Summary

This Tagalog handout explains the different types of narrative texts. It discusses various narrative perspectives, and the methods used to convey dialogue, thoughts, and emotions.

Full Transcript

ASSH2003 Ang Tekstong Naratibo Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng...

ASSH2003 Ang Tekstong Naratibo Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang pagpasok o kaya nama'y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga o pinakamalalaking kaganapan sa kanyang maghapon. Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkita- kita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi nang pasalita. Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos nararamdaman ng nagsusulat na siya'y bumubuo na pala ng isang kuwento, amg kanyang sariling kuwentong bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo. Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhang tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa. Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat sa isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang sinasalaysay. Maraming iba't ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pa alaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. lba't ibang uri subalit may iisang pagkakapareho; ang bawat isa'y nagkukuwento. May lba't ibang Pananaw o Paningin (Point of View) sa Tekstong Naratibo Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahababang naratibo tulad ng nobela ay hindi lang iisa kundi nagbabago-bago aug ginagamit na pananaw. 1. Unang Panauhan - sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako”. 2. Ikalawang Panauhan - dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya 't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw" subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat a kanilang pagsasalaysay. 3. Ikatlong Panauhan - ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong (3) uri ang ganitong uri ng pananaw: Maladiyos na panauhan - Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. Limitadong panauhan- Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan. Subalit hindi ang sa iba pang tauhan. 02 Handout 1 *Property of STI  [email protected] Page 1 of 4 ASSH2003 Tagapag-obserbang panauhan - Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang dayalogo saloobin, at damdamin: 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi'y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay. Halimbawa: ''Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo'y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. "Aba'y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?'' Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina. -Mula sa "Ang Kariton ni Donato 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapabayag. Hindi na ito ginaganlitan ng panipi. Halimbawa: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito'y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inaki ay papasok sa munti nilang kusina. May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagangg elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga elementong ito makikita natin kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong deskriptibo. 1. Tauhan Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa 02 Handout 1 *Property of STI  [email protected] Page 2 of 4 ASSH2003 pagpapakilala ng tauhan ang expository at dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod: A. Pangunahing Tauhan - Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuuan ng akda. B. Katunggaling Tauhan - Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahlng tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang na nangyayari sa pagitan nila nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan. C. Kasamang Tauhan - Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahin:g tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. D. Ang May-akda - Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuooan ng akda. Bagama't ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Ayon kay E.M. Forster, may dalawang (2) uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng: o Tauhang bilog (round character) - lsang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan halimbawa ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin. o Tauhang lapad (flat character) - Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tinedyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuuan ng kuwento. Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang (2) uring ito ng tauhan sa tekstong naratibo. Bagama't madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatangal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang manalamin pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo. 2. Tagpuan at Panahon Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang data ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin, matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw, 02 Handout 1 *Property of STI  [email protected] Page 3 of 4 ASSH2003 kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang, ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa. 3. Banghay Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo: Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauban, tagpuan at tema (orientation or introduction) Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem) Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action). Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax) Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action) Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending) Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo: Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. Prolepsis (Flash-forward) - dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. Ellipsis - may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. 4. Paksa o Tema Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa. Sanggunian: Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang pluma: Pagbasa at pagsususri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House 02 Handout 1 *Property of STI  [email protected] Page 4 of 4

Use Quizgecko on...
Browser
Browser