Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto sa Filipino. Binibigyang-linaw dito ang konsepto ng pagbasa, pagsusuri, at ang mga iba't ibang uri ng teksto kabilang ang tekstong impormatib, deskriptibo, persweysib, naratib, at prosidyural.

Full Transcript

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ARALIN 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Sa loob ng 3-5 pangungusap, ipaliwanag ang...

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ARALIN 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Sa loob ng 3-5 pangungusap, ipaliwanag ang sumusunod na katanungan: Ano ang PAGBASA? Ano ang PAGSUSURI? Ano ang teksto? Paano nasusuri ang isang teksto? PAGBASA Ang pagbasa ay ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag- iisip sa ipinahahayag na mensahe ng sumulat. Ito rin ay isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag na mga titik sa bawat pahina ng babasahin. Ito ay isang paraan ng pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng kahulugan. Kung kaya’t ito ay ang kombinasyon ng pag- unawa ng mga salita at diwang ipinahahayag. Bahagi rin ito ng komunikasyon na may kaugnayan sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ang pagbasa ay may layunin tulad ng: upang matuto upang makakuha ng mga impormasyon at upang maglibang Teksto Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa mga bagay-bagay. Pagkilala sa Iba’t-Ibang Uri ng Teksto TEKSTONG IMPORMATIB Ito ay naglalayong maglahad o magbigay ng impormasyon, kabatiran at kapaliwanagan sa mga bagay-bagay at pangyayari ayon sa hinihingi ng pagkakataon at panahon. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. TEKSTONG IMPORMATIB HALIMBAWA: pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp. TEKSTONG DESKRIPTIB Naglalayon itong magpakita o maglarawan ng mga bagay-bagay at mga pangyayari batay sa nakita, naranasan o nasaksihan. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp TEKSTONG DESKRIPTIB HALIMBAWA: lathalain at mga akdang pampanitikan. Uri ng Tekstong Deskriptib Deskriptib Impresyunistik Deskriptib Teknikal uri ng tekstong naglalarawan uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng na nagpapakita ng pansariling pananaw o obhetibong pananaw sa opinyon at personal na tulong ng mga tiyak na datos, pakiramdam ng sumulat. mga ilustrasyon, at dayagram. TEKSTONG PERSWEYSIB Naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. TEKSTONG PERSWEYSIB HALIMBAWA: patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. TEKSTONG PERSWEYSIB Tekstong ang layunin ay manghikayat at papaniwalain ang mga mambabasa. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: A. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. TEKSTONG PERSWEYSIB B. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. C. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig. TEKSTONG NARATIB Ito ay nagsasalaysay o nag-uugnay sa mga pangyayari sa kapaligiran ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di- piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). TEKSTONG NARATIB HALIMBAWA: maikling kuwento, alamat, at nobela. Mga bahagi ng Tekstong Naratib: Mga komplikasyon o Resulusyon o Ekposisyon o kadena ng kaganapan, impormasyon tungkol sa denouement ay ang dito nakikita ang katapusan o huling pangunahing tauhan at pagkakasunod-sunod ng tagpuan bahagi ng kuwento pangyayari sa kuwento, dito nabibigyang ang papataas na aksiyon, solusyon ang rurok, at pababang tunggalian o suliranin. aksiyon. TEKSTONG PROSIDYURAL Layunin naman ng tekstong ito na magbigay ng impormasyon kung papaano gagawin ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. TEKSTONG PROSIDYURAL HALIMBAWA: paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp. TEKSTONG ARGUMENTATIB Naglalayon itong maglahad ng mga simulain o proposisyon upang mapangatwiranan ang nais iparating na kaalaman sa mga mambabasa. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. Pagkilala sa Iba’t-Ibang Uri ng Teksto Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Adobong manok at baboy A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito. B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito. D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto. E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para makatulong sa pagpapalambot ng mga karne. F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at asim nito. Maaari rin maglagay ng asukal para sa mga nais na manamis-namis ang kanilang adobo. G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyong panlasa. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa kuryente. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba nito? Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na natatakpan ng puting kumot. PAGTUKOY SA PAKSA PAMAKSANG SUPORTANG PAKSA PANGUNGUSAP DETALYE Tinatawag itong Topic Sa ingles tinatawag Ang kaisipang paulit- Sentence sa ingles. Ito naman itong ulit at binibigyang- ang pinaka-pokus o Supporting Details na pokus at iniikutan ng pangunahing tema sa gumagabay na bigyang mga pangungusap o pagpapalawak ng daan ang pagpapalawak bahagi na bumubuo ideya. sa ideya ng paksang sa teksto. pangungusap. Pagtukoy sa Paksa Dapat tandaan na ang paksang pangungusap ang siyang kumakatawan sa pinakasentro ng buong teksto na sinusuportahan naman ng mahahalagang detalye. Ito ang pangunahing temang kumakatawan sa pinaka-ideyang nais ipahayag ng may-akda habang dinaragdagan naman niya ng mga impormasyong magpapabisa at magbibigay-linaw sa kanyang paglalahad sa teksto. Pagtukoy sa Paksa Kadalasan, makikita ang paksang pangungusap sa unahang bahagi ng unang talata o maaari rin naming sa bandang hulihan ng pangwakas na talata sa kabuuan ng teksto na ang layunin ay muling bigyang linaw at hanay ang ipinapahayag na kaisipan. Samantalang may pagkakataon na maaari ring makita ang paksang pangungusap sa gitnang bahagi ng teksto o sa talatang nagsisilbing katawan ng teksto. Ang layunin naman ng ganitong istilo ay upang huwag maligaw ang bumabasa sa kaisipang nais ipahayag ng may-akda. Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp. Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito. Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito. ARALIN 1: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Use Quizgecko on...
Browser
Browser