Mga Tanong at Sagot sa Ekonomiya (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng isang serye ng mga tanong (at mga sagot) tungkol sa ekonomiks. Kasama sa mga paksa ang demand at supply, mga sistema ng pamilihan, mga konsepto ng monopolyo at iba pa. Ito ay maaaring magamit bilang isang pagsusulit o isang katanungan ng pagsasanay para sa mga mag-aaral ng ekonomiyang sekundarya.

Full Transcript

Ano ang tinutukoy na ipinagpapalagay na presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng dami ng demand, habang ibang salik ay hindi nakakabago? Ceteris Paribus Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand? Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang...

Ano ang tinutukoy na ipinagpapalagay na presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng dami ng demand, habang ibang salik ay hindi nakakabago? Ceteris Paribus Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand? Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba\`t ibang halaga/presyo sa isang takdang panahon. Anong konsepto ng demand ang talaan nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon? Demand Schedule Ito tumutukoy sa dami ng produkto ng nais, handa at kayang ibenta ng isang prodyuser sa isang takdang panahon. Suplay Ano ang tinutukoy na matematikong pagpapakita ng ugnayan ng tuwirang relasyon ng presyo at dami ng handang ipagbiling produkto sa pamilihan? Supply Function Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng supply? Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba\`t ibang presyo sa isang takdang panahon. Ano ang gawain ng namumuhunan na nagdudulot ng artipisyal na kakulangan ng suplay sa pamilihan? Hoarding Ano ang tumutukoy sa sitwasyon ng pamilihan kung saan ang mamimili(demand) at ang prodyuser (supply) ay nagtatagpo? Ekwilibriyo Ano ang tinutukoy na mekanismo na kung saan ang mamimili at nagtitinda ay nakakaroon ng interaksyon upang magkaroon ng bentahan. Ito rin ang nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay-kalakal? Pamilihan Ano ang balangkas na umiiral sa sistema sa merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng mamimili at prodyuser? Estruktura ng Pamilihan Ano ang uri ng pamilihan na walang kapalit o kahalili sapagkat iisa lamang ang gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo? Monopolyo Anong uri ng estruktura ng pamilihan ang maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami din ang mga konsyumer? Monopolistikong kompetisyon Anong uri ng intellectual property right ang tumutukoy sa pamamay-ari ng akdang pampanitikan o pansining? Copyright Alin sa mga sumusunod ang salik na nakakaapekto sa supply? Teknolohiya Ano ang tinutukoy na grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at bilang ng nais o handang bilhin ng mamimili? Demand Curve Kung ang pangunahing presyo ng isang produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng may-ari, nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo? Price Ceiling Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Price Floor Piliin ang titik na angkop upang mabuo ang graphic organizer sa ibaba. Pamilihan na may ganap na kompetisyon Kung ang equation na Qs=-50+5P ay tinatawag na supply function , ano naman ang tawag sa equation na Qd=26-2P. Demand function Ang pagkasawa sa isang produkto ay isa sa dahilan ng pagbabago sa demand kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa pagkonsumo ng produkto,ngunit kapag ito ay nagkasunod-sunod ang kasiyahan ay paliit ng paliit bunga ng pagkasawa. Ano ang tinutukoy ng pahayag sa itaas? Law of Marginal diminishing utility Kapag ang produkto ay patok sa maraming konsyumer ang napapagaya sa pagbili nito ay dahilan sa pagtaas ng presyo. Aling salik demand ang nagpapatunay dito? Dami ng mamimili Ang mga magsasakang gumamit ng mataas na uri ng binhi at sapat na irigasyon ay nakaani ng maraming produktong agrikultural. Anong salik na nakakaapekto sa supply ang ipinapakita dito? Teknolohiya Kung ang demand ay nakatuon sa gawi at kilos ng mga mamimili ang suplay naman ay nakatuon sa gawi at kilos ng mga? Negosyante Ito ay nararanasan kung saan mas mataas ang quantity demanded kaysa sa quantity supplied. Shortage Ito ay nararanasan kung higit na marami ang supply kaysa sa demand ng produkto o serbisyo. Surplus Ano sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pamilihang may ganap na kompetisyon? Maraming maliliit na mamimili at prodyuser kung kaya ang presyo ay hindi maiimpluwensyahan sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang mga halimbawa ng Pamilihang hindi ganap ang kompetisyon? Monopolyo, Monopsonyo, Oligopolyo Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa sistemang pang-ekonomiya na monopolyo? Meralco Sa kabila ng mataas na singil ng kuryente ay walang magawa si Mang Jose kundi bayaran na lamang ito. Saang istruktura ng pamilihan nabibilang ang kuryente? Monopolyo Upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang sweldo, ipinatupad ng pamahalaan ang batas sa pinakamababang sweldo sa sektor ng paggawa. Anong batas ang tinutukoy sa pangungusap? Minimum Wage Law Nagpatupad ang pamahalaan ng isang batas kung saan ipinagbabawal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na kung mayroong kalamidad. Anong batas ang tinutukoy sa pangungusap? Price Freeze Bakit nagkakaroon ng ugnayan ang pamilihan at pamahalaan? Upang maiwasan ang paglaganap ng externalities gaya ng polusyon at pagkakaroon ng monopoly na nagdudulot ng pagkawala ng kompetisyon. Dahil sa dumadaming bilang ng mga mamamayan na nagkaka covid, ang pamahalaan ay muling nag anunsyo ng lock down ng bawat baranggay. Dahil dito agad na bumili ang pamilya ni Mang Tan-Tan ng kanilang pangangailangan. Anong salik na nagpapabago sa demand ang ipinapakitang sitwasyon? Mga inaasahan ng mamimili Si Mang Juan ay napromote sa trabaho dahil dito nakapamili siya ng higit sa kanyang nakalaang badyet kada buwan. Alin sa mga sumusunod na salik ang nakakaapekto sa kanyang demand? Kita Dahil sa pandemya ang pamahalaan ay nagbigay ng tulong sa mga magsasaka, tindera at\ nabibilang sa impormal na sektor upang paramihin o mapanatili ang produksyon. Anong konsepto ito sa salik ng suplay? Subsidy Ano ang dapat gawin ni Nathan bilang isang negosyante na masiguro na sapat ang suplay ng kanyang produkto sa pamilihan? Pauunlarin ang teknolohiya bilang salik na makakapagpataas ng produksyon. Gamit ang mathematical equation na Qs= 0+ 150 P, ilan kayang basahan ang maaring mabenta ni Rayne sa presyong limang piso? 750 Suriin ang ipinapakitang grapiko sa ibaba. Anong pahayag ang naglalarawan dito? ![](media/image2.png) Kapag ang presyo ay mas mataas sa tatlong piso, mas mataas ang quantity supplied kaysa quantity demanded, nagkakaroon ng surplus. Kapag ang presyo ay mas mababa sa tatlong piso, mas maraming quantity demanded kaysa quantity supplied, nagkakaroon ng shortage. Sa ekwilibriyong presyo, walang surplus at walang shortage Anong istruktura ng pamilihan ang may katangian ng isang kartel? Oligopolyo Alin sa mga sumusunod ang *HINDI* kabilang sa sistemang pang-ekonomiya na monopsonyo? Tindera Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang pagpapaliwanag nito? Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng gabay sa presyo ng bilihin. Ang pagdeklara ng outbreak ng tigdas ng DOH ay makakaapekto sa demand. Anong pahayag ang nagpapaliwanag dito? Pagtaas ng demand sa bakuna laban sa tigdas Maraming mga OFW ang pinauwi mula sa Russia dahil sa kaguluhan sa pagitan nito at Ukraine. Sa iyong palagay, anong pagpapabago sa demand nito? Bababa ang demand mula sa mga OFW Dahil sa taas ng presyo ng sibuyas sa kasalukuyan, mas pinili ni Mang Tobi na magtanim ng sibuyas kaysa bigas. Ano ang naging batayan ni Mang Tobi sa pagpili ng produktong pagtutuunan? Presyo Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyong gasolina bunga ng nagaganap na digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia, ang mga prodyuser ay pinipili na mag-imbak o hoarding ng produkto na inilalabas nila kapag mataas na ang presyo nito. Anong salik ng suplay ang naglalarawan nito? Ekspektasyon Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang *HINDI* nagiging sanhi ng paglipat ng supply curve pakanan? Nagkaroon ng pinsalang dulot ang bagyo. Bakit mahalaga ang kompetisyon sa pamilihan? Upang pagbutihin ang kalidad ng produkto. Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinapatupad ng pamahalaan upang mabigyang proteksyon ang mga mamimili. Ano ang magiging epekto nito sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling na Php 1? Gamitin ang grapiko sa ibaba upang masagutan ang katanungan. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay nakapagdudulot ng disekwilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng shortage na 15 yunit ng produkto. Ang iyong pamilya ay karaniwang bumibili ng bigas ng 25 kilo ng bigas kada buwan sa halagang P42.ngunit dahil sa magkakasunod na malalakas na bagyo na dumaan sa bansa tumaas ang presyo ng bigas ng hanggang P53 kaya walang nagawa ang iyong magulang kundi bawasan ang binibiling bigas sa 20 kilo. Anong uri ng elastisidad ng demand ang naganap ayon sa datos? 0.96 In-elastic Gamit ang demand function na Qd =80-15P, ilan kayang kamatis ang mabibili ni Ray kung ang presyo ay P5? 5

Use Quizgecko on...
Browser
Browser