photo.jpg
Document Details
Uploaded by FondSeaborgium
Tags
Related
Full Transcript
## El Filibusterismo Characters ### Sinang Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika ### Momoy Isa sa panauhin sa kasalan nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; kasali sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; ### Ka...
## El Filibusterismo Characters ### Sinang Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika ### Momoy Isa sa panauhin sa kasalan nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; kasali sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; ### Kapitan Loleng Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagpayo kay Isagani na magtago dahil baka mapagbintangan na siyang may kagagawan sa kaguluhan sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez. ### Kapitan Toringgoy Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na baka ang mga prayle, o si Quiroga o si Makaraeg ay may kagagawan ng kaguluhan ### Chichoy Isa sa mga nag-usap-usap tungkol sa kaguluhang naganap sa piging nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez; nagsabi na si Simoun ang naglagay ng bayong na puno ng pulbura ### Maria Clara Namatay sa kumbento ng Sta. Clara; sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi ## Activity: Sa mga nakilala mong mga tauhan ng El Filibusterismo, sino sa kanila ang sa tingin mo ang buhay na buhay pa ang katauhan sa kasalukuyang panahon? Bakit? Sagutin at isulat ito sa iyong kuwaderno. (5pts) ## Learning Ngayon na nagkaroon ka na ng pangunahing kaalaman hinggil sa nobelang El Filibusterismo at matapos ang masinop na pagbibinhi at pag-uuhay na nagpahinog at naghanda sa iyo para lumago ang kaalaman, inaasahang handang-handa ka na sa pag-aani ng iyong mga natutuhan na pinanday ng iyong ibayong pagsisikap. ## GAWAIN 1. Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat bilang. Ibigay ang titik ng wastong sagot. Sagutin at isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ilang taon ang lumipas bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas? A. Dalawa B. Lima C. Pito D. Labintatlo