Mga Gamit ng Wika sa Lipunan PDF

Document Details

ImpressiveDouglasFir8757

Uploaded by ImpressiveDouglasFir8757

Tags

Filipino language language functions communication linguistic analysis

Summary

Ang dokumentong ito ay isang panimula sa mga gamit ng wika sa lipunan. Ipinapakita rito ang iba't ibang paraan ng paggamit ng wika, tulad ng instrumental, regulatoryo, interaksiyonal, personal, heuristic, at impormatibo, at nagbibigay ng mga halimbawa para sa bawat isa.

Full Transcript

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan Mahalaga ang gampanin ng wika sa bayan.Ito ang susi sa nagkakaisang lipunan.” Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K Halliday Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kwento ni Tarzan. Mga t...

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan Mahalaga ang gampanin ng wika sa bayan.Ito ang susi sa nagkakaisang lipunan.” Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K Halliday Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat.Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutong magsalita dahil wala naman siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba ay hindi ito matututo sa paraan kung paano sila nagsasalita roon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod-buklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan. 1. Instrumental tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. 2. Regulatoryo -pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam, direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, pagbibigay pahintulot at/o pagbabawal, pagbibigay paalala at babala. 3. Interaksiyonal- ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa. 4. Personal ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan. 5. Heuristiko Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag- aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat. 6. IMPORMATIBO Ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay- ulat, tesis,panayam, at pagtuturo. Si Jacobson(2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika 1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) - pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon. 2. Panghihikayat (Conative) - upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. 4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual) - lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. 6. Patalinghaga (poetic) - masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. Thank You

Use Quizgecko on...
Browser
Browser