Teritoryo ng Pilipinas PDF

Summary

This document discusses the territory of the Philippines, covering historical and legal bases, as well as economic and political aspects. It also analyzes geographical features and resources, and the importance of its strategic location.

Full Transcript

Teritoryo Ang teritoryo ay sukat ng kalupaan at katubigan na saklaw ng kapangyarihan ng isang bansa. Sa ating mga mapa, nagsisilbing gabay ang eskala na ipinapakita ang katumbas na distanya ng mga lugar sa mapa sa sukat nito sa totoong...

Teritoryo Ang teritoryo ay sukat ng kalupaan at katubigan na saklaw ng kapangyarihan ng isang bansa. Sa ating mga mapa, nagsisilbing gabay ang eskala na ipinapakita ang katumbas na distanya ng mga lugar sa mapa sa sukat nito sa totoong buhay. Teritoryo ng Pilipinas Nagkaroon ng iba’t ibang batayan ang teritoryo ng Pilipinas. BATAYANG PANGKASAYSAYAN: Mapang Murillo-Velarde Chart of the China Seas Nang makita natin ang mga mapang ito, masasabi bang may katwiran ang Pilipinas sa pag-angkin sa Scarborough Shoal? Teritoryo ng Pilipinas Nagkaroon ng iba’t ibang batayan ang teritoryo ng Pilipinas. BATAYANG LEGAL: Batas Republika Blg. 5446 - ipinatupad noong 1968; at isinasama ang Sabah sa teritoryo ng Pilipinas Archipelagic Doctrine - lahat ng tubig sa paligid, pagitan, at nagdurugtong sa mga isla ng Pilipinas ay bahagi ng teritoryo ng bansa Teritoryo ng Pilipinas BATAYANG LEGAL: United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) - pagtakda bilang teritoryo ng isang bansa ng 200 nautical miles na exclusive economic zone mula sa mga baybayin ng isang kapuluan Artikulo I ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas Teritoryo ng Pilipinas Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. Kahalagahan ng Lokasyon EKONOMIKO: Ang Pilipinas ay sagana sa iba’t ibang likas-yaman na matatagpuan sa mga karagatan. Halimbawa na lamang sa West Philippine Sea kung saan sinasabing may mahigit 7 bilyong bariles ng langis at 25 trilyong metro kubiko ng natural gas na ginagamit sa paglikha ng enehiya. Kahalagahan ng Lokasyon EKONOMIKO: Ang Pilipinas ay naging sentro rin ng kalakalan. Mainam ang mga baybayin nito na daungan ng mga barkong pangkalakalan. Noong panahon ng Espanyol, inilunsad ang Kalakalang Galyon na nagdala ng mga bagong produkto sa Pilipinas mula sa iba’t ibang lugar sa daigdig. Kahalagahan ng Lokasyon POLITIKAL: Ang lokasyon ng Pilipinas ay estratehiko dahil malapit ito sa mga malalaking bansa tulad ng Tsina, Australia, at Japan. Mahalaga ang layunin ng Pilipinas upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser