ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document contains questions on different economic systems, such as traditional, command, market, and mixed economy. The questions are geared toward a grade 9 level social studies course.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 4 MOST ES...
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 4 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES Nasusuri ang iba’t-ibang sistema ng ekonomiya (AP9MKE-la-3) Ang Modyul ay binuo para sa mag-aaral ng ika-siyam ng baitang. Ito ay tumatalakay sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na magpapaliwanag sa iyo bilang mag-aaral ng kaalaman kung paano ginagamit, pinamamahalaan ng maayos at episyente ang pinagkukunang-yaman para sa higit na kapakinabangan ng bansa upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng lumalalang suliranin sa kakapusan. May mga gawain din na inihanda upang makatulong sa pagpapayaman ng iyong kaalaman na magagamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. ulit Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin anong sistemang pang-ekonomiya ang ipinahihiwatig sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ito ay Traditional Economy, Command Economy, Market Economy o Mixed Economy. _____________1. Ang paglikha ng produkto sa ganitong uri ng sistemang pang- ekonomiya ay madali lamang sapagkat nakabatay lamang sa pangunahing pangngangailangan tulad ng damit, pagkain at tirahan. _____________2. Nagpapakita ng malayang pamilihan. _____________3. Sa sistemang ito hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan ngunit ang pamahalaan ay maaring manghimasok dahil sa usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan. _____________4. Ang sistemang nakapaloob sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. ____________5. Ang presyo ang nagtatakda ng kung gaano karami ang produktong lilikhain AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Bago ka magtungo sa susunod na aralin. Subukin mo munang sagutin ang Graphic Organizer ng herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow na nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Herarkiya ng Pangangailangan Mula sa naunang aralin, iyong nabatid ang konsepto ng ekonomiks at ang kahalagahan nito. Napag-alaman mo rin na walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao subalit limitado ang pinagkukunang yaman, sa makatwid ang bansa ay humaharap sa suliranin sa kakapusan. Paano kaya matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan kung nahaharap sa suliranin sa kakapusan dahil sa limitado ang pinagkukunang-yaman? Ang suliraning ito ay tinutugon sa pamamagitan ng isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, serbisyo na tinatawag na alokasyon. Upang maayos na maipamahagi at magamit ng episyente ang lahat ng pinagkukunang-yaman upang makaagapay sa suliranin dulot ng kakapusan. Upang matugunan ang suliranin sa kakapusan. Ang mga bansa ay bumuo ng sistemang pang-ekonomiya. Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang uri ng pamamaraan na kinabibilangan ng produksyon, pamamahagi at paggamit ng mga serbisyo o produkto sa pagitan ng mga tao na sakop ng isang lipunan, ito ay ang mga pamamaraang ginagamit ng isang partikular na bansa upang makalikha at makapamahagi ng mga serbisyo at produktong makakatulong sa nakararami lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Saklaw nito ang mga institusyon, estraktura at mekanismo na siyang batayan sa paglikha upang makakalap ng mga angkop na kasagutan sa mga pangunahing katanungan na pang- ekonomiya. Ano ang lilikhain? Paano likhain? Para kanino? At Gaano Karami? AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Katulad ng mga ibang sistemang ginagamit sa iba’t-ibang sitwasyon, mayroon rin itong iba’t ibang uri. Pinag-uutos na Ekonomiya Ang command economy ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagpapaplanong pang-ekonomiya ay nagmumula sa pinakamataas na baitang ng pamamahala at ito ay ibaba sa iba’t-ibang institusyon ng pamahalaan upang maipatupad. Sentralisadong pamamahala, kung saan ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan lamang, sapagkat ang Estado ang nagmamay-ari sa pangunahing salik ng produksyon tulad ng lupa at kapital, gayundin ang pangunahing industriya. Itinatakda ng pamahalaan ang pasahod ng mga manggagawa upang maging pantay ayon sa kanilang pangangailangan. Sa sistemang ito, sinasabing walang mayaman at mahirap, lahat ay pantay-pantay. Tradisyunal na Ekonomiya Ang tradisyunal na ekonomiya ay ang pinakaunang anyo ng sistemang pang- ekonomiya. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay madaling sagutin sapagkat sa pangunahing pangangailangan tao lamang nakatuon, tulad ng pagkain, damit, at tirahan. Ang tanong na paano lilikha ng produkto ay tinutugon dahil sa paraan ng produksyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain, ang mga kalalakihan ay nangangaso o kaya nama’y nangunguha ang mga kababaihan ng bungaykahoy. Sa tradisyunal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Halimbawa, ang kalalakihan ang namamahala ng mga sandata tulad ng sibat, samantalang ang mga kababaihan ang humahawak ng kagamitan sa pananahi. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit. Pinaghalong Ekonomiya Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Ito ay tinawag na mixed economy sapagkat ito ay bunga ng pinagsama o kombinasyon ng market economy at command economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. Gumagawa ang pamahalaan ng mga paraan upang mawala ang mga hadlang sap ag-unlad sa pamamagitan ng paglutas ng mga suliranin upang maging maayos ang pamumuhay ng tao. Katulad ng mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan, pabahay, at mga imprastratura.. AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Sa ganitong uri ng ekonomiya, pinahihintulutan ang pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksyon, imprastraktura at organisasyon. Pinahihintulutan din makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ang karamihan sa mga desisyon ay ginagabayan ng pamahalaan. Economy) Ang market economy, ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser sa pamilihan. Sapagkat presyo ang nagtatakda ng dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng konsyumer at presyo rin ang nagtatakda kung gaano karami ng produkto at serbisyo ang lilikhain at handang ipagbili ng prodyuser. Sa makatuwid ang konsyumer at prodyuser ay nagkakasundo sa itinakdang presyo. Samantala, ang pamahalaan naman ang nagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na nangangalaga sa karapatan, ari-arian at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal. Mga sistema na kabilang sa Market Economy Piyudalismo Merkantilismo at Kapitalismo Mga Gawain GAWAIN 1: COMPLETE IT! Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita. 1.__ __ __ K __ __ __ __ O __ __ __ Y - Ito ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagampanan ng mekanismo ng malayang pamilihan. 2.__ __ __ __ I __ __ O __ __ L __ __ __ N __ __ Y - tumutukoy sa sistemang pang- ekonomiko na nakabatay sa tradisyon,kultura at paniniwala. 3. M __ __ __ D E __ __ N __ __ __ - Ito ay kinapapalooban ng magkakaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. 4. __ __ M __ __ N __ E __ __ __ __ M Y - Ito ay ang ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 5. __ __ S __ __ M__ __ N G P A __ G - __ K __ N __ __ __ __ __ - Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon ,pagmamay-ari ,at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. B. Data Retrieval Chart Panuto: Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon sa graph upang mabuo ang mga datos. Sistemang Anong Paano ito Para kanino Halimbawa na Pang produkto ang lilikhain ito lilikhain? bansa ekonomiya dapat likhain? Tradisyunal 1. Paggamit ng 2. 3. lakas ng tao: Makalumang pamamaraan Market 4. 5. 6. US,Japan,Germany Command Naaayon sa 7. 8. 9. pamahalaan Mixed 10. 11. Konsyumer at 12. lipunan Ang alokasyon tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay pamamaraang isinasagawa ng mga bansa upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang ekonomiya, upang matugunan ang suliraning ng isang lipunan. Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutugon sa suliranin ng kakapusan,ito ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko na: ano ang lilikhain?, para kanino ang lilikhain?, paano lilikhain? at gaano karami ang lilikhain?. May iba’t-ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya ito ay ang; o Tradisyunal na ekonomiya (Traditional Economy), na nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. o Pampamilihang Ekonomiya (Market Economy), ang distribusyon at paglikha ng produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga. o Ipinag-utos na Ekonomiya (Command Economy), ang ekonomiya sa ay nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. o Pinaghalong Ekonomiya (Mixed Economy), kombinasyon ng market at command economy. AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Punan ang patlang upang mabuo ang iyong natutuhan sa aralin na ito. Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. Aking natutuhan na_____________________________________________________________ _____________________________________________________________________. I Panuto: ITAMA MO! Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay mali at isulat ang tamang kasagutan upang ito ay maging tama. 1. Ang command economy ay isang sistema na nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. 2. Sa mixed economy, ang bansa ay sumasailalim sa komprehensibong kontrol ng pamahalaan. 3. Ang pinagsamang sistema ng traditional at market economy ay nakapaloob sa sistema ng mixed economy. 4. Ang pagtatakda ng produktong lilikhain at kung magkano ang pasahod sa manggagawa ay nasa kapangyarihan ng pamahalaan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ay makikita sa sistemang tradisyunal na ekonomiya. 5. Sa sistemang market economy, may kalayaan ang mamimili at prodyuser kung ano at gaano karami ang bibilhin at ipagbibili ngunit may bahaging ginagampanan pa rin ang pamahalaan upang maisaayos ang ekonomiya ng bansa. Sa paanong paraan nakatulong sa bansa ang pagpapatupad ng naisabatas “Ang Bayanihan to Heal As One Act” o mas kilala Bayanihan Act (Republic Act No. 11469)? Sa iyong palagay naging matagumpay ba na matugunan nito ang pangangailangan ng bawat mamamayan at anong sistemang pang ekonomiya ang naaangkop sa kasalukuyang panahon? AP 9- QRT. 1- WEEK 4 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 4 I. PAUNANG PAGSUSULIT : 1. 2. 3. 4. 5. II. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5. III. GAWAIN A 1. 2. 3. 4. 5. IV. GAWAIN B: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. V. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. VI. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5 VII. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. AP 9- QRT. 1- WEEK 4