MODYUL II PDF - Mga Kalakaran sa Wika
Document Details

Uploaded by AstonishedCosine
Tags
Summary
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa mga kalakaran sa wika. Tinalakay dito ang mga disiplina na lapit, sikolohikal at pilosopiya ng wika, at ang kahalagahan nito sa edukasyon at lipunan ng mga Filipino. Tinalakay din dito ang iba't ibang larangan kung saan ginagamit ang wikang Filipino.
Full Transcript
**MODYUL II** **MGA KALAKARAN SA WIKA** **Aralin 1** Disiplina na Lapit **Aralin 2** Sikolohikal ng Wika **Aralin 3** Sosyolinggwistika **Aralin 4** Pilosopiya ng Wika Ang **wikang pambansa **ay patuloy na umiiral at pinapahalagahan sa kasalukuyan; isang patunay dito ay ang pagiging bahagi nit...
**MODYUL II** **MGA KALAKARAN SA WIKA** **Aralin 1** Disiplina na Lapit **Aralin 2** Sikolohikal ng Wika **Aralin 3** Sosyolinggwistika **Aralin 4** Pilosopiya ng Wika Ang **wikang pambansa **ay patuloy na umiiral at pinapahalagahan sa kasalukuyan; isang patunay dito ay ang pagiging bahagi nito sa kurikulum ng **Sangay ng Edukasyon**. Ang una hanggang ikatlong baitang ay sinasanay sa wikang pambansa upang magamit sa pagpapaunlad ng sariling kaalaman. Ang Sipnayan o Mathematics, MAPEH, at Science sa baitang isa hanggang tatlo na dati ay nasa wikang ingles ay inilimbag na sa sariling wika. Ang hakbang na ito ng sangay ng edukasyon ay patunay na ang wika ay patuloy na pinapangalagaan. Kasabay ng pag-unlad, may mga modernong kagamitan tulad ng kompyuter at mga sulatin sa social media na nakalimbag sa wikang banyaga; ito ay hindi dahilan na ang **Wikang Filipino **ay ipinagwawalang bahala bagkus ito ay wikang mas nauunawaan ng buong mundo. Ang pagdaragdag ng wika ayon sa kahalagahan ng gamit nito ay tinatawag na pag-unlad ngunit kung ang isang wika ay binago at ginamit sa walang kabuluhan saka lamang masasabi na ang wika ay ipinagwalang bahala at pinabayaan. Patuloy na ang **Wikang Filipino **ay pinauunlad at iniingatan, ang pagdiriwang nito tuwing buwan ng Agosto ay patunay na marami pa din mga Pilipino ang nagmamahal at nagbibigay pagpapahalaga sa wikang yumakap sa lahing **Pilipino.**  **MGA LAYUNIN** Pagkatapos na pag-aralan at talakayin ang modyul, ang mga mag-aaral ay inaasagang matamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang kaugnayan ng mga disiplinang lapit sa akademikong pag-aaral. 2. Nakikilala at naipapaliwanag ang kultura ng bawat wika. 3. Naipapaliwanag ang pagkakaugnay ng mga wika sa tao at sa lipunang kinabibilangan. 4. Naiisa-isa ang pananaw ng mga linggwistika, manunulat at mananaliksik sa usaping pangwika. 5. Nalilinang ang pagpapahalaga sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito araw-araw. 6. Naipapakita ang paggalang sa bawat lugar na may iba't ibang gamit ng wika. **Aralin 1** **DISIPLINA NA LAPIT** Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan. Ang papel ay kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12. Ano ang mga konsekuwensiya ng agarang pagpapatupad ng batas? Ano ang magagawa ng guro sa panitikan at wika, gayong inalis o kinalos ang mga ito sa kolehiyo? Ano ang parikala ng bago sa pagbabagong inaasam sa edukasyon ng ika-21 siglo? Isang pauna ang papel sa direksiyong tinatahak ng pamahalaan at mga institusyon, samantalang hindi humuhupa ang tinig ng sumbat at pagtutol. **Mga Uri ng Disiplina na Lapit** 1. **Interdisiplinaryo** 2. **Transdisiplinaryo** 3. **Multidisiplinaryo** 4. **Disiplinaryo** **FILDIS bilang Gen. Educ. Sabyek.** Interdisiplinary. Magamit ang Wikang Filipino sa iba't ibang larang sa pananaliksik, maituro ang Filipino bilang hiwalay na Asignatura. Isang kasanayan sa paggamit ng iba't ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba't ibang antas at larangan. Ito ang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa konstektwalisadong komunikasyong Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad. **Filipino sa Iba't Ibang Larangan** **Akademiko.** Nakapaloob dito ang Filipino bilang isang larangan. Ang isang guro ay nagtataguyod ng pambansang wika upang ito ay mapagyabong at mapangalagaan ang pagiging buhay n gating wika. Sa mga pananaliksik at pagsulat ng iba't ibang sulatin gamit ang Filipino ay patunay na isa itong natatanging larangan. **Medisina.** Napakahalagang papel ang ginagampanan ng Filipino sa larangang ito. Ang pasyente halimbawa, ay kinakausap ng doctor, mas madaling nauunawaan ang dapat gawin na mga payo ng doctor upang mapadali ang paggaling. Sa mga pagbili ng gamot na riseta ng doktor o nars. Sa ganito ay mayroon ding pag-aaral nito. **Politika.** Nakasaad sa ating saligang batas 1987 na Filipino an gating gagamitin sa mga pangunahing ahensya sa ating bansa. Ang mga batas natin ay nakalimbag sa Filipino. Mga mambabatas, pangulo at mga huwes ay Filipino at Ingles din ang gamit na salita. Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa ating bansa ay sa Filipino nakasulat. **Komersyo.** Gamit ito sa pakikipagkalakalan sa ating bansa. Mas madaling magkakasundo sa usapan ang mga negosyante sa ating bansa gamit ang ating wika. Sa mga produkto kalimitang Filipino ang mga nakasaad. **Teknolohiya**. Sa pagtuturo ng makabagong teknolohiya, Filipino na rin ang gamit ng guro at estudyante. Sa ganitong paraan. Mas mapapabilis at mapapadali ang pagkatuto. May mga salita na ring katumbas sa Filipino ang galing sa Ingles gaya ng mga salitang, headset, website, e-mail, charger atbp. Sa mga gadget ay nagagamit na rin ang Filipino bilang pang-chat o teks. **Agham.** Ayon sa KWF, marami na rin sa salitang Filipino na magagamit sa Agham upang mas mapanatili ang kayabungan n gating salita. Sa ilang inibersidad at mga paaralan ginagamit na ang mga terminong iyon. Bagaman marami pang walang katumbas na salita sa Filipino, patuloy pa rin na nagpapaunlad sa larangang ito upang mapagyaman at mapanatili an gating wika tungo sa umuunlad na panahon. **Matimatiko.** Hipnayan, dagdag, bawas ilan sa mga halimbawa na salitang Filipino para sa mga salitang Math, Plus, Minus. Gamit na rin ito sa pagtuturo upang mas maunawaan ng mag-aaral ang paksa. Kung ito ang magiging lenggwahe sa pagtuturo o paggamit sa matematiko, madaling papasok sa kamalayan at damdamin ng mga Filipino sa kanilang pang-araw-araw na aktibidad na kinasasangkutan ng math. **Sining.** Masasabing Filipino ay isang wikang pambayan. Sa katunayan nito ay sa mga performing arts. Dito gamit ang Filipino sa pakikipagtunggali gaya ng balagtasan, tula, sayaw atbp. Sa biswal na sining naman tampok ang mga karakter na Pilipino. May mga sikat din tayong mga biswal na Filipino na nagpapakilala sa atin sa ibang bansa gaya nila Juan Luna, Fernando Amorsolo atbp. **Musika.** OPM (Origina Pilipino Music) ang magandang halimbawa nito. Mga awit na isunulat sa Filipino. Ilan sa mga musika ay nilalapatan ng sayaw. **Talaan ng mga Disiplinang Pang-akademiya** Ito ang **listahan ng mga disiplinang akademiko** (at **mga larangang pang-akademiya**). Isang sangay ng kaalaman ang pang-akademiyang disiplina na pormal na [itinuturo](https://www.wikiwand.com/tl/Pagtuturo) sa pamantasan o sa mga ibang katulad na pamamaraan. Sa pagkaganap, kadalasang binibigyan ng kahulugan at kinikilala ang mga disiplina sa pamamagitan ng mga diyaryong akademiko na kung saan ipinalimbag ang saliksik, at ang mga natutong lipunan na kung saan kasali ang kanilang mga nagsasanay. Kadalasang may mga ilang mga disiplina na nasa ilalim ng bawat disiplina at kadalasang parehong depende sa maingat na hatol at pagiging malabo ang pagtutukoy. [**Likas na agham**](https://www.wikiwand.com/tl/Likas_na_agham) [Astronomiya](https://www.wikiwand.com/tl/Astronomiya) [Astropisika](https://www.wikiwand.com/tl/Astropisika) [Kosmogoniya](https://www.wikiwand.com/tl/Kosmogoniya) [**Biyolohiya**](https://www.wikiwand.com/tl/Biyolohiya) [Aerobiyolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Aerobiyolohiya) [Anatomiya](https://www.wikiwand.com/tl/Anatomiya) [Anatomiyang hinambing](https://www.wikiwand.com/tl/Anatomiyang_hinambing) [Antomiya ng tao](https://www.wikiwand.com/tl/Antomiya_ng_tao) [Pakikipagtalastasan ng mga hayop](https://www.wikiwand.com/tl/Pakikipagtalastasan_ng_mga_hayop) [**Kimika**](https://www.wikiwand.com/tl/Kimika) [Alkimiya](https://www.wikiwand.com/tl/Alkimiya) [Mapanuring kimika](https://www.wikiwand.com/tl/Mapanuring_kimika) [Biyokimika](https://www.wikiwand.com/tl/Biyokimika) [**Pisika**](https://www.wikiwand.com/tl/Pisika) [Astropisika](https://www.wikiwand.com/tl/Astropisika) [Pisikang atomiko](https://www.wikiwand.com/tl/Pisikang_atomiko), molekular, at optikal [Biyopisika](https://www.wikiwand.com/tl/Biyopisika) [Pisikang komputasyonal](https://www.wikiwand.com/tl/Pisikang_komputasyonal) [**Agham pang-planeta**](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_pang-planeta) [Agham pangmundo](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_pangmundo) [Agham pangkapaligiran](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_pangkapaligiran) [Heodesiya](https://www.wikiwand.com/tl/Heodesiya) [Heograpiya](https://www.wikiwand.com/tl/Heograpiya) **Matematika at Agham pangkompyuter** [**Matematika**](https://www.wikiwand.com/tl/Matematika) [Alhebra](https://www.wikiwand.com/tl/Alhebra) [Analitikong heometriya](https://www.wikiwand.com/tl/Analitikong_heometriya) [Estadistika](https://www.wikiwand.com/tl/Estadistika) [Pagsusuri](https://www.wikiwand.com/tl/Pagsusuring_matematikal) [Diperensiyal na kalkulus](https://www.wikiwand.com/tl/Differential_Calculus) [Integral na kalkulus](https://www.wikiwand.com/tl/Integral_Calculus) [**Agham pangkompyuter**](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_pangkompyuter) [Algoritmo](https://www.wikiwand.com/tl/Algoritmo) [Pagkokompyut](https://www.wikiwand.com/tl/Computing) [Artipisyal na karunungan](https://www.wikiwand.com/tl/Artipisyal_na_karunungan) [Mga sistema ng impormasyon](https://www.wikiwand.com/tl/Mga_sistema_ng_impormasyon) [Inhinyeriya ng sopwer](https://www.wikiwand.com/tl/Software_engineering) [Robotiks](https://www.wikiwand.com/tl/Robotiks) [Pagpoprograma](https://www.wikiwand.com/tl/Computer_programming) (tingnan ang Listahan ng mga wikang pangkompyuter) [Agham panlipunan](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_panlipunan) [Antropolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Antropolohiya) [Antropolohiyang biyolohikal](https://www.wikiwand.com/tl/Antropolohiyang_biyolohikal) [Pag-uugali ng primado](https://www.wikiwand.com/tl/Pag-uugali_ng_primado) [Ebolusyon ng tao](https://www.wikiwand.com/tl/Ebolusyon_ng_tao) [Populasyong henetika](https://www.wikiwand.com/tl/Populasyong_henetika) [**Pakikipagtalastasan**](https://www.wikiwand.com/tl/Pakikipagtalastasan) [Komunikasyon ng hayop](https://www.wikiwand.com/tl/Komunikasyon_ng_hayop) [Teoriya ng impormasyon](https://www.wikiwand.com/tl/Teoriya_ng_impormasyon) [Komunikasyong interpersonal](https://www.wikiwand.com/en/Interpersonal_communication) [Marketing](https://www.wikiwand.com/tl/Marketing) [Propaganda](https://www.wikiwand.com/tl/Propaganda) [**Ekonomiya**](https://www.wikiwand.com/tl/Ekonomiya) [Ekonomiya ng Paggawa](https://www.wikiwand.com/tl/Ekonomiya_ng_Paggawa) (Labor Economics) [Ekonomiya ng Kalusugan](https://www.wikiwand.com/tl/Ekonomiya_ng_Kalusugan) (Health Economics) [Ekonomiyang Pangsipnayan](https://www.wikiwand.com/tl/Ekonomiyang_Pangsipnayan) (Mathematical Economics) [Ekonomiyang Pampolitika](https://www.wikiwand.com/tl/Ekonomiyang_Pampolitika) (Political Economics) [**Etnomusikolohiya**](https://www.wikiwand.com/tl/Etnomusikolohiya) [Alamat](https://www.wikiwand.com/tl/Alamat) [Heograpiya](https://www.wikiwand.com/tl/Heograpiya) [Heograpiyang kultural](https://www.wikiwand.com/tl/Heograpiyang_kultural) [Heograpiyang pisikal](https://www.wikiwand.com/tl/Heograpiyang_pisikal) [**Lingguwistika**](https://www.wikiwand.com/tl/Lingguwistika) [Semantiko](https://www.wikiwand.com/tl/Semantiko) [Sintaks](https://www.wikiwand.com/tl/Sintaks) [Morpolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Morpolohiya) [Ponolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Ponolohiya) [Agham pampolitika](https://www.wikiwand.com/tl/Agham_pampolitika) [Ugnayang internasyonal](https://www.wikiwand.com/tl/Ugnayang_internasyonal) [**Sikolohiya**](https://www.wikiwand.com/tl/Sikolohiya) [Astrosikolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Astrosikolohiya)\* [Sikolohiyang pang-ugali](https://www.wikiwand.com/tl/Sikolohiyang_pang-ugali) [Kognitibong sikolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Kognitibong_sikolohiya) [Kognitibong agham](https://www.wikiwand.com/tl/Kognitibong_agham) [**Sosyolohiya**](https://www.wikiwand.com/tl/Sosyolohiya) [Sosyolohiyang industriyal](https://www.wikiwand.com/tl/Sosyolohiyang_industriyal) [Sosyolohiyang rural](https://www.wikiwand.com/tl/Sosyolohiyang_rural) [Araling agham at teknolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_agham_at_teknolohiya) [Teoriyang panlipunan](https://www.wikiwand.com/tl/Teoriyang_panlipunan) [Araling urbano](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_urbano) **[Humanidades](https://www.wikiwand.com/tl/Humanidades) at Sining** [Araling etniko](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_etniko) (kadalasang tinatawag na Araling kultural) [Araling Filipino](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_Filipino) [Araling Amerikano](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_Amerikano) [Araling Aprikano](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_Aprikano) [Aralin ng mga Itim](https://www.wikiwand.com/tl/Aralin_ng_mga_Itim) [Araling Katoliko](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_Katoliko) [**Sining**](https://www.wikiwand.com/tl/Sining) [Kasaysayan ng sining](https://www.wikiwand.com/tl/Kasaysayan_ng_sining) [Araling pangsining](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_pangsining) [**Malikhaing pagsusulat**](https://www.wikiwand.com/tl/Malikhaing_pagsusulat) Pagkatha ng tula Pagsusulat ng kathang isip Pagsusulat ng [di-kathang isip](https://www.wikiwand.com/tl/Di-kathang_isip) at pampantikang pamamahayag [**Sayaw**](https://www.wikiwand.com/tl/Sayaw) [Koreograpiya](https://www.wikiwand.com/tl/Koreograpiya) [Pagsusuri ng sayaw](https://www.wikiwand.com/tl/Pagsusuri_ng_sayaw) [Notasyon sa sayaw](https://www.wikiwand.com/tl/Notasyon_sa_sayaw) [Araling pangsayaw](https://www.wikiwand.com/tl/Araling_pangsayaw) [Etnokoreolohiya](https://www.wikiwand.com/tl/Etnokoreolohiya) **GAWAIN 1** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Magbigay ng mahusay na katibayan na magpapakita sa iyong katwiran. (10 pts)** **GAWAIN 2** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Basahing muli ang mga iba't ibang larangan sa Filipino. Tukuyin ang mga nakikita suliranin na nakapaloob dito at magbigay ng maaaring mungkahi upang higit itong kapaki-pakibabang sa lahat.** **1. Akademiko.** Nakapaloob dito ang Filipino bilang isang larangan. Ang isang guro ay nagtataguyod ng pambansang wika upang ito ay mapagyabong at mapangalagaan ang pagiging buhay n gating wika. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **2. Medisina.** Napakahalagang papel ang ginagampanan ng Filipino sa larangang ito. Ang pasyente halimbawa, ay kinakausap ng doctor, mas madaling nauunawaan ang dapat gawin na mga payo ng doctor upang mapadali ang paggaling. Sa mga pagbili ng gamot na riseta ng doktor o nars. Sa ganito ay mayroon ding pag-aaral nito. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **3. Politika.** Nakasaad sa ating saligang batas 1987 na Filipino an gating gagamitin sa mga pangunahing ahensya sa ating bansa. Ang mga batas natin ay nakalimbag sa Filipino. Mga mambabatas, pangulo at mga huwes ay Filipino at Ingles din ang gamit na salita. Ilang mga babala at pangalan ng ahensya sa ating bansa ay sa Filipino nakasulat. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **4. Komersyo.** Gamit ito sa pakikipagkalakalan sa ating bansa. Mas madaling magkakasundo sa usapan ang mga negosyante sa ating bansa gamit ang ating wika. Sa mga produkto kalimitang Filipino ang mga nakasaad. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **5. Teknolohiya**. Sa pagtuturo ng makabagong teknolohiya, Filipino na rin ang gamit ng guro at estudyante. Sa ganitong paraan. Mas mapapabilis at mapapadali ang pagkatuto. May mga salita na ring katumbas sa Filipino ang galing sa Ingles gaya ng mga salitang, headset, website, e-mail, charger atbp. Sa mga gadget ay nagagamit na rin ang Filipino bilang pang-chat o teks. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **6. Agham.** Ayon sa KWF, marami na rin sa salitang Filipino na magagamit sa Agham upang mas mapanatili ang kayabungan n gating salita. Sa ilang inibersidad at mga paaralan ginagamit na ang mga terminong iyon. Bagaman marami pang walang katumbas na salita sa Filipino, patuloy pa rin na nagpapaunlad sa larangang ito upang mapagyaman at mapanatili an gating wika tungo sa umuunlad na panahon. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **7. Matimatiko.** Hipnayan, dagdag, bawas ilan sa mga halimbawa na salitang Filipino para sa mga salitang Math, Plus, Minus. Gamit na rin ito sa pagtuturo upang mas maunawaan ng mag-aaral ang paksa. Kung ito ang magiging lenggwahe sa pagtuturo o paggamit sa matematiko, madaling papasok sa kamalayan at damdamin ng mga Filipino sa kanilang pang-araw-araw na aktibidad na kinasasangkutan ng math. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **8. Sining.** Masasabing Filipino ay isang wikang pambayan. Sa katunayan nito ay sa mga performing arts. Dito gamit ang Filipino sa pakikipagtunggali gaya ng balagtasan, tula, sayaw atbp. Sa biswal na sining naman tampok ang mga karakter na Pilipino. May mga sikat din tayong mga biswal na Filipino na nagpapakilala sa atin sa ibang bansa gaya nila Juan Luna, Fernando Amorsolo atbp. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **9. Musika.** OPM (Origina Pilipino Music) ang magandang halimbawa nito. Mga awit na isunulat sa Filipino. Ilan sa mga musika ay nilalapatan ng sayaw. Suliranin: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Mungkahi: \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **GAWAIN 3** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Saliksikin ang dahilan ng Korte Suprema kung bakit nais alisin ang Filipino sa Kolehiyo. Tukuyin din ang epekto nito samga disiplina sa iba't ibang larang. Itala ang dahilan sa ibaba.** **Mga Dahilan** 1. 2. 3. 4. 5. **Epekto nito sa disiplina sa iba't ibang larang** 1. 2. 3. 4. 5. **Aralin 2**  **SIKOLOHIKAL NA WIKA** +-----------------------------------------------------------------------+ | **Mga Layunin:** | | | | 1\. Naipapaliwanag ang sikolohiya bilang isang agham. | | | | 2\. Naibibigay ang pagkakaiba ng berbal at di-berbal na wika. | | | | 3\. Natutukoy at naipapaliwanag ang kaugnayan ng kultura at | | panitikan | | | | sa sikolohikal. | | | | 4\. Naipapaliwanag ang ganda ng pagkakaiba ng wikang Filipino sa | | | | ibang wika. | | | | 5\. Nagagamit ang mga wika sa iba't ibang sitwasyon. | +-----------------------------------------------------------------------+ Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang Ingles sa kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, kaagad silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbing unang guro ang mga Sundalong Amerikano at Ingles ang naging midyum ng pagtuturo. Simula noon, nagpatuloy ang pag-iral ng nasabing wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sa antas primarya pa lamang ay hinahasa na ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na nakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring asignatura, gaya ng Matematika at Agham, na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Lahat ng ito ay nagbubunsod ng positibong atityud sa wikang Ingles -- pagtingin dito bilang wika ng edukado at nakapangyayari -- ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng mga Pilipino at ang implikasyon nito sa pambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang naging epekto ng mga patakaran sa edukasyon mula pananakop ng mga Amerikano hanggang kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa Ingles at kulturang Amerikano. Sa inisyal na pagtataya, kapwa lumilitaw ang instrumental at integratibong motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-uugnayang resulta na pumapabor sa nasabing wika. Sa huli, inilutang sa pag-aaral ang usapin hinggil sa sikolohikal na aspekto ng pagpaplanong pangwika na may mahalagang gampanin sa hamong nililikha ng global na wika sa pambansang realidad. **Sikolohiya ng Wikang Filipino** **Nobyembre 16, 2009** Tinataglay o dinadala ng wikang Filipino ang sikolohiya ng mismong gumagamit nito, ang mga Filipino. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Sikolohiya bilang isang agham na nagsusuri sa pag-uugali at kamalayan ng tao. Ito rin ang siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao at fungsiyon nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng isang tao o pangkat. Kaugnay nito, batay na rin sa naibigay na depinisyon ng sikolohiya, ang Sikolohiya ng Wikang Filipino ay ang pag-aaral sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino, ito ang Sikolohiyang Pilipino. Dahil sa walang sikolohiyang hindi bunga ng partikular na kultura, ang sikolohiyang nilinang sa ibang bansa ay hindi ang sikolohiyang naangkop para sa iba pang bansa. Kung gayon, mayroong sikolohiya ang mga Filipino na mamalas sa kultura at gayon din sa wika nito, ang Wikang Filipino. Ang panimulang pagsusuri ni Enriquez sa Sikolohiyang Pilipino batay sa kultura at wika ng mga Filipino ang siyang nagbunsod upang matukoy na ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan (tumutukoy sa damdami't kaalamang nararanasan), sa ulirat (pakiramdam), sa isip (kaalaman at pagkaunawa), sa diwa (ugali, kilos o asal) at kaluluwa (daan upang pag-aralan ang budhi ng tao). Kung kaya matutukoy na mayroon ngang sikolohiya ang Wikang Filipino sapagkat mamalas ang mga elementong nabanggit ni Enriquez sa wikang ginagamit ng mga Filipino, na nagpapakita ng kasaklawan nito. Sapagkat lubhang pinapahalagahan ang interaksyon o pakikipagkapwa-tao sa pamumuhay o sikolohiya ng mga Filipino, kinakailangan nila ang wika upang magsagawa ng komunikasyon, maging ito ay berbal o di-berbal na pamamaraan. Mainam na ilahad ang ilang halimbawa na magpapakita ng manipestasyon na mayroon ngang sariling sikolohiya ang wikang Filipino, na masasabing Pinoy na Pinoy ang dating. Umpisahan natin sa berbal na komunikasyon, sa puntong ito, isang katangian ng mga Filipino ang pagiging magalang, pagpapahalaga sa kapwa lalo na sa mga nakakatanda. Makikita ito sa paggamit ng "po" at "opo" tulad ng Saan po ang lakad ninyo?, Ano po ang kailangan ninyo?. Bata pa lamang ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na gumamit ng po at opo bilang pagbibigay galang sa mga nakakatanda. Isa ito sa mga katangian ng ating wika na nagpapaiba mula sa iba pang bansa. Dahil mahalaga para sa mga Filipino ang paggalang, mayroon ding tinatawag na pasintabi bilang pagpapaalam sa pagdaan sa lugar na pag-aari ng iba upang hindi makaperwisyo ng kapwa at ng di masamain ang iyong pagdaan. Nagsasabi tayo ng "Makikiraan lang ho." upang igalang ang karapatang magmay-ari ng kapwa. Usong-uso lalo na sa mga probinsya ang pagbigkas ng pasintabi kapag dumaraan sa nuno ng punso. Ito ay ang paggalang o paniniwala na mayroong mga elemento sa kalikasan na makapangyarihan kaysa tao. Maaaring nauugat ito sa pagiging animistikong paniniwala ng mga katutubong Pilipino, pagsamba at pagpapahalaga sa kalikasan na itinuturing nilang diyos o makapangyarihan. Tunay na lutang na lutang na may sikolohiya ang wika nating mga Filipino sa mga oral na tradisyon at panitikan. Makikita sa mga bugtong, salawikain, awit, tula, alamat at epiko ang mga pagpapahalaga ng mga Filipino. Sa bugtong, salawikain at awit, makikita dito ang katangiang pagiging malikhain ng mga Filipino kung saan ang isang bagay na nakikita niya sa kanyang paligid ay nagagawan niya ng talinghaga at simbolismo upang maipakita ang katangian ng bagay na tinutukoy nito sa realidad na may layon na mangaral sa buhay, magpasaya, o manlibang sa kanyang kapwa. Gayundin naman ang mga epiko at alamat kung saan itinatanghal ang mga pagpapahalagang taglay ng mga Filipino tulad ng pagkakaroon ng malapit na relasyon sa pamilya, matapang, pakikiisa, pagmamahal sa bayan at marami pang iba tulad ng Biag ni Lam-ang, isang epiko. Bukod dito, sa mga katutubong panitikan, mababakas ang kultura ng mga Filipino. Sa pagbibiro, bagamat meron din namang nagaganap na pagbibiruan sa ibang mga bansa, naiiba naman ang layon ng pagbibiro dito sa Pilipinas. Bukod sa ang paksa naman talaga ng mga biro dito sa Pilipinas ay karaniwang nagpapakita ng kultura mayroon ang Pilipinas, isang mahalagang dahilan ng pagbibiro sa Pilipinas ay upang magsilbi itong coping mechanism ng mga Pilipino sa oras na mahirap ang kanyang sitwasyon o may problema. Dito makikita na ginagamit ang pagbibiro upang magdamayan ang mga Filipino sa oras na kailangan upang hindi gaanong maging mabigat ang impak ng mga problema sa kanilang buhay. Sa pagmumura naman, isa itong pagsasabi ng masasakit na salita upang ibaba ang halaga ng isang tao. Kung mapapansin ang mga salitang mura sa wikang Filipino ay may kaugnayan sa seks at pagkawalang-gaalang sa ina (tulad ng putangina). Sa lipunan kasi na sobra ang pagpapahalaga sa pamilya lalo na sa ina, ang paggamit nito sa mura ay lubhang makapagpapasakit sa damdamin kung sino man ang pinatutungkulan nito. Isa pang magandang patunay na may partikular na sikolohiya ang wikang Filipino na mauunawaan lamang ng mga Filipino ay ang kawalan ng katumbas ng pagsasalin ng mga terminong Filipino sa ibang wika tulad ng Ingles. Ang kawalan nito ng katumbas sa ibang wika ay nangangahulugan na katangi-tangi ang salita o wikang iyon sa bansang pinagmulan nito at dinadala nito ang kultura at sikolohiya ng lipunang pinagmulan nito. Halimbawa, sa Bulacan ay mayroong Singkaban Festival na nagaganap taun-taon. Ang salitang Singkaban ay tumutukoy sa arkong kawayan na inilalagay tuwing may kapistahang nagaganap. Sapagkat ito ay bahagi ng tradisyon o ng sikolohiya ng mga Filipino, tanging ang mga Filipino lamang ang makapagbibigay nito ng kahulugan. Ang salitang Singkaban ay walang katumbas sa ibang mga wika sapagkat hindi ito bahagi o abot ng kanilang sikolohiya. Ang mga tradisyon at kaugaliang Pilipino ang mga halimbawa kung saan mahirap matumbasan sa ibang wika ang mga terminong ginagamit dito sapagkat ang sikolohiya ng mismong Filipino ay nakapaloob din sa wika nito. Magandang halimbawa din ang konsepto ng rice sa Pilipinas, maraming katawagan ito sa atin tulad ng palay, bigas, kanin, tutong, samantalang sa Amerika ang tawag lamang nila dito ay rice. Sapagkat pangunahing pagkain ng mga Filipino ang bigas, marami silang katawagan dito. Ang yupemismo sa lenggwahe ng mga Pinoy ay isang pag-aangkop sa mga sitwasyong kailangang iwasan. Halimbawa nito, kapag mayroong nakikiusap sa atin sa halip na sabihin nating hindi, sinasabi natin na siguro, depende, ewan ko, pag-iisipan ko sapagkat ayaw nating mapahiya ang taong nakikiusap sa atin. Sa ganitong paraan, naipakikita sa mga simpleng salitang ito ang lubhang pagpapahalaga sa kapwa.ng mga Filipino. Ginagamit din ang yupemistikong salita upang pag-iwas na makasakit ng loob. Bilang pagbati sa isang kakilala na pumapayat, sasabihin natin na "lalo ka yatang sumeseksi ngayon" o kaya naman sasabihan na "malusog ka ngayon" para sa mga tumataba. Ito'y sa paniniwalang mas mabuting gamitin ang mga salitang positibo o kaya'y nagpapakita ng concern o pagmamalasakit kaysa diretsang pagsasabi na tila isang pagpuna. Ang salitang bawal o taboo ay napapalitan ng mga yupemistiko tulad ng dibdib sa halip na suso, bulaklak sa halip na ari ng babae, pokpok sa halip na puta, at marami pang iba. Ginagawa ito sapagkat hindi diretsang masabi dahil nakahihiyang gamitin at malakas ang dating. May mga pananaw na nag paggamit ng yupemistiko ay panloloko, panlilinlang, pagsisinungaling o pag-iwas man ito ngunit para sa mga Filipino ito ay isang pangangailangang sikolohikal upang maging maayos at walang gusot ang relasyon sa komunidad at pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa. Sa mga di-berbal na pamamaraan na ginagamit ng mga Filipino sa kanilang komunikasyon, kakakitaan din ito ng kakanyahan sa sikolohiya na tanging ang mga Filipino lamang syang gumagawa at makakaunawa. Ang pagmamano, ay isang kaugalian ng pagbibigay-galang sa mga nakatatanda. Bata pa lamang ay tinuturuan na ng kanilang mga magulang nang sa gayon ay masanay ang bata na magbigay galang sa mga nakatatanda. Isa pang yunik o katangi-tangi sa di-berbal na komunikasyon ng mga Filipino na kapag nagtuturo ng direksyon ay iminumuwestra pa o kaya ay ininguguso o itinuturo bukod sa pagsasabi pa g direksyon. Ito marahil ay tanda din ng pagmamalasakit ng mga Filipino sa kanyang kapwa. Upang maging tiyak sa kanyang sinasabi na simpleng kanan o kaliwa (kung saan maaring mapagpalit ang dalawa dahil sa pagkalito), mas mainam na gamitin na ang pagtuturo gamit ang nguso o kamay upang hindi magkaroon ng kalituhan sa parte ng binibigyan ng direksyon at gayundin sa nagbibigay ng direksyon upang makatiyak siya sa kanyang sinasabi at di maligaw ang nagtatanong. Pagdating sa espasyo, naiiba din ang konsepto ng mga Filipino. Mas intimate o personal ang kanilang konsepto ng espasyo na taliwas sa ibang bansa tulad ng Amerika na malalaking espasyo ang kailangan ng isang indibidwal. Dito lang yata sa Pilipinas, uso ang siksikang dyip, bus, LRT o MRT. Handa na makisiksik ang mga Filipino sapagkat alam nila na ang bawat isa ay may kani-kaniyang lakad at mahalaga na hindi mahuli sa kani-kanilang lakad ang bawat isa. Maging ang mga upuan sa klasrum ay lapit-lapit, mainam ito upang maging malapit sa isa't isa ang mga mag-aaral. Sa Amerika, masyadong malalaki ang agwat ng silya ng mga mag-aaral sapagkat mas namamayani ang indibidwalismo sa kanila. Ang mga pagtapik at paghipo sa mga Filipino ay isang mahalagang akto ng pakikipag-kapwa. Sa gitna ng mga kalamidad, ang isang tapik at akbay sa balikat ay sapat na upang mapanatag ang isang tao. Ang mga simpleng gestures na ito ay tanda ng pagmamalasakit, pagdamay at pagsalo o pagsuporta sa naturang indibidwal. Sa kabuuan, batay sa mga ibinigay na halimbawa, masasabi ko na mayroon talagang partikular na sikolohiya ang wikang Filipino. Kahit na mangibang bansa pa ang isang Filipino at makatagpo ng kapwa niya Filipino doon ay natitiyak ko na magkakaroon sila ng ugnayan at magkakaunawaan sila sapagkat tinataglay ng wikang Filipino ang sikolohiya ng mga Filipino na tanging Filipino lamang ang makauunawa. Ang partikular na sikolohiya ng wikang Filipino ay yaong wika na nagpapahalaga sa pakikipagkapwa-tao, may katangiang malikhain, may pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa at pagpapahalaga maging sa kalikasan. Nakapaloob din sa wika ang kultura at tradisyon ng mga Filipino na siyang nagdadala ng partikular na sikolohiya ng mga Filipino na mamamalas sa wikang Filipino. **GAWAIN 1** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:** **1. Sikolohiya** **2. Wika** **3. Filipino** **GAWAIN 2** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Punuin ang patlang sa bawat pahayag.** 1\. Ang panimulang pagsusuri ni Enriquez sa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ batay sa kultura at wika ng mga Filipino ang siyang nagbunsod upang matukoy na ang sikolohiya ay tungkol sa kamalayan (tumutukoy sa damdami't kaalamang nararanasan), sa ulirat (pakiramdam), sa isip (kaalaman at pagkaunawa), sa diwa (ugali, kilos o asal) at kaluluwa (daan upang pag-aralan ang budhi ng tao). 2\. Sapagkat lubhang pinapahalagahan ang interaksyon o pakikipagkapwa-tao sa pamumuhay o sikolohiya ng mga Filipino, kinakailangan nila ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ upang magsagawa ng komunikasyon, maging ito ay berbal o di-berbal na pamamaraan. 3\. Maaaring nauugat ito sa pagiging \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ng mga katutubong Pilipino, pagsamba at pagpapahalaga sa kalikasan na itinuturing nilang Diyos o makapangyarihan. 4\. Tunay na lutang na lutang na may sikolohiya ang wika nating mga Filipino sa mga oral na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. Makikita sa mga bugtong, salawikain, awit, tula, alamat at epiko ang mga pagpapahalaga ng mga Filipino. 5\. Sa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ naman, isa itong pagsasabi ng masasakit na salita upang ibaba ang halaga ng isang tao. Kung mapapansin ang mga salitang mura sa wikang Filipino ay may kaugnayan sa seks at pagkawalang-gaalang sa ina (tulad ng putangina). 6\. Ang kawalan nito ng katumbas sa ibang wika ay nangangahulugan na \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ang salita o wikang iyon sa bansang pinagmulan nito at dinadala nito ang kultura at sikolohiya ng lipunang pinagmulan nito. 7\. Ang mga tradisyon at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ang mga halimbawa kung saan mahirap matumbasan sa ibang wika ang mga terminong ginagamit dito sapagkat ang sikolohiya ng mismong Filipino ay nakapaloob din sa wika nito. 8\. Ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ sa lenggwahe ng mga Pinoy ay isang pag-aangkop sa mga sitwasyong kailangang iwasan. Halimbawa nito, kapag mayroong nakikiusap sa atin sa halip na sabihin nating hindi, sinasabi natin na siguro, depende, ewan ko, pag-iisipan ko sapagkat ayaw nating mapahiya ang taong nakikiusap sa atin. 9\. Ang \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ ay isang kaugalian ng pagbibigay-galang sa mga nakatatanda. Bata pa lamang ay tinuturuan na ng kanilang mga magulang nang sa gayon ay masanay ang bata na magbigay galang sa mga nakatatanda. 10\. Ang partikular na sikolohiya ng wikang Filipino ay yaong wika na nagpapahalaga sa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_,\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_, \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ at \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_. **GAWAIN 3** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Sumulat ng tula, awit, hugot o sanaysay hinggil sa larawan. Bigyang ng makahulugang pamagat. (10 pts)** Mga resulta ng larawan para sa epekto ng gadget sa pamilyang pilipino \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Pamantayan sa Pagsulat ng Akda** **KRITERIA** **DESKRIPSIYON** ------------------------- ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- **Nilalaman -- 50%** May kaugnayan dapat ang nilalaman sa buinuong paksa o nilalaman. Malinaw ang pagkakalahad ng mga damdamin at makatotohan ang mga ito. **Organisasyon -- 30%** May kaisahan ng mga ideya. Mgakakaugnanay ang mga detalyeng nais ihatid sa nilalaman at may diin sa paksang tinatalakay. **Mekaniks -- 20%** Wasto ang ginamit na mga salita at bantas. Tama ang baybay nbg mga salita. Gumamit ng mga angkop na salita sa paglalahad ng mga damdamin upang maging makatotohanan. Nasunod ang pormat sa pagbuo. **Aralin 3**  **SOSYOLINGGUWISTIKA** +-----------------------------------------------------------------------+ | **Mga Layunin:** | | | | 1. 2. 3. 4. 5. | +-----------------------------------------------------------------------+ Sa kasalukuyan, ipinagpapalagay ang pag-iral ng isang pambansang sosyolohiya. Subalit mayroon nga bang isang lokal na sosyolohiya na umiiral sa Pilipinas? Kung mayroon, ano ang kalagayan ng sosyolohiyang ito? Bakit kailangang angkinin ang pag-iral nito ngayon sa bansa? Ito ang mga katanungang babagtasin ng kasalukuyang artikulo. Upang tayain ang pag-iral (o kawalan) ng isang tatak-Pilipinong sosyolohiya, ilalatag ang pagkakakilanlang katangian ng isang Pilipinong Sosyolohiya. Bilang pamantayan, ang bawat isa ay kapapalooban ng mga kondisyon na magsisilbing salaan ng pagpapasya, na kung gayon, ay dapat tugunan ng sapat, ganap, at walang pagaalinlangan upang mapanindigan ang pag-angkin sa isang sosyolohiyang may kabuluhan sa kulturang Pilipino. **Sosyolingguwistika** Ito ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga aspeto ng lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan. Kaiba ang sosyolingguwistika mula sa sosyolohiya ng wika dahil nakatuon ang sosyolingguwistika sa epekto ng lipunan sa wika, habang ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan. Sumasaklaw ng malaking bahagi ang sosyolingguwistika sa pragmatika. Pangkasaysayang napakamalapit ng kaugnayan nito sa lingguwistikong antropolohiya at ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang larangan ay pinagtatalunan kamakailan lamang. Pinag-aaralan din sa sosyolingguwistika ang kung paanong ang mga baryasyon o pagkakaiba-iba sa iisang wika ay magkakaiba sa pagitan ng mga pangkat na pinaghihiwalay ng partikular na mga pagbabagu-bagyo o mga baryabol, katulad ng etnisidad, relihiyon, katayuan sa lipunan, edad, at iba pa, at kung paanong ang paglikha at pagsunod sa mga panuntunang ito ay ginagamit upang ikategorya ang mga indibiduwal sa mga klaseng panglipunan at sosyoekonomiko. At dahil sa paggamit ng isang wika ay nag-iiba-iba sa iba\'t ibang mga lugar (diyalekto), ang panggamit ng wika ay nag-iiba-iba sa mga antas na panglipunan, at ang mga *sosyolektong* ito ang pinag-aaralan ng mga **sosyolingguwista**. Ang **lipunan** ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba\'t ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga [Saxon](https://tl.wikipedia.org/wiki/Saxon), isang estadong bansa, katulad ng [Bhutan](https://tl.wikipedia.org/wiki/Bhutan), o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan. Maaaring tumukoy din ang salitang *lipunan* sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, [mala-agham](https://tl.wikipedia.org/wiki/Agham), pang-politika, patriyotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan. **Kahalagahan:** Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. **Uri ng lipunan** ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at artipisyal. Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunan sibil. Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan ng pagkakatatag nito ay sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan, samahang panghanapbuhay, mga NGO\'s, at iba pa. Ang **wika** ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa \"wika\", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang *wika* mula sa wikang [Malay](https://tl.wikipedia.org/wiki/Malay). Samantalang nagmula naman sa [Kastila](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Kastila) ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang **lengguwahe**. Tinatawag ding **salita** ang wika. Katulad ng *language* - tawag sa *wika* sa [Ingles](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Ingles) - nagmula ang salitang *lengguwahe* sa salitang *lingua* ng [Latin](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Latin), na nangangahulugang \"dila\", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang \"wika\" - sa malawak nitong kahulugan - *ay* anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. **Mga Anyo ng Wika** Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (*Tingnan ang mga sining na pangwika*). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. \"Wika\" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding **dila** (piguratibo), salita, diyalekto, o [*lingo*](https://tl.wikipedia.org/wiki/Lingo) (sariling-wika ng isang grupo, \[bigkas: *ling-gow*, mula sa Ingles\]) ang *wika*. **Mga Antas** Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika: **1. Kolokyal/pambansa** - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at [Filipino](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino) **2. Kolokyalismong karaniwan** - ginagamit na salitang may \"Taglish\" **3. Kolokyalismong may talino** - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan 4. **[Lalawiganin](https://tl.wikipedia.org/wiki/Lalawiganin)/Panlalawigan** - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. **5. Pabalbal/balbal** (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang *Kolokyal/pambansa*. **Pampanitikan/panitikan** wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika. **Mga Kagamitan** Ito ang pitong kagamitan ng wika: Isang **proseso ng pagpapalitan ng impormasyon** na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang **araling pangkomunikasyon** ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa **pagpapahayag ng pangungusap**. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. [**Pagpapaliwanag**](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapaliwanag) o **pagpapaunawa** ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. ### Kategorya ng Paggamit ng Wika Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay **pormal** at **impormal** o **di-pormal**. #### Pormal Ang *pormal* ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito: 1. 2. #### Impormal o di-pormal Ang *impormal* o *di-pormal* ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito: 1. 2. 3. - - - - Ang **antropolohiyang lingguwistiko** o **antropolohiyang lingguwistika** (Ingles: ***linguistic anthropology***) ay ang interdisiplinaryong pag-aaral sa kung paano nakakaimpluwensiya ang wika sa buhay na panlipunan o pakikisalamuha. Isa itong sangay ng antropolohiya na nagmula sa pagpupunyagi na maitala o maidokumento ang nanganganiba na mga wika, at lumawig sa loob ng huling 100 mga taon upang saklawan ang halos anumang aspekto ng kayarian ng wika at paggamit ng wika. - Ang antropolohiyang lingguwistiko ay gumagalugad sa kung paano nahuhubog ng wika ang komunikasyon, kung paano nabubuo ang pagkakakilanlan na panglipunan at pagkakasapi sa pangkat, paano naisasaayos ang may malakihang sukat na mga paniniwala at ideyolohiyang pangkultura, at paano umuunlad ang isang pangkaraniwang representasyon ng likas at panlipunang mga mundo. Ang mga **pangkat etniko** ay mga pangkat ng tao na ang mga kasapi ay nakikilala ang isa\'t isa sa pamamagitan ng magkakamukhang mga pamana maging totoo man o maaaring hindi totoo. Ang **relihiyon** ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.[^\[1\]^](https://tl.wikipedia.org/wiki/Relihiyon#cite_note-1) Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan. Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga [banal na lugar](https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Banal_na_lugar&action=edit&redlink=1) at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao. Ang salitang *relihiyon* ay minsang ginagamit upang ipalit sa *pananampalataya*. Gayunpaman, ayon kay [Émile Durkheim](https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=%C3%89mile_Durkheim&action=edit&redlink=1), ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan. Sa sosyolohiya o antropolohiya, ang **katayuang panlipunan** o **kalagayang panlipunan** (Ingles: *social status*) ay ang karangalan o ranggo (kahanayan) ng posisyon o puwesto ng isang tao sa loob ng isang lipunan. Ang mga tao ay nagkakamit ng katayuan sa lipunan sa papamagitan ng sarili nilang gawa o pagsusumikap, at tinatawag na *katayuang nakamtan* o *kalagayang nakamit*. O kaya, ang mga tao ay nagkakaroon ng lugar o estado sa isang sistemang panlipunan sa pamamagitan ng pagkakapanganak sa loob ng katayuang ito, at tinatawag ang namanang posisyong ito bilang *naitalagang kalagayan* o *nakatalagang katayuan*. Ang terminong **diyalekto** (mula sa [Latin](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Latin) na *dialectus*, *dialectos*, mula sa Sinaunang Griyegong salitang διάλεκτος, diálektos \"diskurso\", mula διά, diá \"sa pamamagitan\" at λέγω, légō \"nagsasalita ako\") o **wikain**[^\[1\]^](https://tl.wikipedia.org/wiki/Diyalekto#cite_note-1) ay ginagamit sa dalawang natatanging paraan upang sumangguni sa dalawang magkakaibang uri ng pangyayari sa wika: - - **GAWAIN 1** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: Tukuyin ang mga salitang may kaugnayan sa pag-aaral ng sosyolinggwistika.Pagkatapos, ipaliwanag sa di-kukulagin sa limang pangungusap.** **Paliwanag** 1. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 2. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 3. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 4. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ 5. \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **GAWAIN 2** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Punan ang hinihingi ng mga nasa hanay sa ibaba.** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **La Union** | **Pangasinan** | +===================================+===================================+ | Populasyon | Populasyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kabisera | Kabisera | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Wikang Sinasalita | Wikang Sinasalita | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Bilang ng Bayan/Munisipalidad | Bilang ng Bayan/Munisipalidad | | | | | at Barangay | at Barangay | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Relihyon | Relihyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tradisyon | Tradisyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Paniniwala | Paniniwala | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Prinsipyo | Prinsipyo | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **Pampanga** | **Benguet** | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Populasyon | Populasyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kabisera | Kabisera | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Wikang Sinasalita | Wikang Sinasalita | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Bilang ng Bayan/Munisipalidad | Bilang ng Bayan/Munisipalidad | | | | | at Barangay | at Barangay | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Relihyon | Relihyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Tradisyon | Tradisyon | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Paniniwala | Paniniwala | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Prinsipyo | Prinsipyo | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **GAWAIN 3** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Magsaliksik ng kilalang awitin ng iyong lugar na naglalarawan sa kultura at panitikan.** \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Pamagat \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ **Aralin 4** **ANG PILOSOPIYA NG WIKA** +-----------------------------------------------------------------------+ | **Mga Layunin:** | | | | 1\. Natutukoy ang kahulugan at kasaysayan ng Pilosopiya. | | | | 2\. Naibibigay at naipapaliwanag ang apat na pangunahing suliranin | | ng pilosopiyang pangwika. | | | | 3\. Nailalahad ang teorya ng PiliFilipino sa usaping pangwika. | | | | 4\. Napapahalagahan ang lalim ng wika lalo na ang gramatikang | | Filipino. | | | | 5\. Naisasabuhay ang ganda ng gramatikang Filipino sa paggamit sa | | tamang bigkas at sulat. | +-----------------------------------------------------------------------+ Ang **pilosopiya** ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba\'t ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran. Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na \"Philia\" at \"Sophia\". Ang \"Philo\" ay nangangahulugang \"Pagmamahal\" at ang \"Sophia\" naman ay \"Karunungan\". Kung pagsasamahin, ito ay \"Pagmamahal sa Karunungan\". Kung kaya\'t ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong. Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto. **Pilosopiya ng Wika** Ang **pilosopiya ng wika** ay nakatuon sa apat na pangunahing mga suliranin: ang kalikasan ng kahulugan, paggamit ng wika, kognisyon ng wika, at ang ugnayan na nasa pagitan ng wika at ng katotohanan o realidad. Ngunit, para sa mga pilosopong kontinental, ang pilosopiya ng wika ay tila hinaharap, hindi bilang isang nakahiwalay na paksa, subalit bilang isang bahagi ng [lohika](https://tl.wikipedia.org/wiki/Lohika). Una, ang mga pilosopo ng wika ay nag-uusisa sa *kalikasan* ng kahulugan, at naglalayong maipaliwanag ang kahulugan ng pagkakaroon ng \"kahulugan\" ng isang bagay. Ang mga paksang nag-uugat ay kinabibilangan ng kalikasan ng sinonimiya (pagiging magkasingkahulugan), ang pinagmulan mismo ng kahulugan, at kung paano talagang malalaman ang anumang kahulugan. Ang isa pang proyekto sa ilalim ng pamagat na ito ng natatanging pagtutuon ng mga pilosopong analitiko ng wika ay ang pag-iimbistiga sa gawi kung paano *binubuo* o *nabubuo* ang mga pangungusap upang maging isang makahulugang kabuuan magmula sa kahulugan ng mga *bahagi* nito. Pangalawa, nais nilang maunawaan kung ano ang ginagawa ng mga tagapagsalita at mga takapakinig sa loob ng komunikasyon, at kung paano ito ginagamit sa pakikipagkapuwa. Ang partikular na mga pagtutuon ay maaaring kabilangan ng mga paksang pagkatuto ng wika, paglikha ng wika, at mga akto ng pananalita. Pangatlo, nais nilang malaman kung paano umuugnay ang wika sa mga isipan ng kapwa tagapagsalita at ng tagapagpaunawa. Isa sa pinagtutuonan ng pansin ay ang pamantayan ng matagumpay na pagsasalinwika ng mga salita papunta sa iba pang mga salita. Bilang panghuli, sinisiyasat nila ang kung paanong ang wika at ang kahulugan ay umuugnay sa katotohanan at sa mundo. Ang mga pilosopo ay may gawi na maging mas hindi nagtutuon sa kung ano mga pangungusap ang *talagang tunay*, at mas marami ang sa *anong mga uri ng mga kahulugan ang maaaring hindi tunay o mali*. Ang isang pilosopo ng wika na makapangkatotohanan ay maaaring mag-isip kung ang isang pangungusap na walang kahulugan o walang saysay ay maaari bang maging makatotohanan o hindi, o kung ang mga pangungusap ay maaari o hindi ba maaaring makapagpahayag ng mga mungkahi hinggil sa mga bagay na hindi naman umiiral, sa halip na sa paraan ng paggamit sa mga pangungusap. **PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika** Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipinoni Dr. Rhod V. Nuncio (Sipi mula sa babasahing papel ng panayam sa Y407 Pamantasang De La Salle, Marso 30, 9:30-11:00 n.u.) Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino? Paano ito makatutulong upang maging masinop at masinsin ang ating analisis ng wika at ang naturang gamit nito para sa mga tao at sa lipunan niyang ginagalawan? Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa panayam na ito. Ang una ay tumutukoy sa pagkakaroon o kawalan ng internal na banghay o istruktura ng wika natin na pundasyon o basehan ng performatibong kakayanan ng mga Filipino na gamitin ang wikang Filipino. Samantala ang ikalawa nama'y tumutukoy sa praktikalidad ng teorya upang tasahin at usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna ng mabilisang pagbabago ng ating panahon. **PiliFilipino **-- ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong lalim ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba't ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga't di matutugunan ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang ba ang lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na pagkagulang ng WF? Ika nga'y matira ang matibay! Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May tatlong pananaw tungkol dito: a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa, b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba't ibang domain ng kaalaman at praktika, c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino. **Paimbabaw Na Wika** Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito. Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa banyagang wika -- Ingles. Pansinin: 1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng "kung ano ang bigkas, siya ang baybay". Imbis na phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya't mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang mag-aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang "bahay" ay bibigkasing "*bey-hey".* 2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman 'yang friend mo. So, yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan. 3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo namang di code-switching dahil ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching na nagaganap dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution ang nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram nagiging structurally flexible sa formang Taglish. i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-solve ------------------------------------------------ ----------------------------------------------- i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na-text i-equate, pag-equate, mag-equate, kaka-equate um-attend, um-increase, um-order, um-answer Kung kaya't multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa pangungusap. Hal. "I-zerox mo ang papers mo sa promotion." "Ok na kaka-zerox ko nga lang." Ang Tagalog/Filipino component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita. Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino): Re-ayos mo na yan! Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress. Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad. Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan ng isang tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi. Ang problema'y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at uunlad din ang WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig. Kung kaya't nangyari ang iba't ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng panahon. Ang iba't ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala't namamatay, unti-unti nauungusan ng malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya't sa ating bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang mapanuksong alternatibo -- ang gawing wikang ofisyal at panturo ang Ingles. Tingnan natin ang iba't ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan: 1.) Ang WF ay Taglish -- wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang "maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan" (sipi mula kay Sison-Buban 2006) 2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba't ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz 3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog; walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-aklat ng Galaw ng Asoge, 2005) 4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba't ibang larang sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang anyo ng wika **Ubod ng Wika** Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na taal nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na -- naghihintay na mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga ito ang "universal o generative grammar" ni Chomsky, ang "private language" ni Wittgenstein, "archi-writing" ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya't may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa imahinatibo't malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba't ibang modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika. **Lalim ng Wika: Gramatikang Filipino?** Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng pagbabago at madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at tuluyang pagkawala. Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na paimbabaw na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang masandigang internal na lohika o gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni Emerita S. Quito (1989/2010: 23): "Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino." **Mahalaga ang lalim ng wika dahil:** 1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika, 2. nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika, 3. ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan 4. nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa kung ano ang uso at pinapauso 5. intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor. Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung magkagayon malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa daluyong ng pagbabago sa mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika (prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika'y di maglalaon ang magiging natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay kritikal at istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba't ibang komunikatibong sitwasyon at pagkilos. Kung kaya't ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa sanga-sangang dila ng gahum. **GAWAIN 1** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang kaugnayan ng Pilosopiya sa Wika? Ipaliwanag 2. Ano ang tinutukoy na lalim ng wika? Ipaliwanag 3\. Ilarawan ang direksyon ng wika sa kasalukyan, ito ba ay ayon pa rin sa pilosopiya ng mga tao kung papaano nabubuo at ginagamit ang wika sa kasalukuyan? Ipaliwanag **GAWAIN 2** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Basahing at unawaing mabuti ang kaisipan at ipaliwanag ito ayon sa kasalukyang sitwasyon. Isulat sa bilog ang iyong sagot.** *"Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino."* **GAWAIN 3** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **PANUTO: Saliksikin ang Pilosopiya ng KWF sa usaping pangwika.(10 pts)** **BUOD NG MODYUL:** +-----------------------------------------------------------------------+ | Tinalakay sa unang aralin, Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng | | pagtuturo o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan. Ang papel | | ay kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa | | kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang | | pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12. | | | | Sa ikalawang aralin, Ang Filipino ay hindi lamang midyum ng pagtuturo | | o disiplina; ito ay isang pambansang pananagutan. Ang papel ay | | kritikal na paglilimi sa sistema ng edukasyon na pinaiiral sa | | kasalukuyan, samantalang iginigiit ng Kagawaran ng Edukasyon ang | | pagpapatupad ng bagong kurikulum kaugnay ng K to 12. | | | | Sa ikatlong aralin, ito ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat | | ng mga aspeto ng lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, | | mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano | | ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan. | | Kaiba ang sosyolingguwistika mula sa sosyolohiya ng wika dahil | | nakatuon ang sosyolingguwistika sa epekto ng lipunan sa wika, habang | | ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan. | | Sumasaklaw ng malaking bahagi ang sosyolingguwistika sa pragmatika. | | | | At sa huling aralin, ang **pilosopiya ng wika** ay nakatuon sa apat | | na pangunahing mga suliranin: ang kalikasan ng kahulugan, paggamit ng | | wika, kognisyon ng wika, at ang ugnayan na nasa pagitan ng wika at | | ng katotohanan o realidad. Ngunit, para sa mga pilosopong | | kontinental, ang pilosopiya ng wika ay tila hinaharap, hindi bilang | | isang nakahiwalay na paksa, subalit bilang isang bahagi | | ng [lohika](https://tl.wikipedia.org/wiki/Lohika). | +-----------------------------------------------------------------------+ **LAGUMANG PAGSUSULIT** **Pangalan \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Iskor \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Kurso/Taon/Seksyon \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ Petsa \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_** **Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong.(20 pts)** A. Ibigay ang kahulugan o katangian ng bawat salita at ipaliwanag 1\. Akademya 2\. Sosyolohiya 3\. Sikolohiyang Pilipino 4\. Pilosopiya 5\. Antropolohiyang Linggwuwistika 6\. Lipunan 7\. Filipino 8\. Wika 9\. Yupemismo 10\. Gramatikang Filipino **B. Ipaliwanag ang mga kasipang napapaloob sa pangungusap. (30 pts)** 1\. Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang kasalukuyang hubog, anyo at takbo ng wikang Filipino? Paano ito makatutulong upang maging masinop at masinsin ang ating analisis ng wika at ang naturang gamit nito para sa mga tao at sa lipunan niyang ginagalawan?