁄𝟐 28 𝟐𝟎𝟎 (𝟐𝟗𝟎𝟎) 𝑿𝟏𝟎𝟎 = −𝟏𝟎 ( ) 𝑿 𝟏𝟎𝟎 𝟔𝟓 𝟔. 𝟗% = −𝟏𝟓. 𝟒% 𝑬𝑷 = 𝟎. 𝟒𝟓 Palaging tatandaan na ang elastisidad ng demand ay laging negatibo dahil ang relasyon ng presyo ng produkto sa laki ng demand para dito ay inversely proportional o magkasalungat. Sa economics, kinukuha lamang ang absolute value ng elastisidad upang mabigyan ng tamang kahulugan ang halaga nito. Uri ng Elastisidad ng Demand Ano nga ba ang ibig sabihin ng elastisidad ng demand? Ang value nito ay tumutukoy sa laki ng epekto ng bawat paggalaw ng presyo sa laki ng demand para sa isang produkto. Halimbawa, malalaman sa value ang eksaktong bawas sa presyo ng kompyuter, sa bawat dami ng kompyuter bibilhin ng tao. Mayroong tatlong uri ng elastisidad, batay sa value ng EP ang iyong makukuha. Elastik Kapag ang nakalkulang EP ay mas mataas kaysa sa isa (1), ang isang produkto ay elastik. ang ibig sabihin nito, sa bawat pisong pagbabago ng presyo, madadagdagan o mababawasan ng higit sa isa (1) ang dami ng produktong handang bilhin ng isang mamimili. Halimbawa, kapag ang elastisidad ng demand ay nakalkula sa 1.45, ibig sabihin, kapag tumaas ang presyo ng piso, mababawasan ng 1.45 produkto ang bibilhin ng mga tao. Samantala, kapag nagmura ito ay tataas ang bilang ng produktong bibilhin. Ang ganitong elastisidad ay karaniwang makikita sa mga produktong kagustuhan lamang ng mga tao. Ito ang mga produktong madaling iwasan kapag nagtaas ang halaga dahil hindi sila kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. 29 Di-Elastik Kapag ang nakalkulang EP ay mas mababa kaysa sa 1, ang isang produkto ay di-elastik. Ibig sabihin nito, hindi basta-basta ang pagbaba demand dahil ang mga produktong ito ay mga pangangailangan. Halimbawa na lamang nito ang produkto sa itaas kung saan ang EP ay 0.45. Ibig sabihin nito, kahit tumaas ang presyo ng produktong ito ng piso, 0.45 lamang ang ibaba ng laki ng demand. Samantala, kung nagmura ang presyo nito, hindi rin nanaisin ng mga mamimili na bumili ng marami nito. Unitary Kapag ang nakalkulang EP ay eksaktong 1, ang produkto ay mayroong unitary demand. Ibig sabihin nito, palagiang magkatumbas ang pagbabago sa demand sa pagbabago sa presyo ng produkto o serbisyo. Ganap na Elastik Kung ang isang produkto ay ganap na elastik, hindi nag-iiba ang presyo kahit mag-iba man ang demand. Sa ganitong pagkakataon, maaaring mawala ang demand kung magbabago ang presyo ng produkto. Hindi gaanong nakikita ang ganitong uri ng produkto sa pamilihan. Nangangahulugan ito na maraming kakompetisyon ang isang negosyo, kaya’t hindi nila maaaring baguhin ang kanilang presyo. Ang demand curve ng isang produktong ganap na elastic ay isang tuwid na linya na pahalang. 30 Ganap na Di-Elastik Ang isang produkto na ganap na di-elastik ay mayroong demand curve na nakatayo. Ibig sabihin, kahit gaano pa kalaki ang pagbabago sa presyo, nananatili ang laki ng demand para dito. Ibig sabihin, walang pagpipilian ang mga tao pagdating sa produkto o serbisyo. Nangyayari ito kung wala gaanong mga negosyo ang nagpoprodyus sa sa isang lugar. 31 Suriin Natin Isa-isahin ang hinihingi ng sumusunod. 1. Magbigay ng limang uri ng elastisidad ng demand 1. ______________________________ 2. ______________________________ 3. ______________________________ 4. ______________________________ 5. ______________________________ B. Dalawang impormasyon na kailangang malaman upang makuha ang elastisidad ng demand para sa isang produkto 6. ______________________________ 7. ______________________________ C. Pormulang gamit sa pagkakalkula ng elastisidad ng demand para sa isang produkto (3 puntos) 8. ______________________________ 9. ______________________________ 10. ______________________________ 32 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang kahulugan ng elastisidad ng demand? 2. Ano-ano ang uri ng elastisidad ng demand? 3. Ano ang masasabing elastisidad ng demand kung demand para sa isang produkto ay ganap na nakasalalay sa presyo nito? Pag-isipan Natin Ano sa iyong palagay ang elastisidad ng demand ng mga produkto at serbisyong kinokonsumo mo araw-araw? Alin sa mga produkto o serbisyong ito ang mayroong elastik na demand? Alin ang mga produkto o serbisyo ang di-elastik? Alin naman ang mga produkto o serbisyo na mayroong unitary demand? Gawin Natin Gamit ang demand schedule na ito para sa mga smartphone, kalkulahin ang elastisidad ng demand mula sa punto B hanggang C, D hanggang E, at G hanggang H. Tukuyin kung ang elastisidad ay elastik, di elastic, o unitary. Ipakita ang iyong solusyon sa isang malinis na papel. Ano ang implikasyon ng mga elastisidad na iyong nakalkula? Punto Presyo ng Produkto Laki ng Demand A 60 3,000 B 70 2,800 C 80 2,600 D 90 2,400 E 100 2,200 F 110 2,000 G 120 1,800 H 130 1,600 33 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Malabo at Medyo malinaw Kumpleto at Kumpleto, magulo ang ang ipinakitang malinaw ang napakalinaw, at ipinakitang sagot,, kulang ipinakitang tama ang sagot, kulang ng ng maraming sagot, kulang ng ipinakitang maraming detalye; ilang detalye; sagot; naipakita detalye; wala o kailangang naipakita ang ang husay sa kulang ang masanay sa kakayahan sa pagsusuri at kasanayan sa pagsusuri at pagsusuri at pagpapaliwanag pagsusuri at pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang minuto/oras/ minuto/oras/ minuto/oras/ itinakdang araw/ linggo araw/ linggo araw/linggo ng minuto/oras/ matapos ang matapos ang pagpapasa araw/linggo ng itinakdang itinakdang pagpapasa panahon ng panahon ng pagpapasa pagpapasa dahil ipinaalala ng guro KABUUAN 34 Karagdagang Kaalaman Noong 2014, gumawa ng isang pagsusuri ang Time Magazine upang alamin ang mga produktong pinakaraming bumibili sa nakaraang mga taon. Narito ang ilan sa kanila. Brand/Pangalan Larawan ng Laki ng Rank Gamit ng Produkto Produkto Demand PlayStation mula 344 milyong 1 Video game sa Sony yunit Lipitor mula sa Nagkakahalaga 2 Gamot sa alta-presyon Pfizer ng $141 bilyon 40.7 milyong 3 Toyota Corolla Kotse yunit Star Wars mula Nagkakahalaga 4 sa 20th Century Pelikula ng $4.6 bilyon Fox iPad mula sa 211 milyong 5 Tablet, gadget Apple yunit 35 Pagyamanin Natin Tayo ay maglalaro sa klase upang lubos ninyong maintindihan ang konsepto ng demand. Kinakailangang madala ang bawat isang estudyante ng limang pirasong kendi o bubble gum. Hindi ninyo maaaring kainin ang mga ito. Maaari kayong makipag-trade kung inyong nais, ngunit hindi ito kinakailangan. Magkakaroon tayo ng 10 ikot ng pagti-trade. Sa bawat ikot, kailangan niyong sumagot kung kayo ay makikipagtrade o hindi sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang maliit na papel ng OO kung makikipagtrade at HINDI kung hindi makikipagpalitan. Kokolektahin ng isa ninyong kaklase ang mga sagot, at bibilangin bawat ikot. Ilalagay din sa isang demand schedule ang resulta ng bawat ikot. Gamitin ang talaang ito sa pagrekord ng resulta. Bilang ng Presyo ng bawat isang Bilang ng Bilang ng hindi Ikot tsokolate makikipag-trade makikipagtrade 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Sino ang nais na makipag-trade ng isang pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong tsokolate? 2. Sino ang nais na makipag-trade ng dalawang pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong tsokolate? 3. Sino ang nais na makipag-trade ng tatlong pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong tsokolate? 36 4. Sino ang nais na makipag-trade ng apat na pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong tsokolate? 5. Sino ang nais na makipag-trade ng limang pirasong kendi o bubble gum para sa isang pirasong tsokolate? Sa puntong ito, ay gagawin na ang tunay na pagpapalitan ng mga produkto. Gagamit tayo ng dice upang makita kung magkano ang halaga ng bawat isang tsokolate. Halimbawa, kapag itinapon ang dice at ang anim na tuldok ang lumabas, ang halaga ng isang tsokolate ay katumbas ng anim na kendi o bubble gum. Gawin ang pagtapon ng dice ng limang ulit pa. Maaari nang kainin ang kendi o bubble gum pagkatapos ng bawat ikot ng trade. Matapos ng laro, bumuo ng mga grupo na mayroong tatlong kasapi. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang epekto ng pagtaas ng halaga ng tsokolate sa dami ng tao ng nais makipagtrade? 2. Gumawa ng demand curve gamit ang demand schedule na nagawa para sa bawat isang ikot ng trade. 3. Kalkulahin ang elastisidad ng demand sa bawat ikot ng pagtrade. Mayroon bang punto na ang elastisidad ng demand ay nagbago? 4. Magbigay ng konklusyon patungkol sa demand para sa tsokolate batay ang resultang inyong nakuha. Isulat ang mga sagot sa isang manila paper at ipakita sa klase. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Pagpapahalaga Nangailangan Nakayang gawin Nakayang gawin Pinaghirapan at ng paggabay ang madadaling ang mahihirap pinaghandaang kahit sa bahagi, na bahagi, mabuti ang simpleng nangailangan ng nangailangan ng gawain, hindi na gawain; paggabay; paggabay; nangailangan ng madaling ginawa muna ginawa muna paggabay; umayaw; ang mahihirap ang mahihirap 37 umaasa sa iba na bahagi, na bahagi, kaya madaling maaaring pa ring nakaugnay at umayaw kung magpatuloy natapos sa oras walang kahit walang ang gawain paggabay paggabay Pakikilahok Hindi nakilahok May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng ng Bawat at walang kaunting interes interes subalit masidhing Indibidwal interes sa at pakikilahok hindi gaanong interes at paghahanda at sa paghahanda nakilahok sa aktibong pagsasakatuparan at paghahanda at pakikilahok sa ng gawain pagsasakatuparan pagsasakatuparan buong ng gawain ng gawain paghahanda at pagsasakatuparan ng gawain Nilalaman Malabo at Medyo malinaw Kumpleto at Kumpleto, magulo ang ang ipinakitang malinaw ang napakalinaw, at ipinakitang sagot,, kulang ipinakitang tama ang sagot, kulang ng ng maraming sagot, kulang ng ipinakitang maraming detalye; ilang detalye; sagot; naipakita detalye; wala o kailangang naipakita ang ang husay sa kulang ang masanay sa kakayahan sa pagsusuri at kasanayan sa pagsusuri at pagsusuri at pagpapaliwanag pagsusuri at pagpapaliwanag pagpapaliwanag pagpapaliwanag Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali 38 Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang minuto/oras/ minuto/oras/ minuto/oras/ itinakdang araw/ linggo araw/ linggo araw/linggo ng minuto/oras/ matapos ang matapos ang pagpapasa araw/linggo ng itinakdang itinakdang pagpapasa panahon ng panahon ng pagpapasa dahil pagpapasa ipinaalala ng guro KABUUAN Paglalagom Presyo ng produkto Kahulugan Presyo ng mga produktong kapareha o kapalit Mga salik na Kita ng mamimili nakakaapekto Kagustuhan at panlasa ng mamimili Demand Expectation Elastik Elastisidad Di-elastik Unitary 39 DAPAT TANDAAN Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbiyo na gusto at handang bilhin ng isang mamimili sa isang takdang presyo. Isinasaad sa Batas ng Demand na ang demand para sa produkto ay inversely proportional sa presyo nito. Ang demand schedule ay talaan na nagpapakita sa dami ng produktong bibilhin ng mga mamimili sa isang partikular na presyo. Ang kurba ng demand (demand curve) ay isang graphic representation ng ugnayan ng presyo ng demand sa produkto. Inilalarawan ito bilang isang downward slope. May iba't ibang salik na nakaapekto sa demand para sa isang produkto: kita o suweldo panahon okasyon panlasa, style, o taste espekulasyon presyo ng iba pang produkto Lumilipat pakanan o pakaliwa ang kurba ng demand kapag tumaas o bumaba ang demand para sa produkto dulot ng epekto ng iba't ibang salik. Ang elastisidad ng demand ay nagpapakita sa kakayahan ng mga mamimili na dagdagan o bawasan ang kanilang demand para sa mga produkto at serbisyo batay sa pagbabago ng presyo ng mga ito. Mayroong iba't ibang uri ng elastisidad ng demand: elastik di-elastik unitary ganap na elastik ganap na di-elastik 40 Dagdag Sanggunian Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay: “Law of Demand” ng Focus EduVation (https://www.youtube.com/watch?v=QvGLcCTXk9o) “Factors Affecting Demand” ng Economics Mafia (https://www.youtube.com/watch?v=Enz6z9jGmsk) “How to Solve Elasticity Problems in Economics ” ni Free Econ Help (https://www.youtube.com/watch?v=Enz6z9jGmsk) Gabay sa Pagwawasto Aralin 1: Kahulugan ng Demand Subukan Natin G E E C E T I F E R E K K A R P O R T U R U L E E N D E M A N D S E P E U U A I O L F N Y A S O S R P S N U T R P S S Y R P O R S E V R U C E S C T E P O A O R P A M I L I H A N D S N T R C B I P P S E O U M I A I R E U R O P E D K E M E E O P O T A M I A T R L S C H E D U L E A R O O 41 Suriin Natin A. 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Mali 5. Tama B. Anuman ang pagkakasunod-sunod: 1. demand schedule 2. demand curve Anuman ang pagkakasunod-sunod: 3. downward slope 4. Isa itong graphical representation kung saan ang presyo ng produkto ay laging nasa Y-axis at ang laki ng demand ay laging nasa X-axis 5. Nabubuo ito mula sa demand schedule Aralin 2: Mga Salik na Nakaapekto sa Demand Subukan Natin Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Narito ang ilang halimbawang kasagutan. Halimbawa: 1. kita - sweldo 2. kinokonsumo – iniinom o kinakain 3. substitute goods – pamalit na mga produkto 4. inferior goods – mga produkto na sa pananaw ng mamimili ay hindi gaanong kaiga-igaya 5. expectation – inaasahang pagbabago sa mga salik sa ekonomiya 6. pag-aanunsyo – sa Ingles, advertising 42 Suriin Natin A. 1. B 2. F 3. D 4. A 5. C B. Anuman ang pagkakasunod-sunod: 1. presyo ng produkto 2. presyo ng kapareha at pamalit na produkto 3. kita ng mamimili 4. kagustuhan at panlasa ng mamimili 5. expectation ng mamimili Aralin 3: Elastisidad ng Demand Subukan Natin Malaki ang epekto ng pagbabago ng Maliit o walang epekto ng pagbabago ng presyo sa dami ng demand para sa presyo sa dami ng demand para sa produktong ito produktong ito kuryente dyaryo gulay karne tubig sapatos pagpasok sa paaralan renta sa bahay bigas 43 Suriin Natin A. 1. elastik 2. di-elastik 3. unitary 4. ganap na elastik 5. ganap na di-elastik B. 6. laki ng demand 7. presyo ng produkto C. 𝑸𝑫𝟐−𝑸𝑫𝟏 (𝑸𝑫𝟏+𝑸𝑫𝟐⁄𝟐)𝑿𝟏𝟎𝟎 𝑬𝑷 = 𝑷𝟐−𝑷𝟏 ( ) 𝑿 𝟏𝟎𝟎 𝑷𝟏+𝑷𝟐⁄𝟐 Sanggunian Acomular, M., Acolumar, M. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad. Manila: IEMI, 2015. Mankiw, N. Gregory. Principles of Economics. Boston, MA: Cengage Learning, 2015. Nolasco, Liberty I., Jerome A. Ong, and John N. Ponsaran. Ekonomiks: Mga Konsepto, Aplikasyon, at Isyu. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc., 2010. 44