AP3 Q1 - Aralin 2 - Study Notes PDF
Document Details
Uploaded by UndamagedWashington
Tags
Related
- Philippine Boundaries, National Territories and Topography PDF
- The Philippines: A Land of Diverse Topography PDF
- TOPOGRAPHY, CLIMATE, NATURAL RESOURCES PDF
- The Land of Pakistan (Location, topography and climate) 2059 Questions PDF
- SKM_75824101608580.pdf - Geography Notes PDF
- Geography of Ethiopia and the Horn PDF
Summary
The document contains study notes on understanding topographic maps and geographical features in Region 3 of the Philippines. It includes explanations of topography, and topographic maps, and lists of landforms and water bodies in different provinces.
Full Transcript
ARALIN 2: QUARTER 1 | STUDY NOTE #2 Pag-unawa sa mga Mapang Topograpiko; Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Rehiyon 3 Bawat lalawigan ay may mga natatanging anyong lupa at a...
ARALIN 2: QUARTER 1 | STUDY NOTE #2 Pag-unawa sa mga Mapang Topograpiko; Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Rehiyon 3 Bawat lalawigan ay may mga natatanging anyong lupa at anyong tubig. Kadalasan, nakikilala ang mga lalawigan at mga karatig na lalwigan sa rehiyon dahil sa magagandang tanawing dulot ng mga ito. Kaya naman dapat na pahalagahan at ipagmalaki ang mga anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon. Ano ba ang topograpiya? Ang topograpiya ay ang pag-aaral ng pisikal na mga katangian ng lupa, gaya ng anyong lupa (tulad ng mga bundok, burol, at talampas), tubig (tulad ng mga ilog, lawa, at dagat), at iba pang bahagi ng kalupaan. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, taas, lawak, at iba pang mga katangian ng mga ito sa isang partikular na lugar o rehiyon. Ano naman ang mapang topograpiko? Ang mapang topograpiko ay nagpapakita ng detalyadong impormasyon tungkol sa anyo ng lupa (tulad ng bundok, burol, at talampas), tubig (tulad ng ilog, lawa, at dagat), kagubatan, daan, at iba pang katangian ng kalikasan sa isang lugar. Ginagamit ito para maunawaan ang topograpiya ng isang lugar gamit ang mga contour lines, simbolo para sa mga anyong lupa at tubig, at mga direksyon ng mga daan at estruktura. https://www.vrogue.co/post/philippines-topography- 2-etsy-relief-map-topography-philippine-map Ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig matatagpuan sa Rehiyon 3? Ang Anyong Lupa ay isang likas na tampok o hugis ng kalupaan sa ibabaw ng daigdig. Ang mga ito ay madaling makita dahil sa laki, taas o lawak. Ang Anyong Tubig ay tumutukoy sa iba't ibang anyo ng tubigan na matatagpuan sa paligid o sa loob ng lupain. Maaaring maalat o matabang ang tubig nito batay sa uri. Mahalaga ang mga anyong tubig dahil pinagkukunan ang mga ito ng pagkain, inuming tubig, at enerhiya. Lalawigan Anyong Lupa Anyong Tubig Bundok Tapulao Anawangin Cove Zambales Pulo ng Capones Silanguin Cove Bulkang Pinatubo Bundok Damas Bueno Hot Spring Tarlac Bundok Telakawa Talon ng Kiti-calao Bundok Mariveles Talon ng Dunsulan Bataan Bundok Samat Talaga Beach Sierra Madre Talon ng Ditumabo Aurora Bundok Anacuao Sabang Beach Bundok Olivete Ilog Penaranda Nueva Ecija Cuyapo Hill Talon ng Gabaldon Bundok Manalmon Bulacan Ilog Bakas Bundok Maranat Ilog Pampanga Pampanga Bundok Arayat Latian ng Candaba Tandaan na ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming anyong lupa at tubig sa rehiyon tatlo. Maaari mong makilala ang iba gamit ang pagri-research. Anyong Lupa Anyong Tubig pinakamataas na uri ng pinakamalawak at Bundok anyong-lupa. Karagatan pinakamalalim na anyong-tubig. hanay ng mga bundok, o isa ring malaking anyong-tubig, Bulubundukin kawing-kawing ng mga Dagat ngunit mas maliit kaysa bundok karagatan. isang anyong-lupang may Look katubigang karugtong ng dagat Bulkan butas at maaaring pumutok o na malapit sa kalupaan. sumabog patag na anyong-lupa sa isang anyong-tubig na Talampas itaas ng isang bundok Lawa napaliligiran ng lupa. anyong-lupang mataas din subalit higit na isang mahabang anyong-tubig Burol Ilog na karaniwang umaagos mababa kaysa sa bundok papunta sa dagat. patag at mababang anyong- isang anyong-tubig na Lambak lupa sa pagitan ng mga Talon nagmumula sa mataas na lugar bundok at bumabagsakpababa. isang malawak at patag anyong-tubig na nagmumula sa Kapatagan na anyong-lupa Bukal ilalim ng lupa o bundok at bumubulwak paitaas. isang pahabang anyong- lupang nakakabit sa kalupaan isang makitid o makipot at Kipot pahabang anyong-tubig na Tangway at napaliligiran ng tubig sa halos lahat ng bahagi maliban nakapagitan sa dalawang pulong sa bahaging nakadikit sa hindi gaanong magkalayo. kalupaan isang anyong-lupang isang anyong-tubig na mas napaliligiran ng tubig. Ang Golpo malaki kaysa look. Pulo mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.