Yunit 3 (Aralin 1): Elemento ng Pagkabansa PDF
Document Details

Uploaded by AdvancedStar2061
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga elemento ng pagkabansa, kabilang ang mga tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya. Maganda rin ang talakayan tungkol sa mga uri ng pamahalaan at ang Pilipinas bilang isang bansa. Nakapokus sa pangkalahatang mga konsepto ng pagkabansa.
Full Transcript
Yunit 3 (Aralin 1 ) : Elemento ng Pagkabansa Ang bansa ay isang entidad na binubuo ng pangkat ng mga tao na sama-samang naninirahan sa isang tiyak na lugar o teritoryo na pinagbubuklod ng magkakatulad na kulturang sumasalamin sa wika, pamana, relihiyon, at lahing nakapaloob dito. Sa kasaluku...
Yunit 3 (Aralin 1 ) : Elemento ng Pagkabansa Ang bansa ay isang entidad na binubuo ng pangkat ng mga tao na sama-samang naninirahan sa isang tiyak na lugar o teritoryo na pinagbubuklod ng magkakatulad na kulturang sumasalamin sa wika, pamana, relihiyon, at lahing nakapaloob dito. Sa kasalukuyan, mayroong 195 na mga bansa sa buong daigdig. Apat na Elemento ng Pagkabansa 1. Tao o Mamamayan- ito ang pinakamahalagang elemento ng estado Tsina o China - bansang may pinakamaraming bilang ng tao o populasyon sa buong mundo. Vatican City - ang may pinakamaliit na bansa o populasyon 2. Teritoryo- ito ay ang mga lugar kung saan naninirahan ang mga tao. Ito ang lawak o laki lupain at katubigang sakop ng isang bansa Russia - ang pinakamalaking bansa ayon sa teritoryo nito Vatican City - ang pinakamaliit na bansa 3. Pamahalaan - ito ang pangunahing institusyon na gumagawa at nagpapatupad ng mga batas sa bansa Iba- ibang Uri ng Pamahalaan Demokratiko Republikano Monarkiya Aristokrasya 4. Soberanya - ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na ipatupad ang mga umiiral nitong batas 2 Uri ng Soberanya 1. Soberanyang Panloob - ito ay kakayahan o kapangyarihan ng isang bansa na ipatupad ang mga batas sa sinusunod ng mga tao o mamamayan sa loob ng teritoryo nito. 2. Soberanyang Panlabas - ito ay kakayahan o kapangyarihan ng isang bansa na pamahalaan ang estado at ipatupad ang mga batas nito nang hindi pinanghihimasukan ng ibang bansa. Pilipinas Bilang Isang Bansa Nang makamit natin ang kasarinlan o kalayaan noong Hunyo 12, 1898 , Republika ng Pilipinas ang opisyal na pangalan ng ating bansa. Demokratiko ang uri ng ating pamahalaan na pinamumunuan ng isang pangulong halal ng mga tao. Tao sa Pilipinas Pilipino - ito ang tawag sa mga tao o mamamayan sa Pilipinas Teritoryo ng Pilipinas Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo ,kalupaan katubigan, at himpapawirin nito na nasa hurisdiksyon ng Pilipinas. Pamahalaan ng Pilipinas Ang Pilipinas ay isang bansang presidensyal Ang mga tao ang naghahalal ng pangulong tatayong pinuno ng bansa. Uri ng pamahalaan - republikano - demokratiko Soberanya ng Pilipinas Ang kalayaan ng Pilipinas ay may masalimuot na kasaysayan. Noong 1935 sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano ay ibinigay sa Pilipinas ang simula ng Pamahalaang Komonwelt. Nanumpa bilang pangulo at pangalawang pangulo sina Manuel L.Quezon at Sergio Osmeña ng Pamahalaang Komonwelt. Iba Pang Katangian ng Pilipinas Bilang Bansa Kultura - ay isang sibilisasyon ng isang bansa na nagpapakilala ng teknolohiya, wika, sining, at kaugalian ng mga tao Pamana - ay tumutukoy sa kontribusyon sa kalinangan ng bansa o daigdig Wika - ay isang instrumento ng pagpapahayag ng saloobin, kaisipan o damdamin at ginagamit sa pakikipagtalastasan Filipino ang wikang pambansa sa Pilipinas. Ito ang wikang nagbubuklod sa bawat Pilipino. Relihiyon - ay isang sistema ng paniniwala ng mga tao Lahi - ay tumutukoy sa anumang uri o grupo ng tao na makikilala batay sa kulay ng kanilang balat, hugis ng mga mata, kulay ng buhok, taas, laki ng katawan at iba pa Yunit 3 (Part 1 of Aralin 2 ) : Balangkas ng Pamahalaan Ang pamahalaan ay isang institusyong gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Tungkulin nito ang pagtataguyod sa karapatang pantao at kapakanan ng nasasakupan nito. Tinatawag din itong gobyerno. Mga Uri ng Pamahalaan 1.Awtokrasya ( Autocracy) Ito ay uri ng pamahalaan kung saan ang lubos na kapangyarihang mamuno ay nasa kamay ng iisang tao lamang. Kalimitang nauuwi ito sa diktaduryang uri ng pamahalaan. 2. Oligarkiya ( Oligarchy) Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihang mamuno at magpasya para sa mga tao ay nasa kamay lamang ng iilan at piling mga tao sa lipunan batay sa kanilang kayamanan, katayuan, at kapangyarihan. 3.Monarkiya ( Monarchy) Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihang mamuno at magpasiya ay nasa kamay ng soberanong may titulong hari, reyna, emperador, o iba pang monarka. 4.Aristokrasya ( Aristocracy) Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihang mamuno at magpasiya ay nasa kamay ng soberanong may titulong hari, reyna, emperador. 5.Teokrasya ( Theocracy) Ang teokrasya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihang mangasiwa sa pang-araw-araw na daloy ng gobyerno ay nasa kamay ng isang pinunong panrelihiyon. 6. Demokrasya ( Democracy) Ito ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihang mamuno ay nasa kamay ng taong-bayan. May kapangyarihan ang mga tao na pumili ng pinuno para sa kanila. Mga Pinuno at Uri ng Pamahalaang Pinamunuan Nito: 1.Awtokrasya ( Autocracy) Benito Mussolini ( Italya o Italy) Adolf Hitler (Alemanya o Germany) Fidel Castro ( Cuba ) 2. Oligarkiya ( Oligarchy) Xi Jinping ( Tsina o China) 3. Monarkiya ( Monarchy) Salman Bin Abdulaziz Al Saud ( Saudi Arabia) Hassanal Bolkiah ( Brunei) Charles III ( Great Britain) 4.Aristokrasya ( Aristocracy) Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan (United Arab Emirates o UAE ) 5. Teokrasya ( Theocracy) Pope Francis ( Vatican City) 6.Demokrasya ( Democracy) Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ( Philippines o Pilipinas) Joe Biden (United States of America o USA) Yunit 3 (Ikalawang Bahagi ng Aralin 2 ) : Balangkas ng Pamahalaan Ang pambansang pamahalaan ang nagsasa-ayos ng lahat ng bagay sa loob ng bansa upang maging matiwasay ang paninirahan ng mga mamamayan dito. Nakasaad sa Artikulo 2, Seksyon 1 ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987 ang uri at katangian taglay ng pamahalaan ng ating bansa. Uri ng Pamahalaan ng Pilipinas Demokratiko Republikano Ang demokrasya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ng mga namumuno sa bansa ay nagmumula sa mga mamamayan. Ang republikanong pamahalaan ay isang pamahalaang demokratiko na binubuo ng ng mga kinatawan na pinili ng mga mamamayan sa pamamagitan ng halalan. Mga Katangian ng Pilipinas bilang isang estadong republikano at demokratiko 1.Sinusunod ang prinsipyong hindi maaaring ihabla o kasuhan ang estado ng walang pahintulot. 2. Malayang nakapipili ang mga mamamayan ng kanilang mga pinuno sa pamamagitan ng halalan. 3. Pinanatiling nasusunod ang prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan (separation of powers) sa mga sangay ng pamahalaan. 4. Pinahahalagahan ang kagustuhan ng mas nakararaming mamamayan at binibigyang-halaga at ginagalang ang mga isinasaad sa Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights na itinadhana ng Saligang Batas. Presidensyal Ito ay uri ng pamahalaan kung saan ang sangay ng tagapagpaganap o ehekutibo ay malaya sa sangay tagapagbatas o lehislatura. Sa pamamagitan lamang ng “impeachment” maaaring maalis ang kapangyarihan ng isang pangulo. Balangkas ng Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas Tatlong ( 3 ) Sangay ng Pambansang Pamahalaan 1. Tagapagpaganap ( Ehekutibo ) - Ito ay sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas. a. pangulo - pinakamataas na pinuno ng bansa Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. - pangulo ng Pilipinas Ang pangulo ay nanunungkulan sa loob ng anim (6) na taon at hindi na maaaring maihalal pa pagkatapos ng kaniyang termino. Siya ang nagpapatupad ng mga batas sa ating bansa. b. pangalawang pangulo - sumunod na pinakamataas na pinuno ng bansa Sara Duterte - pangalawang pangulo ng Pilipinas Siya ang maaaring humahalili sa tuwing hindi magagampanan ng pangulo ang kanyang mga tungkulin. c. Gabinete - Ang Gabinete ay binubuo ng iba’t ibang kagawaran at ahensya kalihim o secretary - ito ang tawag sa pinuno ng mga ahensya o kagawaran Ang bawat kagawaran ay pinamumunuan ng isang kalihim na iniluluklok ng pangulo. 2. Tagapagbatas ( Lehislatura) - Ito ay sangay na may kapangyarihang gumawa ng mga batas. Ito ay binubuo ng Senado at Kapulungan ng Kinatawan. a. Senado - Binubuo ng dalawampu’t apat na mga senador (24 ) Pangulo ng Senado o Senate President - ito ang pinuno ng senado b. Kapulungan ng Kinatawan - Ito ay binubuo ng tatlong daang (300) kinatawan o kongresista. Bukod dito mayroon ding mga kinatawan na nagmula sa sektor ng pamayanan. Ang tawag sa kanila ay Party List. Ispiker o House Speaker - ito ay tawag sa namumuno sa Kapulungan ng Kinatawan 3.Tagapaghukom (Hudikatura)- Ito ay may kapangyarihan sa paghuhukom ng ating bansa. Ang tungkulin nito ay maglitis ng mga kaso ukol sa paglabag sa batas Bumubuo sa Sangay na Tagapaghukom a. Korte Suprema o Supreme Court - Ito ang pinakamataas na hukuman ng ating bansa. Ito ay binubuo ng labinlimang (15) mahistrado. Punong Mahistrado o Chief of Justice -pinakamataas na pinuno ng Korte Suprema b. Mababang Hukom ng Pilipinas Ito ay binubuo ng Court of Appeals, Sandiganbayan at Regional Trial Courts. Espesyal na Korte o Spacial Court - Shari’a Court - hukom o korte para sa mga Muslim Yunit 3 (Aralin 3 ) : Mga Serbisyo ng Pamahalaan 1.Programang Pangkalusugan Department of Health (DOH) - Ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa. - Bida Bakunasyon - Adolescent Health and Development - Aedes-borne Viral Diseases Prevention and Control Program - Den-GET OUT! - Dental Health Program - Expanded Program on Immunization - Mental Health Program - Safe Motherhood Program - Philippine Health Insurance (PhilHealth) 2.Programang Pang-edukasyon Mayroong tatlong ahensya ng pamahalaan ang responsable upang masiguro ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon: Department of Education (DepEd) -Ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa sistema ng edukasyon sa bansa mula kindergarten hanggang senior high school. - Matatag Kurikulum ng Programang K to 12 - Every Child A Reader Program ( ECARP) - Alternative Learning System ( ALS) Commission on Higher Education ( CHED) - Ang CHED ang nangangasiwa sa mga programang pang-edukasyon para sa mga nasa kolehiyo. - Student Financial Assistance Programs(StuFAPS) Technical Education and Skills Development Authority ( TESDA) - Ang TESDA ay tagapangasiwa ng programang teknikal na siyang makatutulong upang magkaroon ng sapat na kasanayan ang mga taong may trabahong tenikal ( blue collar job). -TVET 3. Programang Pangkapayapaan Department of National Defense (DND) - Ang ahensya na nagpapanatili sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa buong bansa. - Armed Forces of the Philippines (Sandatahang Lakas ng Pilipinas) - Philippine Army (Hukbong Katihan ng Pilipinas ) - Philippine Air Force (Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ) - Philippine Navy ( Hukbong Dagat) Department of Interior and Local Government (DILG) - Layunin nito na panatilihin ang kaayusan , kaligtasan ng publiko at palakasin ang local na pamahalaan. - National Police Commission ( NAPOLCOM) - Philippine National Police - Bureau of Fire Protection 4. Programang Pangkabuhayan Department of Trade and Industry -Ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa industriya ng pagnenegosyo. - SSF (Shared Services Facilities) Department of Labor and Employment -Layunin nitong protektahan ang karapatan ng mga manggagawa at panatilihing maayos ang ugnayan ng empleyado at employer. - Kabuhayan para sa Magulang ng Batang Manggagawa ( KASAMA) - Youth Entrepreneurship ( YES) Project - Kabuhayan Starter Kit Department of Agriculture- Layunin nitong tulungan ang mga magsasaka -Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo ( 4Ks) 5.Programang Pang-impraestruktura Department of Public Works and Highways - Ahensyang may tungkulin na magpagawa at magsayos ng mga impraestruktura sa bansa - paliparan (airport) - tulay at kalsada - MRT Station - mga gusali