Yunit 1 Notes - Filipino Bilang Wika at Larangan
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang mga tala sa yunit ay naglalahad ng mga kaisipan tungkol sa Filipino bilang isang larangan. Tinatalakay ang mga katangian at kalikasan ng wika. Binabanggit din ang mga mahahalagang tao at mga taon sa kasaysayan ng wika.
Full Transcript
**FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN** **ANO ANG WIKA?** - WIKA ANG NAGTITITIK NG PANITIKAN, KASAYSAYAN, SINING, AT MGA AGHAM. - SI **DAVID ABRAM, ISANG PILOSOPO** AY NAGSABING, "MAY KONEKSYON ANG WIKA SA KALIKASAN NA KAAKIBAT ANG GESTURA, EMOSYON O DAMDAMIN NG TAO. MAY MALALIM NA PAG-U...
**FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN** **ANO ANG WIKA?** - WIKA ANG NAGTITITIK NG PANITIKAN, KASAYSAYAN, SINING, AT MGA AGHAM. - SI **DAVID ABRAM, ISANG PILOSOPO** AY NAGSABING, "MAY KONEKSYON ANG WIKA SA KALIKASAN NA KAAKIBAT ANG GESTURA, EMOSYON O DAMDAMIN NG TAO. MAY MALALIM NA PAG-UNAWA SA KONEKSYON NG KATAWAN SA PAGIISIP NG TAO." - **HUTCH**. ITO AY SISTEMA NG MGA TUNOG, ARBITRARYO NA GINAMIT SA KOMUNIKASYONG PANTAO. - AYON KAY **HARING PSAMMATIKOS**, ANG WIKA AY SADYANG NATUTUHAN KAHIT WALANG NAGTUTURO AY NARIRINIG. - SA PAGTALAKAY NI **HALIDAY (1973)** MAY GAMIT NA INSTRUMENTAL ANG WIKA. - **DR. FE ORANES (2002).** INILALARAWAN BILANG IDENTIDAD NG ISANG BAYAN O BANSA, KALULUWA O SUMASALAMIN SA ATING KULTURA AT ANG NAG UUGNAY SA ISA\'T ISA. - **CONSTANTINO (2007)**. ANG WIKA AY MAITUTURING NA BEHIKULO NG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN, ISANG INSTRUMENTO SA PAGTATAGO AT PAGSISIWALAT NG KATOTOHAN. - **MENDOZA (2007)**. PERSONAL ANG GAMIT NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG NG PERSONALIDAD AT DAMDAMIN NG TAO. NAKASALALAY ANG MGA PANGUNGUSAP NA PADAMDAM O ANUMANG SALOOBIN. - **GLEASON**. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS NA SINASALITANG TUNOG NA ISINASAAYOS SA PARAANG ARBITRARYO - INILALARAWAN BILANG IDENTIDAD NG ISANG BAYAN O BANSA, KALULUWA O SUMASALAMIN SA ATING KULTURA AT ANG NAG UUGNAY SA ISA\'T ISA. **KATANGIAN NG WIKA** 1. **MASISTEMA** - KONSISTENT AT SISTEMATIKONG NAKAAYOS SA ISANG TIYAK NA BALANGKAS. 2. **SINASALITANG TUNOG** - ANG MGA TUNOG AY NAGAGAWA SA PAMAMAGITAN NG MGA SANGKAP SA PAGSASALITA. 3. **PINIPILI AT ISINASAAYOS** - PINIPILI ANG WIKANG GINAGAMIT UPANG MAKAPAGBIGAY NG MALINAW NA MENSAHE. 4. **GINAGAMIT** - ANG WIKA AY KASANGKAPAN SA KOMUNIKASYON AT KATULAD NG IBA PANG KASANGKAPAN, KAILANGAN ITONG PATULOY NA GAGAMITIN UPANG HINDI MAWALAN NG SAYSAY. 5. **NAKABATAY SA KULTURA** - NAGKAKAIBA-IBA ANG WIKA SA DAIGDIG DAHIL SA PAGKAKAIBA-IBA NG KULTURA NG MGA BANSA. NASASALAMIN ANG KULTURA NG ISANG BANSA GAMIT ANG WIKA. **KALIKASAN NG WIKA** - ANG LAHAT NG WIKA AY BINUBUO NG MGA **TUNOG.** - ANG LAHAT NG WIKA AY MAY KATUMBAS NA **SIMBOLO O SAGISAG** - ANG LAHAT NG WIKA AY MAY **ESTRUKTURA.** - ANG LAHAT NG WIKA AY **NANGHIHIRAM.** - ANG LAHAT NG WIKA AY **DINAMIKO.** - ANG LAHAT NG WIKA AY **ARBITRARYO.** **ARBITRARYO** ANG WIKA AY PINILI AT ISINAAYOS ANG MGA TUNOG SA PARAANG PINAGKASUNDUAN SA ISANG POOK O LUGAR. ANG PAGBABAGONG NAGANAP AY DALA MARAHIL NG IMPLUWENSYA NG IBANG BANSANG NAGING KAUGNAY NG ISANG BANSA DAHIL SA PAMPULITIKA, PANLIPUNAN O PANG-EKONOMIYANG KARANASAN ANG PAGIGING \"ARBITRARY\" NG WIKA AY MAARI RING MAIAYON SA KONBENSYUNAL NAPAGPAPAKAHULUGAN NG SALITANG GINAGAMIT. WALANG KAUGNAYAN ANG SALITANG ARBITRARYO GINAGAMIT SAIPINAKAKAHULUGAN NITO. **MEMORANDUM ORDER (CMO) NO. 20 SERIES OF 2013** Ang CHED Memorandum Order No. 20 2013 ay ang pinamagatang "General curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies." Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher on Education (CHED) sa Ingles noong Hunyo 28, 2013 - **HUNYO 28, 2013** - Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: ![](media/image2.png) - "Kumpirmadong walang asignaturang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12 - **TANGGOL WIKA** - Noong Abril 2015, bunsod ng petisyon ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at panitikan sa Kolehiyo. **CHED MEMORANDUM ORDER (CMO) NO. 04, SERIES OF 2018** Noong Abril 2018, naman ay inilabas ang CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema. **FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA** **TAGALOG, PILIPINO, O FILIPINO?** - **WIKANG TAGALOG** - Isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga **etnolinggwistikong grupo** sa bansa ang mga tagalog. - Ang **tagalog** ay idineklara ni **Presidente Manuel L. Quezon** bilang **Wikang Pambansa** na batay sa Tagalog noong **Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134).** - **WIKANG PILIPINO** - Ang **wikang Pilipino** ay ang **Filipino National Language (noong 1943)** na batay sa Tagalog mula noong **1959**, nang ipasa ang Department Order No. 7 ng noo\'y **Sec. Jose Romero, ng Department of Education.** - Ito ang **itinatawag sa wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa.** - **WIKANG FILIPINO** - **Filipino** naman ang itinatawag sa wikang pambansa sa **Konstitusyon ng 1987.** Ang **Pilipino** ay batay sa **iisang wika**, ang **Filipino** ay sa **maraming wika sa Pilipinas**, ang **Tagalog** ang itinatawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan dahil nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kahit nabago na ang tawag sa Wikang Pambansa (Pilipino, Filipino). Tinawag ito ni **Prof. Leopoldo Yabes** na **\"Tagalog Imperialism\".** **MGA IMPOTANTENG PETSA** - **DISYEMBRE 30, 1937** - IPINOROKLAMA ANG WIKANG TAGALOG BATAYAN NG WIKANG PAMBANSA. - **1940** - IPINAG-UTOS ANG PAGTUTURO NG WIKANG PAMBANSA SA IKAAPAT NA TAON SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA BUONG BANSA. - **HUNYO 7, 1940** - ANG WIKANG OPISYAL NG BANSA AY TATAWAGING WIKANG PAMBANSANG PILIPINO. - **1959** - ANG WIKANG PAMBANSA AY TATAWAGING PILIPINO UPANG MAILAGAN ANG MAHABANG KATAWAGANG "WIKANG PAMBANSANG PILIPINO" O WIKANG BATAY SA TAGALOG." - **1987** - ALINSUNOD SA KONSTITUSYON, ANG WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS AY TATAWAGING FILIPINO. **ARTIKULO XIV KONSTITUSYONG 1987** ANG LEGAL NA BATAYAN NG KONSEPTO NG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT ANG MAGKARUGTONG NAGAMPANIN NITO BILANG WIKA NG OPISYAL NAKOMUNIKASYON, AT BILANG WIKANG PANTURO SA PILIPINAS. FILIPINO ANG WIKANG GINAGAMIT NG MGA NANINIRAHAN SA PILIPINAS, ANG PAMBANSANG WIKA NG MGA PILIPINO. **SEKSYON 6.** **SEKSYON 7.** **PRIMUS INTERES PARES** Nangunguna sa lahat ng magkakapantay. **(first among equals)** **WIKANG FILIPINO** Sinasabi na nangunguna sa lahat ng magkakapantay ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong **multilinggwal** at **multicultural** ng Pilipinas. **FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA** Lalong dapat isagawa ang paggamit nito sa mga: - Transaksyon ng Gobyerno - Buong sistema ng edukasyon Maging ang pag-gamit sa iba't ibang tiyak na konteksto ang iba pang wika ng Pilipinas bilang wikang pantulong o auxiliary languages sa mga paaralan sa iba't ibang rehiyon. **MOTHER TONGUE** **Dahil sa K to 12, sa mga unang taon ng elementarya, ang namamayaning unang/inang wika (mother tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit na wikang panturo.** Ito ay alinsunod patakarang sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). - **"MADALAS ITANONG SA WIKANG PAMBANSA" Almario (2014)** Ipinaliwanag sa pamphlet na ito na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng **pagbibigay-diin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis pagkakaunawaan at pagpapasibol ng "damdamin ng pagkakaisa"** - **"DRAFTING THE 1987 CONSTITUTION THE POLITICS OF LANGUAGE" Buod ni Atienza (1994)** Aniya, "\...paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ng Ingles, ay nagbunsod ng mabagal na pag-unlad (underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ng mabagal na pag-unlad ng **pambansang kultura at identidad."** Idinagdag pa niya na "ang Ingles ay naging hadlang na **naghihiwalay sa mga edukadong Pilipino at sa masang Pilipino"** "Ang mga wika sa Pilipinas ay **mula sa iisang pamilya ng wika**; kaya't posibleng makabuo ng isang wikang pambansa mula sa mga wikang ito. Ang wikang pambansa ay **kahingian (prerequisite) sa pagkikintal ng nasyonalismo**, pagbubuo ng pambansang pagkakaisa at pagbubunsod ng pambansang paglaya, at pagtataguyod ng demokrasya at ng partisipasyon ng sambayanan sa proseso ng pagbubuo ng at pagpapaunlad sa bansa. **FILIPINO BILANG WIKA NG BAYAN AT / NG PANANALIKSIK** "HINDI KO NAIS ANG KASTILA O INGLES ANG MAGING WIKA NG PAMAHALAAN. KAILANGANG MAGKAROON NG SARILING WIKA ANG PILIPINAS, ISANG WIKA NA NAKABATAY SA ISA SA MGA KATUTUBONG WIKA.\" **- MANUEL L. QUEZON** **GIMENEZ MACEDA (1997)** Ang wikang pambansa ang wikang higit na makakapagbigay tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis, drayber, tindero at tindera , at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa agwat na namamagitan sa intelektwal at masa. Sa **Artikulo XIV Konstitusyong 1987** ay nagsasaad ng ganito: - **SEKSIYON 8** **DR. PAMELA CONSTANTINO** *(propesor sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas)* "Ang wika ay may malaking papel na ginagampanan sa Pilipinas , sakaayusan at sapag-unladng lipunan.(Constantino, n.d.)" "Ang wikang Filipino ay wikang magpagpalaya. Ito ay ang magiging wika ng mga tunay na Pilipino" Hangad ni Constantino na pukawin ang "malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan" ng mga Pilipino, alinsunod sa karanasan ng Hapon, Taiwan , South Korea at iba pang bansang "umunlad nang husto" sa pamamagitan ng wikang sarili sa edukasyon at iba pang larangan. Sa panahon ng globalisasyon , pandaigdigang sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng taripa , nananatiling mahalagang panangga sa daluyong ng kultural na homogenisasyon. **BIENVENIDO LUMBERA (2003)** *(tagapagtaguyod ng makabayang edukasyon)* Sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng ating kultura at kasaysayan. **FILIPINO BILANG LARANGAN AT FILIPINO SA IBA'T IBANG LARANGAN** **ANG PAG-UNLAD NG FILIPINO BILANG ISANG LARANGAN** Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya, at Philippine Studies: - Ang iba\'t ibang terminolohiyang ito ay tumutukoy sa Filipino bilang larangan o disiplina. - Binibigyang-diin ang esensya ng Filipino bilang isang **interdisiplinaryong larangan**. Ayon kay Guillermo (2014), ang Filipino bilang isang disiplina ay nagtataglay ng \"mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o higit pang disiplina upang makamit ang higit na paglilinaw at pagunawa hinggil sa isang partikular na usapin.\" **INTELEKTWALISASYON NG WIKA** Kahalagahan ng Intelektwalisasyon ng Filipino: - Sa artikulong **\"Intelektuwalismo sa Wika,\"** binigyang-diin ni Constantino (2015) na ang paggamit ng Filipino sa iba\'t ibang larangan ay mahalaga tungo sa intelektwalisasyon ng wika at pagunlad ng kaisipang Pilipino. - Ayon kay Constantino, \"Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito\'y ginagamit sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay, panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip.\" **MGA HAKBANG SA PAG-UNLAD NG PANANALIKSIK SA FILIPINO** Mga Hakbang na Iminungkahi ni San Juan: 1. Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. 2. Pagtatag ng pambansang arkibo ng pananaliksik. 3. Pag-develop ng translation software. 4. Prayoridad sa Filipinasyon ng edukasyon. 5. Pagtatatag ng Department of Filipino sa mga unibersidad. **ANG PAPEL NG PAGPAPLANONG PANGWIKA** Mga Uri ng Pagpaplanong Pangwika: 1. Istatus na Pagpaplanong Pangwika 2. Korpus na Pagpaplanong Pangwika 3. Akwisisyong Pangwika **KONKLUSYON** Ang Filipino bilang larangan ay may mahalagang papel sa pagpapaunlad ng kultura at kaisipang Pilipino. Ang paggamit ng Filipino sa iba\'t ibang larangan ay hindi lamang nakatutulong sa pagpapaunlad ng wika kundi pati na rin sa **pagpapalawak ng karunungan ng mga Pilipino.**