Pagkilala sa Iba't Ibang Uri ng Teksto PDF
Document Details
![IdyllicBowenite2636](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-15.webp)
Uploaded by IdyllicBowenite2636
GMATHS
Tags
Related
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng pagkilala sa iba't ibang uri ng teksto sa Filipino. Tinalakay ang mga uri tulad ng tekstong impormatibo, deskriptibo, persuweysib, at naratibo, kasama ang mga bahagi ng tekstong naratibo.
Full Transcript
MODYUL ====== 1 = Pagkilala sa Iba't ibang Uri ng Teksto ====================================== Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba't ibang tekstong binasa **(F11PB-IIIa-98)** Layunin: a. Nakikilala ang iba't ibang uri ng tekstong binasa b. Nasusuri ang binasang t...
MODYUL ====== 1 = Pagkilala sa Iba't ibang Uri ng Teksto ====================================== Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba't ibang tekstong binasa **(F11PB-IIIa-98)** Layunin: a. Nakikilala ang iba't ibang uri ng tekstong binasa b. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito c. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa pagtukoy sa paksa ng teksto d. Nalilinaw ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binasa **Panuto:** Basahin at unawaing mabuti ang pagkilala sa mga uri ng teksto upang maiugnay ito sa sariling karanasan. **Aralin 1 Pagkilala sa Iba't ibang Uri ng Teksto** **Tekstong Impormatibo** Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapaki-pakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp. **Tekstong Deskriptibo** Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan. **Uri ng Tekstong Deskriptibo** 1. *Deskriptibong Impresyunistik* ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat. 2. *Deskriptibong Teknikal* ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram. **Tekstong Persuweysib** Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layuning maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o *punto de vista* hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapani-paniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: 1. *Ethos* - hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. 2. *Logos* - salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. 3. *Pathos -* tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig. **Tekstong Naratibo** Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda o mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong pangyayari o di-piksyon, maaari ring likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nitong ay makapagbigay--aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratibo ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela. Mga Bahagi ng Tekstong Naratibo: 1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan. 2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon. 3. Resolusyon o *denouement* ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin. **Tekstong Prosidyural** Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pagbuo ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp. **Tekstong Argumentatibo** Tekstong argumentatibo ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnay ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | Pagtukoy ng Kahulugan at Katangia | | ====== | n ng Mahahalagang Salitang Ginami | | | t ng Iba't Ibang Uri ng Tekstong | | 2 | Binasa | | = | ================================= | | | ================================= | | | ================================= | | | ====== | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Pagpapakahulugan ng Salita** Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 1\. Pagbibigay-kahulugan --- ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya\'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. 2\. Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita --- ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan 3\. Pagbibigay ng mga halimbawa --- ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. 4\. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap --- ito ang pagkakaroon ng iba\'t ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. 5\. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay --- ito ang pagbibigay ng kahuluga n sa mga salitang matalinghaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. **Kaantasan ng Wika** A. **Pormal na Wika** - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami. 1. 2. B. **Impormal na Wika** - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-araw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. 2. 3. **Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:** 1. Paghango sa mga salitang katutubo 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang Tagalog 4. Pagpapaikli 5. Pagbabaliktad 6. Paggamit ng Akronim 7. Pagpapalit ng Pantig 8. Paghahalo ng Salita 9. Paggamit ng Bilang 10. Pagdaragdag 11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag) 12. Pagpapaikli at pag-Pilipino 13. Pagpapaikli at pagbabaligtad 14. Panghihiram at pagpapaikli 15. Panghihiram at Pagdaragdag +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | **Katangian at Kalikasan ng Iba't | | ====== | ibang Uri ng Teksto** | | | | | 3 | | | = | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Pagtalakay sa Katangian at Kalikasan ng Iba't Ibang Uri ng Teksto** **1. Tekstong Impormatibo** Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal, siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at pagpapakahulugan ng impormasyon. **2. Tekstong Deskriptibo** o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa mga mambabasa o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo - **OBHETIBO**- may direktang pagpapakita ng katangian ng makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan - **SUBHETIBO**- May pagkiling sa sariling damdaming ipinahahayag at kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan. o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng konkretong detalye **3. Tekstong Naratibo** Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan. **May Iba\'t Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo** a\) **Unang Panauhan**---Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako, tayo, akin, at kami. b\) **Ikalawang Panauhan**---Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. c\) **Ikatlong Panauhan**---Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kay'a ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw: - *Maladiyos na panauhan*---Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. - *Limitadong panauhan*---Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan. - *Tagapag-obserbang panauhan*---Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. d\) **Kombinasyong Pananaw o Paningin**---Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. **Mga Elemento ng Tekstong Naratibo** Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong deskriptibo. ***1. Tauhan*** Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lknang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan---ang expository at ang dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod: **a. Pangunahing Tauhan** Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda. - **Tauhang Bilog** (Round Character)---Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin. - **Tauhang Lapad** (Flat Character)---Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.\ Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa tekstong naratibo. Bagama't madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rinnito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo. ### **2. Tagpuan at Panahon** Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang daM. ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang 61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin, matinding p4od ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa. ### **3. Banghay** Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachmny o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo: - - - ### **4. Paksa o Tema** 1. **[Tekstong Prosidyural]** - Isang espesyal na uri ng tekstong expository (nagpapaliwanag) - Naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan **Mga dapat taglayin sa pagsulat ng tekstong prosidyural:** - may malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin - may malinaw at tamang pagkaka-sunod-sunod ng dapat gawin - paggamit ng mga payak ngunit angkop na salita - paglakip ng mga larawan o ilustrasyon 2. **[Tekstong Persuweysib]** - pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat. - ito ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi sa isang partikular na paksa. - Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. - Layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at magpakilos ito tungo sa isang layunin. 3. **[Tekstong Argumentatibo]** ### ***Mahalaga at Napapanahon ang Paksa*** ### ***Maikli Ngunit Malaman at Malinaw na Pagtukoy Sa Tesis Sa Unang Talata ng Teksto*** ### ***Malinaw at Lohikal na Transisyon sa Pagitan ng mga Bahagi ng Teksto*** ### **Maayos na Pagkakasunod-sunod ng Talatang Naglalaman ng mga Ebidensya ng Argumento** ### ***Matibay na Ebidensiya Para sa Argumento*** Tiyak kong ang iba't ibang uri ng teksto ay inyong nabasa at napag-aralan na. Nasubukan mo na bang sumulat ng teksto? May iba't ibang uri ng teksto subalit may kani-kaniyang paraan ito kung paano nabubuo. Sa araling ito ay bibigyang-pokus natin ang ilang teksto -- impormatibo, deskriptibo at prosidyural. Sa **pagbuo ng tekstong impormatibo**, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya't dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya*, almanac*, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan. Narito naman ang mga **katangian ng isang mahusay na pagsulat** **ng** **tekstong impormatibo:** **Kalinawan:** Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan. **Katiyakan:** Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag. **Diin:** May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito'y kinakikitaan ng diwang mahalaga. **Kaugnayan:** Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag. **Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatibo?** Ang **SIMULA** higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito'y makaakit sa kawilihan ng bumabasa. Sa bahaging **KATAWAN O PINAKAGITNA** naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa. Ang **WAKAS** ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata. Ang **paglalarawan o ang tekstong deskriptibo** ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama. Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan. Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang **Maingat na pagpili ng paksa:** Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito'y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan. **Pagpili ng sariling pananaw:** tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan. **Pagbuo ng isang pangunahing larawan:** Ito'y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan. Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan. **Wastong pagpili ng mga sangkap:** Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan. Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap. Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya'y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan ng bumabasa o nakikinig. Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay nang malinaw na larawan. **Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa;** - **Pangkaraniwan** - ang uring ito'y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat. Madali mo bang naunawaan ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may tinik, halos wala, at malalago? Dahil ang mga ito ay may mababaw lamang na pakahulugan at tiyak ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong pakikipagtalastasan. - **masining na paglalarawan**: dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama. Ang **tekstong prosidyural** ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ngimpormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa paraan. Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod: 1\. **Inaasahan o Target na Awtput** -- tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto. 2\. **Mga Kagamitan** - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang kagamitan. 3\. **Metodo** -- ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto. 4\. **Ebalwasyon** - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng pagsasagawa. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | Pagsulat: *Cohesive Devices* | | ====== | ============================ | | | | | 5 | | | = | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Gamit ng *Cohesive Devices*** Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga *cohesive devices* para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa kaniyang isinulat. **1. Reperensiya** (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Tinutukoy nito ang anapora at katapora. ***2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.*** Halimbawa: Bumigay na ang aking **[laptop]** kaya bumili ako ng **[bago.]** Ang salitang *laptop* ay napalitan ng bago. ***3. Elipsis-*** ***May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.*** Halimbawa: **[Nagpunta si Nadine sa *mall* at namili]** si Nadine sa *mall.* Nagpunta si Nadine sa mall at namili. ***4. Pang-ugnay-*** ***Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng ["at]" sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.*** Halimbawa: ***5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.*** ***1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.*** ***2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.*** mayaman-mahirap Aralin 6 Pangangalap ng Datos ============================= **Kahulugan ng Reaksyong Papel** Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinyon patungkol sa binasang teksto. Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa. **Apat na bahagi ng Reaksyong Papel** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | **Pag-uugnay ng Kaisipang | | ====== | Nakapaloob sa Binasang Teksto** | | | | | 7 | | | = | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ Aralin7 Pag-uugnay ng Kaisipang Nakapaloob sa Binasang Teksto ============================================================= 1. 2. 3. 4. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | **Mga Kaisipang Nakapaloob sa | | ====== | Tekstong Binasa** | | | | | 8 | | | = | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ Aralin 8 Mga Kaisipang Nakapaloob sa Tekstong Binasa ==================================================== Ang **pangunahing kaisipan** ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan o teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto ngunit may ilang istilo ang manunulat na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kung kaya ang pangunahing kaisipan ay maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto. Tandaan! May pagkakataong hindi lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan. Ang **pantulong na kaisipan** naman ay nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan. Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na nakatutulong sa mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan, datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pa | | ====== | gpapahayag sa Reaksyong Papel | | | ================================= | | 9 | ============================= | | = | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **Iba't ibang Uri ng Pagpapahayag** **Paglalahad** Ayon kay **Arrogante (1994)**, ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes. **Pagsasalaysay** Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan. **Pangangatwiran** Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha. **Paglalarawan** Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | MODYUL | Pagsulat ng Reaksyong Papel | | ====== | =========================== | | | | | 10 | | | == | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ Kahulugan ng Reaksyong Papel ---------------------------- Alam mo ba na ang **reaksyong papel** ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto. Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa. Apat na bahagi ng Reaksyong Papel --------------------------------- 1. **Introduksyon**- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel. 2. **Katawan** - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel. 3. **Konklusyon** - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel. 4. **Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon** - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad.