Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF

Summary

Ang presentasyong ito ay nagpapakilala sa mga konsepto ng komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Nilalaman nito ang iba't-ibang sitwasyon sa wika, estilo ng pagsulat at mga halimbawa.

Full Transcript

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inihanda nina: G. Bryll V. Espinetra Bb. Allizza Bacatan Layunin  Nabibigyang kahulugan ang Kultura at ang Ugnayan nito sa Wika  Nalalaman at nararanasan ang iba’t ibang sitwasyong pangwika ayon sa...

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Inihanda nina: G. Bryll V. Espinetra Bb. Allizza Bacatan Layunin  Nabibigyang kahulugan ang Kultura at ang Ugnayan nito sa Wika  Nalalaman at nararanasan ang iba’t ibang sitwasyong pangwika ayon sa rehistro ng pagkagamit nito  Nakakasulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino 20XX presentation title 2 PAGGANYAK Paano natin pag-aaralan ang sariling kultura? ARALIN 3 AT 4  WIKANG FILIPINO AT Nilalaman PAG-AARAL NG KULTURA  WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG SITWASYON AT REHISTRO NITO Wikang Filipino at pag-aaral ng Kultura Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian o nakasanayan ng mga tao sa isang lugar. Binubuo ito ng mga karunungang pampanitikan ,paniniwala,kaugalian,sining batas at pagpapahalaga. Dahil mahalaganag instrumento ang wika sa pagpapahayag at pakikipag-ugnayan,ito ang ginagamit upang malinang at mapalaganap ang kultura. Ito rin ang ginagamit upang ipamana at maisalin sa susunod na henerasyon ang kultura. 20XX presentation title 5 Kaalamang Bayan Bilang Kultura ng Pamayanan ANG KAALAMANG BAYAN AY UMIIRAL NA KUWENTO ,PANITIKAN,PANINIWALA,RITWAL,GAWI AT TRADISYON NG MAMAMAYAN SA ISANG PAMAYANAN O KALINANGAN NA NAGPASALIN-SALIN SA IBA’T IBANG LAHI AT POOK DAHIL SA ITO AY BUKAMBIBIG NG TAUMBAYAN. IBA’T IBANG URI NG KAALAMANG BAYAN A. AWITING-BAYAN -MGA AWIT NG MGA PILIPINONG NINUNO AT HANGGANG NGAYON AY KINAKANTA PA RIN. HALIMBAWA: LERON-LERON SINTA BAHAY-KUBO ATIN CU PUNG SINGSING PARUPARONG BUKID 20XX presentation title 6 URI NG AWITING –BAYAN Kundiman -awiting may tema ng pag-ibig na malungkot at mabagal. Kumintang- dating sayaw/awit ng digmaan o pakikidigma. Dalit o imno- mga awit ng papuri, luwalhati,kaligayahan, o pasasalamat.Karaniwan itong inaawit bilang pagbibigay puri sa Diyos. Oyayi o hele- awit sa pagpapatulog ng bata Talindaw- awit sa pamamangka Diona- tulad ng kundiman ay awit din sa pag-ibig subalit madalas na ginagamit sa kasalan. Dungaw o dung-aw- awitin ng mga Ilokano na madalas inaawit sa panaghoy ng isang taong namatayan. 20XX presentation title 7 B. Alamat- isang pasalitang panitikan tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.Nagbibigay ito aral sa buhay at paghamon na maituwid ang masasamang nakaraan. C. Pabula – isang maikling kuwento na nagsasalysay at tumatalakay sa mg hayop. Pangunahing mga tauhan nito ay mga hayop. Sinasabing hayop ang mga tauhan nito dahil merong silang mga katangian na maihahalintulad at masasalamin sa tao upang mabisang maipahayag ang kuwento. D. Epiko- isang kuwento ng kabayanihan,tunggalian at paglalakbay. Ito ay may kadalasang nilalamang nang mga hindi makatotohanang pangyayari. Galing sa salitang griyego na EPOS na nangangahulugang salawikain o awit. 20XX presentation title 8 E. Kuwentong-katatakutan o Urban legend - tungkol sa mga misteryosong paglabas ng babaeng nakaputi,kapre o aswang sa siyudad.Tumatanim ito sa isip ng mga nakakarinig at minsa’y ginawa ng panakot sa mga bata. Halimbawa: Ang Babaeng nagmumulto sa eskwelahan o di kaya’y ang Kapre sa Balete. F. Pista - ito ay isang kaganapan o kasiyahan bilang alay sa santo sa simbahan ng mga Katoliko. Sa mga kapatid nating mga muslim kanilang ipinagdiriwang ang tinatawag na Ed al- Fitr matapos ang isang buwan ng pag-aayuno.Sa araw na iyon, naghahanda ang mga Muslim ng mga masasarap na putahe at nagsasalo-salo bilang pamilya at pamayanan. 20XX presentation title 9 Gawain 3  SAGUTAN ANG P.243 PINAGYAMANG GAWAIN LETRA B. 20XX presentation title 10 Wikang Filipino sa Iba’t ibang Sitwasyon at Rehistro Nito 20XX presentation title 11 Ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating Rehistro ayon sa Barayti ng Wika? Ang rehistro sa wika ay ang mga terminolohiyangginagamit o mga salitang angkop sa isang espisipikong larangan o trabaho. 20XX presentation title 12 URI NG WIKA - Nabanggit sa mga nakaraang aralin ang tungkol sa mga Uri at Barayti ng Wika at mga konsepto na may kaugnayan dito. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng Uri ang Wika batay sa mga sumusunod na dahilan. 1. Heograpiya- lugar kung saan ginagamit ang wika 2. Gramatika at Ponolohiya- mga tuntuning pangwika batay sa gamit nito sa isang lugar,pook o sitwasyon. (talastasan,akademiko,propesyunal) 3. Sitwasyon-_ etnograpiya ng Komunikasyon kung tumutukoy ba sa pormal o di-pormal ang istilo ng usapan batay sa mga kalahok sa komunikatibong sitwasyon at paksa o isyung pinag-uusapan. 20XX presentation title 13 4. Rehistro o estilo ng wika (Mantano- Harmon 1961) - espesipikong gamit ng mga termino sa isang lingguwistikong komunidad batay sa koteksto at sitwasyon ng paggamit. Limang rehistro batay sa iba’t ibang sitwasyon at komunidad na kalahok. a. Estatiko- hindi nagbabago o matagal ang pagbabago tulad sa nakasaad sa Saligang Batas. b. Akademik/ pormal-estilo ng wikang ginagamit sa eskwelahan. c. Konsultatibo- estilo ng wikang ginagamit sa negosasyon ,pulong,at pagtitipon. 20XX presentation title 14 d. Impormal- ginagamit sa berbal na pakikipagtalastasan sa bahay,lansangan, kuwentuhan at iba pa. e. Panlambing- ginagamit na wika ng magkasintahan ,mag-asawa at sinumang may malalim na ugnayan sa isa’t isa. 20XX presentation title 15 General /Heneral Larangan Kahulugan Military Tawag sa isang ranggo Lenggwahe pangkalahatan Stroke/Istrok Larangan Kahulugan Medisina Atake Pagguhit Mga kurba sa pagsulat o guhit 20XX presentation title 16 URI NG PALIWANAG HALIMBAWA REHISTRO NEUTRAL Ito ay batid na halos ng lahat at ginagamit sa Agham,nilalang,buhay maraming sitwasyon at larangan isip kompyuter at iba pa. TECHNICAL Nakabatay ang kahulugan sa espesipikong USB,dextrose,power larangan o propesyon drill,turbo engine at iba pa. IN-HOUSE Natatangi sa isang kompanya o lugar-dito Lapad- tawag sa nagmula ang termino at dito mismo ginagamit. perang papel ng Japan ng mga Pilipinong naghahanap-buhay doon BENCH-LEVEL Tawag ng mga gumagamit sa isang terminong Sosi phone tumutukoy sa gadget o application sa Bling-bling kompyuter at iba pa SLANG Impormal na termino na ginagamit sa Datung impormal na sitwasyon Waklas VULGAR Terminong hindi ginagamit sa publiko o sa Pagmumura 20XX pormal na usapan dahil sa implikasyon presentation title sa Maseselang bahagi 17 Uri ng mga Teksto 1.Tekstong Akademik: nakapaloob sa Agham Panlipunan ang mga akademikong disiplina tulad ng kasaysayan, heograpiya, antropolohiya, ekonomiya, agham pampolitika, sosyolohiya, at panlipunang sikolohiya. 2.Tekstong Pilosopikal: isang disiplina na may hangaring bagtasin ang kaibuturan ng pag-iisip ng mga tao. Mas nakakiling ito sa pagbibigay ng katanungan, pagiging kritikal at analitikal, at replektibo sa maraming isyu, kaalaman, at suliranin ng buhay. 3.Tekstong Pangmedisina: binibigyang pansin dito ang kalagayang pangkalusugan at pagtatalakay sa anumang may kinalaman sa 20XX kabutihan at kagalingan ng presentation katawan. title 18 Prosesong Tanong 1. Ano ang kaalamang bayan? 2. Magbigay ng iba’t ibang uri ng kaalamang bayan. 3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga nasabing kaalamang bayan? 4. Ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng uri ng wika? 5. Paano makakatulong ang wika sa iba’t ibang disiplina? 20XX presentation title 19 PAGLILIPAT 1. Sagutan sa inyong ebook ang Pinagyamang Gawain A pahina 243. 2. Magsagaway ng isang panayam sa mga propesyonal. Madamo nga Salamat! “ Laging alalahanin na ang Kultura ay laging kabuhol at naka-angkla sa Wika.” G. Bryll V. Espinetra Bb. Allizza Bacatan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser