Araling Panlipunan 9 - Ikalawang Markahan - PDF
Document Details
Uploaded by BestSellingSchrodinger
Tags
Summary
This document covers the topic of markets, consumer and producer interactions. It provides learning competencies and questions focusing on basic economic concepts, as well as examples of different markets and their characteristics.
Full Transcript
1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: __________________________ Pangkat: _________ Guro: _______________ Aralin KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAMILIHAN 6 PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON Most Essential Learning Competency:...
1 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: __________________________ Pangkat: _________ Guro: _______________ Aralin KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAMILIHAN 6 PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan. Ang modyul na ito ay ginawa upang makapagbigay ng impormasyon at mga mapaghamong gawain na may layuning maghatid sa iyo ng kaalaman sa mga bagay na maaaring makapagbigay proteksyon sa iyo bilang konsyumer na magagamit mo sa pang araw- araw na pamumuhay. Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang: 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan; 2. Natutukoy ang mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon; at 3. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa pagtugon sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga tao Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Lugar o mekanismo na kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng pormal na transaksyon o ugnayan. A. Parke B. Pamilihan C. On line Selling D. Paaralan 2. Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. A. Dibisyon ng pamilihan C. Mekanismo ng pamilihan B. Istruktura ng pamilihan D. Sistema ng pamilihan 3. Ang mga sumusunod ay katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon maliban sa: A. Magkakatulad ang produkto B. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser C. May kakayahang hadlangan ang kalaban sa pamilihan D. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon AP9-Qrt 2-WeeK 6 2 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 4. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan? A. Nakakukuha ng malaking tubo ang mga prodyuser B. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto C. Hindi nakahihikayat sa mga prodyuser na pagpasok ng produkto D. Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser 5. Saang pamilihan kabilang ang mga produktong petrolyo at langis? A. Lokal B. Pambansa C. Panrehiyon D. Pandaigdigan Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag tungkol sa interaksyon ng demand at supply. _____1. Nagaganap ito kung nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser. _____2. Tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser. _____3. Tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto at serbisyo ng prodyuser at konsyumer. _____4. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang quantity demanded kaysa quantity supplied. _____5. Isang sitwasyon na kung saan mas malaki ang quantity supplied kaysa quantity demanded. PAKSA: Kahulugan at Konsepto ng Pamilihan Pamilihang May Ganap na Kompetisyon Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba’t ibang bagay. Ito ang lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang mga sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo. Sa kabilang dako, ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Ang dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ay ang konsyumer at prodyuser. Konsyumer- tawag sa taong bumibili ng tapos na produkto na nilikha ng mga prodyuser. AP9-Qrt 2-WeeK 6 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN https://www.pikist.com/free-photo-samxb https://pxhere.com/en/photo/1456559 Prodyuser - ang tawag naman sa mga taong nagbebenta o gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Grandi_fish_processing_c2998884/. onveyor_belt2_2011.jpg https://pixabay.com/illustrations/entrepreneur-start-start-up-career- Kaugnay nito, ayon sa 6th Principle of Economics ni Gregory Mankiw,”Markets are usually a good way to organize economic activity”. Ito ay ipinaliwanag ni Adam Smith sa kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Mayroong tinawag na “invisible hand” si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor na ito ng pamilihan. Ito ay ang “presyo”, na siyang instrumento upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser, mahalagang bahagi ng pamilihan ang umiiral na presyo sapagkat ito ang nagtatakda sa dami ng handa at kayang bilhin na produkto at serbisyo ng mga konsyumer. Presyo rin ang siyang batayan ng prodyuser ng kanilang kahandaan at kakayahan nilang magbenta ng mga takdang dami ng mga produkto at serbisyo https://www.pexels.com/photo/fresh-fruits-philippines-2908217/ AP9-Qrt 2-WeeK 6 4 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa, at pandaigdigan ang lawak. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Typical_sari-sari_store.jpg https://www.flickr.com/photos/bigberto/4415755599 Sari-Sari Store (Lokal) Durian ng Davao (Panrehiyon) https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Five_kg_rice_bags.jpg https://www.peakpx.com/624413/gasoline-diesel-petrol-gas-fuel-oil-transportation-car Bigas (Pambansa) Produktong petrolyo/Langis(Pandaigdigan) Mga Istruktura ng Pamilihan Ang istruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa dalawang pangunahing balangkas - ang pamilihang may ganap na kompetisyon at ang pamilihang hindi ganap ang kompetisyon. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon Ito ang istruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sino man sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta ng isang prodyuser at konsyumer nang mag isa ang presyo. AP9-Qrt 2-WeeK 6 5 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition (2009), ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian: 1. Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser- Dahil sa maraming maliliit na konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensyahan ang presyo na papabor sa interes ng sino man sa pamilihan. 2. Magkakatulad ang produkto (Homogeneous)- Ito ay nangangahulugang maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming pagpipilian. Halimbawa, ang pechay na galing sa Benguet ay walang pagkakaiba sa pechay na galing sa Nueva Ecija. 3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon- Dahil sa walang direktang may kontrol sa mga salik ng produksyon, maraming mapagkukunan ng mga sangkap para makabuo ng mga produkto. Bunga nito, maraming produkto ang nagkakatulad na maaaring ipagbili sa pamilihan. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya- Ang pamilihan partikular na ang pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad na maibahagi. Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay hadlangan o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan. 4. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan- Dahil ang sistema ay malaya, ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat. Gawain A. TIYAKIN: WORD HUNT D O O K I L O S N A Hanapin at bilugan ang sagot sa loob ng I P R O D Y U S E R kahon. T M I N A H A N S E 1. Nagsisilbing lugar kung saan nagkakaroon ng ugnayan ang konsyumer at prodyuser. O A G S M O U T E P 2. Bumibili ng tapos na produkto P R I Y I L J U A E 3. Gumagawa ng mga produkto sa pamilihan A A N U T A S N T A 4. Ilan ang nagtitinda at bumibili sa pamilihang may M M A M E S A O K T ganap na kompetisyon? A I T E A G L O O M 5. Anong kompetisyon ang inilalarawan ng N T I R A H A N N I malayang galaw ng salik ng produksyon? A N A H I L I M A P Gawain B. Paglalagay ng Datos sa Talahanayan Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ng mahahalagang datos o impormasyon ang talahanayan sa ibaba. AP9-Qrt 2-WeeK 6 6 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON Katangian May Hawak ng Katangian ng Presyo Mga Halimbawa ng Kapangyarihan (Malaya o Itinatakda) Produkto Pamprosesong Tanong: 1. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa ano ang magandang dulot ng ganap na kompetisyon upang matulungan ang mga mamimili? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa. 2. Magbigay ng 5 mungkahi kung paano matutulungan ng pamahalaan ang mga negosyo na may ganap na kompetisyo sa gitna ng pandemya upang sila ay makabangon. Ang pamilihan ay lugar kung saan nagaganap ang interaksyon ng konsyumer at prodyuser upang magpalitan ng produkto at serbisyo. Ito ay maaring local, panrehiyon, pambansa at pandaigdigan ang lawak. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay kinikilalang modelo o ideal sapagkat walang nakapagkokontrol ng dami at presyo. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. Bilang pag-alam sa iyong mga natutuhan, maaari mo bang mapunan ng mga impormasyon tungkol sa araling napag-aralan ang dayagram sa ibaba. AP9-Qrt 2-WeeK 6 7 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN B. Ipahayag ang iyong saloobin sa mga sumusunod na Headline o Ulo ng mga Balita gamit ang konseptong natutuhan sa ating aralin. 1.PANGUNAHING PRODUKTO, NAGTAAS ANG PRESYO SA PAMILIHAN! 2.PAGSASAMANTALA NG ILANG NEGOSYANTE, BISTADO! I. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad nito, at kung di-wasto isulat ang salitang MALI. 1. May pamilihan dahil walang sinoman ang may kakayahang tugunan ang lahat ng kaniyang pangangailangan. 2. Higit na binibigyang prayoridad sa pamilihan ang mga konsyumer kaysa prodyuser. 3. Ang mga poduktong tulad ng abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu, at mangga ng Guimaras ay kabilang sa pamilihang panrehiyon. 4. Maraming magkakatulad na produkto ang binebenta sa pamilihang may ganap na kompetisyon. 5. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon maaaring hadlangan ang sinumang prodyuser na pumasok sa pamilihan. II. Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag. 1.Lugar kung saan nakakamit ang lahat ng ating mga pangangailangan at kagustuhan. 2. Nagbebenta o gumagawa ng mga podukto at serbisyo. 3. Nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser. 4. Kinikilala bilang modelo o ideal na istruktura ng pamilihan. 5. Sino ang may akda na kung saan pinaliwanag sa kaniyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations na ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. AP9-Qrt 2-WeeK 6 8 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN Sa panahon ngayon na ang Pilipinas ay nahaharap sa isang matinding hamon ng pandemya, maraming negosyo ang nagsara na nagresulta ng kawalan ng trabaho ng marami sa ating mga kababayan. Dahil dito, malaki ang magiging epekto nito sa pangkalahatang kalagayan ng bansa partikular sa ating ekonomiya. Gamiting gabay ang iyong natutuhan sa aralin tungkol sa kahulugan at konsepto ng pamilihan upang masagot o magawa nang episyente ang mga gawain sa pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong: Isulat ang iyong sagot sa kwaderno 1. Sa iyong sariling pangungusap, isulat sa isang buong papel ang iyong saloobin tungkol sa nabanggit na sitwasyon sa taas at iangkop ito batay sa sariling karanasan. 2. Paano nabago ng kasalukuyang sitwasyon ang iyong pananaw tungkol sa mga bagay -bagay sa iyong kapaligiran? Maaaring ilahad ang sagot sa pamamgitan ng pagsulat ng isang bukas na liham o open letter. 3. Maraming katanungan na gumugulo sa isipan ng marami sa atin partikular sa kung paano makakaahon ang ating ekonomiya, paano na ang malilit na prodyuser/negosyante, at tayo bilang konsyumer ano ang ating kakaharapin bukas o sa susunod pang mga araw. Sa iyong pananaw, paano dapat harapin ng bawat isa sa atin ang kinabukasan ng ating bansa? 4. Bilang kasapi ng lipunang iyong ginagalawan, paano ka magiging kabahagi sa kalutasan ng mga suliraning dulot ng pangyayari sa ating bansa? 5. Sa lahat ng pangyayaring ito na ating kinaharap o maaaring kinakaharap pa rin sa ngayon, anong aral ang itinuro nito saiyo na maaari mong magamit hanggang sa iyong paglaki o pagtanda? AP9-Qrt 2-WeeK 6 9 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL - Week 6 Pangalan:____________________________ Pangkat :___________ Guro :____________________ PAUNANG PAGSUSULIT BALIK-TANAW 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. GAWAIN A 1. 2. 3. 4. 5. GAWAIN B PAG-ALAM SA NATUTUHAN: Ilagay sa portfolio ang sagot PANGHULING PAGSUSULIT 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5, 10. PAGNINILAY 1. 2. 3. 4. 5. AP9-Qrt 2-WeeK 6