Aralin 11: Ang Soberanya ng Pilipinas PDF
Document Details

Uploaded by EnterprisingSphene518
Tags
Related
- Introdução ao Direito - PDF
- Estado, Soberanía y Democracia (5º Secundaria) PDF
- Estado, Organización y Agencia PDF
- Território, Soberania e Crimes de Segundo Estado: A Escritura nos Corpos das Mulheres de Ciudad Juarez - PDF
- Tema 1: Los Conceptos de Soberanía, Estado y Poder (Anna)
- Ang Political Dimension at Cultural Dynamics - PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa soberanya ng Pilipinas. Tinalakay dito ang kahulugan, kahalagahan, at mga elemento ng soberanya. May mga talakayan rin hinggil sa mga tungkulin at mga katangian ng soberanya.
Full Transcript
Ang SOBERANYA ng Pilipinas Layunin: Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sa pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa INTRODUKSYON 1. Ano ang soberanya? 2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng soberanya ng isang bansa? Iapaliwanag Pag-uugnay sa Kasunod na Bahagi Nau...
Ang SOBERANYA ng Pilipinas Layunin: Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng soberanya sa pagpapanatili ng kalayaan ng isang bansa INTRODUKSYON 1. Ano ang soberanya? 2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng soberanya ng isang bansa? Iapaliwanag Pag-uugnay sa Kasunod na Bahagi Naunawaan sa unang bahagi ng introduksyon ang kahulugan ng soberanya, tatalakayin sa kasunod na bahagi kahalagahan nito sa isang bansa. Soberanya- kapangyarihan ng ating bansa bilang isang estado Estado- binubuo ng isang lipon ng mga mamamayang naninirahan sa isang nakatakdang teritoryo, may pamahalaang nagtataglay ng awtoridad ng karamihan ng mga mamamayan nito, may kapangyarihang magpatupad ng sarili nitong batas at nakatatamasa ng kalayaan. Apat na elemento ng Estado ▪Mamamayan ▪Teritoryo ▪Pamahalaan ▪Soberanya Mamamayan- mga tao na na ninirahan sa isang teritoryo. Pinakamalahaga na elemento ng isang estado Teritoryo- lupang naangkin ng isang teritoryo. Dito naninirahan ang mga mamamayan Pamahalaan- - nagpapatupad ng mga batas at kaayusang nagpapahayag ng mithiin ng estado Soberanya- pinakamataas na kapangyarihan ng isang estadong nagbibigay pahintulot ditong magpatupad ng mga batas sa mga mamamayang naninirahan sa teritoryo nito Mga katangian ng soberanya 1.Permanente- mananatili ito hangga’t ang mga mamamayan ay naninirahan sa teritoryo nito at may sariling pamahalaan. 2. May awtonomiya- ang tanging sakop ng awtoridad ng estado ay ang mamamayan nito at ang iba pang tao at bagay na matatagpuan sa loob ng teritoryo nito. Hindi sakop ng awtoridad ng estado ang mga naninirahan sa labas ng teritoryo 3. Komprehensibo- ang kapangyarihan ng estado ay sumasakop sa lahat ng mga bagay at taong naninirahan sa loob ng teritoryo nito, kabilang na ang kanilang magiging anak. Maliban sa mga ito ang napasasailalim sa mga batas ng ugnayang panlabas at napagkalooban ng immunity for internal courtesy tulad ng mga sugo o ambassador, kinatawang diplomatiko at mga sovereign kabilang ang kanilang mga pamilya 4. Hindi nalilipat at lubos o absolute- ang kapangyarihan ng estado ay hindi maaring ipasa o ipagkaloob sa kaninuman. Walang ibang estado o taong maaaring magkaroon ng hurisdiksyon dito. Maaring bumuo ang isang estado ng mga ugnayan sa ibang mga bansa o estado, subalit ang soberanya nito ay hindi maaaring maipasa o maibigay sa iba 5. Walang taning ang panahon- ang bisa ng kapangyarihan ng isang estado ay walang taning na panahon. May bisa ito sa ngayon at hanggang sa darating na panahon Mga dimension ng Soberanya ng Estado 1.Soberanyang Panloob ( Internal sovereignty) tumutukoy sa kapangyarihan ng estadong pasunurin ang lahat ng tao at pamahalaan ang lahat ng mga tao at bagay sa loob ng teritoryo nito sa pamamagitan ng ibat ibang mga ahensya ng gobyerno 2. Soberanyang Panlabas ( External Soveignty ) ang isang estado ay hindi nakadepende o kinokontrol ng ibang estado dahil sa Kalayaan nito. Malaya ito sa anumang kontrol o pakikialam ng ibang estado Tanging Kapangyarihan ng Estado ( Inherent Powers of the State) - tumutukoy sa kapangyarihan awtoridad na kinakailagan ng estado upang makamit ang layunin ng pagkakalikha nito Tatlong mahahalagang kapangyarihang taglay ng estado 1. Kapangyarihang Pampulisya ( Police Power) – ito ay ang kapangyarihang tumutukoy sa pagbibigay ng mga restriksyon sa pagtataguyod at pangangalaga sa kalusugan, kaligtasan, moralidad, pangkalahatang kapakanan at pampublikong interes. Ito ay karaniwang itinatalaga sa lokal na sangay ng pamahalaan 2. Kapangyarihang mamahala ng ari-ariang sakop ng teritoryo ( Eminent Domain)- ito ay ang Karapatan ng estadong mag-angkin ng pribadong ari-arian para sa paggamit ng publiko. 3. Kapangyarihang magbuwis ( Taxing Power)- ito ang kapangyarihan ng estadong mangolekta ng halagang batay sa komputasyon ng kita ng isang tao o halaga ng ari-arian para sa gastusin ng pamahalaan. Pagkakaiba ng Estado at Bansa Pagtatanggol sa Bansa DND-( Kagawaran ng Tanggulang Bansa 0 Department of National Defense) AFP ( Hukbong Sandatahan ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines - Tungkuling pangalagaan ang ating teritoryo at estado, magpanatili ng kapayapaan at kaayusan at magtaguyod ng umuunlad na ekonomiya Mga kalakip na Kawanihan ng DND 1. Government Arsenal ( GA)- ang pamahalaang arsenal ay nararapat na epektibong gamitin sa produksyon ng pangunahing armas, bala at iba pang militar para sa paggamit ng AFP at ng Philippines National Police o PNP para ibenta at iluwas ang mga produkto na labis sa pangangailangan ng AFP at PNP. 2. Office of Civil Defense ( OCD) – nag-oorganisa ng mga gawain at tungkulin ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan, mga pribadong institusyon, at mga organisasyong pangsibiko para sa proteksyon at pangangalaga ng buhay at ari- arian tuwing panahon ng kalamidad - ito ang nagsisilbing sekretaryat ng National Disaster Coordinating Council ( NDCC) at siyang namamahala sa National disaster Management Operations Center 3. National Defense College of the Philippines- nagbibigay ng patuloy at intensibong pag- aaral ng ibat ibang mga suliraning may kaugnay sa pambansang pagtatanggol at seguridad. Mga Serbisyo ng Armed Forces of the Philippines 1.Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippines Army (PA) – ang tungkulin nito ay : ▪Tungkulin… ▪Ipagtanggol ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang dayuhang nagnanais na sakupin ito ▪Ipagtanggol ang ating bansa sa panahon ng digmaan ▪Mag-organisa, magsanay at magbigay ng gamit sa mga pwersa ng hukbo para sa mabilis at tuloy tuloy na pakikipaglaban sa lupa ▪Ihanda ang mga yunit na kakailanganin para sa epektibong pagpapatupad ng mga plano at programang may kaugnayan sa pambansang pagtatanggol at sa misyon ng hukbong sandatahan, kabilang na ang pagpapalawig ng pangkapayapaang sandatahan o peacetime army para sa pagtugon sa anumang emerhensya ▪Magsanay, mag-oorganisa at magbigay-kagamitan sa lahat ng mga reserbang yunit ng Hukbo 2. Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippines Air Force (PAF)- isa sa tatlong pangunahing serbisyo ng Hukbong Sandatahang Pilipinas. Tagabantay ito ng teritoryo ng ating bansa. - nangangalaga ito ng katahimikan ng ating himpapawid 3. Philippine National Police- mga tungkulin ng PNP ❑Ipatupad ang lahat ng batas at ordinansang may kaugnayan sa pagtatanggol ng buhay at ari-arian ❑Panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at gawain ng lahat ng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng publiko ❑Imbestigahan at hadlangan ang mga krimen, arestuhin ang mga kriminal, at tumulong sa kanilang paglilitis 4. Ang Hukbong Pandagat ng Pilipinas o Philippine Navy- ❑Ipagtanggol ang teritoryo at tanod ng ating bansa laban sa sinumang dayuhang nagnanais na sakupin ito ❑Ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga kaaway na maaring dumaan sa mga ibat ibang anyong tubig sa ating bansa sa panahon ng digmaan ❑Nagpapatrol sila sa ating dagat at karagatan upang matiyak na walang makapasok na dayuhan sa teritoryo ng ating bansa. Binabantayan nito ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa Philippine Marine Corps (PMC) – nakapag-organisa sa tatlong active-duty- Marine Brigades ( na binubuo ng kabuuang 10 batalyong Marine) Philippine Coast Guard ( PCG)- isang ahensyang pandagat na nagbibigay proteksyon sa teritoryong pandagat ng ating bansa laban sa mga naninira nito, ito ay mga yamang dagat, nagtataguyod ng kaligtasan ng buhay at ari-arian sa karagatan Pag-uugnay sa Huling Bahagi Naunawaan sa bahagi ng interaksyon ang kahulugan at kahalagahan ng soberanya sa isang bansa, sa huling bahagi ng aralin ay sasagutan ang isang pagsasanay. INTEGRASYON Isulat ang mga tungkulin ng mga sumusunod. 1. AFP- ______________________________________________________________________ ________ 2. DND- ______________________________________________________________________ _______ 3. PMC- ______________________________________________________________________ _______ PAGWAWAKAS Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang mahalagang natutunan sa talakayan PAGLALAGOM: Mga Katangian ng Soberanya Pilipinas ÞPermanente ÞMay awtonomiya Estado ÞKomprehensibo Elemento ng ÞAbsolute Estado ÞPerpetual Mga Dimension ng Soberanya Mamamayan ÞInternal Sovereinty Teritoryo ÞExternal Sovereinty Soberanya Pamahalaan Kaugnayang Panrelihiyon Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan. 2 Corinto 3:17 San ka man naroroon ay nandun ang Espiritu ng Diyos. Pagsasana y