Summary

This document provides an overview of different Filipino literary approaches used in analyzing literary works. It details the concepts and applications of various critical lenses like biographical, historical, humanistic, Marxist, archetypal, imagistic, romantic, existentialist, deconstructionist, naturalism, realist, formalist, moralist, sociological, psychological, and feminist.

Full Transcript

MGA DULOG PAMPANITIKAN Sistematikong pag- aaral o pagsusuri ng mga akdang pampanitikan DULOG Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. PAGDULOG BAYOGRAPIKAL  Sa pagdulog na ito, karaniwang hinahanap ang: Pagsasalamin ng akda sa mga karana...

MGA DULOG PAMPANITIKAN Sistematikong pag- aaral o pagsusuri ng mga akdang pampanitikan DULOG Isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. PAGDULOG BAYOGRAPIKAL  Sa pagdulog na ito, karaniwang hinahanap ang: Pagsasalamin ng akda sa mga karanasan ng may-akda upang higit na maunawaan ang dalawa. Pagtukoy sa mga karanasan at damdaming nagtutulak sa indibidwal na lumikha ng isang obra. Sa paggamit ng pagdulog na ito, makatutulong sa manunuri na tingnan ang sumusunod: Lahi Pisikal na katangian Estado sa lipunan Kasarian Pamilya Paniniwala (Relihiyon at Politika) Edukasyon Mga Karanasan PAGDULOG HISTORIKAL Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipapaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik- alaala sa panahong kinasasagkutan ng pag-aaral. PAGDULOG HUMANISMO Makataong kritisismo ang pagpapahalagang napapaloob sa panitikan. Pinalulutang nito ang kadakilaan, kagitingan ng tao sa knyang pagharap. PAGDULOG MARKISMO Inuunawa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. PAGDULOG ARKETIPAL Ang pagdulog arketipal o mitolohikal ay nahahawig sa pananaw sikolohikal na nakatuon ang atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Matatagpuan sa akda ang mga huwaran o pardon at kaayusan ng buhay na makikita rin sa halos lahat ng uri ng tao sa daigdig, PAGDULOG IMAHISMO Kung ilalapat ang imahismo sa pag-aaral ng panitikan: Pagtutuunan ang gagamiting mga salita Angkop at pangkaraniwan ang mga ito at hindi ginagamitan ng palamuting salita. Higit na pinahahalagahan ang mga salitang tumutumbok sa bisang pangkaisipan at pandadamin ng mga imaheng nakapaloob. Dapat mo ring suriin ang ritmo ditto, kung ito’y isang tula, regular ba ang indayog sa bawat taludtod, maabagal ba, magaan, PAGDULOG ROMANTISISMO MGA KATANGIAN NG AKDANG ROMANTIKO Sabjektiv at individwalistik ang istilo ng manunulat May matibay na paniniwala sa Diyos May pagpapahalaga sa kalikasan at paniniwalaang ang Diyos at kalikasan ay iisa subalit dito may mataas na pagpapahalaga sa masa o sa karaniwang tao, mga api at mahihirap May pag-ibig sa Kalayaan May pambihirang sensibilidad ang mga awtor at ang mga akda ay bunga na nag-umapaw sa damdamin PAGDULOG EKSISTENSYALISMO Madaling ilapat ang eksistensyalismo sa pagtuturo ng panitikan: Binibigyang tuon ay ang karakter at ang paraan ng tao sa pagharap ng problema. Sa ibang salita, hinahanap ang pagka-indibidwal ng tauhan. Kadalasan ay may pagkarebelde ang manunulat o walang pakialam sa kanyang lipunan, at ito’y makikita sa kanyang akdang kinatha. PAGDULOG DEKONSTRUKSYON Kung ilalapat mo sa iyong akdang binabasa ang dekonstruksyo: Hanapin ang mga kaalaman tungkol sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan, kasaysayan ng tao at lipunan ng tao (lipunang kanyang ginagalawan) PAGDULOG NATURALISMO Ang akdang nilalapatan ng naturalismo ay kakikitaan ng mga kasuklam-suklam na detalye ng buhay, marumi, mabangis,at mapaniil Ang kanyang tauhan ay nakikipagsapalaran upang mabuhay at pinahahalagahan ang kapaligiran sa kanyang pakikipagsapalaran. PAGDULOG REALISMO Sa pagsusuri ng akda natutukoy rito ang mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao, lipunan at pinalulutang dito Ang mga kaisipang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng tauhan sa kanyang kapwa at lipunan Nasusuri rin dito ang mga tauhan batay sa pagbabagong pisikal PAGDULOG PORMALISTIKO Pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aralan ang mga elementong bumubuo sa katha. Pormalistiko ang dulog kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may akda,pangkasaysayan man o panlipunan. Napagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain ng komposisyong ito. Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng katha – tauhan, tagpuan at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. PAGDULOG MORALISTIKO Hindi sapat na ilahad ang panitikan bilang salamin ng buhay kundi manapa’y sa isang malikhain at masining na kaparaanan ng manunulat ay maipakita ang mga: a. Kaisipang moral b.Ang halaga ng tao c. Ang kanyang karangalan d.kadakilaan Binibigyang-diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan. Nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, kaisipan at damadamin ng tao. PAGDULOG SOSYOLOHIKAL Mainam na gamitin sa pag- aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t-ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan. Binibigyang pansin ang ugnayang sosyo- kultural, politikal, kapamuhayan at damdamin, asal, kilos, reaksyon ng tao dito. Sa pagsusuri ng akda tinatalakay ang mga: Kalagayang sosyal Kapamuhayan Ang mga sitwasyong nag-uudyok ng karahasan Nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay Mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga gaya ng pang-aapi, kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao PAGDULOG SIKOLOHIKAL Maituturing na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang akda. Mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal. Sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao. PAGDULOG FEMINISMO Isang pagbalikwas sa praktikal na sistema ng lipunan na ang lalaki ang may kontrol ng lipunan. Tagasunod sa lalaki sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, pulitika, ekonomiya, lipunan, batas, sining Sa pagsusuri ng akdang tinatalakay mababakas ang feminismo sa dalawang monologong binasa: Sa pagkakasalin nito sa Filipino Kaya ang mga salita ay walang takot at diretso ang pagpapahayag ng kaisipan Maselan ang tema ng monolog – kataksilan ng babae sa minamahal niyang asawa at murder o PAGDULOG ISTAYLISTIKO Susuriin ang wikang ginamit ng awtor: DI- PORMAL PORMAL Pambansa Balbal Pampanitikan Kolokyal Paningin o pananaw ng pagkakasulat ( unang panauhan, pangalawa, ikatlo). Paraan ng paglalarawan ng tauhan at ganapan ng kilos. Mga tayutay na ginamit Prosodic devices ( tono, diin, antala at haba ng Maraming Salamat Sa Pakikinig! 

Use Quizgecko on...
Browser
Browser