PDF Araling Panlipunan 6 - Ang Pananakop ng mga Hapones

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala tungkol sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas, na naka-focus sa mga pangyayari sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kasama rin dito ang pagtalakay sa Bataan Death March at mga tanong para sa pagmumuni-muni tungkol sa mga desisyon noong panahon ng digmaan. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Full Transcript

Jubilee Christian Academy Elementary Department Araling Panlipunan 6, S.Y. 2024–2025 Notes 3.2: Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Pang...

Jubilee Christian Academy Elementary Department Araling Panlipunan 6, S.Y. 2024–2025 Notes 3.2: Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Pangalan: ___________________________________________ CN: ________ Petsa: ___________ Baitang & Pangkat: _____________________________________ Guro: Bb. Audrey Roxan S. Tura Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas Panimula Patuloy pa rin ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas habang lumalala naman ang sakit ni Pangulong Manuel Quezon. Napagtanto ni MacArthur na hindi kakayaning makipaglaban dahil sa kakulangan sa sundalo at kagamitang pandigma. Ang Pagbagsak ng Bataan at Corregidor Abril 9, 1942– sumuko ang USAFFE sa utos ni Edward King dahil sa lakas ng pwersa ng Hapon na pinamunuan ni Masaharu Homma Ang pagsuko ni Edward King kay Homma ang nagwakas ng labanan sa Bataan ngunit sinalakay naman ng Hapon ang Corregidor pagkatapos Mayo 6, 1942– sumuko si Jonathan Wainwright sa Hapon sa Corregidor at iniutos ang pagsuko ng buong USAFFE sa Pilipinas kay Masaharu Homma 1 Ang Bataan Death March Bilang resulta ng pagsuko, nangyari ang makasaysayan at hindi malilimutang pagpapahirap ng mga Hapones sa mga sundalong Amerikano at Pilipino. Libo-libong mga sundalo ang pinaglakad sa loob ng mahigit-kumulang isang linggo nang walang pagkain at tubig, sa gitna ng matinding init at pagod. Naglakad ang mga sundalo mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga bago pasakayin ng tren papuntang Capas, Tarlac. Ang Death March ay itinuturing na isa sa mga pinakamalupit na pagpapahirap ng ginawa ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagnilayan Natin! Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa intermediate paper. Ipaliwanag sa 3-4 pangungusap. 1. Paano mo mailalarawan ang pananakop ng mga Hapon? 2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging desisyon ng dalawang heneral na sumuko sa Hapon? TALASALITAAN: Himpilan– pangunahing tanggapan ng isang organisasyon, kumpanya o grupo ng mga tao (hal. sundalo, pulis) Humalili– pumalit sa isang tao upang gawin ang isang bagay o layunin Lumalala– lumulubha o naging masama ang kalagayan ng isang tao (hal. kapag may sakit), o isang kalagayan (hal. pagdami ng populasyon) Nahikayat– naimpluwensyahan o nabago ang isip na gawin ang isang bagay Napagtanto– napag-isipan ang isang pangyayari, madalas pagkatapos nito Pinakamalupit– paglalarawan sa paraan ng paggawa ng isang bagay kung saan ito ay brutal at walang-awa o hindi makatao 2

Use Quizgecko on...
Browser
Browser