Araling Panlipunan 9 (Week 3) - Past Paper PDF

Summary

This document is a lesson plan for Araling Panlipunan 9, Week 3, focusing on the concept of supply in economics, and its factors. It has questions about demand and supply, supply curves and scenarios relating to the COVID-19 pandemic.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 1 Pangalan: __________________________ Pangkat: __________ Guro: ______________ Aralin 3 KONSEPTO NG SUPPLY Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto...

ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 1 Pangalan: __________________________ Pangkat: __________ Guro: ______________ Aralin 3 KONSEPTO NG SUPPLY Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang aralin ito ay magagamit mo upang lubos na maunawaan ang mga pangyayari sa paligid at maging sa hinaharap. Hindi mo kailangang matakot o mangamba sa pagsasagot. Kailangan mo lamang basahin at unawain ang mga panuto. Handa ka na ba? Maligayang paglalayag sa modyul na ito! Sa araling ito matutuhan ang galaw ng prodyuser o supplier sa isang pamilihan. Bakit nga ba maraming tao ang gustong magnegosyo hangga’t maaari? Inihanda ang modyul na ito upang makatulong sa iyo na paunlarin ang sarili ng magamit ito sa iyong kinabukasan. Halina’t unawain ang mahalagang konsepto ng Suplay. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng Suplay bilang isang mahalagang konsepto sa Ekonomiks. Matapos ang araling ito inaasahan na: A. Maibibigay ang kahulugan ng suplay at batas ng suplay; B. Naiguguhit ang Kurba ng suplay batay sa supply schedule; at C. Masusuri ang kaugnayan ng batas ng suplay sa matalinong pagpapasya ng isang prodyuser sa dami ng kaniyang handang ipagbiling produkto sa isang takdang presyo, lugar, at panahon. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. ______1. Dami o bilang ng kalakal na handang bilhin ng mamimili. A. Demand C. Presyo B. Suplay D.Kita ______ 2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. A. Demand C. Kurba ng Demand B. Supply D. Kurba ng Supply ______ 3. Grapikong paglalarawan na kapag mataas ang presyo ng produkto maraming produkto ang gustong iprodyus at ipagbili ng mga negosyante. A. Batas ng Demand C. Kurba ng Demand B. Batas ng Suplay D. Kurba ng Suplay AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 2 ______ 4. Kurba ng Suplay A. P C. P Q Q B. P D. P Q Q ______ 5. Ilegal na pagtatago ng produkto upang mapataas pa lalo ng negosyante ang presyo nito. A. Hoarding C. Selling B. Pricing D. Trading Simula ng maranasan ng buong mundo ang krisis na dulot ng COVID 19, lubhang naapektuhan ang DEMAND o ang kakayahan at kahandaan ng mga mamimili sa pagbili ng mga produkto o serbisyo. Sa talahanayan sa ibaba subukin mong balikan ang magiging epekto sa pagtaas o pagbaba ng demand dulot ng iba’t ibang salik. I. Panuto: Lagyan ng Tsek (✔ ) ang column sa magiging Epekto sa Demand ng mga mamimili batay sa mga sitwasyong nabanggit. PAGTAAS NG PAGBABABA SITWASYON DEMAND NG DEMAND 1. Marami sa kasalukuyan ang nawalan ng trabaho at kita, kaya ang kanilang kakayahan sa pagbibili ay mababawasan. 2. Dahil sa COVID19 na pandemya, marami ang natakot para sa kanilang kalusugan kung kaya’t maraming tao ang namili ng facemask at mga alcohol bilang pananggalang sa sakit. 3. Nawalan ng masasakyan ang mga commuter at ito ay nagbunga ng mataas na presyo ng bike, motorsiklo at sasakyan. 4. Dalawang linggong sarado (lockdown) ang Barangay Sauyo nasira ang paninda ni Aling Jessa. 5. Sa pangambang dulot ng COVID19 mas maraming mamimili ang tumatangkilik ng online shopping. AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 3 Tungkulin ng bahay kalakal (business firms) lumikha ng mga kalakal, serbisyo man o produkto. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay- kalakal ang uri at dami ng produkto na dapat likhain. Galaw ng prodyuser ang nailalarawan sa suplay. NAME GAME Ano - ano nga ba ang mga produkto o serbisyo na sa palagay mo ay kailangan na likhain sa kasalukuyang panahon?. Ang mga bagay ba na iyong pinili ay napapanahon? Kung ang iyong sagot ay oo, magaling! Karamihan sa mga negosyante ang nililikhang produkto o serbisyo ay iyong “patok” o pasok sa panlasa ng nakakarami upang sila ay kumita. Ang presyo na siyang nagsisilbing batayan ng isang negosyante para ipagpatuloy pa o itigil na ang produksyon ng suplay nito ay tinatawag na ceteris paribus. Kung mataas ang bentahan ng isang produkto mas gaganahan siya na lumikha pa ng mas marami. Mas mataas na presyo, nangangahulugan ito na mas maraming suplay. Ang mga produkto o serbisyo na may mataas na halaga ay parang gintong kumikinang sa bawat prodyuser. Batas ng suplay ang tinutukoy diyan. Maipapakita ang tuwiran o direktang relasyon na ito ng presyo at dami na kayang ipagbili ni prodyuser sa Kurba ng Suplay ng Kendi. KURBA NG SUPLAY NG KENDI Sa halagang Php1.00, sampung (10) piraso lamang ng kendi ang isusuplay ng prodyuser. At kung tataasan sa halagang Php5.00 na presyo makakagawa siya ng limang beses nito, limampu (50) ang nabuo ng ating prodyuser. Sa kasalukuyang krisis na ating nararanasan, naririnig mong mahal ang presyo ng bilihin, ubos na o walang stock, sa makalawa pa dadating ang mga kalakal. Malaking hamon sa mga supplier o negosyante ang pangyayaring ito. Maaaring kikita talaga sila ng malaki sana ngayon, ngunit malaking balakid ang kakulangan sa transportasyon na mahalagang salik sa paglikha. Walang mga manggagawa para sa produksiyon ng suplay. At higit sa lahat ang mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine (pananatili lamang sa loob ng bahay) ay mga dahilan upang maantala ang suplay. Dahil sa kailangang iwasan ang pagkalat ng sakit na COVID19, ito ay naging dahilan upang isarado ang mga tindahan, paaralan, pabrika at ilang mga establisyemento. Sa mga AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 4 pagkakataong nabanggit, ang isang mamimili na nangangailan ay bibilhin na lamang ang suplay na available o natitira kahit ito pa ay may mataas na presyo kumpara noon. Dahil sa mga kaganapan na ito hindi maiaalis na may mga mapagsamantalang negosyante na habang nasa gitna ng pandemyang ito ay lalo pang gigipitin ang mga suplay. Ito ay ang ilegal na pagtatago ng mga produkto upang mas mapataas pa ang presyo o kilala sa gawaing hoarding. Ang pansamantalang pagkawala na ito ng suplay ay nagbubunga ng mataas na presyo. GAWAIN #1 BALITA - SURI Panuto: Suriin ang balitang ito, at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. GAWAIN #2 My BUSINESS TARGET AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 5 Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon,anong negosyo ang nais mong itayo? Anong kalakal o serbisyo ang iyong ipapakilala sa mga mamimili? Sundan ang sample Target Plan sa ibaba. AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 6 TANDAAN: Panuto: Isulat sa mga kahon PAG- ALAM SA NATUTUHAN ang iyong mga natutuhan sa Aralin 3: Suplay. Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang talata ng Suplay. Pumili ng mga sagot mula sa kahon. (10 Points) bahay - kalakal pataas batas ng suplay presyo ceteris paribus prodyuser kurba ng suplay quantity supplied pababa suplay AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 7 Ayon sa (1)_____________________ mataas ang suplay kapag mataas ang presyo ng produkto at serbiyo na gagawin. Ang (2) ___________________ ay ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ibenta ng isang (3)_____________________ sa iba’t - ibang presyo sa isang takdang panahon. Nais ng mga negosyante ang paglikha ng maraming suplay kung (4)_____________________ ang (5)_____________________ ng isang produkto sapagkat malinawag na kikita siya. Ang dami o bilang ng kayang likhain ng prodyuser sa takdang panahon ay (6)______________________. Kapag pataas ang presyo ng produkto o serbisyo, mataas din ang suplay. Kabaliktaran naman kung mababa ang presyo, mababa din ang suplay. Kung gayon na ang presyo ang salik na nakakaapekto sa dami o bilang ng produkto o serbisyong magagawa ito ay (7) ___________________. Makikitang pataas ang (8) _____________________ kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produkto. At (9) _____________________ naman ito kung baba ng baba ang presyo. Tungkulin ng (10) _____________________ ang paglikha ng mga produkto at serbisyo. Sadyang ang pagnenegosyo ay hindi madaling gawain, ito ay nangangailangan ng matalinong pagpapasya. Unawain at pagnilayan ang mga mahahalagang puntos sa pagiging isang prodyuser. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Suplay ✓ Dapat bigyang- pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto ✓ Pagtuunan ng masusing pag- aaral bago pumasok sa isang negosyo ✓ Magplano sa inaasahang natural na kalamidad ✓ Bigyang - pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga mahirap. Panuto: Pagkatapos mong basahin at maunawaan ang mga punto sa itaas subukan mo namang magbigay ng opinyon kung ikaw ay sang- ayon o hindi sang- ayon sa pananalita ng isang tagapayo sa larangan ng pagnenegosyo. “Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan” - Coach Jaypee Pefanio” (google.com) AP9-Qrt2-Week 3 ARALING PANLIPUNAN 9 – IKALAWANG MARKAHAN 8 SAGUTANG PAPEL - Week 3 Pangalan:____________________________ Pangkat :________ Guro :_________________ PAUNANG PAGSUSULIT 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. BALIK-TANAW 1. 4. 2. 5. 3. MGA GAWAIN Gawain 1: Balita-Suri Gawain 2: My Business Target A. B. 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. PAGNINILAY ; Ilagay ang sagot sa kwaderno AP9-Qrt2-Week 3

Use Quizgecko on...
Browser
Browser