Pambansang Punong Rehiyon (NCR) PDF

Document Details

IllustriousMalachite8221

Uploaded by IllustriousMalachite8221

Aurora State College of Technology

Tags

Philippine geography NCR regions Filipino culture

Summary

Ang dokumento ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR) ng Pilipinas. Tinatalakay nito ang mga aspeto, populasyon, at kahalagahan ng rehiyon. Binibigyang-diin din ang kaugnayan ng NCR sa iba't ibang aspeto ng buhay sa bansa.

Full Transcript

**PAMBANSANG PUNONG REHIYON O (NCR)** **Kaligirang Aspeto** ** **kilala sa tawag na Metro-Manila o Kalakhang Maynila ay likha ng Presidensyal Dikri bilang 824 noong Nob. 7, 1975 at pinangangasiwaan ng Metropolitan Manila Authority sa pamumuno ng isang gobernor. **sukat** 635.93 kilometro kuwadrad...

**PAMBANSANG PUNONG REHIYON O (NCR)** **Kaligirang Aspeto** ** **kilala sa tawag na Metro-Manila o Kalakhang Maynila ay likha ng Presidensyal Dikri bilang 824 noong Nob. 7, 1975 at pinangangasiwaan ng Metropolitan Manila Authority sa pamumuno ng isang gobernor. **sukat** 635.93 kilometro kuwadrado **Bumubuo:** Calookan, Makati, Mandaluyong, Marikina, Maynila, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City at Valenzuela at bayan ng Las Piñas, Malabon, Muntinlupa, Navotas, Pateros, San Juan at Taguig... Ito ang premyadong pook at sentro ng Pamahalaan, Industriya, kalakalan, Hanapbuhay, Edukasyon, kultura at Isports sa Pilipinas. Narito rin ang mga modernong ospital, nagtatayugang gusali at kondominyum, magagarang town houses, mall, sinehan, hotel, subdivision. umiiral na kaugalian sa NCR ay kaugaliang tagalog tulad ng Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas at Maynila. mapagmahal makabayan at may espiritung bayanihan, mapagmahal sa edukasyon at sa pagsulong, at may paghahangad na kaunlaran materyal (bahay, ari-arian, sasakyan. Garbo ng bahay at kasuotan, pagkahilig sa pagkain at rangya). Relihiyoso rin sila na minana pa sa kapanahunan ng kastila at pagkahilig sa pista't tradisyon tulad ng Pista ng Quiapo Viva Señor Nazareno, Sto Niño sa Tundo, Bota de Flores ng Ermita, Senor La Naval sa Lungsod ng Quezon, Flores de Mayo, ang sunduan at Caracol sa Parañaque, Senakulo sa Pasig at Las Piñas, ang sabuyan ng tubig sa San Juan, ang Baclaran sa Pasay at iba pa. Nasa NCR ang **tugatog ng Arte at Literatura** sa lipunang Pilipino na di pahuhuli sa Arte at Kultura ng ibang bansa na pinatutunayan ng Cultural Center of the Philippines 3 at Folk Arts Theater. Ang kanyang literatura na nasusulat sa Tagalog. Filipino at Ingles. May iba't- ibang anyo tulad ng tula, nobela, dula, maikling kuwento, sanaysay, mga karunungang bayan, tulad ng bugtong, salawikain, kasabihan, na likha ng mga batikan at premyadong manunulat, kwentista, mandudula, makata na maihahanay sa mga dakilang akda sa iba't ibang bansa. Ang NCR ay hindi lang utak ng Pilipinas kundi siya ang puso't Kaluluwa ng Pilipinas pagdating sa arte at kultura. **MGA LALAWIGAN NG NCR** 1. **Caloocan-** Ang Caloocan bilang isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob-looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar". Ito ang entro ng aktibidad ng Katipunan noong 1896 Revolution ng Pilipinas. Ang Caloocan City ay umangat na sa pang-pitong pinaka-mayamang lungsod sa buong Pilipinas. 2. **Taguig -**Ang Taguig ay nanggaling na salitang taga-giik na ang ibig sabihin ay rice thresher. Dating komunidad ng palaisdaan sa pampang ng Laguna de Bay ngunit ngayon, isa na itong mahalagang pamahayan at industriyal ng Maynila. Ang balut, itlog maalat ay ilan lamang sa mga sikat na produkto sa Taguig. Ang lungsod ng Taguig ay napakapopular dahil sa "Fort Bonifacio", na kilala bilang lugar ng mayayaman at ang dalawa sa nangungunang Unibersidad ay ang sumusunod; The Polytechnic University of the Philippines, at ang Technological University of the Philippines**.** 3. **Valenzuela-** Kilala bilang "Northern Gateway to Metropolitan Manila" at isang lungsod pang-industriya na matatagpuan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ito ang sentro ng natural na mga kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, at tsunami at gayun din sa mga kalamidad na gawa ng tao tulad ng sunog. Ipinangalan kay Pio Valenzuela ang Lungsod Valenzuela dahil sa kanyang kabayanihan. 4. **Malabon-** Kilala dahil sa kanilang sikat na pagkain na Pancit Malabon at sa kanilang mga kakanin. May kabuuang lawak na 15.96 na kilometro kwadrado. Isa ang Malabon sa pinakamataong lungsod sa Pilipinas, at ang mababang lupain nito ang nagdudulot ng madalas na pagbaha. 5. **Navotas-** Kilala bilang "Fishing Capital of the Philippines". Ang Navotas Fish Port Complex (NFPC), ang pangunahing sentro ng Isdaan sa Pilipinas at isa sa pinakamalaki sa Asya. Pinangalanan ito kay "San Jose de Navotas" na naging "Saint Joseph". 6. **Quezon City-** Pinakamalaking lungsod sa Metro Manila at sa Pilipinas at isa sa pinakamabilis na lumagong lungsod sa Pilipinas. Pinangalan ito sa dating presidente ng Komonwelt ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon. Ito ay tinaguriang, "The City of New Horizons" dahil sa urbanisado ang lungsod, maraming kultura at kaugalian. Sa Quezon Memorial Circle nakalabi ang musoleyo ng dating presidente na si Manuel L. Quezon at ang kanyang asawa na si First Lady Aurora Quezon. 7. **Manila-** Kilala bilang "Capital of the Philippines". Ito ang sentro ng kaunlaran ng industriya at pandaigdigang daungan. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 "National Chief Port" ng bansa at pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas. 8. **Marikina -** Kilala bilang "Shoe Capital of the Philippines". Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos. 9. **Pasig-** Kilala bilang "The Green City". Ito ang dating kabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang Maynila. Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti- unti na itong nagiging isang lumalagong pangkalakalan na lugar. Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang pangalang Pasig ay pinaniniwalaang galing sa salitang Sanskrit na "passis" o buhangin na tumutukoy sa komunidad sa mabuhangin gilid ng ilog. 10. **Makati-** Dito matatagpuan ang Makati Central Business District. Kilala ito sa kanilang matatayog na mga gusali, "shopping mall", "entertainment hub", restawran at bilang isang distrito ng negosyo. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital of the Philippines). 11. **Mandaluyong -** Kilala bilang "Tiger City". Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas". Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. 12. **San Juan-** Kilala bilang "tiangge capital of the Philippines". Ang lungsod ang ikalawang pinakamaliit sa mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila. Ito ang lugar ng unang labanan sa pagitan ng Katipunan. 13. **Pasay-** Nasa lungsod ng Pasay ang gusali ng Senado, ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, at ang SM Mall of Asia. Kilala sa kanilang de-kalidad ng mga lokal na sining at mga kagamitang gawang kamay. 14. **Parañaque -** Ang Lungsod ng Parañaque ay ang ika-11 na lungsod sa kalakhang Maynila. Hinirang bilang urbanisadong lungsod ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 15 Pebrero 1998. Kilala bilang "Fashion Capital of Metro Manila" Ang Parañaque ay binubuo ng dalawang distritong pambatas na nahahati pa sa 16 na Barangay. 15. **Las Piñas -** Pinakamabilis na lumalagong komunidad sa Metro Manila. Pamahayan ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan, industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau. Ang Las Pinas ay nahahati sa 20 barangay 16. **Muntinlupa -** Kilala bilang kinalalagyan ng "national insular penitentiary", ang New Bilibid Prison. Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan 17. **Pateros-** Nag-iisang munisipalidad. Pinakamaliit na bayan ang Pateros sa mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila. Kilala ang bayan na ito sa industriya ng pagpapalaki ng mga bibe at lalo na ang paggawa ng balut. Ang pangalang Pateros ay nanggaling sa wikang Tagalog na "pato" at "sapatos". **ILANG MGA MANUNULAT NG NCR:** **1.Andres Bonifacio --** Ama ng katipunan at Himagsikang Pilipino, maituturing na isa sa pinakadakilang Pilipino na nagpamalas ng natatanging pag-ibig sa ating at bayan. Kilala siyang Dakilang Dukha at may katawagang Magdiwang. **Mga akda:** **a. Ang unang salin ng "Mi Ultimo Adios" sa Tagalog** **b. Ang Dapat na Mabatid ng mga Tagalog -i**nilahad ang mga kaunlaran pinagdaanan ng ating pangangalakal mula sa mga dayuhang tulad ng Arabe, Tsino at iba pang kalapit-pook ngunit nang dumating ang mga kastila ay unti-unting nagbago ang pamumuhay ng mga Pilipino. Kartilya ni Andres Bonifacio. Katapusang Hibik ng Pilipinas. **c.Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,** isang madamdaming tulang nagpapahiwatig ng wagas at taos na pag-ibig sa bayan. **d.** Ang mga katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan na siya ring Kartilya ni Andres Bonifacio. **e.** Katapusang Hibik ng Pilipinas **2. Emilio Jacinto** -- Ang mata at tanyag na katipunero ay masasabi ring alagad ng panitikan dahil sa kanyang malikhaing panunulat na kakikitaan ng mataas na uri ng kaisipan at dalisay na pag-ibig sa bayan. Gumamit ng sagisag na "Pingkian." **Mga akda:** a. **Liwanag at Dilim"** -- "Katipunan ang mga sanaysay na busog sa makatas at matatayog na kaisipan. Pinaksa ang mga kaisipang dapat taglayin: karapatan, kalayaan, pag-ibig sa bayan, paggawa, pamahalaan, pagpapantay-pantay at iba pa. b. **"Ningning at Liwanag"** isang sanaysay na nagsusuri sa ating mga paraan ng pananaw tulad ng "Hindi lahat ng nakasisilaw ay tunay o mayaman at walang ningning ay mahirap o mababa." c. **Kartilya at Katipunan"** -- may hawig sa kartilya ni Andres Bonifacio. Ito ang siyang naging kodigo o saligang batas na dapat sundin ng mga Katipunero ng mga anak ng bayan. d. **A Mi Madre--** isang madamdaming oda na sinulat bilang handog sa kanyang ina. e. **. "A La Patria**" isang tula ng pag-ibig sa bayan. Ito ay nagsasaad ng lalim at mairog na pag-ibig ni Jacinto sa ating bayan. **3. Jose dela Cruz-** higit na kilala sa tawag na Huseng Sisiw at isinilang sa Tundo, Maynila, Dis. 21, 1746 ay dalubhasang makata na pinatunayan ng mga akdang "Awa sa Pag-ibig", Singsing ng Pag-ibig at mga komedya tulad ng Reyna Encantada, La Guerra Civil de Granada Hernandez at Galisandra. **4. Cecilio Apostol --** Taga Santa Cruz, Maynila at isinilang noong Nob. 22, 1877. Nag-aral sa Ateneo, makata at manunulat sa wikang Espanol tulad ng el Terror de los Mares, el Misonero, Los Martires Anominos at Rizal. Sumulat din siya sa ibang wika tulad ng Aleman, Griyego, Italyano at Latin, Isinalin niya sa Espanyol ang Biag ni Lam-ang. Ang Dekalogo ni Bonifacio sa Pranses. **5. Faustino Aguilar --** Isinilang sa Malate Maynila, noong Pebrero 15, 1882 at gradwado sa Colegio de San Juan de Letran. Naging mensahero ng Katipunan at kalihin ng Republic de Malolos. Nagsimulang sumulat ng mga makabayang artikulo laban sa mga Amerikano tulad ng La Patria at Muling Pagsilang Nobelista rin siya. **Mga akda:** Pinaglahuan (1907)**,** Busabos ng Palad (1909)**,** Lihim ng isang Pulo, Sa Ngalan ng Diyos. **6. Rosauro Almario --** Isinilang sa Tundo, Agosto 1886 at nag-aral ng abogasya sa Academia de Leyes. Nagsimulang sumulat ng mga artikula sa Ang Panahon. Muling Pagsilang. Ang Mithi at Taliba. Bilang nobelista, nasulat niya ang 14. Nobelang Pinatatawad Kita, Ang Mananayaw, Huling Himala, Mga Anak ng Bukid, Giera Patani, at Mga Dahong Luksa" Ang "Que Es Pueblo" ay nagkamit ng gantimpala noong 1909. **7. Inigo Ed Regalado --** Isinilang sa Sampaloc, Maynila noong Marso 19, 1888, manunulat at nobelista tulad ng unang nobela na Madaling Araw, Huling Pagluha, Kung Magmahal ang Dalaga, Sampagita, at Anak na Dumalaga. Rosalio Aguinaldo -- Isinilang sa Tundo, St. 4, 1891 at aktibong kasapi ng Ilaw at Panitik, Aklatang Bayan at Akademya ng Wikang Tagalog. Bilang manunulat, siya ay nobelista **Mga akda:** Mutyang Itinapon 1922. Ulilang Tahanan (1922), Tanikala ng Pagtitiis (1923), Akda Mo Yata (1938) at Kalayan (1947). Karamihan sa sinulat niya ay nagwagi sa timpalak-pagsulat na itinaguyod ng Liwayway, Hiwaga, Taliba at Kalabaw. **8. Rosalio Aguinaldo** Isinilang sa Tundo, St. 4, 1891 at aktibong kasapi ng Ilaw at Panitik, Aklatang Bayan at Akademya ng Wikang Tagalog. Bilang manunulat, siya ay nobelista at may akda ng Mutyang Itinapon 1922. Ulilang Tahanan (1922), Tanikala ng Pagtitiis (1923), Akda Mo Yata (1938) at Kalayan (1947), Karamihan sa sinulat niya ay nagwagi sa **9. Amado V. Hernandez --** Tubong Tundo, Maynila noong Set, 13, 1903 ay kilala Bilang nobelista, mandudula, makata ng manggagawa dahil sa pagbibigay halaga at pakikiisa sa kapakanan ng maliliit, kaya't tinagurian Anak ng Pawis. Higit siyang bihasa bilang makata sa mga tulang Ang Panday. Bayani at Aklasan. Ang kanyang "Bayang Malaya" ay nagkamit ng Gawad-Gantimpala. Ang mga tula ni AVH ay hamon sa kasalukuyan, isang mapiling anyaya sa piging ng puso't diwa sa hapag kabuhayang bansa. **10. Severino Reyes --** kilala sa tawag na Lola Basyang at produkto ng San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas. Tubong St. Cruz, Maynila ay kilala bilang mandudula. Itinatag niya ang Gran Compania de Zarzuela Tagala noong 1902 at naging patnugot ng Liwayway. Itinaghal niya ang "RIP" at ang "Kalupi upang mawala ang gasgas na paksa ng Moro-Moro. **11.Manuel Principe Bautista --** Makata at tapos ng Komersyo sa FEU. Isinilang sa Tundo, Hunyo 1919, aktibong sumulat ng mga artikulo sa Mabuhay, Hiwaga at Taliba na pawang nagkamit ng gantimpala mula sa Surian ng Wikang Pambansa. **12.Isagani R. Cruz --** Ph.D. sa Panitikan, Unibersidad ng Marylang bilang Fulbright Scholar. Manunuri ng aklat, dula at pelikula. Akda niya ang Movie Times (1984), Beyond Futility (1984) at iba pang mga aklat at artikulo. Siya ay kasalukuyang tagapangulo sa DLSU. **13. Liwayway Arceo --** Premyadong manunulat na iginawad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Catholis Mass Media Award, Gawad CCP. Tubong Tundo, isinilang noong Enero 30, 1924 at nakasulat ng 50 nobela, libong maikling kuwento at mga dramang panradyo. Ilan sa mga nobela ay Canal dela Reina, Ikaw ay Akin, Lydia Arnaldo M.D., Tatak ng Pagkakasala, Saan Man at Kailan Man. **14. Teo T. Antonio --** Makata mula sa Sampaloc at isinilang noong nob. 26, 1946 sa UST, nagkamit ng Don Carlos Palanca Memorial Awards, CCP, Literary Contest 1973, Panitik Balagtas 1975 at Gawad Karangalan mula sa Komisyon ng Wikang Filipino noong 1993. Ang mga koleksyon ng tula ay "Biru-biro kung Sanlan" 1982, Taga sa Bato (1991) at Bagay-bagay 1992. Ang mga tulang pambata na sinulat niya ay umiinog kay Pilandok tulad ng Pilandok sa Kaharian ng Dagat. Aktibo sa samahang PAKSA at pangulo ng GAT. Ginawaran siya ng Makata ng Taon sa Talaang ginto noong 1976 at limang unang gantimpala sa Palanca. Ang estilo niya ay pinagsanib na balagtista at modernista. **15. Epifanio San Juan --** Makata at kritiko at tapos ng UP at doktorado sa Literatura sa Harvard University (Ph.D.) at kilala sa mga aklat ng tula. God Kissing Carreaon (1946), Exorcism and other Poems 1967, Matiwala at iba pang tula 1969, Rice Grains, at The Art of Oscar Wilde, at iba pang tula noong 1969. **16. Lope K. Santos --** Tubong Pasig Rizal, Sept. 25, 1879 at nag-aral sa escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho. Higit na kilala sa nobelang Banaag at Sikat, Salawahang Pag-ibig at mga tulang Puso't Diwa, Mga Hamak na Dakila. Siya rin ang sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa. Ang istilo niya, maluwag, tahas, mahimig, maharaya't malaman. **17. Federico Licsi Espino Jr. --** Kilala sa pinakamaraming akda ng tula na nasulat sa Tagalog at Ingles. Ipinanganak sa Pasig Rizal at nagtapos sa UST at naglingkod sa Daily Mirror. Premyadong makata at kilala sa hilig ng eksperimento sa layuning itampok ang Modernismo. Mga sinulat Toreng Bato, Kastilyong Pawid, Ritmo ng Lingkaw, Dalitan at Tuksuhan, Punlay at Punglo at In the Three Tongues. **18. Soledad S. Reyes --** Ph.D. sa mga araling Pilipino, U.P., manunulat ng mga sanaysay at panunuring pampanitikan. May-akda ng Nobelang Tagalog 1905- 1975. Tradisyon at Modernismo 1982, Criticism as containment 1982, Criticism & Ideology 1984.. Ildefonso Santos Kilalang mambabalagtas at tubong Malabon, Rizal. **19. Ildefonso Santos-** kilalang mambabalagtas at tubong malabon Rizal. Huwarang guro at superbisor. Bilang manunulat, pihikan at maingat sa pagpili at pananaludtod. May mararangal na diwa sa tula na ipinahayag sa masinop na parirala tulad ng salin niya ng Mi Ultimo Adios ni Rizal at Rubaiyat ni Omar Khayyam. **20. Bienvenido Lumbrera -**Isang makata, tagapuna, dramatista, at iskolar ng Pilipinas na may maraming napanalunan.-Siya ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing Komunikasyon. **21. Rio Alma-** ang Sagisag panulat ni Virgilio S. Almario, na ngayon ay nasa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Mahigit na sampung aklat ng tula ang naisulat na humahalukay at sumasalamin sa Filipinas, at maituturing na pangunahing panlaban ng Filipinas sa Premyo Nobel. Ang "Rio Alma" ay pinabaligtad na mga titik lamang ng "Almario". Sa Espanyol, nangangahulugan yaon ng "kaluluwa ng ilog." **22. Jose F. Lacaba -**Kilala bilang Pete Lacaba ay isang premyadong manunulat ng Pilipino. Siya rin ay kasalukuyang kilalang patnugot ng YES! Magazine ng Summit Media. -Kasama ang kapatid na si Emman, tumutuligsa sila sa diktaturyang Marcos sa pamamagitan ng pagsulat. Isa dito ang tulang. "Prometheus Unbound" "Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ". Dahil dito ay dinakip siya at ikinulong nang dalawang taon. **23. Jose Corazon de Jesus-** Isinilang sa Sta. Cruz, Manila at bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Espanyol) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan. Ang una niyang tulang nailimbag ay ang Pangungulila **24. Eugene Y. Evasco-** Assisting Propesor sa Malikhaing Pagsulat at panitikang Pambata sa College of Arts ang Letters, UP Diliman. Ang nobela niyang Anina ng mga Alon ay pinarangalan ng Gawad Chancellor. **25. Deogracias Rosario -**Isinilang sa Tondo, Maynila. Nagsimulang magsulat noong 1915 ito ay "Ang Demokrasya". Siya ay pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog **26. Jun Cruz Reyes-** kilala bilang Amang Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo. Nakapaglabas siya ng maraming libro kabilang ang Etsa-Puwera. **27. Geneveva Edroza Matute --** Kilala bilang si Aling Bebang, isang magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda, Ang Ninang Ko at Pagbabalik. Si Aling Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. **28. Rolando Tinio -**Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor, kritiko, manunulat ng sanaysay at guro. Nakapaglabas siya ng kalipunan ng mga tula sa Ingles, ang Trick of Mirrors. (CulturEd Philippines, 2015). **29. Nick Joaquin -** Manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamahayag**.** Tinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1976 at may sagisag- panulat na Quijano de Manila. **30. Lualhati Bautista-** isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista.Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para sa nobelang Gapo, Dekada '70 at iba pa. Hindi rin matatawaran ang pagiging mahusay sa pagiging scriptwriter. **MGA PANITIKAN SA NCR** ** Awiting Bayan** **BAYAN KO** **(Jose Corazon de Jesus)** Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad nag-alay ng ganda't dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasakdal sa dusa Ibon man may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas. Pilipinas kong minumutya, Pugad ng luha ko't dalita Aking adhika makita kang sakdal laya. **MAGKAISA** **Ni Tito Sotto** **Awit ni Virna Lisa** Ngayon, ganap ang hirap ng mundo Unawa ang kailangan ng tao Ang pagmamahalan sa kapwa ilaan. Isa lang ang ugat na ating pinagmulan Tayong lahat ay magkakalahi Sa unos at agos ay huwag padadala. **KORO:** Panahon na, ng pagkakaisa Kahit ito ay hirap at dusa, Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw) At magsama (bagong umaga't bagong araw) Kapit-kamay (sa atin siya'y nagmamahal) Sa bagong pag-asa. Ngayon, may pag-asang matatanaw May bagong araw, bagong umaga Pagmamahal sa Diyos isipin mo tuwina (Ulitin ang koro) (Magkaisa) May pag-asang matatanaw (at magsama) Bagong umaga'y bagong araw (Kapit-kamay) Atin siya'y nagmamahal (bagong pag-asa) Panahon ng (May pag-asa kang matatanaw) ** Alamat** /ANG ALAMAT NG PASAY ** Ang Kurido.** Mula sa salitang Mehiko na currido na nangangahulugan ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa Panitikan, ito'y tulang Tuluyan na may mga tema ng kabayanihan, kababalaghan, relihiyon at iba pa. Sina Jose Dela Cruz, Ananias Zorilla, Francisco Baltazar ang ilan manunulat nito. Kabilang sa anyo ito ang Ibong Adarna, Doce Pares, Bernardio Del Carpio, Principe Orientis, Dona Ines, Don Juan Tinoso **PRINCIPE ORIENTIS** **Kurido ni Jose Dela Cruz** O Trinidad Santisima Dios na tatlong Persona Walang huli't walang una Capangyarihan, iisa Sa lakas ng karunungan at tanang capangyarihan balang inyong calooban yari ang ano mang bagay At sa iyo Inang Virgen Virgeng, dating maawain Ang tulong mo, I, ingatan Matuto nang sasabihin **Si prinsipe rodante** **MGA AKDANG PANGWIKA:** **"A RIZAL"** Ni Cecilio Apostol Heroe inmortal, colose legendario Emerge del abismo del osario en que duermes el sueno de la gloria! VenNuestro amor, que tu recuerdo inflama, de la sombrosa eternidad te llama para cenri de flores tu memoria. Duermo en paz en las sombras de la nada, redentor de una patria esclavizada! !No llores, de la tumba en el misterio, de espanol el trumfo momotaneo, que si una bala destrozo tu craneo tambien tu idea destrozo un imperio! !Gloria a Rizal! Su nombre sacrosantos, que con incendios de Thabor illamea, el la mento del sabio es luz de idea, vida en el marmol y en arpa canto. **Bersyon sa Filipino** **"KAY RIZAL"** Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan Na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap! Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng iyong alaala, mula sa madilim na walang wakas at tumatawag sa iyo upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita. Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay tagapagligtas ng isang bayang inalipin! Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan, Ang sandaling tagumpay ng Kastila, Pagka't kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo, Ang diwa mo nama'y gumiba ng isang imperyo! Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanal-banalan na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan, sa marmol ay buhay, at sa kudyapi'y kundiman. **"PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA" ni Andres Bonifacio** **Katungkulang Gagawin ng Mga Anak ng Bayan** 1. Sumampalataya sa Maykapal ng taimtim sa puso. 2. Gunamnamin sa sarili tuwina, na ang matapat na pagsampalataya sa ang pag-ibig sa lupang tinubuan sapagkat ito ang tunay na pag-ibig sa kapwa. 3. Ikintal sa puso ang pag-asa sa malabis na kapurihan at kapalaran na ikamamatay sa tao'y magbubuhat sa pagliligtas sa kaalipinan ng bayan. 4. Sa kalamigan ng loob, katigasan at katiisan at pag-asa ano mang gagawin magbubuhat ang ikagaganap ng mabuting ninanais. 5. Paingat-ingatan gaya ng puri ang mga bilin at balak ng K.K.K. 6. Sa isang nasa sa panganib sa pagtupad sa kanyang tungkulin, idadamay ng lahat ay buhay at yaman upang mailigtas yaon. 7. Hangarin ang kalagayan ng isa't-isa, maging huwaran ng kanyang kapwa sa mabuting pagpapasunod at pagtupad ng kanyang tungkulin. 8. Bahaginan ng makakaya ang alin mang nagdaralita. 9. Ang kasipagan sa paghahanapbuhay ay pagmamahal din sa sarili, sa asawa, sa anak at kapatid o kababayan. 10. Lubos na pagsampalataya sa parusang inalaan sa balang suwail at magtaksil, gayon din sa pala na kakamtan ukol sa mabuting gawa. Sampalatayanan din naman ang mga layong tinutungo ng K.K.K. ay kaloob ng Maykapal, samakatuwid ang hangad ng bayan ay hangad din Niya: **Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto:** 1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang dakila at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kung di man damong makamandag. 2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gawin ng kagalingan, ay di kabaitan. 3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa, at ang isukat ang bawa't kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran. 4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay: mangyayaring ang siya'y higtan ng dunong, sa yaman, sa ganda, nguni't mahihigitan sa pagkatao. 5. Dangal at hindi ang pagnanasang makasarili ang inuuna ng may dakilang kalooban pagnanasang makasama ang may hamak na puso; sa taong may hiya ang salita'y panunumpa. 6. Huwag mong sayangin ang panahon, ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik nguni't ang panahong nagdaan na'y di na magbabalik. 7. Ang mga taong matalino ay may pag-iingat sa bawa't sabihin, at marunong maglihim ng dapat ipaglihim. 8. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa't mga anak. 9. Ang babae ay huwag mong ituring na isang bagay na libangang lamang kundi katulong at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan. 10. Ang di ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba: **Pag-ibig ng Manggagawang Pilipino** Kay ganda ng liwanag ng langit, kay tamis ng alingawngaw ng dagat, at kinalugod ko, sa lupang ito, ang umibig sa babaeng obrera, ibigin siya, ang mga abungan ay manalo at humithit ng isang mabuting tabako. Kay ganda ng liwanag ng langit, kaytamis ng alingawngaw ng dagat, at kinalulugod ko, sa lupang ito, ang awitin ng kanyang kalayaan, sa kabunduka'y nakilaban at magligtas sa ating Inang bayan. At sa pagyabong ng pangkat na itong sining. Sa mahigpit na pagkamatimtiman, at maninindigang tagasilangan, buong kalinisang itaas ang watawat. Na pagniningningan ng mga bituin ng mga lewalhati, mula sa aklat na masining ng ating kasaysayan. **Severino Reyes** ** **Ama ng Dulang Pilipino. Kinilalang mandudula na siyang nag- angat sa sarsuela bilang namumukod na anyo ng panitikan. May mga dulang makabayan si Reyes, gaya ng Walang Sugat, na hinggil sa riotismo at reporma, Filipinas para Los Filipinos, dulang tumatuligsa sa pang-aabuso mga Amerikano at pumupuna sa di pagkilala ng mga autoridad sa kasal ng isang Pilipino at dalagang Amerikano, at Puso ng Isang Pilipina, isang dulang nagdiriwang ng pagpapawalang-bisa sa batas na nagbabawal na magladlad ng bandilang Pilipino. Ang kanyang "Bagong Fausto" ay tumatalakay sa kanser ng lipunan, ang Tatlong Babae ay naglalarawan ng mga babaing ang isa'y sinauna, ang isa'y makabago at ang ikatlo'y lubha namang adelantado sa pagkamakabago, samantala, ang Mga Pusong Dakila ay nagbabala tungol sa panganib ng materyalismo. Kilala bilang Lola Basyang dahil may-akda ng kilalang Mga Kuwento ni Lola Basyang na inilathala ng Liwayway noon, naging patnugot siya ng magasing ito. Ang Mga kuwento ay binubuo ng mga kuwentong bata na punung-puno ng pantasya at abentura, ngunit naglalaman ng mga aral. **WALANG SUGAT** **Patricio Mariano** ** (**Makata. Mananagalog, Mandudula, Mangangatha, Mamamahayag) Ang makatang ito noong buhay pa'y kinilalang isa sa mga pangunahing haligi ng wikang Tagalog Lahat alos ay kumilala sa kanyang katahimikan, lale na sa pananalumpati ngunit higit sa rahat ay sa pagkamand adula. Mahigit na apatnapung dula ang kanyang nasulat. At an, kahuli-hulihan ay ang dalawang Operang Tagalog na Pinamagatang "Lakam ini" si "Mayumi" na nga o.y pag-aari ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang ngal mbag na kathambuha ay ang "tala sa Panaghulo" at "Ubod ng Isang Bulaklakang lalong bantog na duta na kanyang nasulat ay ang Dene, Dalawang Pag-ibig at ang "Anak ng Dagat". Sya rin ang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo Dr. Jose **GUMISING KA, AKING BAYAN!** **AKO'Y SI DANGAL ni Lope K. Santos** **SA TABI NG DAGAT ni Ildefonso Santos** Marahan-marahan manaog ka, irog, at kata'y lalakad maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring yaring at sa sakong na wari'y kinuyon na rosas **Gabi** Habang nagduruyan ang buwang ninikit sa lundo ng kanyang sinutlang liwanag. Isakay mo ako, baging mapamihag Sa mga pakpak mong humahalimuyak. **BAYANI ni Amado V. Hernandez** **Mga Tanaga ni Federico Liesi-Espino** (Hango sa Aklat ng Katipunan "Dalita at Tuksuhan") **ENEKWALIDAD** Nagdidildil ng asin Ang mga api't pob're Ang aso ng mayaman, Kumakain ng karne **TAMIS AT PAIT** Ang buhay asendero, Sintamis ng asukal, Ang buhay ng sakada, Simpait ng manunggal **MISERERE NG MAGDAMAG ni Federico Licsi Espino, Jr.** Habang dinudukot ng mga gusgusing kerubin ang biyaya ng basurahan, Panginoon, maawa ka; Habang nagmamailap ang anino ni Mammon sa mga alipin ng baraha Panginoon, maawa ka; Habang lumalaklak ng Dugo ni Dionysus ang di mabilang na sugapa, Panginoon, maawa ka; Habang hinahagkan ng mga Herodes ang mga Salomeng walang belo, Panginoon. Maawa ka, Habang pinapaslang ng tatlong binatilyo ang mga tanod ng Bumbay Panginoon, maawa ka Tigre ng Diyos sa gubat na "neon", silain mo kami. Tigre ng Diyos sa gubat na "neon", silain mo kami, Tigre ng Diyos sa gubat na "neon", magmadali ka. **PAGSUKAT NG LALIM** Ang tubig ay malalim. Malilirip kung libdin, sa diploma, ang galing Ay huwag susukatin. **BALNI NG GINTO** Ako ay may gangga-tuyo, Sana'y nararahuyo, Balana'y sumusuyo Sa kaliskis kong ginto, **ISANG DIPANG LANGIT ni Amado V. Hernandez**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser