Araling Panlipunan 9 QUARTER 2 Notes PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
These notes cover the concepts of demand and supply in economics. It includes definitions of key terms, graphs, and examples of supply and demand schedule.
Full Transcript
Araling Panlipunan 9 QUARTER 2 DEMAND Demand - ang daming produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili. Batas ng Demand - mayroong salungat (inverse) na ugnayan ang presyo at demand ng isang produkto at serbisyo. Ceteris paribus (all else...
Araling Panlipunan 9 QUARTER 2 DEMAND Demand - ang daming produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili. Batas ng Demand - mayroong salungat (inverse) na ugnayan ang presyo at demand ng isang produkto at serbisyo. Ceteris paribus (all else remains the same) Demand Function - ang mathematical equation na naglalarawan sa relasyon ng presyo at demand. Halimbawa: Qd = 60 - 10P 1.) ↓ Presyo ↑ Demand 2.)↑ Presyo ↓ Demand Substitution effect - income Demand Schedule - isang talahanayan Demand Curve - isang grapikong ng dami ng handa at kayang bilhin ng paglalarawan ng di-tuwirang relasyon mamimili sa ibat ibang presyo. ng presyo at dami ng handang bilhin. Iba pang Salik na Nakakaapekto sa Demand 1.) Kita - ↑Kita ↑Demand, ↓Kita ↓Demand 2.) Panlasa - taste / preference 3.) Dami ng mamimili - ↑populasyon, bandwagon effect ↑Demand , nauuso ↑Demand 4.) Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo. Substitute goods, and Complementary goods. Example: 1. ) Substitude Goods: 2.) Complementary goods Softdrinks: ↑P ↓D — Juices ↑D Kape ↑P ↓D — Asukal ↓D D1 D1 D2 D2 Paglipat ng kurba ng demand P — P — Patungong Kaliwa (left) - decreasing R R ↑ — — ↑ E E Patungong Kanan (right) - increasing S S Y — Y — O O — — Quantity Demand Quantity Demand SUPLAY Suplay - dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng mga produsyer Batas ng Suplay - mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo at quantity supplied ang isang produkto. A. Suplay Function - mathematical equation na naglalarawan sa tuwirang relasyon ng presyo at dami ng supply. B. Supply Schedule - talahanayan na nagpapakita ng iba’t ibang dami ng produkto na ipinagbili sa iba’t ibang presyo. C. Supply Curve - grapikong paglalarawan ng tuwiranh relasyon ng daming handang ipagbiling produkto ng suplayer at presyo. IBA PANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY 1.) Pagbabago ng Teknolohiya - tumutukoy sa paggamit ng makabagong kaalaman at kagamitan. — Makabagong teknolohiya - ↑Supply — Makaluma - ↓ Supply 2.) Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon — Kapag mataas ang gastusin ng negosyante ay binabawasan ang dami ng lilikhaing produkto. Kapag mallit ang gastusin sa produksyon ay dumarami ang supply. — Pagtaas ng renta, pagtaas ng presyo ng raw materials, pagtaas ng sahod ng manggagawa at pagtaas ng buwis ng negosyante - ↓ Supply — Pagbaba ng renta, pagbaba ng presyo ng raw materials, pagbaba ng presyo ng langis, pagbaba ng buwis ng negosyante - ↑ Supply 3.) Pagbabago sa bilang nga mga nagtitinda - kapag dumami ang nagtitinda kahit walang pagbabago sa presyo ang supply ay dumarami. Halimbawa: kapag dumarami ang nagtitinda ng lansones, kahit walang pagbabago sa presyo ang supply ay dumarami 4.) Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto - kapag ang presyo ng kakomplementaryo na produkto ay tumaas, ang supply ng kakomplementaryong produkto ay dumarami. Halimbawa: kape - ↑ presyo ↑ supply, asukal ↑ supply 5.) Ekspektasyon ng presyo -dahl sa inaasahan na pagtaas ng presyo sa darating na araw bunga ng mga pangyayari sa kapaligiran, tulad ng kaguluhang pampolitka, digmaan ng mga bansa at pagkakaroon ng kalamidad, ang mga prodyuser ay nagbabawas ng supply ng produkto. Hoarding - ang pagtatago ng mga produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo. ↓ supply 6.) Subsidy - tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante at magsasaka upang paramihin ang kanilang produksyon at pataasin ang supply. Subsidy - ↑ supply Walang subsidy - ↓ supply 7.) Panahon/klima - ang supply ng produkto ay naaayon sa kalagayang ng panahon ng isang lugar. Halimbawa: Mabenta ang payong kapag tag-ulan. ↑ Supply Nagkaroon ng kalamidad. ↓ Supply EKWILIBRIYO Produsyer at Konsyumer Essentials of Economics Nicholas Gregory Mankiw (2012) Kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at produsyer. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais ot ang mga produsyer naman ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto. Ekwilibriyo so Pamilihan Nicholas Gregory Mankiw (2012) Ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkt serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang pagbiling produkto o serbisyo ng mga produsyer ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at predyuser Ekwilibriyong dami naman ang tawag sa at napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo Ekwiliribyo sa pamilihan ay ang punto kung saan ong Quantity Demanded at Quantity supplied ay pantay o balanse. Tandaan na nagkaroon lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung balanse ang parehong dami ng supply at dami ng demand at nagaganap ito sa wang takdang presyo. Kapag alinman sa dalawang panig ang naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito magiging balanse. Ekwilibriyo Qs = Qd Qd = Qs Surplus - Qs > Qd Shortage - Qd > Qs Paano magkompyut ng equilibrium price at equilibrium quantity gamit ang mathematical equations? Ang kompyutasyon na nasa sa ibaba ay nagpapakita kung papaano makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity o dami. Ipagpalagay natin ang mga function na Qd = 605P at Qs = 5P para sa naibigay na schedule sa itaas. Una munang alamin ang halaga o presyo (P) gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function. Ang mga makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito. ESTRUKTURA NG PAMILIHAN PAMILIHAN Ang pamilihan ay ang lugar kung saan nagtatagpo ang mga taong lumilikha o nagbebenta ng mga produkto at ang mga bumili nito. Ito ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't ibang bagay. GANAP NA KOMPETISYON Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang negosyante ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. MGA KATANGIAN NG GANAP NA KOMPETISYON 1. Magkakatulad ang mga produkto 2. Marami ang mamimili at tindera ng produkto 3. May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyo 4. Malayang paggalaw ng mga salik ng produksyon 5. Sapat na kaalaman at impormasyon MGA KATANGIAN NG DI-GANAP NA KOMPETISYON 1. May kumokontrol sa presyo 2. May hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa industriya 3. Nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante 4. Limitado ang pagpipiliang produkto MONOPOLYO Ito ay estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbebenta ng produkto ibig sabihin may isang prodyuser ang kumukontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto ng pamilihan. MGA KATANGIAN NG MONOPOLYO 1. lisa ang prodyuser - dahil iisa ang nagbebenta, presyo at dami ng supply ay idinidikta batay sa tinatawag na profit max rule o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng malaking kita. 2. Kakayahang hadlangan ang kalaban sa negosyo - dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual Property Rights, hindi makakapasok ang ibang nais maging bahagi ng industriya. Copyright - tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang sa akdang pampanitikan o akdang pansining( aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs advertisement). Patent- ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko sa detalye ng kaniyang imbensyon. Trademark - paglalagay ng mga simbolo o marka sa produkto at serbisyo na nagsisilbing pagkakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito. 3. Produkto na walang kapalit - Ang mga produkto ay walang kapalit kaya nakokontrol ang presyo at dami ng supply. Mga halimbawa ng monopolyo: kompanya ng kuryente, tubig at tren. MONOPSONYO Ito ang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopolyo. Mayroon lamang isang mamimili ng produkto. Marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo, ngunit iisa lamang ang mamimili sa pamilihan. Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic enforcer at iba pa. OLIGOPOLYO Ito ang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa ganitong uri ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensiyahan ang presyo. Sa ganitong sistema, maaaring magkaroon ng pagsasabwatan ng mga kompanya upang matamo ang kapakinabangan sa negosyo na tinatawag na collusion. Kartel - ay grupo ng mga kompanya o negosyante na nagkaisa upang limitahan ang produksiyon, magtar ng presyo at magkamit ng pinakamalaking tubo. Mga halimbawa ng oligopolyo: gasolina, kotse, bakal airline companies. MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON Ito ang estruktura ng pamilihan na may maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta subalit marami rin ang mga konsyumer. Dahil sa product differentiation ang katangian ng mga produkto ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong magkakahawig. Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging. labeling, presentasyon at maging sa lasa o flavor. Mga halimbawa ng monopolistikong kompetisyen: toothpaste, sabong panlaba at pampaligo, pabango, shampoo softdrinks, fastfood restaurant at beauty cosmetics. Estruktura Bilang ng mamimili Bilang ng nagtitinda Monopolyo Marami Iisa Monopsonyo Iisa Marami Oligopolyo Marami Iilan Monopolitiko Marami Marami Example: Monopolyo - Veco, Mcwd Monopsonyo - Pulis, Sundalo Oligopolyo - Gasolina, Kotse, Airline Monopolitistikong Kompetisyon - Shampoo, Softdrinks, Cosmetics, Fastfood Ganap ng kompetisyon - gulay, isda, prutas