Ang Pinagmulan ng Bohol PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalahad ng alamat ng Pinagmulan ng Bohol, isang rehiyon sa Pilipinas. Ang kuwento ay tungkol sa isang Datu at ang kaniyang anak na babae. Nakapaloob ang mga elemento ng alamat na isinasalaysay sa anyo ng mga tanong at sagot.

Full Transcript

## Ang Pinagmulan ng Bohol Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap kung saan ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Nagdulot ito ng bagabag sa Datu at hindi mapakali kung kaya't ipinatawag niya agad-agad sa tanod ang manggagamot. Nang dumating ang matandang manggagamot...

## Ang Pinagmulan ng Bohol Noong unang panahon, ang mga tao ay naninirahan sa ulap kung saan ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Nagdulot ito ng bagabag sa Datu at hindi mapakali kung kaya't ipinatawag niya agad-agad sa tanod ang manggagamot. Nang dumating ang matandang manggagamot sa tahanan ng Datu, winika ng Datu na maaari nitong gawin ang lahat na makakapagpapagaling sa kaniyang anak. Sinuring mabuti ng matandang manggagamot ang nag-iisang anak ng Datu at kinausap ang Datu sa labas ng tirahan nito. Matapos nito ay ipinatawag ng Datu ang kaniyang nasasakupan sa isang pagpupulong. "Makinig kayong lahat sa akin. Para sa mga kalalakihang nasasakupan ng aking barangay, may sakit ang aking anak na babae at hinihingi ko ang inyong tulong. Upang maibalik ang mabuting kalusugan ng aking anak, kinakailangan ninyong ang tagubilin ng manggagamot," wika ng Datu. **A** Si _______ ay isang _______ na lider at _______ na ama. Handang magsakripisyo para sa kaniyang anak. Ipinag-utos ng manggagamot na dalhin ang anak ng Datu sa malaking puno ng Balite at ipinahukay ang mga lupang nakapaligid sa ugat nito. Agad na sinunod ito ng mga kalalakihan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanilang Datu. Binuhat nila ang anak ng Datu gamit ang duyan at masigasig na hinukay nila ang lupang nakapalibot sa ugat ng puno. Matapos nilang maghukay ay ipinag-utos ng manggagamot na ilagay ang anak ng Datu sa kanal na nabuo mula sa paghuhukay. "Ang ugat ng puno ng Balite ang makakapagpapagaling sa anak ng Datu," wika ng manggagamot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bumuka ang lupa at nahulog ang anak ng Datu. Humingi ito ng tulong ngunit huli na ang lahat. Nalaglag ang anak ng Datu sa isang daluyan ng tubig at nagpagulong-gulong dito pababa. Nakita ng dalawang bibe ang pagkahulog ng anak ng Datu at agad tinulungan. Namahinga ang dalaga sa likod ng mga ito at nangangailangan ng tulong upang gumaling kung kaya't nagkaroon ng pagpupulong. "Kinakailangan niya ng tirahang matutulugan." Ipiang-utos ng pagong sa palaka na kumuha ng dumi mula sa puno ngunit hindi nito kinaya. Sumunod na inutusan naman ang daga ngunit nabigo rin ito. May isang nagnais na sumubok. "Ako! Susubukan ko," wika ng isang palaka ngunit pinagtatawnan lamang siya. Sinubukan ng palakang gawin ito at sa wakas ay nakapagdala siya ng ilang butil ng buhangin. Isinabog sa paligid ng pagong at lumitaw ang isang pulo at naging pulo ng Bohol. Dito nanirahan ang babae ngunit ito ay nanlalamig kung kaya't nagkaroon ng pulong muli. "Kailangan mainitan ang dalaga." Nagsalita ang maliit na pagong at sinubukang kumuha ng kidlat sa ulap upang makagawa ng liwanag. Isang araw, gumalaw ang ulap at tinangay ang pagong kung kaya't nakakuha ito ng kidlat. Mula rito ay nakalikha sila ng araw at buwan na nagbigay ng init at liwanag sa dalaga. Simula noon ay nanirahan ang dalaga sa pulo kasama ang isang matandang lalaking kaniyang nakilala. Nagsama sila at nagkaroon ng kambal na anak, ang isa ay naging mabuti at ang isa naman ay naging masama. **B** Ang mabuting anak ay inihanda ang Bohol para sa pagdating ng mga tao. Gumawa siya ng kapatagan, mga ilog, at maraming hayop ngunit ang ilan dito ay sinira ng masamang anak. Nagkaroon ng pagtatalo ang mabuting anak at ang masamang anak at dahil dito naglakbay ang masamang anak sa kanluran at dito siya namatay. Nagpatuloy ang mabuting anak sa pagpapaganda sa Bohol at inayos ang lahat ng ginawa ng masamang anak. Nilikha ng mabuting anak ang mga Boholano mula sa lupa at dinuraan kaya sila ay nabuhay. Batay sa nabasa, magbigay ng tatlong salita na puwedeng ilarawan sa lugar na Bohol. 1. _______ 2. _______ 3. _______ "Kayo ay naging lalaki at babae, iiwan ko sa inyo ang katangiang kasipagan, mabuting pakikitungo, kabutihang-loob, pagpapahalaga sa kapayaan, at katapatan. Ikinasal sila ng mabuting anak at hinandugan ng iba't ibang butong itatanim upang gawing magandang tirahan ang Bohol. Hindi nagtagal, lumikha ang mabuting anak ng isang igat at isang ahas. Lumikha siya ng malaking alimango at sinabihang humayo at tumango sa lugar na nais nila. Sinipit ng alimango ang igat at lumikha ng isang lindol na naging dahilan kung bakit maraming alimango sa Bohol. Naging paboritong pagkain ito ng mga Boholano, samantalang ang mga palaka at pagong naman ay kanilang iginagalang. ## Si Pilandok at ang Batingaw (Isinaayos na muli mula sa bayan ng Meranao) May isang Pilandok na isinuyod ang lupa para maghanap ng makakain. Dahil naghihirap ay kailangan talagang kumilos ngunit dahil sa pagod ay naisip niyang magpahinga muna. Huminga siya nang malalim at nabaling ang kaniyang mata sa bahay-pukyutan na animo ay isang batingaw. Samantala, isang manlalakbay na si Somusun ang napadaan sakay ng isang kabayo. Kapansin-pansin ang marami nitong dala na mula pa sa mga bayang napuntuhan niya. Kabilang sa mga dala niya ang mga diyamante, ginto, at mamahaling mga bagay. Napansin ni Somusun sa Alongan si Pilandok na nasa ilalim ng puno. Winika niya "Bakit ka nandiyan sa ilalim ng punong iyan?" "Ay! Ah, Ako ay naatasan ng Sultan na bantayan ang napakahalaga at mamahaling gamit niya at nakataya ang buhay ko para rito," mabilis na sabi ni Pilandok na nabuhayan ng loob sa tanong ng manlalakbay. "Nakataya ang buhay mo? Katumbas ng isang mamahalin o maharlikang bagay na iyan?" Tanong ni Somusun. "Opo, isang mahalagang bagay, ang batingaw" sagot ni Pilandok. "Patunugin, patunugin natin nang malaman natin, maaari ba?" tanong ni Somusun. "Naku, hindi maaari," sagot ni Pilandok. "Iyon lamang karapat-dapat ang maaaring gumawa nito. Ang mga kamag-anak lamang ng Sultan ang maaaring magpatunog ng batingaw na ito." Napaisip si Somusun sa sinabi ni Pilandok. Sobrang nabighani ito kaya talagang tumindi ang kagustuhang mapatunog ang batingaw at matuklasan ang kakaibang tunog na mayroon ito. Natigilan si Somusun sa sagot ni Pilandok. Lalo lamang itong nagtaka at naakit na patunugin ang inaakala niyang batingaw upang mapakinggan ang itinatagong tunog nito. "Ngunit ako ay karapat-dapat, isang maharlika na anak ng Sultan ng Agama ng Niyog," ang pagpipilit ni Somusun kay Pilandok. "Nakikita mo ang mga dala ko? Ito ang katanuyan ng pagiging maharlika ko. Ibibigay ko sa iyo ang mamahaling bagay na mayroon ako kapalit ng pahintulot na mapatunog ang batingaw na iyan." Sinipat ni Pilandok ang mga sinasabing dala ni Somusun at pansamatalang nag-isip saka nagsalita. "Kagaya ng sinabi mo ay kung talagang Maharlika ka ay wala lang sa iyo ang mga ibibigay mong yaman sa akin at hahayaan mo akong makalayo nang sa ganoon ay mapatunog mo ang batingaw." Nagkasundo ang dalawa at sinabi ni Somusun ang ganito. "Ibibigay ko sa iyo ang yaman ko." Nang maiabot niya kay Pilandok ang yaman ay agad namang tumakbo si Pilandok papalayo. Samantala, gamit ang matulis na bagay ay buong lakas na pinalo si Somusun ang inakalang batingaw na isa pa lang bahay-pukyutan. Naglabasan mula sa inakalang batingaw ang galit na galit na pukyutan na sumugod kay Somusun hanggang sa ito ay matumba. Saka lamang nailigtas si Somusun nang makita siya ng mga mandirigma. Nagising na lamang siya na nasa ibang lugar na ginagamot mula sa natamong paglusob sa kaniya ng pukyutan. ## Ang Mahiwagang Tandang Dula mula sa Mindanao Isinulat ni Arthur P. Casanova Noong unang panahon sa Kaharian ng Agamaniog, payak na naninirahan ang isang pamilya. Si Lokus a Mama ang haligi ng tanan, si Lokus a Babae naman ang ilaw ng tahanan at si Bagoamama naman ang kanilang anak. Simple ang kanilang pamumuhay, si Lokus a Mama ay kumukuha ng mga ligaw na gulay at halaman sa gubat na kanilang makakain habang si Lokus a Babae naman ay kumikilos ng gawaing bahay. Sa kabila ng kanilang pagsusumikap sa buhay, makikita pa rin ang kanilang kahirapan na maitaguyod ang kanilang pang-araw-araw dahil palagi pa rin silang salat sa pagkain. Labis na nagsumikap si Lokus a Mama na makapag-uwi ng masarap na pagkain sa kaniyang pamilya, ngunit isang araw bigla na lamang itong nilagnat at hindi na muling nakabangon. Labis ang pag-aalala ang idinulot nito sa kaniyang mag-ina kung kaya't madalas na humingi ng tulong si Lokus a Babae kay Allah. ### Bigay-Kaalaman Ang albularyo ay isang uri ng manggagamot na popular noong panahon ng ating mga ninuno. Gumagamit sila ng mga halamang gamot upang magsilbing lunas sa mga sakit at kadalasang hinahaluan ito ng bulong ng panalangin para sa gabay ng Diyos. Maliban sa albularyo mayroon ding tinatawag na babaylan. Ang babaylan ay isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot (karamihan ay mga kababaihan) at pinuno ng pamayanan. Sa tradisyon ng mga Pilipino, isang taong may kakayahang gumamot ng kaluluwa at katawan ang mga babaylan; isang babaeng nagsisilbi sa pamayanan sa pamamagitan ng pagiging isang tagahilom ng mga mamamayan, tagapagtanggol ng karunungan at bilang pilosopo, isang babaeng nagbibigay ng katatagan sa estrukturang panlipunan ng komunidad; isang babaeng maaaring pumasok sa mundo ng mga espiritu o iba pang katayuan ng diwa at paglabas-masok ng walang sagabal sa mga mundong ito, isang babaeng may malawak na kaalaman sa pagpapagaling ng mga sakit. Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa rin gumagaling si Lokus a Mama sa kabila ng gamot na ibinigay ng albularyo. Sa ganitong sitwasyon ay nakapag-usap ang mag-ina at naitanong ni Bagoamama kung bakit ganito ang kanilang pamumuhay, bakit sila naghihirap sa buhay. Ito ang nais ni Allah para sa kanila? Mahinahon itong sinagot ng kaniyang ina na walang nakakaalam sa plano ni Allah, maaaring ngayon ay naghihirap sila at bukas o ilang araw ay magiging maayos ang kanilang pamumuhay. Sa ganitong pananaw biglang napaisip si Bagoamama at inutusan ang kaniyang ina na magtungo sa kaharian ni sultan Abdullah at humingi ng maraming abaka. Bagaman may agam-agam si Lokus a Babae, sinunod niya ang kaniyang anak at nagtungo sa kaharian. Mapagkumbabang humingi si Lokus a Babae sa sultan ng abaka at mabilis siya nitong pinagkalooban. Nagpasalamat siya at agad na umuwi sa kanilang tahanan. Mabilis na kumilos si Bagaomama at bumuo ng tali at lubid sa tulong kaniyang ina. Matapos ang kanilang pagbuo nito, nagtungo si Bagaomama at inayos ang mga patibong na kaniyang gagamitin sa paghuhuli ng mga manok. Habang isinasaayos niya ang mga patibong mayroon siyang nakitang malaking bakas ng isang yapak, kakaiba ito sa karaniwang yapak na nakikita niya sa kagubatan kung kaya't bumuo siya ng malaking patibong. Umuwi siya matapos ang paglalagay ng patibong at sinalubong ng kaniyang ina. Ibinalita nito ang pagkamatay ni Lokus a Mama na labis na nagdulot ng kalungkutan sa mag-ina at napaisip kung ano na ang mangyayari ngayong wala na ang kanilang haligi ng tahanan. Isa pa nilang inisip ay kung paano ito ipalilibing dahil wala silang pambayad sa Imam. Winika ni Bagoamama na sila na lamang muna ang maglilibing sa kaniyang mama at kung sakaling magkaroon sila ng pera ay saka nila ito bibigyan ng maayos na seremonya. Bumalik si Bagoamama sa gubat upang silipin ang kaniyang bitag, suwerte sapagkat lahat ng kaniyang bitag ay mayroong nahuling manok. **KORONG BABAE**: Naghanap si Bagoamama ng yantok at nang makikita siya'y agad na bumalik sa kinaroroonan ng mga bitag. **KORONG LALAKI**: Isa-isa niyang kinuha ang manok at pagkaraa'y itinali ang mga ito sa dalawang mahahabang yantok. **KORONG BABAE**: Isinukbit niya ang nakataling manok sa magkabilang balikat at nagsimulang lumakad papauwi. **KORONG LALAKI**: Ngunit hindi pa siya nakalabas sa gubat ay may narinig na siyang tinig na nagmamakaawa. **MAHIWAGANG TANDANG**: Kalagan mo ako! Para mo nang awa, tulungan mo ako! **BAGOAMAMA**: Ha? Sino iyon? Saan galing ang tinig na iyon? **MAHIWAGANG TANDANG**: Para mo nang awa, kalagan mo ako! luwi mo agad. **KORONG BABAE**: Nanahimik sa takot si Bagoamama. **KORONG LALAKI**: Takang-taka at halos tumayo ang balahibo sa takot. (Kukunin ni Bagoamama ang kaniyang bolo. Magiging malikot ang kaniyang mga mata. Hahanapin niya ang pinagmulan ng mahiwagang tinig.) **BAGOAMAMA**: Kung sino ka man, lumabas ka't magpakilala. **MAHIWAGANG TANDANG**: Narito ako Bagoamama. (Lilinga-linga si Bagoamama at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig.) **BAGOAMAMA**: Nasaan ka? **MAHIWAGANG TANDANG**: Narito ako Bagoamama. Nasa isa sa mga bitag sa likuran mo. (Lilingon si Bagoamama sa kaniyang likuran) **KORONG LALAKI**: Nang lumingon si Bagoamama ay laking gulat niya. **BAGOAMAMA**: Tandang? Isang pagkalaki-laking tandang! (Ilalabas ni Bagoamama ang tandang mula sa bitag.) **BAGOAMAMA**: Ai-dao! Naipit ang isang paa niya sa bitag. (Maingat na lalapit sa bitag si Bagoamama) **BAGOAMAMA**: Napakakisig ng tandang na ito. Tila siya isang magiting na mandirigma sa kaniyang tindig. At ang kaniyang palong ay parang korona ng hari. Ang ganda ng kaniyang mga balahibo. (Hindi gaanong lalapit sa tandang si Bagoamama.) **BAGOAMAMA**: Bakit alam mo ang pangalan ko? **MAHIWAGANG TANDANG**: Bagoamama, ako'y isang mahiwagang tandang. Kapag ako'y tumilaok, lahat ng klase ay damit ang lumalabas sa aking dibdib. At kapag ako nama'y dumurumi, ginto't pilak naman ang lumalabas. **BAGOAMAMA**: Ha? Totoo ba ang mga sinasabi mo o niloloko at pinaglalaruan mo lang ako? **KORONG LALAKI AT BABAE**: Upang maniwala si Bagoamama, nagsimulang tumilaok ang tandang. **MAHIWAGANG TANDANG**: Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! (Nagulat si Bagoamama sa mga damit na lumalabas sa mga bibig ng tandang) **BAGOAMAMA**: Ai-dao! Kay gagandang mga damit! Ang gagara ng mga kulay! Mukhang pangmayaman! **KORONG BABAE**: Titingnan niyang muli ang tandang. Namimilog ang mga mata ni Bagoamama sa kasiyahan. **KORONG LALAKI**: Dali-daling inilabas ni Bagoamama sa bitag ang mahiwagang tandang. **KORONG BABAE**: At mabilis niyang iniuwi ang mahiwagang tandang kasama ang iba pang mga manok sa kanilang bahay. Masayang ibinigay ni Bagoamama ang mararangyang kasuotan sa kaniyang ina at inutusan itong ipagbili ito sa pamilihan upang mayroon silang maipambili ng pagkain. Mabilis na yumaman ang mag-ina sa tulong ng mahiwagang tandang at nagkaroon sila ng sapat na pera upang mabigyan ng maayos na seremonya ang kaniyang namatay na ama. Nakita ito ng dalawang babaeng mananayaw ni sultan na sina Sabandar at Kanankan. Mabilis na nagtungo sa kaharian ng sultan at ibinahagi ang kanilang nakita sa tahanan ni Lokus a Babae na ito'y mayaman na sa tulong ng isang mahiwagang tandang. Dahil dito, ninais ng sultan na makuha ang mahiwagang tandang at ipinag utos kina Bagoamama at Lokus a Babae na ipagbili ito sa kaniya kapalit ng lahat ng kaniyang ari-arian, kung hindi ay susugod doon ang kaniyang mga mandirigma at sapilitan itong kukunin. Hindi pa man nakarating ang mga mandirigma, nalaman na ang mahiwagang tandang ang plano ng sultan at sinabi kay Bagoamama na ipagbili siya nito kapalit ng ari-arian ng sultan at pakasalan ang prinsesa upang matiyak ang kaayusalan ng kanilang pamumuhay ni Lokus a Babae. Labag man sa kalooban ni Bagoamama ay tinanggap ni Bagoamama ang winika ng mahiwagang tandang, ipinagbili niya ito sa sultan at pinakasalan ang prinsesa. Matapos ang kasalan, nagkaloob ng handog ang mahiwagang tandang sa lahat ng tao at nagbigay ng mga mararangyang kasuotan at maraming ginto't pilak. Matapos ang kasalan, nagkaroon ng handog ang mahiwagang tandang kay Bagoamama at sinabing tapos na ang kaniyang misyon at dalangin niyang maging maayos at masagana ang kaniyang kaibigan itinatak sa kaniyang puso ang kabutihan ng mahiwagang tandang, Matapos ang kanilang pamamaalam ay masayang umalis ang mahiwagang tandang at tahimik na nagpasalamat muli si Bagoamama sa kabutihan nito na nagbigay sa kaniya ng lahat ng tinatamasa niya ngayon. ## SUSING-KAALAMAN ### Tekstong Ekspositori Ang tekstong ekspositori ay isang tekstong nagbibigay ng kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga katanungan tungkol sa isang paksa. Karaniwang makikita ito sa mga artikulo sa pahayagan, edukasyonal na aklat, instruction manuals, at iba pa. Ang estruktura ng tekstong ekspositori ay ang mga pagbibigay depinisyon, pagsusunod-sunod, paghahambing at pagkokontras, problema at solusyon, at sanhi at bunga. ### Estruktura ng Tekstong Ekspositori * **Sanhi** - Ito ay ang tawag sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. * **Bunga** - Ito ay ang tawag sa resulta o epekto ng isang pangyayari. ### Sanhi at Bunga Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humahantong sa isang epekto. Ang manunulat ay nagtatala ng isa o mahigpit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ayon kay Cabales (2017), ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay isang halimbawa ng diskursong naglalahad. Ipinapakita dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari at kung ano-ano rin ang nagiging resulta nito. Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng ga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayaring ito ay tinatawag na resulta. Sa madaling sabi, may pinag-ugatan ang pangyayari at dahil dito ay nagkakaroon ng kasunod. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nauuna ang sanhi kaysa sa bunga may mga salitang nagpapakita ng resulta bago ang dahilan. Masasabing mayaman talaga ang ating bansa sa iba't ibang dula. Patunay lamang na ang ating mga ninuno bago pa dumating ang mga mananakop ay likas nang mahusay sa pagtatanghal at kasiningan. Mahalagang tandaan ang karanasan at naging pag-unlad ng ating mga ninuno sa pagtatanghal ay naging ugat ng ating kasanayang pagtatanghal sa kasalukuyan. Sila ang naging pundasyon ng pagtatanghal na nagbibigay sa atin ng inspirasyon na patuloy na mahalin at paunlarin ang ating sariling panitikan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser