WEEK-1_Wika-at-Komunikasyon.pptx
Document Details
Uploaded by HighSpiritedAluminium
Tags
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Laro: Number Substitution Cyper Ang isang titik ay katumbas ng isang numero. Halimbawa A=1, B=2 atbp. Kinakailangan ninyong mabuo ang tama salita. Laro: Number Substitution Cyper ____ ____ ____ ____...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Laro: Number Substitution Cyper Ang isang titik ay katumbas ng isang numero. Halimbawa A=1, B=2 atbp. Kinakailangan ninyong mabuo ang tama salita. Laro: Number Substitution Cyper ____ ____ ____ ____ 23 9 11 1 __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ 11 15 13 21 14 9 11 1 19 25 15 14 ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ 4 9 19 11 21 18 19 15 wika at Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino komunikasyon Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. natutukoy at naipapaliwanag ang konsepto ng wika at mga bahagi nito; naitatalakay ang kahalagahan ng b. wika sa komunikasyon at lipunan; napapahalagahan ang wika bilang c. isang lingua franca sa mga pandaigdigang konteksto; at natutukoy at ilarawan ang d. mahahalagang katangian (kalikasan) ng wika. Busisiin ang larawan :) 1. Ano ang wika? 2. Paano nakakatulong ang wika sa bawat tao sa mundo? 3. Ano ang pinkaepektibong paraan ng pakikipagkomunikasyon sa ibang tao? Ano ang wika? Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahuluganay "dila" Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinyon, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita. wika Constantino ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating Ang wika ay maihahalintulad sa mga behikulo: dinadala tayo sa kinabibilangan nais nating tunguhan o paroonan. Gaya ng behikulo, ang wika ang nagsisilbing daan upang maiparating ang nais nating ipahayag kaya nagkakaroon ng pagkilos sa ating lipunan wika Randy S. man ay di magiging nyutral o inosenteng David larangan ang wika. Ang wika, o ang paraan ng paggamit nito ay laging may pinapanigan. Maaari itong maging positibo at negatibo ngunit kailan man ay hindi inosente. wika Whitehead Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan. Ang wika ay bunga ng pagiisa ng pagiisip ng mga tao sa isang lipunan. wika Gleason Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. wika Gleason Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao. Ang wika ay higit pa sa mga abstrak na pagpapaliwanag ng ibang manunulat. Isa rin itong siyensa na may sistemang kailangang kalikutin at aralin. wika Ngugi Ihiong isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki. wika San Buenaventura : "Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa. Higit pa sa pagiging kultura, ang wika ang nagsisilbing rekord sa lahat ng bumubuo sa isang bansa: ang mga tradisyon, kaisipan, haka haka at kultura. wika Chomsky (1957) isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik. Ang wika ay bunga ng pag-iisip at hindi ito basta-basta. Mayroong kailangan sundin pamantayan sa bawat wika. wika Hymes (1972) nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa sistema ang wika na nakikipaginteraksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng kultura ng grupong gumagamit nito. Higit pa sa Isa itong pagiging isang kasanayang mental at panlipunan namakatao. proseso, ang wika ay itinuturing na kasanayan- inaaral ito at nagsisilbing tulay sa pagbabago ng wika Halliday (1973) may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, at Ang wika ang nagpapatakbo pakikipag-usapng buhay natin. Kung wala nito, mananatili tayong tikom at wika Hayakawa may tatlong gamit ang wika: 1. Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa tao bagay at maging sa isang magaganap na pangyayari. 2. Ito ay nag-uutos. 3. Ito ay nagseset-up o saklaw ang mag kahulugan. Ang wika ay tumutugon sa pangangailangang intelektwal ng mga tao. wika Haring AngPsammatikos wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo ay naririnig. Ang wika ay innate sa tao at kusang matutunan base sa taong nakapaligid sa kanila, kanilang mga naririnig at kanilang kapaligiran mismo. wika Plato isang pilosopong Griyego, ang wika ay nabubuo ayon sa batas ng pangangailangan ng tao na may mahiwagang kaugnayan sa kalikasan at ng mga kinatawan nito. Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula sa homo sapiens o mga unang tao. wika Plato Nakadepende sa demand ng tao ang wika. Kahit anong uri ng pag-unlad ang mangyari sa wika, ito ay laging nakatugon sa pangangailangan ng tao. wika Edward Sapir ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog. Ang wika ang nagsisilbing distinction ng mga tao mula sa hayop. Ang pagkakaroon ng wika ay isang intelehenteng paraan upang maiparating wika Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan wika Carroll (1964) Ang wika ay dinamiko o nagbabago. Hindi ito nananatili lamang sa isang anyo bagkus ay patuloy na yumayabong sa pagdaan ng panahon. wika Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito'y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang wika Todd (1987) Ang wika ang pangunahing sangkap sa Dr. Jose Villa komunikasyon paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at Panganiban damdamin a pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. lto ay binubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap na may kahulugan. wika John Locke Ang wika ay arbitaryong walang kahulugan kundi naglalaman ng ideya sa pag-iisip ng tao Walang ibang kahulugan ang wika sadyanh ito lamang ang tawag sa kung paano inilalabas ng tao ang kanilang ideya wika G. Bayani Abadilla. Ang wika ay ang sinasalitang tunog at nagsisilbing daluyan ng komunikasyon. Naipapahayag sa wika ang mga kaugalian, isip at damdamin ng bawat grupo ng mga tao sa larangan ngvkaisipan, ang wika rin ang impukan-kuhanan ng isang kultura. wika G. Bayani Abadilla. Maihahalintulad ang wika sa ilog na dinadaluyan ng tubig patungo sa dagat. Hindi makararating ang tubig o ang mensahe sa mawalak na dagat o epektibong komunikasyon nang walang maayos na paraan na pagdadaluyan. Sa tulong ng ilog o wika Dr. Jose P. Rizal Ang wika ay kaisipan ng mamamayan. Ang wika na ginagamit ng isang lipunan ay magsisilbing gabay sa kung papaano mag-iisip ang isang mamamayan. teyorya ng wika 1. Teoryang Bow-wow Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. 2. Teoryang Pooh-pooh pagbulalas bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa 3. Teoryang Yo-he-ho Natutong magsalita ang tao bunga diumano ng pwersang pisikal. 4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay ang wika raw ng tao ay nag- ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal. 5. Teoryang Ding-dong Kahawig ng teoryang bow- bow lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa. 6. Teoryang Ta-ta ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa 7. TEOR YANG MUSIKA sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono, walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon. 8. TEOR YANG YUM-YUM Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila 9. TEOR YANG SING-SONG Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. 10. TEOR YANG HEY YOU Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. 11. COO COO Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. 12. BABBLE LUCKY ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. 13. HOCUS POCUS Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. 14. LA LA Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. 15. EUREKA Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. 16. MAMA Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Bakit, ano at sapalagay mo? 1.Pumili ng isang tao nagbigay kahulugan sa wika? 3. Bilang isang kabataan papaano mo payayabungin an ating sariling wika? Ano ang komunikasyon Ang salitang Ingles na “communication” na pinaghanguan ng salitang komunikasyon na siyang palasak na ginagamit natin sa kasalukuyan ay hinango sa salitang Latin na ‘communis’ na ang ibig sabihin ay karaniwan. komunikasyon Semorlan Ang(1997:32) komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng komunikasyon Semorlan (1997:32) Hindi maaaring one-way ang komunikasyon. Nangangailangan ng reaksyon o tugon mula sa kabilang partido upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa isang lipunan. komunikasyon Espina at Borja (1999:6) Ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang komunikasyon Espina at Borja (1999:6) ay isa ring makabuluhang Ang komunikasyon kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa komunikasyon Espina at Borja (1999:6) Sangkap ang komunikasyon sa malalim at matibay na relasyon ng mga tao sa lipunan. Kung walang komunikasyon, mananatiling nakaimbak sa isip ng tao ang kanilang mga iniisip at nadarama. komunikasyon Webster ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming nagkahiwalay. Hindi lamang berbal ang paraan ng pakikipag-usap. Sinasabi na kayang pagkasunduin ang dalawang komunikasyon Barnhart Ang komunikasyon ay ang pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalita o pagsenyas. Higit pa sa pagsusulat at pagsasalita, ang pagsenyas ay itinuturing din na paraan ng komunikasyon kung saan maaaring ilabas ang komunikasyon Sauco at Atienza (2001:3) ay isang paraan ng Ang komunikasyon pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya sa isang lipunang kanyang ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran. komunikasyon Sauco at Atienza (2001:3) ay isang paraan ng pakikipag- Ang komunikasyon ugnayan sa kapaligirang ginagalawan. Isa itong responsibilidad upang patuloy na magkaroon ng matiwasay na samahan sa loob ng isang komunidad. Isa itong daan sa kapayapaan. Bakit, ano at sapalagay mo? 1. Ano ang ugnayan ng wika at komunikasyon? Kahalagahan ng Wika Kahalagahan ng wika Ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Kailangang ang komunikasyon para sa pagkatuto at pagkalat ng karunungan. Kahalagahan ng wika Mahalaga ang wika pananalita, pagpapayabong, pagpapalaganap ng kultura. Naipapakilala ang kultura dahil sa wika. Yumayaman din ang wika dahil sa Kahalagahan ng wika Kapag may sarling wika ang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito. Kahalagahan ng wika Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. Kahalagahan ng wika Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipag talastasan. Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika Ang Pagkawala ng wika ay mag dudulot ng pagkabigo Ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa 1.BAkit mahalaga ang wika? Mga Katangian ng WIka Ni henry Gleason Mga Katangian ng WIka 1. Sinasalitang tunog-Ang mga tunog ng isang wika ay na bubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, babagtingang-tinig, ngala-ngala at iba pa. Ang wika ay sinasalitang at ang pagsulat ay representasyon lamang ng mga tunog na sinasalita. Mga Katangian ng WIka 2. Masistemang balangkas- Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay a.binubuo ng mga makabuluhang tunog (ponema); b.na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema); c. na bumabagay sa iba pang mga salitad (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.; d.Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit Mga Katangian ng WIka 1. Ponolohiya o fonoloji– pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat]. Mga Katangian ng WIka 2. Morpolohiya o morfoloji– pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitangugat, panlapi at fonema. Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-hanFonema = Mga Katangian ng WIka 3. Sintaksis– pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa. Mga Katangian ng WIka 4. Semantiks– pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang magingmalinaw ang nais ipahayag Mga Katangian ng WIka 3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitrayo- ang wika ay nabubuo sa batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa loob ng isang lipunan. Sa makatuwid bawat lipunan ay maaring makabuo ng wika. Ang wika ay arbitraryo: nangangahulugang ito na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit nito. Isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng mga pangkat ng taong gumagamit Mga Katangian ng WIka 4.Kabuhol ng kultura- madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan wikang kaniyangginagamit. Ang wika ay sumasalamin sa isang tao sapagkat Malaki ang ugnayan ng dalawang ito. Lumalawak at nagbabago ang wika mga taong gumagamit nito na kabilang sa isang lipunan na may umiiral na isang kultura. Mga Katangian ng WIka 5.Ginagamit sa komunikasyon- ang wika ay itinuturing na pinakamabisang kasangkapan sa komunikasyon. Gamit ang wika ay naipahahayag ng tao ang kanyang saloobin, pananaw, kuru- kuro hinggil sa isang bagay, pangyayari at iba pa. ika nga nila (no man is an island) walang sinuman ang nabubuhy para sa sarili lamang. Mga Katangian ng WIka 6.Nagbabago- dinamiko ang wika sa pagkat, patuloy itong nagbabago sa paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabuo sa loob ng isang lipunan. 7.Natatangi - bawat wika ay may kani-kanyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang wika magkapareho. Bawat wika ay may natatanging Lingua franca Ang wikang ginagamit sa komunikasyon ng dalawang taong may magkaibang wika. Nagsisilbing tulay ng unawaan ng iba’t ibang grupo ng taong may kanikaniyang wikang ginagamit. Lingua franca Filipino ang itinuturing na lingua franca Marami ang nagpapalagay na Ingles ang lingua franca ng daigdig. Lingua franca Nagkakaunawaan ang isang bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig dahil may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat isa. sangunian Dalumat Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Senior High School by (Lacsamana, 2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Taylan, 2019) Mendoza, Z. M., & Romero, M. L. (2007). Pagbasa at Pagsulat Sa Ibat-ibang Disiplina Sa Antas Tersarya' 2007 Ed. Manila: Rex Bookstore. Almario, V. (2015) Introduksiyon pangkatang gawain Magsasagawa ng maikling dula na hindi lalapas sa sampung minuto. Maglalaan ng 30 minuto bago ang presentasyon. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon na makapili sa sumusunod na paksa: pangkatang gawain Mga paksa: 1. Nagpapakita na ang wika ay nagbubunsod ng pagkakaisa ng mga mamamayan. 2. Nag papakita na ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay. 3. Nagpapakita na ang wika ay mabisang instrument sap ag-iimbak at pagpapalaganap ng karunungan at kaalaman. 4. Nagpapakita na ang wika ay maaaring bumuo o sumira. 5. Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa komunikasyon pangkatang gawain