Araling Panlipunan Quarter 1 Reviewer PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a reviewer for Araling Panlipunan, specifically focusing on Physical and Human Geography. It covers essential aspects such as location, place, region, interaction with the environment and movement in terms of different topics.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1 REVIEWER HEOGRAPIYANG PISIKAL ❖ Ang salitang “heograpiya” ay nanggaling sa Greek words na “geo” na sa Tagalog ay daigdig at “graphia o...
ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1 REVIEWER HEOGRAPIYANG PISIKAL ❖ Ang salitang “heograpiya” ay nanggaling sa Greek words na “geo” na sa Tagalog ay daigdig at “graphia o graphien” na ang ibig sabihin ay paglalarawan. ❖ Ang Heograpiya ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Limang tema ng heograpiya: 1. Lokasyon - Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. - 2 uri sa pagtukoy ng lokasyon: ▪ Lokasyong Absolute Gumagamit ng coordinates o kombinasyon ng sukat ng latitude at longitude na kapag pinagsama ay makabubuo ng grid. ▪ Relatibong Lokasyon Ang pinagbabatayan ay mga lugar na nakapalibot at gumagamit ng mga direksiyon upang mailarawan ang mga nakapaligid na lugar. Ang mga malalapit na lugar o bansa ay tinatawag na “bisinal” at ang mga malalapit na anyong-tubig naman ay tinatawag na “insular.” 2. Lugar - Tumutukoy sa mga katangiang natatangi o unique sa isang pook. - 2 paraan sa paglalarawan ng lugar: ▪ Katangiang pisikal (physical characteristic) Inilalarawan ang isang lugar batay sa klima, anyong lupa, anyong tubig at likas na yaman. ▪ Katangiang pantao (human characteristic) Inilalarawan ang isang lugar batay sa densidad o dami ng tao, kultura, wika, relihiyon, sistemang politikal at landmarks o tourist spots. 3. Rehiyon - Tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal, kultural at politikal. 4. Interaksyon ng tao at kapaligiran - Kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa kanyang paligid sa pamamagitan ng pagdedepende, pakikiayon, at pagbabago ng tao sa kanyang kapaligiran. 5. Paggalaw - Paglipat ng tao, bagay, mga likas na pangyayari, produkto, ideya at kahit sakit sa iba’t ibang lugar. HEOGRAPIYANG PANTAO ❖ Wika - Ang kaluluwa at salamin ng isang kultura. - 5 pamilya ng wika: Pamilya ng Wika Buhay na Wika Bahagdan ng mga Nagsasalita Mga Bansa at Rehiyong May Gumagamit ng Naturang Wika Afro-Asiatic 366 5.81% North Africa, Eastern Africa, Southwest Asia, Northern Asia Austronesian 1,221 5.55% Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Cambodia, Brunei, Madagascar, Melanesia, Micronesia, Polynesia Indo-European 436 46.77% Kalakhang Europe, South Asia, USA, Norh America, Latin America Niger-Congo 1,524 6.91% Western Africa, Central Africa, Southern Africa Sino-Tibetan 456 20.34% South Asia, East Asia, Thailand, Vietnam, Laos, Myanmar, Kyrgyzstan ❖ Lahi - Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao batay sa pisikal, bayolohikal o panlabas na katangian ng isang pangkat. - 3 pangunahing lahi ng tao: ▪ Caucasoid Mga mapuputi ang kulay ng balat na binubuo ng mga Amerikano, Canadian, French, English, German, Russian, at iba pang European. ▪ Mongoloid Dilaw ang kulay ng balat na kinabibilangan ng mga Chinese, Japanese, Korean, at Mongolian. Sangay ng Mongoloid ang Australoid na may kayumangging kulay ng balat tulad ng mga Pilipino, Malaysian, at Indonesian. ▪ Negroid Maitim ang kulay ng balat tulad ng mga African at ilang mga lugar sa Papua Guinea. ❖ Pangkat Etniko - Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na “ethnos” na nangangahulugang mamamayan. - Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulan. - Tinatawag din na etnolinggwistiko dahil karamihan sa mga ito ay gumagamit ng iisang wika. ❖ Relihiyon - Nanggaling sa salitang Latin na “religare” na nangangahulugang pagsasama-sama o pagkakabuklod- buklod. - Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang tao. - Kristiyanismo o Pinakamalaking relihiyon sa buong mundo na may higit na 2 bilyong taga sunod. Panahon ng Bato ❖ Pre-historiko - Hindi pa natutong mag-tala o “mag-record” ang tao ng mga kaganapan. - Wala pang sistema ng pagsulat at pagbabasa ang mga sinaunang tao. ❖ Paleolitiko (2.5 Milyon – 10,000 BCE) - Nagmula sa mga salitang “paleos” na matanda o luma ang kahulugan at “lithos” na ang ibig sabihin ay bato. - Nakatuklas ng paggamit ng apoy. - Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan. - Namuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. o Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato. o Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato. o Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao. Higit na malaki ang utak nila kung ihahambing sa ibang species. ❖ Mesolitiko (10,000 – 8,000 BCE) - Nakagawa ng mga kasangkapang yari sa makikinis na bato. - Nagsimulang mag-alaga ng hayop ang mga tao. - Nakagawa ng mga palayok. ❖ Neolitiko (8,000 – 4,000 BCE) - Nagmula sa salitang “neos” o bago at “lithos” na ang kahulugan ay bato. - Nilibing sa tahanan ang mga yumaong kamag-anak. - Nakaimbento ng mga salamin at alahas. - May sistema ng pagtatanim. o Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey) Panahon ng Metal ❖ Tanso (4,000 – 2,000 BCE) - isang malambot na metal na madaling hanapin. - natutunan ng mga sinaunang tao sa kanlurang Asya kung paano mag-extract ng copper sa pamamagitan ng pagpapainit nito sa apoy o smelting. ❖ Bronse (2,000 – 1,500 BCE) - Pinag halo ang tanso at lata kaya nabuo ang bronse na mas matibay na metal. - Nalikha ang mga espada, palakol, kutsilyo, martilyo at iba pa dahil dito. - Natuto ang mga sinaunang tao na makipagkalakalan sa mga karatig na lugar. ❖ Bakal (1,500 BCE – Kasalukuyan) - Nakagawa ang mga sinaunang tao ng mga sandata na ginamit nila para makasakop ng ibang imperyo. - Pinaniniwalaan na ang Hittite ang nakadiskubre ng paggamit ng bakal. o Matagal nilang nilihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal Sinaunang Kabihasnan ❖ Kabihasnang Mesopotamia - Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na “meso” o pagitan at “potamos” o ilog. - Ito ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. - Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean. - Pinalilibutan ng dalawang ilog na Tigris at Euphrates. - Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent. - Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). - Wala itong likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. o Sumer (3,500 – 2,340 BCE) Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog. Ziggurat – strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod. Naniniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. Cuneiform – paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida. Nag-alaga sila ng baka, tupa, kambing at baboy. o Akkad (2,340 – 2,100 BCE) Sinakop ni Sargon I ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig. Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade. Isa sa pinakamahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-Sin. o Babylonian (1,792 – 1595 BCE) Sinakop ni Hammurabi, pinunong lungsod ng Babylon, ang Mesopotamia. Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia. Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng Babylon. Code of Hammurabi (batas na itinatag ni Hammurabi) o Assyrian (1,813 – 605 BCE) Isa si Ashurbanipal sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon. Pinabagsak ng Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa. o Chaldean (612 – 539 BCE) Si Nabopolassar ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria. Si Nebuchadnezzar ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. o Persian (539 – 330 BCE) Sa ilalim ni Cyrus the Great nagsimulang manakop ang mga Persian. Darius the Great – umabot ang sakop hangggang India. Nagpatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster. ❖ Kabihasnang Indus - Ang mga lungsod ng Mojenho-Daro at Harappa sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. - Ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. - Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. - Sinasabing ang Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. - Ang mga gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may malalawak na espasyo. - Kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system. o Panahong Vedic (1,500 – 500 BCE) Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang marangal sa wikang Sanskrit. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang Lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: Maharlikang mandirigma, mga pari at mga pangkaraniwang mamamayan. Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang Caste sa India. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang lahi o angkan. ❖ Kabihasnang Tsino - Itinuturing na pinaka matandang kabihasnang nanatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. - Umusbong sa tabing-ilog malapit sa yellow river o Huang Ho. - Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom. o Shang Nakasulat sa oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga sinaunang Tsinong nabuhay dito. o Yuan Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China o Q’ing Huling dinastiya ng Tsina o Chou Yumabong ang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism at Legalism. Nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate of Heaven. o Sui Ipinagawa ang grand canal o Ming Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking. o Shih Huangdi Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang Emperador” o Kublai Khan Itinatag niya ang dinastiyang Yuan sa China. o Zheng He Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa. o Confucious Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism. o Mandate of Heaven Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang Emperador. o Great Wall of China Nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China. o Forbidden City Naging tahanan ng mga Emperador noon dinastiyang Ming. o Taoism Hangad ang balanseng kalikasan at pakikiayon ng tao sa kalikasan. ❖ Kabihasnang Egypt - Nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. - Masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt kaysa sa Mesopotamia. - Ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. ❖ Kabihasnang Mesoamerica - Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang “meso” na nangangahulugang gitna. - Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. - Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura.