TNT-Reviewer (1).docx
Document Details
Uploaded by LuxuriousAutomatism
Tags
Related
- Rebyuwer sa Tagisan ng Talino Grades 7-12 PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa: Ang Pag-unlad ng Wikang Filipino PDF
- Aralin 5 - Filipino bilang Wikang Pambansa PDF
- Filipinolohiya Review PDF
- MODYUL SA FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN PDF
Full Transcript
TAGISAN NG TALINO Reviewer - Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay. - Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat...
TAGISAN NG TALINO Reviewer - Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay. - Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. - Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal. - Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang "Wikang pambansang Pilipino" o "Wikang Pambansa Batay sa Tagalog". Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na nagtatadhanang \"ang wikang pambansa ng Pilipinasay Filipino.\" Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba\'t ibang katutubong wika; bagkus, ito\'y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog - Ang FILIPINO ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilangwika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.Mula sa inilahad na maikling kasaysayan ng wikang pambansa, angdepinisyon ng KWF ay maaaring hatiin sa Apat; -Ang Filipino ay pambansang Linggwa ng Pilipinas.Ang Filipino bilang linggwa frangka ay tumutulong sa mga taong nagmula sa iba't ibang rehiyon na magkaunawaan at makipag-ugnayan - Ang Filipino ay wikang pambansa ng Pilipinas.Ginagamit ito sa pulitika, kultura at lipunan. Dinedebelop ito bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa.Ang Filipino ay Opisyal na wika sa komunikasyon.Ang wikang Filipino bilang wikang opisyal ay higit na nauunawaan ng mga Pilipino sa mga opisyal sa talakayan at oipsyal na talakayan at opisyal na transaksyonAng Filipino ay opisyal na Wikang panturo at pagkatao.Bilang opisyal na wika, itinuturo at ginagamit bilang wikang panturo ang Filipino. Sa ilalim ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987, isinasaad na ang paggamit ng Filipino bilang wika ng literasi - Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon,nabanggit na ang pagkakaroon ng wikangpambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3na, "Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sapagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa nabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.\" (Art. 14, Sek. 3) - Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upangmamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. - 1954 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon sang ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdng Linggo ng Wika. - 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang ProklamsyonBlg. 186 bilang pagsusog sa Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng WikangPambansa taun-taon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto - Katangian ng Wikang Filipino - Isang simbolo ng pambansang dangal - Isang simbolo ng pambansang pagkakilanlan - Kasangkapang pambuklod ng mga grupong may iba't-ibang sosyokultural at linggwistikong karanasan. - Isang paraan ng komunikasyong panrehiyon at pangkultura. - Opisyal na wika - Midyum sa pagtuturo sa mga institusyong pan-edukasyon - Isang paraan ng komunikasyon sa pambansang antas para sa implementasyon at pagsulong ng administrasyong pang-gobyerno - Isang daan tungo sa kultural na pag-unlad at paggamit ng makabago at siyentipikong teknolohiya. - Ang Wikang Filipino ay sumalamin ng kulturang PilipinoMay mga salitang likas lamang sa wikang ginagamit ng mga Pilipino na repleksyon ng kultura. - ANG PAMBANSANG KASUOTAN NG MGA FILIPINO Filipiñana o Baro't Saya Barong Tagalog ginagamit sa bansa at patuloy na pinapaganda upang masabayan ang pagbabago ng lipunan - Simbolo ng Watawat ng Pilipinas -- - Tatlong bituin -- Kumakatawan sa tatlong pangunahing isla ng bansa: ang Luzon, Visayas at Mindanao - Si **María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino** (ipinanganak bilang **María Corazón Sumulong Cojuangco**) (25 Enero 1933 -- 1 Agosto 2009[^\[2\]^](https://tl.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino#cite_note-2)) na lalong mas kilala sa palayaw na **Cory** ay ang ikalabing-isang [Pangulo](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulo_ng_Pilipinas) ng [Republika ng Pilipinas](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas) at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 -- 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang **Ina ng Demokrasya** dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa [Pilipinas](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas). Ipinanganak siya sa [Tarlac](https://tl.wikipedia.org/wiki/Tarlac) nina [Jose Cojuangco Sr.](https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Jose_Cojuangco_Sr.&action=edit&redlink=1) at [Demetria Sumulong](https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Demetria_Sumulong&action=edit&redlink=1). Nakapag-aral siya sa [Estados Unidos](https://tl.wikipedia.org/wiki/Estados_Unidos) at nakapagtapos nang may digri sa [Wikang Pranses](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Pranses). Siya ay kabiyak ni [Benigno \"Ninoy\" Aquino, Jr.](https://tl.wikipedia.org/wiki/Benigno_%22Ninoy%22_Aquino,_Jr.) , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulo na si [Ferdinand E. Marcos](https://tl.wikipedia.org/wiki/Ferdinand_E._Marcos). Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon ([Unang Rebolusyon sa EDSA](https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Rebolusyon_sa_EDSA)) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang [demokrasya](https://tl.wikipedia.org/wiki/Demokrasya) sa bansa. Siya ay ina ng artistang si [Kris Aquino](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kris_Aquino) at ng dating Pangulo ng Pilipinas na si [Benigno Aquino III](https://tl.wikipedia.org/wiki/Benigno_Simeon_Aquino_III). [Pumanaw](https://tl.wikipedia.org/wiki/Ang_Pagpanaw_at_Parangal_kay_Corazon_Aquino) siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong 5 Agosto - Ang ***Diariong Tagalog*** (sa makabagong ortograpiya: \"Diyaryong Tagalog\") ay [pahayagang](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pahayagan) nasa wikang [Tagalog](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Tagalog) at [Espanyol](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Espanyol) noong panahon ng pananakop ng [Espanya](https://tl.wikipedia.org/wiki/Espanya) sa [Pilipinas](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipinas). Itinatag ito ni [Marcelo del Pilar](https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_del_Pilar) noong 1882 at tinustusan naman ni [Francisco Calvo](https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Francisco_Calvo&action=edit&redlink=1) ang pagpapalimbag ng pahayagan.[^\[1\]^](https://tl.wikipedia.org/wiki/Diariong_Tagalog#cite_note-1) Ang *Diariong Tagalog* ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga [prayle](https://tl.wikipedia.org/wiki/Prayle). Tumagal lamang ng limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo 1 ng natura ring taon - Marso 16,1521-Dumating sina magellan sa Arkipelago ni San Lazaro o Islas de San Lazaro (katawagan na ibinigay ni Magellan sa PILIPINAS). Dahil hindi pa batid ng mga Espanyol na sila ay dumaan sa International Date Line ,ang pesta ay dinagdagan ng isang araw at ginawang Marso 17., - Ang **mitolohiyang Pilipino at mga [[kuwentong bayan]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kuwentong_bayan)** ay kinabibilangan ng mga salaysay at [[pamahiin]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pamahiin) hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga [[Pilipino]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Pilipino). Ito\'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang [[Kristyanismo]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kristyanismo). Hanggang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si [[Bathala]](https://tl.wikipedia.org/wiki/Bathala) ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan. Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan. - Setyembre 2, 1865 - Pebrero 14, 1952 Si Simeon Ola y Arboleda ay isang magiting na pinuno ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng Espanyol at Amerikano, at isa sa mga huling sumuko na heneral. Isinilang siya noong Setyembre 2, 1865 sa Guinobatan, Albay kina Vicente Ola at Apolonia Arboleda. Nakapag-aral siya sa Mater Salutis College Seminary ng pilosopiya, ngunit nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, tumigil siya ng pag-aaral at lumahok sa Katipunan. Naging pinuno siya ng rebolusyon sa kaniyang bayan. Dahil sa kaniyang matagumpay na pananambang sa mga kaaway, hinirang siyang kapitan ni Heneral Vito Belarmino, ang pangkalahatang pinuno sa Bicol. Nang dumating ang mga Amerikano, ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa kabila ng pagsuko ni Heneral Belarmino noong 1901. Siya ay namundok at tinipon ang natitirang mga kawal na hindi sumuko, at naging pinakamataas na pinuno sa Bicol. - Ang **Doctrína Christiána en lengua española y ta- gala **(Dok·trí·na Kris·ti·yá·na en leng·gu·wá es·pan·yó·la i ta·gá·la) ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipi- nas. Inilathala ito noong1593 sa imprenta ng mga Dominiko sa Maynila at malinaw ang layunin na maging kasangkapan sa pagtuturo ng mga pangu- nahing doktrinang Kris- tiyano. Nilalamán nitó ang mga dasal na "Ang Ama Namin," "Ang Aba Ginoong Maria," "Ang Sumampalataya," at "Ang Aba Po," ang mga aral na "Ang Sampung Utos," "Ang Utos ng Santa Igle- sya," "Ang Pitong Sakra- mento," at "Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang," at ang "Tanungan" para sa pangungumpisal. Nakasulat ang mga ito sa wikang Español at may salin sa Tagalog sa alpabetong Romano ngunit may bersiyon din ang Tagalog sa katutubong baybayin. 70 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisy