Araling Panlipunan 9 - Pangangailangan at Kagustuhan PDF
Document Details
Uploaded by PortableTheremin
Tags
Summary
This document is part of a lesson plan for a social studies class (Araling Panlipunan), focusing on needs and wants. It includes learning objectives, activities, questions, and prompts to help students understand the importance of economic concepts in daily life. The resource is specifically designed for grade 9 students (Araling Panlipunan 9) in the Philippines.
Full Transcript
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN 3 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES Natataya...
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN 3 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-la-2) Ang pagkakaroon ng pokus na pag-iisip ay makatutulong upang maunawaan ang bawat gawain na nakapaloob sa modyul na ito. Minsan tinatanong natin sa ating sarili kailan ba nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan. Lagi na lang bang pangangailangan ang dapat unahin? Kung pangangailangan ang laging una, paano ang kagustuhan na siyang nagbibigay ng kasiyahan? Panuto: Magbigay ng Tiglimang pangangailangan mo at limang kagustuhan mo sa ngayon na dumadanas ang buong mundo ng isang pandemya. Mangyaring iayos mo ito ayon sa iyong sariling preperensya. Ano ang mga pangangailangan mo na maaari mong ipagpalit sa iyong kagustuhan at ipaliwanag ang iyong desisyon na ginawa lalo na sa kasalukuyang panahon. Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. Pangangailangan Baytang Kagustuhan Baytang 1 2 3 4 5 Ngayon alam mo na ang iyong mga pangangailangan at mga kagustuhan na maaring makuha kapalit ng pangangailangan, tingnan natin kung paano ito nakakaapekto sa ating pang-araw –araw na pamumuhay. Bago ka tumungo sa iyong pag-aaral sagutan mo muna ang paunang pagsusulit upang malaman mo ang mga paksang dapat bigyan ng mas malaking pokus sa iyong pag-aaral sa paksang tatalakayin. 1 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Bago ka magpatuloy, sagutan mo muna ang mga tanong bilang balik-aral sa nakaraang aralin. Sa bahaging ito, aalamin mo ang mga sitwasyon, lagyan ng tsek kung ito ay nakasisiya o nakalulungkot sa ekonomiya ng bansa gamit ang emoticon. 1. Pag-aaksaya ng likas na yaman. 2. Pagtitimpi ng tao na gumamit ng produkto na hindi gaanong kailangan. 3. Pagpoprodyus ng mga produktong kailangan ng bansa. 4. Pagsasamantala ng mga negosyante sa pagtaas ng presyo ng mga produkto. 1 5. Pagpoprodyus ng mga luxury goods kaysa consumer goods. 2 6. Pagsagot ng mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa. 3 7. Pagkahilig ng tao sa mga produktong hindi kailangan ng bansa. 4 8. Pagkakaisa ng mga mamamayan at pamahalaan tungo sa paggamit ng likas 5 na yaman. 6 9. Pagsapi ng bansa sa mga organisasyong pang-ekonomiya. 10. Pagtatago ng mga produkto ng mga negosyante. 7 8 9 10 Ngayon naman, pag-aaralan mo ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan bilang batayan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Susuriin mo rin ang mga teorya ng pangangailangan at gayun din ang mga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhan. Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba`t ibang uri ng pagpapasya. Dahil sa kakapusan ng salapi kaya dapat na maging matalino sa pagpili ng ating mga produkto o serbisyo na bibilhin. Ano nga ba ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan? Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. Kagustuhan – ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan. 2 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan? PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN Kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga sakit o kamatayan. lamang ng layaw ng tao at maaring mabuhay kahit wala ito. Habang lumilipas ang panahon at patuloy ang pagtuklas sa mga produktong maaaring makapagbigay ng kasiyahan sa mga tao, patuloy rin ang paglaki ng pangangailangan ng ibat - ibang bagay at ang mga kagustuhan ay nagiging pangangailangan na rin. Ano naman ang teorya o hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Harold Maslow? A. Teorya ng Pangangailangan Ayon kay Abraham Harold Maslow ang pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hayrarkiya. Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan. Teorya ng Pangangailangan ayon kay Abraham Harold Maslow 5.Pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkatao Self-Actulization 4. Pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba Self-Esteem 3. Pangangailangang makisalamuha, makisapi, at magmahal Social Safety 2. Pangkaligtasan Physiological 1. Pisyolohikal 1. Pisyolohikal (Physiological) – Tumutukoy sa mga pangangailangan tulad ng pagkain, tirahan, tubig, at hangin. Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang ang isang tao ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan. 3 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN 2. Pangkaligtasan (Safety)- Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya. 3. Makisalamuha (Social)- Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan. Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig. 4. Mabigyan ng pagpapahalaga ng iba (Self-Esteem) - Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa. Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan. Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili. 5. Mga kaganapang pagkatao (Actualization)- Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang katotohanan ng buhay. Matapos mong pag-aralan ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan, narito naman ang mga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhan. 1. Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan. 2. Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan. 3. Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain. 4. Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda. 5. Kita. Kapag tumataas ang kita ng tao, tumataas din o dumarami rin ang kanyang kagustuhan at pangangailangan. At Kapag nababawasan ang kanyang kita nababawasan din ang kanyang pangangailangan at kagustuhan. Ngayong naunawaan mo na ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan, maaari mo nang sagutan ang susunod na mga gawain. 4 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Gawain : ISIP-HAMUNIN Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga ginulong letra. Isulat ang sagot sa patlang. _______________ 1. Salik ng pangangailangan at kagustuhan na kapag ito ay tumataas, tumataas rin ang AKTI mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. _______________ 2. Tumutukoy sa mga bagay na lubhang mahalaga GANLANPANGAIAG sa tao, tulad ng pagkain, damit, at tirahan. N _______________ 3. Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang HANKASUGTU ng layaw ng tao. _______________ 4. Nauukol ito sa pangangailangang panlipunan. MALASKIUHAM A isang tao na mapabilang sa iba`t ibang uri ng pangkat at pamilya. _______________ 5. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain DAED basta`t naaayon sa kanilang kagustuhan. Ngunit sa pagtanda ng tao kailangan na niyang piliin ang kanyang maaaring kainin. Gawain B: TIMBANGIN MO! (Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat mong pagkagastusan at maaari mong ikonsumo sa buwang ito.) Ipagpalagay na kabilang ka sa isang pamilyang binubuo ng limang miyembro. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuoang kita ng Php 15,000.00 sa isang buwan. Paano mo titimbangin ang inyong pangangailangan at kagustuhan. 5 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Lagyan mo ng tsek ang dapat pagkagastusan at ekis kung hindi dapat. Isulat ang dahilan kung bakit ekis ang iyong sagot. MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN 1. _____Kuryente Php 1,000 2. _____Tubig Php 500 3. _____Pagbili ng paboritong junk food Php 150 4. _____Video game Php 100 5. _____Upa sa bahay Php 3,500 6. _____Pagbisita sa mga kamag-anak Php 1,500 7. _____Pagkain ng pamilya Php 8,000 8. _____Pagbili ng CD para mapanuod ang paboritong Php 150 palabas 9. _____Pamasahe at baon ni tatay, kuya, at ate Php 2,200 10. _____Cable/internet Php 1,600 Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay ang iyong sagot sa portfolio. 1. Ano ang mga dahilan kung bakit (x) ang napiling kasagutan. 2. Ano ang mga naging batayan sa ginawa mong desisyon? 3. Bilang mag-aaral, Paano mo maiuugnay ang personal mong pangangailangan at kagustuhan sa suliranin ng kakapusan? Ang Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Ang Kagustuhan naman ay ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan (basic needs), sila ay naghahangad ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod-sunod ng herarkiya. Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth force samantalang ang paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force. 6 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Sa panahon ng pandemiya mahalagang malaman ating mga pangangailanga sapagkat_____________________at bilang produktibong mamamayang nais kong matupad ang aking pangarap sa buhay sa pamamagitan ng________________________________. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at itiman ang bilog sa tapat na titik ng napiling sagot. ABCD O O O O 1. Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay at kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. A. Edad B. Kagustuhan C. Kita D. Pangangailangan O O O O 2. Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maaring mabuhay ang tao kahit wala ito. A. Edad B. Kagustuhan C. Kita D. Pangangailangan O O O O 3. Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan. Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig. A. Makisalamuha B. Mabuhay C. Pangkaligtasan D. Pagpapahalaga O O O O 4. Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman, at seguridad para sa sarili at pamilya. A. Makisalamuha B. Mabuhay C. Pangkaligtasan D. Pagpapahalaga O O O O 5. Ang mga pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at hangin. Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan. A. Makisalamuha B. Pagpapahalaga ng iba C. Pangkaligtasan D. Pisyolohikal O O O O 6. Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa. Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan. Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili. A. Makisalamuha B. Pagpapahalaga ng iba C. Pangkaligtasan D. Pisyolohikal 7 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN O O O O 7. Kapag tumataas ang kita ng tao, tumataas din o dumarami rin ang kanyang kagustuhan at pangangailangan. At Kapag nababawasan ang kanyang kita nababawasan din ang kanyang pangangailangan at kagustuhan. A. Edukasyon B. Kalagayan sa lipunan C. Kita D. Panlasa O O O O 8. Ang istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda. A. Edukasyon B. Kalagayan sa lipunan C. Kita D. Panlasa O O O O 9. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain. A. Antas ng Edukasyon B. Kalagayan sa lipunan C. Kita D. Panlasa O O O O 10. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan. A. Edad B. Kalagayan sa lipunan C. Kita D. Panlasa Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao. Gamiting gabay ang rubric sa ibaba sa pagbuo ng sanaysay. Ilagay ang iyong sagot sa portfolio. Pamantayan Diskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Naglalaman ng mga particular na detalye 10 batay sa hinihingi ng Gawain Impormasyon Organisado ang paglalahad ng kaisipan. 5 Presentasyon Akma ang mga ginamit na mga salita, 5 baybay at bantas, Kabuuan 20 SAGUTANG PAPEL 8 AP9-Qrt1-WeeK 3 ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN Pangalan: __________________________________________________ Pangkat __________Guro: ____________________________________ Aralin PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN 3 I. PAUNANG PAGSUSULIT : Ilagay ang iyong sagot sa portfolio II. BALIK-TANAW 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. III. GAWAIN A. Ilagay sa iyong portfolio GAWAIN B: 1. 2. 3. 4. 5. IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. V. PANGHULING PAGSUSULIT 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. VI. PAGNINILAY Ilagay ang sagot sa iyong portfolio. 9 AP9-Qrt1-WeeK 3