Araling Panlipunan Grade 10, Unang Kwarter, Ikalawang Linggo - PDF

Summary

This module discusses environmental issues in the Philippines, focusing on solid waste and deforestation. It covers topics like illegal logging and mining, and their impact on the environment and society. It's likely part of a secondary school social studies curriculum.

Full Transcript

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ARALING PANLIPUNAN-10 UNANG KWARTER IKALAWANG LINGGO KAPALIGIRAN KO, ANO NA ANG NANGYARI SA IYO? Ka...

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ARALING PANLIPUNAN-10 UNANG KWARTER IKALAWANG LINGGO KAPALIGIRAN KO, ANO NA ANG NANGYARI SA IYO? Kasanayang Pampagkatuto ( Most Essential Learning Competency) Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran sa Pilipinas Layunin Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas. (AP10KSP- lc-3) 2. Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran. (AP10KSP-Ic-4) Balikan Natin Magbalik-tanaw tayo sa ating nakaraang aralin. SALITA KO, BUUIN MO! PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap pagkatapos ay punan ang nawawalang TITIK at isulat ito sa patlang upang mabuo ang salitang binibigyang kahulugan. 1. Ang salitang ito ay ginagamit sa pagtukoy ng pangkasalukuyang panahon. K_ _T _ M _O_ A _ Y O 2. Ito ay tumutukoy sa mga paksa,tema o suliraning nakakaapekto sa isang lipunan.. _ SY _ 3. Mga pangyayari o mga suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. _ ON_E_P_ RA_ YO_ G I_ _ U Unawain Natin Lubos na makatutulong ang bahaging ito para maunawaan ang paksang tatalakayin. Ang kalikasan ay mahalaga para sa isang ekonomiya dahil dito nanggagaling ang mga pinagkukunang yaman na ginagamit sa produksiyon. Ngunit dala na rin ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at walang katapusang pangangailangan at pagnanais ng mga tao, naisasantabi ang pangangalaga sa ating kalikasan. Bunga nito ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t ibang suliraning pangkalikasan na nagkakaroon ng epekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang pangyayari, kalagayan o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa balanseng ekolohikal. Marami ang maituturing na dahilan o sanhi ng suliraning pangkapaligiran. Ilan sa mga ito ay ang paglobo ng populasyon, Climate Change at iresponsableng gawain ng mga indibidwal, grupo, kompanya, o maging ng ating gobyerno na lubhang nakasasama sa ating kapaligiran. Bagamat mayroong hangganan ang anyong lupa gaya ng kagubatan at gayundin ang karagatan ng bansa, ang katotohanan nito ay ang kalikasan ay isang shared resource ng lahat ng tao sa mundo. Halimbawa, ang pagkawasak ng mga kagubatan ay makakaapekto sa balanse ng kalikasan hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Dahil dito, mahalaga na magtulungan ang mga tao upang mapangalagaan at mapahalagahan ang ating kapaligiran. 1 1. Ang Suliranin sa Solid Wastes Ang solid wastes ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid. Mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakalalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa mga pag-aaral, ang Kalakhang Maynila ang nakapgtatala ng pinakamaraming basura sa loob ng isang araw. Ang pinakamalaking bahagdan naman ng mga itinatapong basura ay nagmumula sa mga tahanan. Ang kakulangan sa disiplina ng tamang pagtatapon ng basura ang siyang dahilan kung bakit lumalala ang mga suliraning kaugnay nito. Bagama’t ang pamahalaan ay gumagawa na ng mga hakbang upang mabigyan ito ng solusyon ngunit magpapatuloy pa rin ito kung wala ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan. Malubha ang magiging epekto ng suliranin sa basura kapag hindi ito mapagtutuunan ng pansin. Kabilang dito ang pagkakaroong ng masangsang na amoy, maraming langaw na maaaring pagmulan ng iba’t ibang uri ng karamdaman, pagbara ng mga estero at kanal na magdudulot nang biglang pagbaha at ang pagdaloy ng mga basura sa mga dagat at karagatan na sumisira sa mga korales at lahat ng buhay sa ilalim ng dagat. Ang Leachate na nagmumula sa mga basurang nabubulok sa mga dumpsites tulad sa lugar ng Payatas ay maaaring dumaloy sa mga inuming tubig ng mga tao at ito’y maaaring magbibigay ng malaking suliranin sapagkat nagtataglay ito ng Lead at Arsenic na lubhang mapaminsala sa kalusugan ng tao. 2. Pagkasira ng mga Yamang- Gubat A. Deforestation/Pagkakalbo ng mga Kagubatan Ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan ay pangmatagalan dahil sa walang patumanggang pagputol ng mga punongkahoy. Ginagawa itong hanapbuhay ng maraming tao lalo na ang mga nakatira sa mga liblib na lugar. Ang mga troso na kanilang nakukuha mula sa mga puno ay ginagamit na mga panggatong, kagamitan sa konstruksyon at paggawa ng mga muwebles para sa mga tahanan. Malawakan din itong ginagamit ng mga pagawaan ng papel na ginagamit sa mga opisina at paaralan. Ang pagkaubos ng mga puno sa mga kagubatan ay nagiging sanhi ng kakulangan sa tubig lalo na sa panahon ng tag-init. Kaya naranasan natin ito noon na halos wala ng tubig mula sa mga gripo ng mga kabahayan dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa mga reservoir at dam. Dahil sa kalbong mga kagubatan nababawasan ang mga watershed na pinagmumulan ng tubig na dumadaloy sa mga kapatagan at mga kabahayan. Mapapansin din natin na tuwing panahon ng tag-ulan ay mabilis ang pagbaha sa mga mabababang lugar. Hindi natin makalimutan ang Ondoy na kumitil ng maraming buhay at sumira sa mga ari-arian. Isa pa ring negatibong epekto ng pagkakalbo ng mga kagubatan ay ang pagkasira ng balanseng ekolohikal. Maraming mga buhay-ilang (wildlife) ay unti-unting nawala sapagkat wala na ang kanilang mga natural na tirahan. Maraming mga hayop at halaman sa ating bansa ang tuluyan nang nawala dahil sa suliraning ito. Ang pagguho ng lupa ay isa ring mabigat na epekto ng deporestasyon lalong- lalo na sa mga komunidad na malapit sa mga kalbong kagubatan. Mababawasan din ang kakayahan ng daigdig na sipsipin ang carbon dioxide sa hangin na siyang pangunahing sanhi ng Global Warming. B. Pagmimina Ang pagminina ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal, di-metal at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, bakal, langis, likas na gas at iba pa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpipiga, paghahango o paghuhugot. Ang Pilipinas ay isa sa nangungunang pinagkukunan ng ilang mineral. Ayon sa isang report ng U.S. Geological Survey, ang Pilipinas ang pinakamalaking prodyuser ng Nikel na kadalasang ginagamit na mga materyales sa paggawa ng mga bahay at mga sasakyan. Nasa ika-28 puwesto naman sa mga bansang pinanggagalingan ng ginto sa buong mundo. Bagama’t may naitutulong ang pagmimina sa ekonomiya ngunit naaapektuhan naman nito ang samut’ saring likas na yaman. Sa legal na proseso ng pagmimina, may karapatang gamitin ng minahan ang mga yamang-tubig na bahagi ng kanilang miniminang lupain.Ang mga ilog at lawa na pinakikinabangan ng mga komunidad para sa kanilang irigasyon, paglalaba at inuming tubig ay nakukontamina at nalalason dahil sa kemikal na dumadaloy sa mga ilog na nagiging sanhi ng nagkakaroon ng fishkill katulad ng nangyari sa Leyte na sumira ng kabuhayan ng mga mangingisda. Bukod sa mga nabanggit na epekto nito, ang pagmimina ay sumisira rin sa likas na kalagayan ng kapaligiran sapagkat pinuputol ang mga puno, hinuhukay ang mga bundok na nagiging sanhi ng pagguho ng lupa. 2 3. Quarrying Ang Quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin at iba pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay o pagbabarena. Ang kadalasang kinukuha sa pamamagitan ng quarrying ay graba, buhangin at iba pang materyales na nagagamit sa paggawa ng mga kalsada at sasakyan. Madalas na ginagawa ito sa mga bundok na pinagkukunan ng mga bato at sa tabing-dagat na pinagkukunan ng buhangin. Katulad ng sa pagmimina, nagbibigay din ng maraming trabaho ang industriyang ito. Ang mga materyales rin na nakukuha dito ay ginagamit sa mga gusali, kalsada, tulay at iba pang imprastraktura. Kahit papaano ay nakababawas rin ito sa gastusin ng ating pamahalaan upang hindi na umangkat ng mga panangkap mula sa ibang bansa dahil sa pag-quarry sa sariling lugar. May mabuti mang epekto ang Quarrying, ito ay may mga negatibo ring dulot sa ating lipunan gaya ng mga sumusunod: polusyon na nagdudulot ng mga malubhang sakit sa baga, quarry waste na maaaring makasira sa kapaligiran lalo na sa mga anyong tubig, pagkasira ng biodiversity o mga hayop at halaman sa isang pook at pagkasira ng ecological balance, pagiging marupok ng mga anyong lupa na maaaring maging sanhi ng pagguho nito at pagbaha at pagkawala ng sustansiya ng lupa. 4. Pagkasira ng mga Yamang-Tubig Napakayaman ang mga anyong-tubig sa Pilipinas tulad ng mga ilog at dagat. Pinakikinakinabangan ito ng maraming Pilipino at nagsisilbing pinagkukunan ng kabuhayan. Nagbibigay rin ito ng suplay ng pagkain tulad ng isda at mga lamang-dagat. Bagamat likas itong mayaman, hindi naman ito nakakaligtas sa pagmamalabis ng mga mamamayan. Ilan sa mga gawain na naging dahilan ng pagkasira ng dagat ay ang paggamit ng mga illegal na pamamaraan sa panghuhuli ng isda tulad ng dinamita, cyanide, Moro Ami fishing ( ipapaligid ang pinong lambat sa mga korales at kapag nasira ang mga ito, mabubulabog ang mga isda at huhulihin ito ng mga mangingisda) at paggamit ng mga pinong lambat. Dahilan ng mga gawaing ito, unti-unting nauubos ang mga isda sa karagatan. Kung hindi matitigil ang ganitong gawain, lulubha ang sitwasyon at unti-unting mauubos ang mga pagkain mula sa karagatan at maaaring hindi na sasapat sa pangangailangan ng malaking populasyon.. Kagaya ng ilog at karagatan na nasira din ito dahil sa pagtapon ng mga basura na kagagawan ng mga taong walang disiplina at kawalan ng plano sa pagtatapon ng mga basura. Minsan ay mayroon tayong kaso ng Red Tide sa ating mga dagat na dulot ng tinatawag na Dinoflagellates naapketuhan nito ang mga shellfishes at mga isda na kapag nakain ng tao ay maaaring makalason at humantong sa kamatayan. Dulot ito ng basura na matatagpuan sa ilalim ng tubig. 5. Polusyon sa Hangin Nakapahalaga ng hangin sa buhay ng tao at sa kapaligiran kung kaya’t kailangang mapanitili itong malinis. Maituturing na malaking biyaya ito sapagkat hindi na ito binibili at kahit saan ay maaaring malanghap. Sa paglipas ng panahon dulot ng globalisasyon at pagtaas ng bilang ng populasyon unting-unting nabahiran ang kalidad ng hangin na ating nalalanghap lalo na yaong mga nasa kalunsuran. Makikita dito ang mga pagawaan, pabrika at maraming mga sasakyan sa lansangan na bumubuga ng maruming usok na humahalo sa atmospera. Nagdudulot ito ng pagbagsak sa kalidad ng hangin. Masasabing ang maruming hangin ay magdudulot ng iba’t ibang respiratory diseases tulad ng Asthma o kaya’y mga sakit sa balat na maaaring lumala kapag hindi malunasan. 6. Climate Change Isa sa pinakamabigat na suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng buong mundo ay ang tinatawag na Climate Change. Sa 2016 edisyon ng Global Climate Change Risk Index naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakaapektado ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas. Ang Climate Change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napapabilis o napapalala ito dulot ng gawain ng mga tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o Global Warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng Carbon Dioxide na naiipon sa atmospera. Nagmumula ito sa usok ng mga pabrika, mga iba’t ibang industriya at pagsusunog ng mga kagubatan at pati na rin ng mga sasakyan. Lumalabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008) na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng Climate Change. Patunay nito ang madalas at pangmatagalang El Niňo at La Niňa, pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot at forest fires. 3 Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na Coral Bleaching na pumapatay sa mga Coral Reefs na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at paglubog ng ilang mga mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng Iceberg at Glaciers sa Rehiyong Antarctic. Ilan sa epekto ng Climate Change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Bumababa ang produksiyon ng sektor na ito dahil sa pagkasira ng mga kalsada, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan at pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago bagong panahon at matinding init. Mayroon rin ilang mamamayan ang napilitan lumikas dahil sinira ng malalakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan. Sa mga nabanggit na sitwasyon, isa lamang ang malinaw, ito ay mayroong ginagawa ang tao na lalong nagpapabilis at nagpapasidhi ng Climate Change. Ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin sa solid waste, deforestation, water at air pollution ay maituturing na mga sanhi nito. Kung hindi ito mahihinto, patuloy na daranas ang ating bansa ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natin mapipigilan pa ang climate change, kung kaya’t ang mahalagang dapat gawin ay maging handa tayo sa pagharap sa mga kalamidad na dulot nito. Ang Greenhouse Effect Ang chlorofluorocarbon, carbon dioxide, methane, water vapor at ozone ay mga greenhouse gasses na kung naipon sa atmospera at pumipigil sa init na nanggaling sa araw na ibinabalik ng mundo at muling bumabalik pababa. Ito ang tinatawag nating greenhouse effect na makikita sa larawan. Nangangamba ang mga siyentista na ang maraming gas na galing sa mga gawain ng tao ay sobrang nagpapainit sa daigdig. Ilapat Natin Halina’t isagawa natin ang susunod na aktibiti. COMMUNITY ENVIRONMENTAL ISSUE MAP PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos ay punan ng mga impormasyon ang Community Environmental Issue Map upang mabuo ito. Sundin ang gabay sa ibaba sa pagsasakatuparan nito. A. Maging mapanuri sa inyong paligid, magbigay ng isang mabigat na suliraning pangkapaligiran na nakikita mo sa inyong komunidad. B. Magbigay ng isang sanhi/dahilan ng suliraning inyong binanggit. C. Magbigay ng isang epekto nito sa mga taong nakatira sa inyong lugar. D. Kung hindi masosolusyunan ang suliraning ito, magbigay ng isang malubhang epekto nito sa inyong komunidad pagdating ng panahon. Community Environmental Issue Map A. 1. B. Sanhi/Dahilan C. Epekto D. Tunguhin 2. 3. 4. 4 Suriin Natin Palalimin natin ang inyong kaalaman sa paksa. Makikita sa graphic organizer ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa at ng buong daigdig sa kasalukuyan. APEKTADO KA BA? PANUTO: Batay sa mga suliraning pangkapaligiran na nailahad. Magbigay ng isang hindi mabuting epekto nito at isulat ito sa espasyong nakalaan.. Suliraning Hindi Mabuting Epekto ng mga Suliraning Pangkaligiran Pangkapaligiran Pagkakalbo ng mga kagubatan 1. ___________________________________________________ Hindi maayos na pagtapon ng mga basura 2. ___________________________________________________ Illegal na Pagmimina 3. ___________________________________________________ Tayain Natin (Ebalwasyon) A. BUGTONG! BUGTONG! PANUTO: Tukuyin kung anong likas na yaman na dapat nating pag-ingatan ang isinasaad sa bugtong. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. 1. Tirahan ng maraming nilalang, _______________________ Tulad ng mga puno, hayop at halaman. 2. Napakalawak sa ating paningin, _______________________ Maaaring libangan at pinagkukunan ng pagkain. 3. Biyaya ng Diyos kung ituring, _______________________ Nalalanghap ng libre at nagbibigay buhay sa atin. 4. Saganang tumutubo sa ating kagubatan, _______________________ Maaaring dapuan at silungan. 5. Dumadaloy mula sa kabundukan, _______________________ Itinuturing na likas-yaman Pinagkukunan ng irigasyon minsa’y pinaliliguan. B. SULIRANING PANGKAPALIGIRAN, ALAMIN MO. PANUTO: Tukuyin ang suliraning pangkapaligiran na inilalarawan. Hanapin ang kasagutan sa ulap sa pamamagitan ng pagsulat ng TITIK sa unahan ng bilang. A. Climate Change B. Pagkasira ng Yamang-Tubig C. Pagmimina D. Polusyon sa Hangin E. Quarrying _________ 1. Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal, di-metal at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, bakal, langis, likas na gas at iba pa. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpipiga, paghahango o paghuhugot. _________ 2. Isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin at iba pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay o pagbabarena. _________ 3. Unti-unting pagkasira ng mga natural na kayamanang naibibigay ng mga yamang- tubig dulot ng iba’t-ibang gawain ng tao tulad ng pagtatapon ng basura dito, paggamit ng mga pinong lambat at dinamita sa pangingisda at marami pang iba. _________ 4.Pagbaba ng kalidad ng hangin na nilalanghap ng tao na dulot ng pagbuga ng maitim na usok na humahalo sa atmospera na mula sa mga pagawaan, pabrika at maraming mga sasakyan sa lansangan. _________ 5. Tinatawag din itong Global Warming na sanhi ng mataas na antas ng konsentrasyon ng Carbon Dioxide na naiipon sa atmospera. Nagmumula ito sa usok ng mga pabrika, mga iba’t ibang industriya at pagsusunog ng mga kagubatan at pati na rin sa usok mula sa mga sasakyan. 5 Likhain Natin Handa ka na ba sa susunod na gawain? Umpisahan na natin! ISLOGAN, PAGMAMAHAL SA KAPALIGIRAN. Layunin ( Goal ) Makasulat ng islogan na naglalahad ng kahalagahan ng wastong pangangalaga sa kapaligiran Gampanin ( Role) Mag-aaral bilang tagagawa ng islogan Mga Manonood Kapwa mag-aaral at mga magulang ( Audience ) Sitwasyon ( Situation) Ang inyong lugar ay naglunsad ng sarili nitong “ Barangay Earth Day” na ang layunin ay ipukaw at imulat ang mga tao sa tamang pangangalaga sa kapaligiran. Ikaw bilang mag- aaral ay naatasang gumawa ng islogan na nabanggit. Produkto ( Product ) ISLOGAN na may pokus sa pangangalaga sa kapaligiran. Pamantayan ( Standard ) Mamarkahan ang iyong awtput gamit ang rubrik sa ibaba. Rubrik sa Pagmamarka Nangangailangan Puntos Pamantayan Napakahusay Mahusay ng Pagpapabuti (3) (2) (1) Nilalaman Nakagawa ng Nakagawa ng Walang katuturan dalawang linya na dalawang linya ang ginawang may tugma at ngunit wala itong islogan. angkop ang tugma. Angkop ang nilalaman sa paksa. nilalaman sa paksa. Malikhaing Gumamit ng mga May mga salitang Hindi kinakitaan ng Pagsulat angkop na salita at ginamit na angkop angkop na salita at estratehiya sa sa tema ngunit malikhaing pagsulat ng tugma, kulang ang mga pagsulat upang metapora at patudyong salita maging kaaya-aya patudyong salita upang maging ang islogan. upang maging kaaya-aya ang kaaya-aya ang islogan. islogan. Kaangkupan Angkop ang islogan May ilang detalye Hindi angkop ang sa Paksa sa paksa na tungkol sa islogan ang paksa sa islogan. sa pangangalaga hindi angkop sa sa kapaligiran. paksa. Kabuuang Puntos 6 17

Use Quizgecko on...
Browser
Browser