Mga Tungkulin sa Pagsasaayos ng Tahanan PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides information on household chores, routines, and responsibilities, including tasks, schedules, and tools. It outlines daily, weekly, and monthly tasks for maintaining a household, covering different rooms in the house and proper cleaning methods.
Full Transcript
Basahin ang sitwasyon. Tulungan si Mercy. Marami nang pinagliitang damit si Mercy. Makukulay na SUBUKI bestida at t-shirts. Nais niya itong makita na N ITO napakikinabangan pa ang mga ito sa kanilang tahanan. Bukod pa dito kailangan na...
Basahin ang sitwasyon. Tulungan si Mercy. Marami nang pinagliitang damit si Mercy. Makukulay na SUBUKI bestida at t-shirts. Nais niya itong makita na N ITO napakikinabangan pa ang mga ito sa kanilang tahanan. Bukod pa dito kailangan na nilang palitan ang ilan nilang kagamitang pambahay. Sagutin: Ano ang maimumungkahi mo kay Mercy na maaaring paggamitan sa mga damit niya? Anong kagamitang pambahay ang maaaring gawin sa mga damit ni Mercy? Bakit mo ito nasabi? Tungkulin sa Pagsasaayos ng Tahanan Ang tahanang maayos at malinis ay kaaya-ayang tirahan ng isang mag-anak. Ang maaliwalas na tahanan ay nakahihikayat sa mga nakatira na gampanan ang kanilang tungkulin nang may kasiyahan. Ang kaayusan ng tahanan ay nakasalalay sa bawat kasapi ng pamilya. Kailangang may pagtutulungan at pagkakaisa upang matamo ang kaaya-ayang tahanan. Kasiya-siyang gawain ang pag- aayos ng tahanan kung gagawin ito nang may kawilihan. Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Tahanan Ang epektibong pangangasiwa ng tahanan ay karapatan at tungkulin ng mga magulang na ituro sa kanilang mga anak. 1. Pagpaplano — Bahagi nito ang mga layuning nais matamo. Dapat na igalang ng bawat kasapi ang nakatakda sa plano. Mahalagang pag-usapang mabuti at igalang ang opinyon ng bawat kasapi. Kailangan ang isang praktikal na plano ng paggawa upang magamit nang mahusay ang panahon. Maghanda ng plano o iskedyul ng mga gawaing-bahay. Mga Uri ng Gawain (gawaing dapat tapusin sa loob ng tahanan) A. Pang-araw-araw 1. pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan 2. pagluluto 3. paglilinis ng bahay 4. pagliligpit ng higaan 5. paghahanda ng hapag-kainan 6. pagwawalis 7. paglilinis ng bakuran 8. pagtatapon ng basura 9. pagdidilig ng halaman B. Lingguhan 1. paglalaba 2. pamamalantsa 3. paggogroseri 4. pagpupunas ng mga kuwadro 5. paglalagay ng floor wax 6. pagpapalit ng beddings—punda at kubrekama o bedsheet 7. pagpapalit ng mantel 8. pagsusulsi ng mga may punit/sirang damit C. Buwanan o Paminsan-minsan 1. pagpapalit ng kurtina 2. pag-aagiw ng kisame 3. pag-aayos ng mga damit sa kabinet 4. paglilinis ng bentilador 5. paggupit ng damo sa bakuran 6. pagpuputol ng mga sanga ng puno 2. Pagtatakda ng Tungkulin Mahalagang makatarungan ang pagbibigay ng tungkulin. Iniaayon sa kakayahan, kasarian, gulang, at kalusugan ng kasaping gagawa. Iayon sa kakayahan at hilig ng bawat kasapi Isaalang-alang ang kalusugan at lakas ng bawat kasapi May mga gawaing-pantahanan na maaaring gawin kahit ng nakababatang kasapi ng mag-anak 3. Pagsasagawa at Pagsubaybay Maingat na pagsubayba'y ang dapat gawin ng tagapangasiwa. Bigyan ng kalayaan ang gumagawa ng tungkulin na gawin ang kaniyang gawain ayon sa kaniyang paraan. 4. Pagpapahalaga Ibigay ang papuri o pagpuna. Papuri sa nagpakita ng kanais- nais na paggawa upang lalong ganahan at pagbutihin ang gawain. Sabihin ito sa malumanay at magandang pananalita. Talatakdaan ng mga Gawain sa Tahanan Ang paggawa ng talatakdaan ay isang paraan ng pagtitipid ng oras at lakas sa pangangasiwa tahanan. Suriin ang talatakdaan ng isang mag-anak para sa araw ng Sabado. Mga Gawain sa Tahanan Oras ng Taong Paggawa Gagawa 1. Pamamalengke/Paggogroseri 2. Pagluluto 3. Pagliligpit at paghuhugas ng pinaglutuan at pinagkainan 4. Paglilinis ng bahay at bakuran 5. Pagdidilig ng mga halaman 6. Pagpupunas ng mga muwebles 7. Pagtatapon ng basura 8. Pagwawalis/Pagbubunot ng sahig 9. Pagpapahid ng floor wax 10. Paglalaba 11. Pamamalantsa 12. Pag-aayos ng mga kabinet 13. Pagde-defrost ng refrigerator Gawain sa Bawat Bahagi ng Tahanan May gampanin ang bawat bahagi ng tahanan. 1.Sala o Silid-tanggapan - Silid na unang nakikita sa loob ng bahay. Dito tinatanggap ang mga bisita o panauhin. Pinananatili ang kaayusan at kalinisan nito upang maging kaaya-aya hindi lamang sa buong pamilya kundi pati na rin sa ibang tao. 2. Silid-kainan- lsa rin itong silid na para sa lahat. Malayang nagbabaha-gihan dito ng mabubuti at masasayang karanasan sa araw-araw na nangyari sa bawat kasapi ng mag-anak. Dito malilinang at masasanay sa kabutihang-asal, pagpapahalaga sa pagkain, pagtitipid, konsiderasyon, at pagbibigay-halaga sa nakahandang pagkain. 3. Silid-tulugan - Tanging may-ari ng silid na ito ang maaaring maglabas-pasok at matulog dito. Kailangan munang kumatok upang pag-buksan ang nais na pumasok dito o kung may sadya sa taong nagmamay-ari ng silid na ito. 4. Palikuran - Pribadong lugar ang silid na ito. Kumakatok muna ang nais gumamit nito bilang paggalang sa karapatan ng gumagamit. Kapamilya man o bisita ay kailangang humingi ng permiso sa pagpasok dito. Upang matiyak na malinis ang loob ng tahanan, dapat sundin ang mga hakbang sa paglilinis: 1. Magsimula sa kisame. Gumamit Mga ng walis na may mahabang Paraan hawakan. Isama ang ilawan. ng 2. Isunod ang dingding at mga Paglilinis larawang nakakuwadro. 3. Walisan ang ilalim ng kabinet, mesa, kama, at mga upuan. Ipunin ang dumi sa sahig. 4. Walisan ang mga gilid-gilid ng bahay papunta sa gitna. 5. Ilabas ang naipong mga dumi at ilagay sa basurahan sa labas ng bahay. Ilabas din ang doormat at ipagpag sa labas ng bahay. 6. Ihuli ang pagma-mop ng sahig. Pagkatapos, lagyan ng floorwax. 7. Punasan ang mga mesa, upuan, bintana, at iba pang gamit, pagkatapos ng pagwawalis at pagbubunot/pagpa-polish. Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pagsasaayos A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 1. Bunot Panlinis at 1.Kayurin ang pampakintab dumi ng sahig 2.Gupitin ang mga gilid ng bao na nakalitaw na BUNO T A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 2. Floor Panlinis at 1.I-unplug Polisher pampakintab kapag hindi ng sahig; ginagamit mabilis at 2.Iligpit sa madali Iigtas na lugar FLOOR POLISHE R A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 3. Mop Panlampaso 1. Labhan sa sa sahig tubig na may sabon 2. Banlawan at patuyuin MOP A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 4. Walis Panlinis sa 1. Linisin sa Tambo sahig at sa tubig na patag na may sabon mga ibabaw 2. Banlawan at na patuyuin kasangkapan 3. lbitin sa hawakan sa Walis Tambo A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 5. Pamunas at 1. Labhan sa Basahan pampaspas tubig na ng alikabok may sabon 2. Banlawan at patuyuin BASAH AN A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 6. Walis Panlinis sa 1. Itabi sa gilid Tingting hindi pantay o ligtas na at bako- lugar. bakong ibabaw gaya ng garahe at Walis Tingti ng A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 7. Walis Pantanggal 1.Linisin sa Tingting ng agiw sa tubig na may na may kisame at sa sabon mahaba matataas na 2.Banlawan at ng dingding patuyuin hawaka 3. Itabi sa gilid Walis Tingting na may mahaba ng hawakan A. Kagamitan sa Paglilinis Kagamit Pinaggaga Pangangalag an mitan a 8. Brush Panlinis sa 1.Linisin sa o kanal o tubig na may Eskoba estero sabon Panlinis sa 2.Banlawan at mga patuyuin muwebles na Brush o Eskoba B. Kagamitan sa Pagkukumpuni Kagamitan/ Gamit sa: Pangangala Kasangkapan ga 1. Pagkakabit at Ilagay sa Screwdriver pagtatanggal ng toolbox at tornilyo (screw) iligpit sa 2. Martilyo Pamukpok o ligtas na pambunot ng pako lugar na 3. Plais Panghawak sa hindi maliliit na bagay; maaabot ng pambaluktot, maliit na pampilipit, o bata. kaya’y pamputol Screwdriver Screw Martilyo Plais (Pliers) Kagamitan/ Gamit sa: Pangangala Kasangkapan ga 4. Lagari Pamutol ng Ilagay sa kahoy at bakal toolbox at 5. Gunting Panggupit o iligpit sa pantabas ligtas na 6. Katam Pangkinis ng lugar na kahoy hindi maaabot 7. Paet Pang-uka ng ng maliit na kahoy bata. Gunting Katam Paet Pagpili at Pag-aayos ng Muwebles at Iba Pang Kasangkapan Narito ang ilang mungkahi na makatutulong sa pagpili ng muwebles: 1. Pumili ng matibay at pangmatagalang muwebles. 2. Piliin ang upholstered na muwebles na madaling linisan at labhan. 3. Pumili ng simpleng disenyo na madaling bagayan ng iba pang kasangkapan sa bahay. 4. Ibatay ang laki at bilang ng muwebles sa laki ng silid na paglalagyan. 5. Piliin ang disenyong tutugma sa estilo ng silid ng bahay. 6. Suriing mabuti ang kasangkapan bago bilhin. 7. Pag-isipang mabuti ang kasangkapang kailangang bilhin. Itala ang espisipikasyon at detalye ng materyales, estilo, disenyo, at laki. Wastong Pag-aayos ng Iba't Ibang Bahagi ng Tahanan Upang mapanatiling kaaya-aya ang tahanan, ang bawat bahagi nito ay nararapat na malinis, maayos, at laging presentable. Sala o Silid-tanggapan 1. Ibatay ang sukat ng silya, mesa, at mga kabinet sa sukat ng silid. 2. Magsabit ng mga larawan ng magagandang tanawin o paintings. 3. Maglagay ng plorerang may bulaklak o iba't ibang kulay ng marble sa gitna ng mesa. 4. Ang mga kabinet sa sala ay maaaring lagyan ng mga palamuti sa ibabaw tulad ng pigurin o iba pang koleksiyon na nagsilbing libangan. Iwasan ang pagsisiksikan ng mga palamuti. 5. Maglagay ng kurtina o venetian blinds sa bintana. Iangkop ang kulay sa mga muwebles. Silid-kainan 1. Maglagay ng plorerang may bulaklak o iba't ibang uri ng prutas sa gitna ng mesa. 2. Lagyan ng placemat na nababagay ang kulay sa mesa at silya. 3. Ilagay sa kabinet ang mga baso, pinggan, kutsilyo, kutsara, at tinidor na hindi ginagamit. 4. Magsabit ng mga larawan sa dingding na bagay sa silid-kainan. 5. Ugaliing isaayos ang mga silya kapag hindi ginagamit. Silid-tulugan 1. Lagyan ng kurtina ang bintana sa silid. Iangkop ang kulay sa pintura ng silid. 2. Lagyan ng sapin o bedsheet ang kama at punda ang mga unan. Mas magandang tingnan kapag pareho ang kulay ng punda at sapin sa kama. 3. Pagtabihin ang tokador at kabinet. Mas mainam ilagay ito sa maliwanag na lugar. 4. Ayusing mabuti ang mga kagamitan tulad ng suklay, pulbos, lotion, at iba pang gamit sa katawan. 5. Iayos ang mga damit ayon sa gamit sa aparador o kabinet. 6. Lagyan ng mga larawan ang dingding tulad ng sariling larawan at diploma. 7. Lagyan ng palamuti ang ibabaw ng kabinet. Ilang Mungkahi sa Paggawa ng mga Palamuti sa Bahay Ang paggawa ng mga palamuti ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga patapong bagay. Kailangan lamang maging malikhain upang makabuo ng isang maganda at kaakit-akit na makapagbibigay ganda sa tahanan. A. Gawain: Palamuting Bato Materyales: katamtamang laki n bato, brush, pintura na iba't ibang kulay Pamamaraan 1. Linising mabuti ang bato para rnaalis ang mga buhangin. 2. Lagyan ng disenyong nais ilagay at pinturahan. 3. Patuyuin. Ilagay sa ibabaw ng kabinet B. Gawain: Plorera Materyales: plastik na basyo ng litro ng softdrinks, gunting, cutter Pamamaraan: 1. Putulin sa pamamagitan ng cutter ang dulo ng bote na may sukat na 2 pulgada (inches) pabilog. 2. Gupitin pababa na may guhit ng botelya na may sukat na 3 pulgada. 3. Gupitin nang patulis ang bawat dulo ng nagupit. B. Gawain: Plorera 4. Lagyan ng kapirasong hiwa ang dulo ng kapantay na nagupit. 5. Isuot ang hiniwang patulis na dulo sa hiwang ginawa sa bandang puwitan ng botelya. 6. Maaaring lagyan ito ng halaman o mga marble na may iba't ibang kulay. Ang paggawa ng mga palamuti o mga kagamitang pambahay gaya ng table runner, table napkin, o throw pillow ay maaaring pagkakitaan. Maging matiyaga lamang sa pagsasaliksik sa Internet. Sa pagbabasa ng mga aklat at magasin para malaman ang kasalukuyang kalakaran sa pamilihan tungkol sa kagamitan sa bahay; ang interior design and decoration, at iba pa na magsisilbing inspirasyon upang mahikayat na lumikha ng iba't ibang kagamitang pambahay. Pag-aralan ang isang paraan sa paggawa ng kitchen linen sa murang halaga lamang Mga Kailangan: Sako o katsa ng arina (depende sa gagawin ang bilang na bibilhin) Sabon Chlorine Paraan: 1. Banlawan ang katsa para matanggal ang mga natitirang pulbos ng arina 2. Ibabad nang magdamag ang katsa sa tubig na may sabon at chlorine 3. Labhan, banlawan nang mabuti at patuyuin 4. Tastasin ang mga tahi, gupitin at paghiwalayin ang bahaging may imprenta at bahaging plain o walang imprenta. 5. Plantsahin 6. Tiklupin ang mga gilid at tahiin 7. Maging malikhain sa paglalagay ng disenyo sa mga pamunas na ito.