Sitwasyong Pangwika: Kalakalan, Pamahalaan, at Edukasyon PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral ng sitwasyon ng wika sa Pilipinas sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon. Ipinapakita nito kung paano ginagamit ang Filipino at Ingles sa iba't ibang konteksto. May mga halimbawa rin na ibinigay.
Full Transcript
SITWASYONG PANGWIKA Kalakalan Pamahalaan Edukasyon Kalakalan Ang sitwasyong pangwika sa kalakalan ay: Tumulukoy ito sa kung paano ginagamit ang wika sa konteksto ng mga transaksyon at ugnayan sa larangan ng negosyo at kalakalan. Kalakal...
SITWASYONG PANGWIKA Kalakalan Pamahalaan Edukasyon Kalakalan Ang sitwasyong pangwika sa kalakalan ay: Tumulukoy ito sa kung paano ginagamit ang wika sa konteksto ng mga transaksyon at ugnayan sa larangan ng negosyo at kalakalan. Kalakalan Kabilang dito ang mga paraan ng komunikasyon na ginagamit sa pagnenegosyo, mula sa pagbebenta at marketing hanggang sa pakikipag-ugnayan sa mga kliyente, mamimili, at kasosyo sa negosyo. Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer. Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na Kalakalan multinational companies. Halimbawa: Pag tayo ay magbebenta ng ating mga produkto sa social media ay tiyak ang paggamit ng code switching o ang pagpapalitan ng Ingles at Filipino Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata, at iba pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Kalakalan Ang mga website ng malalaking mangangalakal ay sa Ingles nakasulat gayundin ang kanilang press release lalo na kung ito ay sa mga broadsbeet magazine nalalathala. Filipino at iba't ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Filipino ang wikang ginagamit sa mga komersiyal o patalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimil; upang bilhin ang mga produkto tangkilikin ang mga serbisyo ng mga mangangalakal. Kalakalan Kalakalan Pamahalaan Edukasyon Pamahalaan Ang sitwasyong pangwika sa pamahalaan ay: Tumutukoy sa paggamit ng wika sa mga opisyal na gawain at komunikasyon ng gobyerno. Karaniwang ginagamit ang pormal na wika sa mga dokumento, batas, at anunsyo. Pamahalaan Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na "nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya. Ang dating Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay ng malaking suporta at pagpapahalaga Pamahalaan sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya sa wikang ito sa mga mahahalagang panayam at talumpating ibinibigay tulad ng SONA o State of the Nation Address na ipinarating niya sa buong panahon ng kanyang panunungkulan. Sa Pilipinas, Filipino at Ingles ang opisyal na mga wika sa pamahalaan, ngunit ginagamit din ang iba’t ibang rehiyonal na wika sa lokal na antas upang mas epektibong makipag-ugnayan sa mga mamamayan. Makabubuti ito upang maunawaan ng mga karaniwang mamamayan ang kanyang mga sinasabi at nais iparating sa bayan. Ito ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na Pamahalaan pinapahalagahan niya ang wikang Filipino. Halimbawa: Pag ang paguusapan ay teknikal ginagamit ang wikang Ingles. Nagkakaroon ng pagpapalitan ng Ingles at Filipino kung may mga terminong mahirap tumbasan sa wikang Filipino. Maging sa mga opisyal na pandinig sa Pamahalaan pamahalaan ay wikang Filipino rin ang ginagamit subalit hindi maiiwasan ang code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. Kalakalan Pamahalaan Edukasyon Edukasyon Ang sitwasyong pangwika sa edukasyon ay: Tumutukoy sa paggamit ng wika sa loob ng mga institusyon ng edukasyon, tulad ng mga paaralan at unibersidad. Nakakaapekto ito sa paraan ng pagtuturo at pagkatuto, kung saan ang wika ng pagtuturo o medium of instruction ay may malaking papel. Edukasyon Sa Pilipinas, karaniwang ginagamit ang Ingles at Filipino sa pagtuturo, depende sa antas ng edukasyon. Ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatulong ng malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at makatulong sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at mapahalagahan ang kanilang paksang pinag-aaralan. Edukasyon Halimbawa: Kung ang isang bata ay ipinanganak sa Ilocos at nakatira dito ang unang wika o wikang kinagisnan ay Iloko. Sa mataas na antas nananatiling bilinguwal kung saan ginagamit ang wikang Ingles at Filipino bilang wikang panturo. Edukasyon Kalakalan Pamahalaan Edukasyon PINAGMULAN https://www.scribd.com/document/487506071/ Sitwasyong-Pangwika-sa-Kalakalan-pdf https://youtu.be/VlkoNcgWsIE? si=lnNd29rYwIdSrMuV https://prezi.com/xbvcgtlepdr0/sitwasyong- pangwika-sa-kalakalan/ Maraming Salamat