YUNIT 3 Filipino sa Agham, Teknolohiya, at Iba pang Kaugnay na Larangan - 3 Pagsusulit
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Week 3 STS: Science, Technology and Nation-Building PDF
- Science, Technology, and Society in the Philippines PDF
- Science, Technology and Nation Building-Philippines PDF
- Science, Technology, and Nation-Building PDF
- History of the Philippines: Science and Technology, PDF
- G12_Aralin 5_Disiplina sa Iba't Ibang Larangan PDF
Summary
Ang mga tala ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa YUNIT 3 Filipino sa Agham, Teknolohiya, at Iba pang Kaugnay na Larangan. Binabalangkas nito ang mga layunin at nilalaman ng yunit sa pamamagitan ng iba't ibang paksa, kabilang ang komunikasyon sa agham, at iba pang kaugnay na larangan.
Full Transcript
AGHAM AT SUSI SA TEKNOLOH PAG- IYA UNLAD AGHAM AT TEKNOLOHIYA Wikang Ingles Walang katumbas o salin ang mga terminolohiya Kung meron man…. Pagdudulot ng kalituhan Kakulangan sa kasanayan sa paggamit Dr. Fortunato Sevilla III Acad...
AGHAM AT SUSI SA TEKNOLOH PAG- IYA UNLAD AGHAM AT TEKNOLOHIYA Wikang Ingles Walang katumbas o salin ang mga terminolohiya Kung meron man…. Pagdudulot ng kalituhan Kakulangan sa kasanayan sa paggamit Dr. Fortunato Sevilla III Academian at Professor Emeritus sa UST Gumamit ng wikang Filipino sa kanyang klase sa Kemistri sa Kolehiyo ng Agham “higit na malaya sa pagtatanong at higit na buhay ang talakayan kapag sariling wika ang gamit sapagkat hindi rin naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles.” Dr. Fortunato Sevilla III Anya, “ Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, Espanya, at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi paunlarin ang sariling wika para sa maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” Tulad ng inaasahan, tutol dito ang ilang siyentipiko sapagkat makapipigil daw ito sa pagiging globally competitive ng mga estudyante dahil Ingles ang lingua franca o medium of communication sa mundo. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran. Makpagsalin ng (mga) artikulo, pananaliksik at iba pa na makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaryong diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino. INTELEKTWALISASYO N NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPIKO- TEKNIKAL Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa larangan ng agham at teknolohiya. Napakaraming terminolohiya na ginagamit dito na mahirap maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Limitado ang bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan na gamitin ito bilang wikang panturo. Dekada 60’s at dekada 80’s may nabuong diksyunaryo ang mga siyentipiko Ang Talahulugang Pang-agham : Ingles Pilipino Dr. Jose Sytangco Isang manggagamiot mula sa UST English-Pilipino Vocabulary for Chemistry Mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda Propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas Sa kasalukuyan, ang UP lamang ang may librong pang-agham sa Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito at dahil na rin sa masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang unibersidad sa pagsusulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko- teknikal kailangan ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya”. 2 proseso sa pagtatamo ng Intelektwalisasyon ng wika sa akademya. Linggwistiko Ekstra-linggwistiko o Linggwistiko 1. pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdebelop ng akademikong diskurso. o Linggwistiko 2. Pagdebelop ng corpora o lawak ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang 3. Pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang. o Esktra- Linggwistiko 1. Pagbuo ng creative minority o significant others o mga intektwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya at ng estilo o retorika at magpalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala at pagtuturo. o Zafra (2003) Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika. Disiplina sa larangan ng Agham Ang salitang siyensiya o science ay mula sa salitang Latin na Scientia na nangangahulugan ng karunungan. Ito ay higit na kilala ng mga Pilipino sa tawag na agham. Ito ay tumutukoy sa sistematikong pag- aaral gamit ang sistematikong pamamaraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng mga haka-haka. Ang layunin nito ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya. o Biyolohiya Nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organism kabilang ang kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya. o Kemistri Nakatuon sa komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon sa enerhiya at sa sarili ng mga ito. o Pisika Nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter. Mula ito sa Griyego na Phusike o kaalaman sa kalikasan. o Earth Science/Heolohiya Ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga planeta sa kalawakan, ng mga bato kung saan gawa ito at ang mga proseso ng kanilang pagbabago, at iba pang pisikal na element kaugnay ng pagbuo, estruktura at mga phenomena nito. o Astronomiya Pag-aaral na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aralan nito ang pinagmulan, pagbabago at mga katangiang pisikal at kemikal ng mga bagay na napagmamasdan sa kalangitan, pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan. o Matematika Ito ay siyensya ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika, at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo, espasyo at estruktura na inihahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Nag mga matematika ay lumulutas ng katotohanan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga arumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito. Disiplina sa larangan ng Teknolohiya Ang teknolohiya ay pinagsamang salitang Griyego na techne (siing, kakayahan, craft o kung paraan kung paano ginagawa ang bagay); logos o salita, pahayag, o bigkas na pahayag. Ang praktikal na palikasyon ng mga impormasyon at teoryang pansiyensiya. Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan at lipunan. o Information Technology (IT) Ito ay tumutukoy sa pag-aaral at gamit ng teknolohiya kaugnay ng pagbibigay at paglilipat ng impormasyon, datos at pagpoproseso. Tumutukoy rin ito sa pag-unawa, pagpaplano, pagdidisenyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma, suporta, solusyon at operasyon ng mga software at kompyuter. o Inhinyeriya ito ay nagmula sa salitang Kastila na ingeniera o ingenieria. Ito ay nakatuon sa paglalapat ng agham upang matugunan ang pangngailangan ng sangkatauhan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko, matematika at praktikal na karanasan upang makabuo ng mga disenyo Filipino sa Pagsulat sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya at Matematika o Metong IMRAD Introduksyon Metodo Resulta Analisis Diskusyon o Introduksyon Nakapaloob dito ang problema, motibo, layunin. Backgraound at pangkalahatang pahayag. Bakit isinagawa ang pag-aaral? Nag mga tanong na dapat sagutin? Ano ang pinatunayan ng hipotesis? o Metodo Nakapaloob ang mga modelo at panukat na gagamtin, ano, kailan, saan, paano gagamitin ang materyal. Sino-sino ang sangkot? (Disenyo ng Pag-aaral, respondent at paraan ng pagpili. Lugar ng Pag-aaral, hakbang na Isasagawa, instrumenting gagamitin, Istatistikang Panunuri) o Resulta Nakapaloob dito ang resulta ng gianwang empirical na pag-aaral. Tama ba ang hipotesis? Ipapakita ito sa pamamagitan ng mga tsart, graph, plot at iba pang graphic organizer. o Analisis Nakapaloob ang analisis ng isinagawang pag-aaral batay sa resulta. o Diskusyon Nakapaloob dito ang diskusyon at konklusyon ng isinagawang pag-aaral. Ano ang implikasyon ng resulta? Bakit? Ano ang maitutulong nito sa lipunan sa hinaharap? May mga paglabag ba ito sa etika? Makabuluhan ba ito? Masasabi bang malaking kontribusyon ito sa sangkatauhan? Proseso, Layon at Kahalagahan ng Pagsasaling siyentipiko at Teknikal Panukalang hakbang sa pagsasalin ayon sa parkatika ng Unibersidad ng Pilipinas (Almario, 1997) ayon kina (San Juan et al.,) 1. Pagtutumbas mula sa Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika sa Pilipinas. 2. Panghihiram sa Espanyol 3. Panghihiram sa Ingles, pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles. 4. Paglikha Ilang halimbawa ng mga salitang siyentipiko at teknikal na naisalin sa Filipino English Filipino Asthma Hika Blister Paltos Ovary Itlugan Sex Kasarian English Filipino Tendon Litid Ringworm Buni Sperm Punlay (punla+buhay) Telephone Hatinig (Hatid+tinig) English Filipino Chemistry Kapanayan (sangkap+hanayan) Mathematics Sipnayan (isip+hanayan) Germ Binhay (binhi+buhay) Salin sa wikang Filipino ng mga Salitang medical mula sa Philippine Council for Health Research and Development o Haynayan (biology) Isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organism. o Mikhaynayan (microbiology) Isang natural na agham ukol sa pag-aaral sa miktataghay o microorganism. o Mulatling Haynayan (molecular biology) Pag-aaral ng mga istruktura at tungkulin ng mulatil o molecule sa mga nabubuhay na organismo. o Palapuso (cardiologist) Isang dalubhasa ng palapusuan o cardiology o Palabaga (pulmonologist) Isang dalubhasa ng palabagaan o pulmonology o Paladiglap (radiologist) Isang dalubhasa ng paladiglapan o radiology o Sihay (cell) Ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na organismo o Muntilipay (platelet) Mga selula o sihay na may mahalagang papel sa pagpapagaling ng mga sugat na dumadadaan sa daluyan ng dugo. o Kaphay (plasma) Isang bahagi ng dugo na ang pangunahing trabaho ay ang transportasyon ng mga ensyma, nutrisyon at hormona. o Iti, daragis, balaod (tubercolosis) Impeksyon sa baga na nagmumula sa isang uri ng ishay o bacteria, ang myobacterium tubercolosis o Sukdulin, altapresyon (hypertension) Isang medical na kondisyon kung saan ang presyon ng dugo sa mga malaking ugat ay labis na mataas. o Mangansumpong (arthritis) Ang pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigaw ng bahaging ito. o Piyo (gout) Isang uri ng mangansumpong o rayuma na dulot ng abnormal na metabolism ng uric acid o Balinguyngoy (nosebleed) Pagdurugo ng ilong Maghanda para sa pagsusulit bilang 3