Aralin-4.2 PAMAMAHALA NG MGA AMERIKANO PDF
Document Details
Tags
Related
- Lingguhang Lektura sa Pananampalataya (Values Education 7)
- Pamamahayag, Ekonomiya at Wika (Agosto 2, 2007) - Danilo Arao - PDF
- Kontemporaryong Isyu PDF
- Mga Isyu sa Pamamahala at Pagharap sa Disaster - Araling Panlipunan 10
- Adyenda: Gabay sa Pagpupulong PDF
- Araling Panlipunan 10 Mga Tala sa Pag-iingat ng Basura at Kagubatan PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Tinalakay dito ang mga batas at mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano para maayos ang bansa. May kasamang mga katanungan para masuri ang mga impormasyong tinalakay.
Full Transcript
Pamamahala ng mga Amerikano Ang Pamahalaang Militar Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang Pilipinas, agad nilang ipinatupad ang isang pamahalaang militar. Heneral Wesley Merritt Inatasan ng Pangulo ng United States na manungkulan sa Pilipinas bilang unang gober...
Pamamahala ng mga Amerikano Ang Pamahalaang Militar Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang Pilipinas, agad nilang ipinatupad ang isang pamahalaang militar. Heneral Wesley Merritt Inatasan ng Pangulo ng United States na manungkulan sa Pilipinas bilang unang gobernador- militar. Hukuman Nang masupil ng pamahalaang militar ang mga Pilipinong lumalaban upang magkarooon ng kapayapaan at katiwasayan sa bansa, ang kapangyarihan ng gobernador ay unti-unting ring inilipat sa iba. ang kapangyarihang hudisyal ay inilipat noong 1899 sa hukuman. Komisyong Pilipino Nang masupil ng pamahalaang militar ang mga Pilipinong lumalaban upang magkarooon ng kapayapaan at katiwasayan sa bansa, ang kapangyarihan ng gobernador ay unti-unting ring inilipat sa iba. ang kapangyarihang lihislatibo ay inilipat noong 1900 sa komisyong Pilipino. Gobernador-Sibil Nang masupil ng pamahalaang militar ang mga Pilipinong lumalaban upang magkarooon ng kapayapaan at katiwasayan sa bansa, ang kapangyarihan ng gobernador ay unti-unting ring inilipat sa iba. ang kapangyarihang ehekutibo ng gobernador-militar ay inilipat sa gobernador-sibil. Malacañang Ang tangapan ng gobernador-heneral ng pamahalaang sibil ng Amerikano. Anu-ano ang mga batas o patakarang na ipinatupad ng mga Amerikano upang masupil ang diwang makabayan ng mga Pilipino? Sedition Law ng 1901 o Act No. 292 Brigandage Act ng 1902 Reconcentration Act ng 1903 Flag Law ng 1907 1. Ano ang pinagbabawal ng Sedition Law ng 1901 o Act No. 292? Nagbabawal sa mga Pilipino na sumulat, magsalita, o gumawa ng ano man pangangampanya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa United States. Ano ang mga kaparusahan sa mga lumabag sa Sedition Law ng 1901 o Act No. 292? Kamatayan o matagalang pagkabilanggo Kailan ipinalabas ang Sedition Law o Act No. 292? Nobyembre 4, 1901 Mga Pilipinong sumulat ng mga babasahing naglalayon ng kalayaan ng ating bansa tulad nina: Juan Matapang Cruz - manunulat ng Hindi Ako Patay Juan Abad - manunulat ng Tanikalang Ginto Aurelo Tolentino - manunulat ng Kahapon, Ngayon, at Bukas Mga artista at manonood ng mga "Seditious plays" 2. Ano ang pinagbabawal ng Brigandage Act ng 1902? Nagbabawal sa Pilipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at kilusan makabayan. Ano ang mga kaparusahan sa mga lumabag sa brigandage Act ng 1902? Kamatayan o matagalang pagkabilanggo Kailan ipnatupad ang Brigandage Act? Nobyembre 12, 1902 Ang Brigandage Act ng 1902 ay ipinatupad sa tulong ng: Komisyong Pilipino 3. Reconcentration Act noon 1903 Sumapit na ang taong 1903 at hindi pa rin masawata ang mga gerilyang Pilipio na lumalaban sa mga lalawigan kaya't nagkaroon ng proklamasyon o mas kilala na paraang "zona“. Reconcentration Act noon 1903 Ito ay ang pwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan upang maputol ang tulong na pagkain at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan. Sa panahon ng rekonsentrasyon kinailangang iwana ng mga Pilipino ang kanilang mga tahanan at pananim. Ano ang naging epekto ng rekonsentrasyon sa mga Pilipino? Dahil dito, kapwa naghirap ang mga lumalaban sa mga Amerikano at iyong mga namumuhay nang tahimik. nagdala ito ng epidemya at gutom sa maraming Pilipino partikular na sa Batangas kung saan umabot sa 50,000 tao ang namatay dahil sa epekto ng batas. 4. Ano ang pinagbabawal ng Flag Law Act ng 1907? Nagbabawal sa paggamit o paglalabas ng lahat ng bandila, banderitas, sagisag, o anumang ginamit ng mga kilusang laban sa United States. Kailan pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas ang Flag Law? Agosto 23, 1907 Susog Spooner Ito ang batayan ng pagkatatag ng pamahalaang sibil sa Pilipinas ng mga Amerikano noong 1901. Ito ay pinagtibay ng Kongreso ng America. Ayon dito, ang Pangulo ng America ay binibigyan ng kapangyarihang magtayo ng pamahalaang sibil sa Pilipinas. Hulyo 4, 1901 Pinasinayaan ang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Nahirang ang unang Amerikanong gobernador-sibil ng Pilipinas. Dahil hawak niya ang kapangyarihan bilang tagapangulo ng komisyon at gobernador- sibil, anong dalawang kapangyarihang hawak ito? Ehekutibo o tagapagpaganap lehislatibo o tagapagbatas Mga patakarang kooptasyon Pagbabago sa sistema ng edukasyon Pagbubukas ng mga paaralang pampubliko pagtatatag ng mga kolehiyo at unibersidad Kalinisan at kalusugan Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon Sistema ng Edukasyon Nang masiguro ng mga Amerikano na nasakop na nila ang Pilipinas, is sa kaagad nilang itinatag ay ang sistema ng edukasyon. Anu-anong pagbabago ng sistema ng edukasyon ang ginawa ng mga Amerikano? Itinatag ang Kagawaran ng Paturuang Pambayan (Department of Public Instruction). Mga paaralan ay binuksan sa iba't-ibang dako ng bansa. Anu-ano ang patakarang ng mga Amerikano sa pagbubukas ng mga paaralang pampubliko? Libre ang pagpasok sa pmapublikong paaralan Ipinagbawal ang pagtuturo ng relihiyon Binigyang-diin sa pagtuturo ay ang mga kaalamang pangmamamayan at demokratikong pamumuhay. Anu-ano ang mga nagawa ng mga Amerikano sa pagtatatag mg mga kolehiyo at unibersidad? Itinatag ang Paaralang Normal ng Pilipinas upang higit pang mapalaganap ang edukasyon sa bansa. May ilang paaralang normal din ang itinayo sa mga probinsya. Nagtatag din ng mga unibersidad upang matugunan ang iba't-ibang pangangailangan ng bansa. Ano ang layunin ng mga paaralang normal na itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas? Itinatag ang Lupon sa Kalusugan ng Bayan (Board of Public Health). Nagtayo ng mga ospital at klinikang pampubliko sa ating bansa. Nagkaroon ng makabagong kagamitanat mga gamot. Philippine General Hospital Isa sa mga ospital na pampubliko na naipatayo noong panahon ng mga Amerikano. Ano ang kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano? Malaki ang naging pagbabago sa kalusugan at pag-uugaling pangkalusungan ng mga Pilipino. Natuto ng wastong pag-uugali sa kalinisan ng sarili at sa pagkain. Nasugpo ng mga makabagong gamot ang pagkalat ng makhahawang sakit. Anu-anong pagbabago ang nagawa ng mga Amerikano sa larangan ng transportasyon at komunikasyon? Nagpagawa ng mga daan at tulay Nagkaroon ng automobile, truck, bus at tren, at eroplano. Ipinakilala nila ang makabagong kasangkapan sa komunikasyon, tulad ng telepono, radyo, radiophone, at telegraph. Nagtatag ng tanggapang pangkoreo sa bawat munisipalidad. Batas Payne-Aldrich Ang unang pinagtibay na batas ng mga Amerikano. Itinakda nito na ang lahat ng produkto, maliban sa bigas na nanggaling sa Pilipinas, ay makapapasok sa pamilihan ng United States nang walang buwis ngunit may itinakdang quota o limitado lamang. Ang produktong nanggaling naman sa America ay walng buwis at walang kota o takda. Bakit hindi naging mabuti ang naidulot ng malayang kalakalan sa ating bansa? Ang malaking industriya sa bansa ay nakontrol ng mga America. Naging palaasa ang ekonomiya ng Pilipinas sa United States. Hindi nabigyang-pansin ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. Pambansang Sanggunian sa Kabuhayan (National Economic Council) Upang mapag-aralan ang kabuhayan sa Pilipinas, nilikha ng mga Amerikano ito upang magsaliksik at magpayo sa pamahalaan tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kabuhayan at panalalapi. Homestead Law Noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, iilan lamanag sa mga Pilipino ang may sinasakang lupa. Noong panahon ng Amerikano, ipinatupad itong batas upang malinang ang mga lupain sa bansa. 25 Ang Homestead Law ay nagtadhana ng pagbibigay ng hindi hihigit sa 25 ektaryang lupang sa mga Pilipino na gustong magsaka sa pasubaling ang lupang ito ay kanilang lilinisin at tatamnan. Paano nagkaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka? Ang malawak na lupang pag-aari ng mga prayle noong panahon ng Espanyol ay binili ng pamahalaan at muling ipinagbili sa mga magsasakang Pilipino. Ipinarehistro ang mga lupang pag-aari upang mabigyan ang mga Pilipino ng Torrens Title o sertipiko ng pagmamay-ari. Kawanihan ng Agrikultura Itinatag ito upang matulungan ang mga magsasaka at maitaguyod ang panamin at sakahan (agrikultura) ng bansa. Anu-ano ang mga natutuhan ng mga Pilipino sa mga Amerikano sa larangan ng agrikultura? makabagong paraan ng pagsasaka at patubig tamang paraan ng pagsugpo ng mga peste sa pananim paggamit ng mga makabagong traktora at iba pang kagamitan sa pagsasaka. Daniel H. Burnham Isang arkitektong Amerikano na nagplano ng ilang mga gusali at pamayanan sa bansa noon panahon ng Amerikano. Mga halimbawa ng mga gusaling tinayo ng mga Amerikano? Post Office Philippine General Hospital National Museum