SDO Navotas SHS Piling Larang Akademik First Sem FV PDF
Document Details
Uploaded by InexpensiveHafnium
Navotas City
2021
Tags
Summary
This document is a Filipino subject study material for Senior High School students in Navotas City, Philippines. It covers a first semester's curriculum on academic writing, discussing various forms and purposes of academic writing in Filipino. It includes teaching modules, discussions and questions.
Full Transcript
DIVISION OF NAVOTAS CITY Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Unang Semestre S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang -Akademik Para sa Senior High School Alternative Delivery Mode Unang Semestre Ikalawang Edisyon, 2021...
DIVISION OF NAVOTAS CITY Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Unang Semestre S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang -Akademik Para sa Senior High School Alternative Delivery Mode Unang Semestre Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Camiile P. Loza, Jocelyn P. Hernandez, Lucila V. Zamoranos Editor: Lucila V. Zamoranos, Gina B. Valdez Tagasuri: Rico C. Tarectecan Tagaguhit: Erick De Guia, BLR Production Tagalapat: Danica M. Bag-o Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS Lorena J. Mutas, ADM Coordinator Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Navotas City Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City ____________________________________________ Telefax: 02-8332-77-64 ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________ [email protected] Nilalaman Subukin.......................................................................................1 Modyul 1......................................................................................2 Modyul 2......................................................................................8 Modyul 3......................................................................................15 Modyul 4......................................................................................22 Modyul 5......................................................................................30 Modyul 6......................................................................................36 Modyul 7......................................................................................43 Modyul 8......................................................................................53 Modyul 9......................................................................................59 Modyul 10....................................................................................67 Modyul 11....................................................................................74 Modyul 12....................................................................................83 Modyul 13....................................................................................88 Tayahin.......................................................................................92 Susi sa Pagwawasto......................................................................94 Sanggunian..................................................................................95 Alamin ko kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o disertasyon. Itinuturing ding isang intelektwal na kaalaman sa pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. A. Malikhain B. Akademiko C. Journalistic D. Reperensya 2. Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring piksyonal at dipiksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukodv pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. A. Teknikal B. Akademiko C. Malikhain D. Journalistic 3. Ito ay ang makaagham na pagkuha at pangangalap ng mga tala at datos upang masubok ang isang teorya. A. posisyong-papel B. akstrak C. proyektong papel D. pananaliksik 4. Isang uri ng sintesis na nanganagailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. A. Background synthesis C. Synthesis for literature B. Thesis-driven synthesis D. argumentative synthesis 5. Isa itong paraan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang teksto, ngunit sa anyong maikli na napananatili ang kabuuang mensahe ng orihinal na teksto. A. explanatory B. background C. thesis-driven D. argumentative 6. Makatutulong ang pananaliksik hinggil sa paksa upang makaiwas sa ilang isyung etikal na maaaring lumabas sa proseso ng pagkuha ng larawan. A. Ilatag ang mga larawan C. Hanapin ang tunay na kwento B. Lagyan ng maikling caption c D. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang isang pictorial essay 7.Ang teksto ay kailangang nagpapalawig sa kahulugan ng larawan. Tandaang kailangang ma-englighten ang mambabasa hinggil sa bawat larawan. A. Kumuha ng maraming larawan C. Isulat ang teksto o tabi ng bawat larawan B. Isaalang-alang ang audience D. Pumili sa paksang tumutugon sa pamantayan ng guro 1 8. Ang Bionote ay isang uri ng lagom na nagpapakilala sa mga mambabasa. Kung sino ka o kung ano-ano na ang mga nagawa mo na bilang propesyunal. Hindi lang ito naglalayon na maipakilala ang isang tao kundi pinatataas rin nito ang _______ng indibidwal. A. Kasanayan B. Kredibilidad C. Potensyal D. Pagkamalikhain 9. Marahil sa karanasan mo bilang estudyante ay madalang pa ang pagkakataon na mahingian ka ng Bionote, subalit dapat mong tandaan na darating ang panahon na ikaw ay magiging propesyonal na, at darami ang pagkakataon na hihingian ka nito. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa paggagamitan ng Bionote? A. Aplikasyon sa trabaho C. Panauhing Pandangal B. Paglilimbag sa aklat D. Pagpapakilala sa bagong kaibigan 10. Mas nakahihikayat ang isang talumpati kung nakikita ng mga tagapakinig ang eksaktong numero at estadistika ng inilalalatag na paksa ng tagapagsalita. Kaya naman napakahalaga ng pananaliksik sa pagsulat ng talumpati. Ang gabay sa pagsulat ng talumpati ay nakapailalim sa pahayag na: A. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginamit sa talumpati. B. Gumamit ng mga kongkretong salita C. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. D. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. MODYUL 1 Binabati kita at nasa Baitang 12 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito. Ito ay dinisenyo para sa iyo na makakatulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 1: Ang Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat! Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB0a- 101) 2. Nailalarawan ang pagsulat batay sa sa mga pananaw hinggil dito. 2 Aralin Ang Kahulugan at Kalikasan ng 1 Akademikong Pagsulat Minsa’y may nagsabing “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumigil na rin siya sa pag-iisip. Isang mapapanaligang pananaw ito sa pagpapaunlad ng isang tao, hindi lamang sa pagtugon sa mga personal na pangangailangan, kundi maging sa propesyonal na larangan. Sa pamamagitan ng pagsulat, naitatala ng tao ang lahat ng karunungan at kaalaman, mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon. Hindi basta-basta natututuhan ng tao ang pagsulat sapagkat kinakailangan pa niyang magsanay sa pagpili ng paksa, organisasyon ng diwa, gramatika at lohika ng presentasyon ng ano mang paksang nais talakayin. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman, napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin., kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi iti magdudulot ng kabatiran at pagbabago sa pananaw, pag- iisip, at damdamin ng makababasa nito. Ngunit bago natin talakayin ang mga kasanayang ito, talakayin muna natin ang iba’t ibang pagpapakahulugan at paglalarawan sa pagsulat. Sa bahaging ito ng modyul ay nais kong basahin mo ang iba’t ibang pagpapakahulugan at paglalarawan sa pagsulat. Alam mo ba na ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral? Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag at ang paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin. A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa lyuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaaasahang masusunod ng isang 3 manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Kung gayon, maituturing ito bilang isang mataas na uri ng gramatika at bokabularyo. Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaaring nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon tayong magagawa. Napag-aaralan ang wasto at epektibong pagsulat. Ayon naman kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2006), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita, ay may malaking impluwensiya ito upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sino man sa kanyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama. Samantala, ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006): Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong pinagbabatayan. Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal, kritikal, maugnayin, malikhaing paraan upang iugnay ang kaalaman sa nilalaman ng akademikong sulatin. Hindi maihihiwalay sa isip ang damdamin o puso ng akademikong sulatin. Bukod sa nararamdamang saya, lungkot , galit at iba pang saloobin, litaw ang damdaming nais iparating ng akademikong sulatin na lalong nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng mga tiyak na pagtugon o pagkilos batay sa layunin ng akademikong sulatin. Sa bahaging ito mahihinuha mo dito ang mga hakbang o proseso ng akademikong sulatin at ang mga uri ng pagsulat. Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang sumusunod: 1.Komprehensibong Paksa- Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayan sa mga usaping panlipuna batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng paksa sa kabuuan ng akademikong sulatin. Sa paksa mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin. 2.Angkop na Layunin- Ang layunin ng magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa lyunin ang mithiin ng manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon, at iba pang layunin nakaugat sa dahilan ng pagkabuo ng akademikong sulatin. 3. Gabay na Balangkas- Magsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas: balangkas na paksa, balangkas na pangungusap, at balangkas na talata. Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang kaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalan ang balangkas din ang nagiging burador ng 4 anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin. 4. Halaga ng Datos- Nakasalalay ang tagumpay ng akademikong sulatin sa datos. Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang daatos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primary o pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian. Nakapaloob sa pangunahing sanggunian ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa. Sa sekondaryang sanggunian, makikita sariling interpretasyon batay sa pangunahing impormasyon. 5.Epektibong Pagsusuri-Bahagi rin ng isang komrehensibog akademikong sulatin ang pagsusuri. Upang maging epektibo, lohikal ang dapat nag awing pagsusuri. Hindi makahihikayat ng mambabasa ang isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumusulat. Kailangang lagpasan ang opinion at mapalutang ang katotohanan. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa. Marapat lagpasan ng epektibong pagsusuri ang mga tsismis o sabi-sabi. Ang paraan ng pagsusuri ng isang manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang ginawang obra o akademikong sulatin. 6.Tugon ng Konklusyon- Taglay ng konklusyon ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akaddemikong sulatin. Makikita sa kongklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa natuklasang kaalaman. Mula sa konklusyon, huhugot ng payo o rekomendasyon tungo sa pagpapatuloy na isinagawang pag-aaral o akademikong sulatin. Mga Uri ng Pagsulat 1.Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukas ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang. Maibibilang sa uri ng pagsulat na ito ang maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula, at iba pa. 2.Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project Renovation of Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina. 3.Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang 5 natutuhan sa akaddemya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 4. Dyornalistik na Pagsulat ( Journalistic Writing) Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa. Mahalagang mga sumusulat nito tulad ng mga journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan sa kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo o telebisyon. 5.Reperensiyal na Pagsulat ( Referential Writing) Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunanng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. 6.Akademikong Pagsulat (Academic Writing) Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang inidibidwal sa iba’t ibang larangan. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang isang uring ito. Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang katangian ng akademikong pagsulat? 2. Ano-ano ang mga pamamaraan upang maging komprehensibo at epektibo ang akademikong sulatin? 3. Bakit mahalaga ang akademikong sulatin sa buhay ng isang mag-aaral na tulad mo? 4. Paano magagamit ang isip, damdamin, at kilos sa pagbuo ng isang akademikong sulatin? 5. Kung hindi magagampanan ng isang manunulat ng katangiang kailangan ng akademikong sulatin, paano nito maaapektuhan ang mithiin ng sulatin na magpahayag at makipagtalastasan? 6 Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. Gawain 1: Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian. Gawain 2. Panuto: Bumuo ng isang sulatin. umili ng sariling layon sa pagsulat. Maaaring ito ay impormatibo, mapanghikayat, malikhain, at pansariling pahayag. Ang konsepto ng sulatin ay patungkol sa “Mga Mag-aaral sa SHS”. Isulat sa sagutang papel Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang kahulugan at kahalagan ng akademikong pagsulat. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito. Ang Twitter ay isang social networking site na naglalaman ng mga maiikling pahayag tungkol sa iba’t ibang paksa. Nakapagbibigay ito ng mahalagang impormasyon sa loob lamang ng 140 titik. 7 Nasubukan mo na bang gamitin ang Twitter? Pumunta sa http://twitter.com at gumawa ng account kung ikaw ay wala pa nito. Sumulat ng isang tweet tungkol sa mahalagang natutuhan sa aralin. Tiyaking laman ng tweet ang mensahe kaugnay ng kahalagahan ng sulating akademiko sa sarili, pamilya, at lipunan. Kailangang magkasya ang pahayag o tweet sa loob ng 140 titik. Ipahayag ang paliwanag sa ibaba. MODYUL 2 Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang Unang Modyul. Ngayon tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito na dinisenyo para sa iyo. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 2: Anyo ng Akademikong Sulatin, Halina’t Saliksikin! Ang modyul na ito ay tungkol sa aralin na: a. Ang Katangian ng Akademikong Pagsulat b. Ang Layunin ng Akademikong Pagsulat c. Ang Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat d. Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo (CS_F11/12PN-0a-c-90) 1.1. Natutukoy ang mga katangian at layunin ng akademikong pagsulat. 1.2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin batay sa layunin, tungkulin o gamit, katangian, at anyo. Aralin Anyo ng Akademikong Sulatin, 2 Halina’t Saliksikin Isang masayang pagbati. Ito ang ikalawang modyul sa Filipino sa Baitang 12. Sisimulan mo ang modyul na ito sa pagkilala sa katangian, anyo at gamit o tungkulin ng akademikong pagsulat. Ano nga ba ang akademikong pagsulat? Paano nga ba ito mabibigyang-kahulugan? Ang pagbibigay-kahulugan sa terminong “akademikong pagsulat” ay tulad ng pagtatanong ng isang tao kung ano ang “mansanas”. Ang pinakakaraniwang reaksyong makukuha sa isang paglalarawan sa mansanas o kaya’y ang simpleng pagbibigaykahulugan sa mansanas bilang “isang prutas.” Ang huli, sa halip na magbigay ng kalinawan ay tila magiging sanhi pa ng kalabuan. May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya. Sa mag-aaral na tulad mo, ang kalimitang dahilan ng pagsulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa 8 pagaaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sa mga propesyonal namang manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba pa, ginagawa nila ito bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan. Anuman ang dahilan ng pagsulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa sumusulat, sa mga taong nakababasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga isinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. Kaya naman, sa limang makrong kasanayan pangwika, ang pagsulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, at panonood, madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat. Sa bahaging ito ng modyul ay nais kong basahin mo ang iba’t ibang anyo ng sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian, at anyo. Alam mo ba na ang pagsulat ay itinuturing bilang pinakakompleks na kasanayan sa komunikasyon? Ang makrong kasanayang ito ay nangangailangan ng sapat na panahon at pagsasanay upang matamo ang aktuwal na paggamit. Likas o taglay ng akademikong pagsulat ang maglaman ng samut’ saring kaalaman. Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong pagsulat ay bago at mahalaga. Bago ang kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong ipinababatid ay mapapakinabangan para sa sarili, pampamilya, panlipunan, at pambansang kapakinabangan. Samakatuwid, upang maging bago at mahalaga ang anumang hatid na kaalaman ng akademikong pagsulat, likas na kasanayan sa pagbasa at pananaliksik ang dapat maging sandigan. Kung kaya, alamin natin ngayon ang mga katangian, layunin, gamit o tungkulin at anyo ng akademikong pagsulat A. Katangian ng Akademikong Pagsulat Ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may tinutumbok na isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang digresyon o repetisyon. Ang layunin nito’y magbigay ng impormasyon, sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pasulat na wika. Ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod: 1.Kompleks- Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain. 2.Pormal-Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon. 9 3. Tumpak- Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang tumpak o walang kulang. 4.Obhetibo-Ang pokus nito ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. 5. Eksplisit- Responsibilidad na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang salitang signalling words sa teksto. 6. Wasto- Maingat dapat ang mga manunulat sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat. 7. Responsable- Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang maging responsable sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan sa isang plagyarista. 8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang akda. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin. 9. Malinaw na Pananaw.Ang layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat. 10.May Pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon. 11.Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata. 12.Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap, tesis at pahayag. 13.Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Bilang manunulat, kailangang matulungan ng mambabasa tungo sa ganap na pang-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat. 14.Epektibong Pananaliksik. Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng lahat ng hinangong impormasayon o datos. 15.Iskolarling Estilo sa Pagsulat. Sinisikap dito ang kalinawan at kaiklian. Kailangan ding madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas at bokabularyo sa pagsulat nito. Taglay din ng akademikong pagsulat ang pagiging malikhain ng isang manunulat sa pagsasalansan ng mga konsepto na umiikot sa paksa. Binabagayan niya ito ng angkop na paraan na dumaraan sa tumpak at makatotohanang paraan. Kung kaya, sa pagbubuod ng katangian ng akademikong pagsulat, ito ay ang sumusunod: 10 1. Makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong pagsulat ng mga makabuluhang impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan. 2. Makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid ng akademikong pagsulat ay magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan ng bansa. 3. Demokratiko, sapagkat ang akademikong pagsulat ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan. Narito rin, ang iba pang katangian ng akademikong pagsulat na dapat nating isaalang-alang: 1. may malinaw na paglalahad mg katotohanan at opinyon sa mga sulatin 2. pantay ang paglalahad ng mga ideya 3. may paggalang sa magkakaibang pananaw 4. organisado 5. may mahigpit na pokus 6. gumagamit ng sapat na katibayan B. Layunin ng Akademikong Pagsulat Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel. 1. Mapanghikayat na Layunin. Layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Upang maisakatuparan ito, pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at ebidensiya, at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay ang Pagsulat ng Posisyong Papel. 2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Madalas na iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamin ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba. Isang halimbawa nito ang pagsulat ng Panukalang Proyekto. 3. Impormatibong Layunin. Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupuwersa ng manunulat ang kanyang sariling pananaw sa mambabasa, manapa’y kanyang pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ang pagsulat ng Abstrak. C. Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat Maraming dahilan kung bakit isang pangangailangan ang akademikong pagsulat sa lahat ng antas ng pag-aaral. May mga tungkuling ginagampanan kasi ang gawaing ito na lubhang mahalaga. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika. Sa akademikong pagsulat, nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintaktika sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral. Sa 11 pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong komunikasyon sa mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang pragmatik ng mga mag-aaral. 2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip. Ang akademikong pagsulat ay tinitingnan bilang isang proseso, kaysa bilang isang awtput. Ang prosesong ito ay maaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri, pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain. 3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao. Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-aaral. 4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon. Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat. Bahagi ng buhay akademiko ng isang mag-aaral ang paggawa ng mga akademikong sulatin. May taglay na anyo ang isang sulatin upang maging tiyak na gawain sa larangang pang-akademiko. Upang maging komprehensibo at epektibo ang pagbuo ng mga ito, marapat na alamin at unawain ang anyo ng akademikong sulatin. D. Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat Maraming mga anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga ito ang reaction paper at term paper dahil sa dalas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan. Narito ang mga anyo ng akademikong pagsulat: ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT 12 Gabay na tanong: 1. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong pagsulat? Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular sa hinaharap? 2. Isa-isahin ang layunin at kahalagahan ng pagsusulat. Nararanasan mo ba ang benepisyo nito s aiyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan? 3. Sa iyong palagay, alin sa mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat ang alam mo na o bihasa ka nang gawin ? Alin sa mga ito ang dapat mo pang pagbutihin? 4. Mula sa mga ayno ng pagsulat, alin mga ito ang pinakagustong-gusto mong gawin? Bakit? Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang mga katangian, layon, gamit at anyo ng akademikong pagsulat. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. Gawain 1 Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. 1. Ito ay isang uri ng artikulong nagtataglay ng mg larawang nagsasalaysay ng pangyayari, damdamin, at konsepto.______________________________________________ 2. Sa akademikong pagsulat na ito, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang. __________________________________ 3. Ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa isang tao sa mga propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at introduksiyon bilang tagapagsalita. ___________________________________________________________________ 4. Layunin nitong ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. ___________________ 5. Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at ipatangkilik ang isang saliksik/pag-aaral/tesis sa mga mambabasa. _______________ 13 Gawain 2 Bumuo ng isang sulatin. Inaasahang makikita rito kung ano ang magiging tulong ng iyong napiling strand sa iyong nais na kurso sa kolehiyo. Mailalapat din dito ang mga bahagi ng isang sulatin at mga katangian nito. Ang konsepto ng sulatin ay patungkol sa “Buhay Kolehiyo”. Isulat sa sagutang papel. Gawain 3 ILAHAD MO!.... Matapos ang ginawang talakayan, ano-anong mahahalagang kaisipan ang maibibigay mo tungkol sa anyo ng akademikong pagsulat? Gumawa ng akrostika ng salitang AKADEMIKONG PAGSULAT. Tiyaking maisama sa pagpapakahulugan ang natutuhang katangian at gamit nito. A _______________________________________________________________________________ K ______________________________________________________________________________ A ______________________________________________________________________________ D ______________________________________________________________________________ E ______________________________________________________________________________ M ______________________________________________________________________________ I _______________________________________________________________________________ K ______________________________________________________________________________ O ______________________________________________________________________________ N ______________________________________________________________________________ G ______________________________________________________________________________ P _______________________________________________________________________________ A _______________________________________________________________________________ G ______________________________________________________________________________ S ______________________________________________________________________________ U ______________________________________________________________________________ 14 L ______________________________________________________________________________ A ______________________________________________________________________________ T ______________________________________________________________________________ Gawain 1 Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang katangian, anyo, gamit at tungkulin ng akademikong pagsulat. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng layunin ng akademikong pagsulat ? Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. MODYUL 3 Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang Ikalawang Modyul. Ngayon tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito. Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyo. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 3: Ang Abstrak. Ang modyul na ito ay tungkol sa aralin na: 15 a. Kahulugan at Katangian ng Abstrak b. Mga Uri at Nilalaman ng Abstrak c. Mga Proseso sa Pagsulat ng Abstrak Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. (CS_FA11/12EP-0a-c-39) 1. Nabibigyang-kahulugan, kahalagahan at katangian ng abstrak. 2. Naisa-isa ang proseso sa pagbuo ng abstrak. 3. Nakasusulat ng abstrak ng isang akademikong papel. Aralin 3 Ang Abstrak Saliksik ang isa sa pangunahing produkto ng akademya. Itinuturing ito bilang patunay ng mga kasanayan at kaalamang pangnilalamang natutuhan. Ang abstrak ang isa sa mga katuwang ng pamagat ng saliksik upang maging batayan ng mambabasa sa kagyat na pagkuha ng impormasyong hinggil sa kabuoan ng saliksik. Mahalagang akademikong sulatin ang papel-pananaliksik. Tumutugon ito sa mga partikular na suliranin at nakatuon ito sa pag-aambag ng bagong kaalaman hinggil sa isang paksa. Sa gayon, mahalagang maipakilala nang malinaw at mailagom nang maayos ang nilalaman ng pananaliksik upang mahikayat ang mambabasa na basahin ito. Ito ang tungkuling ginagampanan ng abstrak. Maraming halimbawa ng akademikong sulatin. Ang mga kaalaman at kasanayang kaugnay ng pagbuo nito ay makatutulong sa paglikha ng mga sulating angkop at tiyak nitong gamit. Sa yunit na ito ay matutunghayan ang mga halimbawa ng akademikong sulatin. Ang mga paksa, gawain, pagpapahalaga, at pagtataya ang gagawing batayan upang mahikayat ang mga mag-aaral na pahalagahan ang iba’t ibang akademikong sulatin sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. ALAM MO BA NA... ANG ABSTRAK Mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract from. Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksyon ng pag-aaral. Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon. Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng abstrak, malalaman na ng mambabasa ang kabuoang nilalaman ng teksto. Kinakailangan lamang ang maingat na pag-extract o pagkuha ng mahahalagang impormasyon sa teksto upang makabuo ng buod na siyang magiging abstrak. 16 A. Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Abstrak Ang abstrak ay maikling buod mg artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng komperensya. Maaari rin itong maging buod ng ano mang malalalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag ding synopsis o presi ng ibang publikasyon ang abstrak. Inilalagay ang abstrak sa unang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano mang akademikong papel. Ginagawa itong lagusan ng isang papel sa isang -copyright, patent o trademark application. Tumutukoy ito sa pagkuha ng eksklusibong karapatan o pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o imbensyon. Nagagamit din ang abstrak sa indexing ng mga pananaliksik sa iba’t ibang akademikong disiplina upang makita ang lawak at lalim ng mga pag-aaral sa iba’t ibang larangan na nailathala na sa mga akademikong journal. Gumagamit ang abstrak ng akademikong papel upang madaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik. Maaari itong tumindig bilang isang hiwalay na teksto o kapalit ng isang buong papel. Kadalasang ginagamit ang abstrak ng iba’t ibang organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa presentasyon ng papel, workshop, o panel discussion. Gayon din, karamihan ng online database ng mga pananaliksik sa internet ay naglalaman lamang ng abstrak sa halip ng buong transkripsyon ng pananaliksik. Madalas na kailangang bayaran ang publisher’s fee bago mabasa ang kabuuan ng artikulo. Ginagamitan ng perpektibong aspekto ng pandiwa ang pagsulat nito sapagkat naisakatuparan na ang saliksik. Hanggang maaari ay iniiwasan sa pagsulat ng abstrak ang pagdadaglat ng salita, paggamit ng jargon, at pagdaragdag ng iba pang impormasyong labas sa saliksik upang hindi makapagdulot ng kalituhan sa mambabasa. Sa dulong bahagi ng abstrak ay isinusulat ang mga susing salita. Nakatutulong ang mga ito upang madaling maiuri ang saliksik batay sa hayag na katangian nito. Ito ay maaaring tatlo hanggang limang salita. Kadalasan, binibigyang-pansin dito ang mga salitang higit na makapagpakilala sa saliksik. B. Mga Uri at Nilalaman ng Abstrak Nilalayon ng isang mahusay na abstrak ang “maibenta” o maipakitang maganda ang kabuoan ng pananaliksik at mahikayat ang mag mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa ng buong artikulo sa pamamagitan ng paghahanap o pagbili ng buong kopya nito. May tatlong(3) uri ng abstrak: Impormatibo, Deskriptibo at Kritikal. Ibinabatay sa kahingian ng isang akademikong journal kung anong uri ng abstrak ang kailangang gawin para sa iba’t ibang pananaliksik. Pinakakaraniwan ang isang Impormatibong Abstrak. Ipinahahayag sa mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto, nilalagom din ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel. Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng inhenyeriya, ulat sa sikolohiya, at agham. Ang impormatibong abstrak ay nauukol sa kuwantitatibong pananaliksik. Taglay ng Impormatibong Abstrak ang sumusunod na nilalaman: 1. Motibasyon- Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik. 17 2. Suliranin- Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik. 3.Metodolohiya- Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa pag-aaral. 4. Resulta-Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik. 5. Komgklusyon-Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan. Ang deskriptibong abstrak naman ay mas maikli (kadalasang nasa 100 salita lamang) kaysa sa impormatibong abstrak (naglalaman ng malapit sa 200 salita). Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teskto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa ng papel at hindi pa ang pamamaraan o metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Nauukol ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik at karaniwang ginagamit sa mga disiplinang agham- panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades. Ang kritikal na abstrak naman ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang impormatibong abstrak, binibigyang- ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik. Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailangan ding gustuhin niyang mapalalim pa at mauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik. C. Proseso sa Pagsulat ng Abstrak Bilang instrumento ng abstrak, upang hikayatin ang mga mambabasa na ganap na basahin ang saliksik, inaasahang magiging komprehensibo ang pagsulat nito at maisasakatuparan lamang ito sa pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat nito. 1. Basahing maigi ang saliksik. Kailangan sa bahaging ito ang pagtatala. Tiyakin din ang uri ng abstrak na bubuoin at isakonteksto batay sa paggagamitan at kahingian nito. 2. Piliin ang mag medyor na layunin/hipotesis at kaligiran ng pag-aaral mula sa Introduksiyon. 3. Tukuyin ang mga pangunahing pangungusap at pariral sa bahaging Metodolohiya. 4. Piliin ang mga mahahalagang detalye mual sa bahaging Resulta at Kongklusyon. 5. Ngayon, ayusin ang mga pangungusap at pariralang nakalap mula sa hakbang 2, 3, at 4 sa isang talata. 6. Tiyakign ang talata ay hindi nagtataglay ng bagong impormasyong hindi makikita sa aktuwal na papel, mga daglat na hindi nalapatan ng kahulugan, at mga labis na talakayan hinggil sa metodong ginamit sa pag-aaral. 7. Basahing maigi ang ginawang burador at tiyaking may kaisahan sa pagitan ng mga impormasyong inilagay. 8. Rebisahin ang mga mahihinang bahagi ng unang gawa. Tingnan ang organisasyon at kohesyon ng mag salita at pangungusap, ang pagbabaybay, at mekaniks sa pagsulat. 9. Muling basahin para sa pinal na pagwawasto. HALIMBAWA NG ISANG ABSTRAK 18 ABSTRAK Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC) alinsunod sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontobersyal na Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20,Series of 2013.Bunsod ng nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikang Pilipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidad na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang gamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad an pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng malalim na pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa panggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman namamatay. Pagkatapos basahin ang abstrak, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot. 1. Ano ang paksa ng pananaliksik? 2. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa? 3. Ano ang suliranin ng pananaliksik? 4. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik? 5. Ano ang naging resulta ng pananaliksik? 6. Ano ang implikasyon ng pananaliksik? Gabay na Tanong: 1. Ano ang abstrak? Ipaliwanag sa sariling konsepto. 2. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito nagkakaiba? 3. Bakit kailangang basahin mabuti ang papel-pananaliksik bago isulat ang Abstrak? 4. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaugnay-ugnay ng mag bahagi ng papel-pananaliksik sa paksa o tema nito? Ano ang nagagawa nito sa pagsulat ng abstrak? 5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang iyong kawilihan sa paksa kugn ikaw ay Magsasagawa ng pagsulat ng isag abstrak ng papel-pananaliksik? Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang abstrak ng akademikong pagsulat. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. 19 Gawain 1 Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng depinisyon na nasa Kolum B na tinutukoy ng Kolum A. KOLUM A KOLUM B 1. Kongklusyon a. Ipinapakita kung ano ang kinalabasan 2. Resulta ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad 3. Suliranin ng mga natuklasan ng mananaliksik 4. Motibasyon b. Inilalahad dito kung paano kinalap ang datos 5. Metodolohiya ng pananaliksik at kung saan nagmula 6. Abstractus ang impormayon at datos. 7. Kritikal c. Sinasagot ang tanong kung bakit pinag- aralan ng isang mananaliksik ang paksa. 8. Deskriptibo d. salitang Latin na nangangahulugang 9. Abstrak drawn away o extract from 10. Impormatibo e. Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng teksto. f. Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto, nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta at kongklusyon ng papel. g. Buod ng akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag- aaral. h. Tumutukoy sa tanong ng pananaliksik. i. Sinasagot ang implikasyon ng pananaliksik batay sa natuklasan. j. Ito ang pinakamahabang uri ng abstrak, binibigyang-ebalwasyon nito ang kabuluhan, kasapatan, at katumpakan ng isang pananaliksik. k. May layuning maglahad ng pananaw ng manunulat. Gawain 2 Panuto: Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon mula sa binasang aralin, basahing mabuti at unawain ang bawat pangungusap at isulat ang salitang WOW ! kung wasto ang pahayag, kung hindi naman, isulat ang salitang WEH ? sa iyong sagutang papel. 1. Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensya. 2. Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng anomang akademikong papel. 3. hindi maaaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at kongklusyon ng pananaliksik. 4. Nagagamit din ang abstrak sa indexing ng mga pananaliksik sa iba’t ibang akademikong disiplina upang makita ang lawak at lalim ng mga pag-aaral sa iba’t ibang larangan na nailathala na sa mga akademikong journal. 5. May dalawang uri ng abstrak na ibinabatay kung anong uri ng abstrak ang kailangang gawin para sa iba’t ibang pananaliksik. 20 Gawain Blg. 1 Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, narito ang isang halimbawa ng saliksik. Basahin mo ito pagkatapos ay bumuo ng isang abstrak.Inaasahan na tataglayin nito ang impormatibong abstrak gamit ang mga tanong sa kahon sa ibaba. Internet Slang Bilang Intelektwalisadong Wika Jaymar T. Rosales, 2015 Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Intelektwasasyon ng Internet Slang. Masusing sinuri ng mananaliksik ang mga nakalap na datos upang mapagtibay ang konsepto na maaaring maging intelektwalisadong wika ang Internet Slang. Pinili ng mananaliksik ang paksang Internet Slang bilang intelektwalisadong wika sapagkat ito ay umaangkop sa kasalukuyan panahon. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay mabigyang pansin ang Internet Slang na tanggapin sa pormal na pakikipagtalastasan at matugunan ang pangangailangan ng tao ng bagong wikang gagamitin. Inihanda ng mananaliksik ang kinalabasan ng isinagawang pagsusuri at upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtugon sa apat na suliranin. Una, ano-ano ang mga baryasyon at pagpapakahulugan ng Internet Slang? Ikalawa, ano- ano ang ambag at paano makatutulong ang Internet Slang sa pag-unlad ng iba’t ibang wika partikular sa wikang Filipino? Ikatlo, ano-ano ang iba pang mga tiyak na paggagamitan ng Internet Slang? Ikaapat, ano-ano ang kaugnayan at kahalagahan ng Internet Slang sa wika,mamamayan at ika-21 siglo? Natuklasan sa pag-aaral na dahil sa pagpasok ng ika-21 siglo at ng mga teknolohiya ay bitbit nito ang Internet Slang na lalong napaunlad sa pamamagitan ng baryasyon. Malawakang ginagamit ang Internet Slang hindi lamang sa loob ng iba’t ibang social networking site kundi pati na rin sa midya, telebisyon, radyo, paksa sa loob ng klase at pangkaraniwang usapan. Ang mga salik tulad ng modernisasyon at pangangailangan ng wika ang nagtulak upang maghanap ng bagong salita ang tao. Narito ang ilang kongklusyong nabuo batay sa natuklasan sa isinagawang pag-aaral. Ang Internet Slang ay ginamit at pumasok sa kultura na naging bahagi ng pang-araw- araw na pakikipagtalastasan na naging paraan sa kalinangan ng wika, salita, paksa, konsepto at konstruksyon ng pahayag. Tunay na mahalaga ang intelektwalisasyon upang maisakatuparan ang layunin o hinihingi ng pag-aaral na isinasagawa ang prosesong nakapaloob dito. Magiging mabisa ang paggamit ng Internet Slang sa iba’t ibang larang, panitikan at karaniwang usapan. Ang paggamit ng Internet Slang sa loob at labas ng social media ay patunay lamang na buhay, dinamiko, umaangkop at umuunlad ang wika. Narito ang ilang rekomendasyon kaugnay ng mga natuklasan at kongklusyon na nabanggit sa pag-aaral. Gamiting daan ang mga social networking site upang makabuo ng bagong mga salita na ginagamitan Mga Gabay na ng baryasyon upang malinang lamang Tanong: ang mga Abstrak salita kundi pati na rin ang proseso (baryasyon). Bukod sa paggamit ng Internet Slang sa mga social Ano angnetworking site, ng kahalagahan gamitin dito itonasa pananaliksik talakayang akademiko, pulitika at ito? telebisyon. Bakit magiging interesado ang mga mambabasaFilipino Mapapalawak nito ang bokabularyong rito? sa paraang pagsasalin, panghihiram Ano-anong at pagsasanib ng iba mga suliranin angpang nais wika. tugunanHigit ngna mapapayaman pag-aaral na ito? ang wika kung malaya itong gagamitin at tatanggapin, Ano-ano ang saklaw ng pag-aaral? huwag ituring na isang sagabal ang Internet Slang sa pag-unlad ng wika bagkus nagpapakita ito na ang wika Ano ang pangunahing argumento/tesis ng pag-aaral na ito? ay arbitraryo at hudyat sa pagtupad sa mga hakbang ng intelektwalisasyon. Anong metodolohiya ang ginamit para sa katuparan ng pag- aaral? Paano ito ginamit sa saliksik? Ano-ano ang naging resulta ng pag-aaral na ito? Ano-ano ang kongklusyon nito? 21 Ano-ano ang mga maaaring mailatag na rekomendasyon para sa saliksik? Ano-anong mga salita ang maaaring magpakilala sa saliksik na ito? Magbigay ng lima. ABSTRAK Mga Susing Salita: Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang katangian, uri at proseso ng abstrak ng akademikong pagsulat. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito. MODYUL 4 Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang Ikaapat na Modyul. Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyo sa isang masinop at sistematikong pagsulat uko sa isang karanasang panlipunan. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 3: Buod at Sintesis. Ang modyul na ito ay tungkol sa aralin na: a. Kahulugan at Anyo Buod at Sintesis b. Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Buod at Sintesis c. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod at Sintesis Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: Nakasusulat nang maayos na akademikong pagsulat (CS_FA11/12PU-0d-f-92) 1. Nabibigyang-kahulugan ang uri, katangian at anyo ng Buod at Sintesis 2. Naisa-isa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sintesis o pagbubuod 3. Nakasusulat ng sariling pagbubuod ng akademikong papel. Aralin 4 Buod at Sintesis Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sa pamamagitan ng mga ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak ang 22 saklaw ng pagkatuto di lamang sa sariling kultura, kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayongdagat at maging sa labas ng ating daigdig. Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng Paglalagom. Una, natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito at gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binasa. Ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon.Sa paaralan ay maraming iba’t ibang gawain ang ipinararanas sa atin. Pagkatapos ay ipinasasaayos sa atin ang mga impormasyong nakuha , pinapagawan ng banghay ng isang tema o paksa, pinabubuo tayo ng paglalahat at ipinalalahad nang may lohikal na kaayusan ang mga impormasyon. Laging tandaan na ang sintesis ay hindi paglalagom , paghahambing, o rebyu. Sa halip, ang sintesis ay resulta ng integrasyon ng iyong narinig, nabasa at ang kakayahan mong magamit ang natutuhan upang madebelop at masuportahan ang iyong pangunahing tesis o argumento. Ang pagkatuto sa pagsulat ng sintesis ay kritikal na kasanayan at krusyal sa pagbubuo, paglalahad ng impormasyon sa pang-akademiko at di-akademikong tagpuan. Bukod sa ang kasanayang ito ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag- aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon., negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, at ang marami ay laging parang nagmamadali sa mg gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matututuhan ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng lagom o buod- gaya ng sintesis. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. 23 A. Kahulugan at Anyo ng Buod at Sintesis 1. BUOD- tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. Ibig sabihin, maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o ng oral na pahayag. Samantala, nagagamit naman ng mag propesyonal ang pagbubuod sa kanilang pag-uulat sa trabaho., liham pangnegosyo, dokumentasyon at iba pa. Sa pamamagitan ng mga ito, mas madali at episyenteng naitutulay sa iba ang mga mensaheng gugugol ng mahabang panahon kung ilalahad nang buo. 2. SINTESIS- pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin. Ito ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad ng klasipikasyon, dibisyon, komparison, o kontrast. Liban sa pagbibigay-tuon sa iba’t ibang kategorya at paghahanap sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga konseptong napapaloob dito, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang nakapag-ugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling panalita ng sumulat. Sa madaling salita, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang. Sa akademikong larangan, ang sintesis ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o explanatory, o argumenatibo o argumentative synthesis. 1. Explanatory Synthesis- isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay, ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na pamamaraan. Gumagamit ito ng deskripsyon o mga paglalarawan na muling bumuo sa isang bagay, lugar, o mga pangyayari at kaganapan. Hindi hinahangad ng sintesis na ito na magdiskurso salungat sa isang partikular na punto kundi naglalayon itong mailahad ang mga detalye at katotohanan sa isang paraang obhektibo. 2. Argumentative Synthesis- may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito. Sinusuportahan ang mga pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang mg sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng pagtalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mag isyu at impormasyong kaakibat ng paksa. B. Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Buod 1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto- Ang buod ay dapat sumasagot sa mga pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano. 2.Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo-Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat. 24 3. Hindi nagsasama ng halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto-Maglahad lamang ng mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad na linaw na orihinal. 4. Gumagamit ng mga susing salita-ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto. 5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe-ang paggamit ng personal na pananalita ay makatutulong ng malaki upang maihayag ang katulad na mensahe mula sa orihinal na teksto sa mas maikling pahayag. Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Buod 1. Background Synthesis- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 2. Thesis-driven synthesis- Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mag punto sa tesis ng sulatin. 3. Synthesis for the Literature- Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak na kaalaman sa paksa, kailangang magkaraoon ng sitesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik. Halos, katulad lang din ito ng background synthesis. Ang pagkakaiba lamang, ang uri ng sitesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa. Karanaiwang isinasaayos ang sulatin batay samga sanggunian ngunit maaari rin naming ayusin ito batay sa paksa. Gamit ang isa sa mga uring ito, makabubuo ng isang akademikong sintesis ng mga magkakaugnay na sulatin. Sa pagsulat ng sintesis, mahalagangbigyang- pansin ang sumusunod na katangiang dapat nitong taglayin: 1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estrktura ng pagpapahayag; 2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit; at 3. Napagtitibay nito ang nailalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay. Kung ang isinulat na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito, masasabing mahusay ang pagkakasulat nito. Bilang isang manunulat, isang nagsisimulang manunulat, isang mahalagang bagay na dapat sanayin ang pagtaya sa isinusulat kung nakasusunod ito sa mga pamantayan at katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na sualtin. Sa ganitong pamamaraan mapananatili ang kalidad ng nagawang sulatin tulad ng buod, sintesis at iba pa. B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod at Sintesis sa Pagbubuod Narito ang ilang simpleng hakbanging magagamit sa pagsulat ng buod ng isang akda: 25 1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye-Ang pagsasalungguhit ay makatutulong upang madaling balikan ang mga importanteng isasama sa buod. 2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya , at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya- Ang paggugrupong ito ay nakapagbibigay ng isang balangkas sa maaaring lamanin at pagkakaayos ng isusulat na buod. 3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohikal na paraan- ang orihinal na awtor ay maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang kanyang ilahad ang paksang tinatalakay. 4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal.ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng Ang manunulat, o siya-ipinakikita nito na ang mismong nagbubuod ay iba sa mismong sumusulat o naghayag ng orihinal na akda. 5. Isulat ang buod- Maaring simulan ang buod sa isang pahayag na magpapakilala sa awtor at sa mismong akdang binuod. Maaari ring isama kung saan nakuha ang akda at kung kailan ito nilimbag. Totoong hindi madali ang preparasyon at pagsulat ng isang sintesis. Sa isang baguhan o hindi pa gaanong gamay ang pagsulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin, makatutulong ang pagsunod sa ilang simpleng hakbang sa pagsulat nito. Walong hakbang sa pagsulat ng sintesis: 1. Linawin ang layunin sa pagsulat-mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. Sa madaling sabi, para san ba ito? Kung malinaw ang layunin sa pagsulat, mapagdedesisyonang mabuti ang anyo at uri ng sitesis na bubuuin at dahil dito, magagampanan ng sualtin ang kanyang layunin. 2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang mga ito- Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis, magiging madali ang pagpili at paghahanap ng mga sanggunian para mabuo ito. Nasabi ang pagpapalagay na ito, sapagkat kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin niya kung saan niya hahanapin ang mga sangguniang makatugon sa layuning ito. Mas madali rin niyang matutukoy kung akma ang akdang nahanap para maging sanggunian. 3. Buuin ang tesis ng sulatin- Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Dapat naglalaman ang tesis na ito ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol ditto. Karaniwang nakikita ang tesis sa unang pangungusap na pagtalakay, subalit maaari rin naming makikita ito sa gitna o hulihan ng sulatin. 4. Bumuo ng plano sa organisayon ng sulatin- Maghanda ng balangkas na susundan sa pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa pagdebelop ng sintesis. Depende sa layunin, pumili ng isang teknik o kombinasyon ng mga ito upang magamit sa pagsulat ng sintesis. Kasama sa mga teknik na ito ang pagbubuod. Paggamit ng halimbawa o ilustrasyon, pagdadahilan, strawman technique, konsesyon, o comparison at contrast. 5. Isulat ang unang burador- Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng sintesis. Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili. Bagama’t may nakaplanong balangkas, kung mapagtatantong may mahalagang pagbabago na dapat gawin sa balangkas ay dapat ipagpatuloy ito upang maisama ang mga puntong nais pang matalakay. 26 6. Ilista ang mga sanggunian- Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-pagkilala ang ano mang akda o sino mang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang akademikong sulatin. Karaniwang ginagamit na pormat ang MLA o Modern Language Association at ang APA o American Psychological Association. Ang ikalawa ang higit na preferred ng may akda na ginagamit dito. 7. Rebisahin ang sintesis-Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye. Isulat muli ang sitesis para maisama ang mga nakitang punto na dapat baguhin. 8. Isulat ang pinal na sintesis-Mula rebisadong borador, maisusulat na ang pinal na sintesis. Sa pagbuo ng sintesis, isaalang-alang din ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye. Sekwensiyal- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa. Kronolohikal- pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa pangyayari. Prosidyural- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa. -Maari ding isaalang-alang ang bahagi ng tekto: ang una, gitna, at wakas -Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat 27 Gabay na tanong: 1. Paghambingin ang buod at sintesis. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa? 2. Ano-ano ang dpat tandaan sa pagsulat ng buod at sintesis? 3. Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa pagbubuod? 4. Ilahad ang mga hakbang sa pagsulat na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng buod o sintesis. 5. Bakit mahalagang matutuhan ang kalikasan at paraan ng pagsulat ng natatanging uri ng buod o sintesis? Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang Buod at Sintesis ng akademikong pagsulat. Gawain 1 Panuto: Basahi at unawain ang bawat pangungusap at isulat ang salitang FACT ! kung wasto ang pahayag, kung hindi naman, isulat ang salitang BLUFF? sa iyong sagutang papel. 1. Ang sintesis(synthesis) ay nagmula sa salitang Latin na syntithenai na ang ibig sa sabihin sa Ingles ay put together o combine. 2. Ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto,at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang. 3. May tatlong uri para sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsulat ng sintesis. 4. Ang Thesis-driven synthesis ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsamasamahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karanaiwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. 5. Karaniwang pinupunto ng argumentative synthesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa. Gawain 2 Tukuyin ang mga kaisipan o detalyeng kokompleto sa mga pahayag sa bawat bilang ayon sa binasang aralin. 1. Ang __________ ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap- usapan at iba pa. 2. Nagtatgalay ng ______________ng orhinial na teksto ang buod na siyang sumasagot sa mga pangunahing katanungan. 3. Habang binabasa ang akda, _____________ ang mga mahahalagang punto at detalye upang madaling balikan ang mga importanteng konsepto na isasama sa buod. 4. Isang katangian ng mahusay na buod ay ang paggamit ng _________, sapagkat ito ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto. 5. Bilang isang mahusay na nagbubuod, hindi kaa nagbibigay ng _____________at kritisismo, tanging ang mag impormasyong nasa orihinal na teksto lamang ang dapat na isama sapagkat hindi naman hinihingi ng buod ang ganitong uri ng detalye. 28 Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang katangian, uri at hakbang ng buod at sintesis ng akademikong pagsulat. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng gawain na inilaan sa bahaging ito. Ang paglalagom ay ang pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Ang pagpapaikli sa mga gawaing partikular sa kasalukuyang panahon ay napakahalaga dahil sa mabilis na pagbabagong nangyayari sa lipunan. Kaya maging sa mga gamit o pagkain halos lahat ay parang instant gaya na lang ng intant coffee, instant noodles, instant cash, at iba pa. Dahilan nito, ang pagiging matiyaga lalo na sa larangan ng paghihintay ay tila nakalilimutan na at hindi na naisasabuhay lalo ng kabataan. Halos lahat ng bagay sa kanilang buhay ay nais nilang madaliin o gawin sa madaling paraan. Kaugnay nito, ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa kung anong mga bagay sa iyong buhay na maaaring gawing simple o madaliin at ano-ano naman ang mga bagay sa iyong buhay na hindi dapat madaliin o nangangailangan ng matiyagang paghihintay. Magbigay ng maikling palinawag sa iyong pananaw. Gawain 3: Panuto: Sumulat ng sariling pananaw kaugnay sa diyalogo sa sagutang pepel. 29 MODYUL 5 Binabati kita at nasa Baitang 12 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito. Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyo. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa mga Akademikong sulatin na magagamit mo sa kasalukuyang panahon. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 1.5: Bionote : Isang Anyo ng Sulating Akademiko A. Kahulugan at Halaga ng Bionote B. Katangian ng Mahusay na Bionote C. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_F11/12PU-0d-f-93 1. Natutukoy ang kahulugan, at halaga ng bionote; 2. Nakasusuri ng halimbawa ng bionote; at 3. Nakasusulat ng sariling bionote alinsunod sa estilo at teknikal na aspekto nito. Aralin Kahulugan at Halaga ng 5 Pagsulat ng Bionote Ang paglusong sa mundo ng mga propesyonal na larangan ay isang mahalagang pagkakataon sa pagpapakilala ng sarili. Importanteng nakatuon ang pagpapakilala sa pagbuo ng isang kaaya-ayang anyo ng sarili bilang isang propesyonal na magbabahagi sa isang partikular na larangan. Ang pagbuo ng bionote ay isang mahalagang kasanayan sa propesyonal na pagpapakilala. Sa bahaging ito ng modyul malalaman mo ang kahulugan at halaga ng bionote, matutukoy ang mga katangian at maiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat nito na maaaring magdadala sa iyo sa landas ng pagkatuto para sa pagbuo ng isang sulating pang-akademiko. Marahil, may pagkakataon na hinihingan ka ng pagpapakilala sa iyong sarili dahil sa kahingian ng sitwasyon. Kabilang sa mga ganitong sitwasyong nangangailangan nito ay kung gusto mong maging kasapi ng mga online network katulad ng linkEdin at iba pa. Maging sa iba’t ibang mga social media ay naglalagay tayo ng mga tagline na nagpapakilala sa ating sarili. Ang pagpapakilalang ito ay tinatawag na biographical note, o mas kilala bilang bionote. A. KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Binigbigyang diin ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga 30 parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad ng impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal, hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad. Ito ay halaw sa dalawang salita: bio at note, Ang bio ay salitang Griyegong ang ibig sabihin ay buhay, at ang note naman ay nangangahulugan tala sa wikang Ingles. Kung pagsasamahin ang dalawang salita- ito ay isang tala ng buhay. Maraming kadahilanan kung bakit kailangan ng isang bionote. Sa pagtatalakay ng http//www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod: 1. Aplikasyon sa trabaho; 2. Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o blog; 3. Pagsasalita sa mga pagtitipon; at 4. Pagpapalawak ng network propesyonal Karaniwang binubuo ang bionote ng tatlo hanggang limang pangungusap, o hindi hihigit sa tatlong daang (300) salita. Dahil sa maikli lamang ito, narito ang ilan sa mga impormasyon karaniwang isinasama sa isang bionote: ⚫Pangalan ⚫ Hanapbuhay at Institusyong Kinabibilangan ⚫ Edukasyon ⚫ Mga Karangalan at Pagkilala ⚫ Mga Publikasyon o Aktibidad na may kinalaman sa propesyon ⚫ Larangang kinabibilangan Ayon kay Brogan (2014), isang kilalang social meda guru, ay tatlong uri ng bionote ayon sa haba nito: micro-Bionote, maikling bionote, at mahabang bionote. Ipinaliwanag ni Brogan (2014) na isang magandang halimbawa ng microbionote ang isang impormatibong pangungusap na inuumpishan sa pangalan, sinusundan ng iyong ginagawa, at tinatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang paksa ng Bionote. Karaniwang makikita ito sa mga social media bionote o business card bionote. Ang maikling bionote sa kabilang banda ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang journal at iba pang babasahin. Samantala, ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin. Ito ay dahil may sapat na oras para sa pagbasa nito o espasyo para ito ay isulat. Mahalagang maghanda, kung gayon, ng iba’t ibang haba ng sariling bionote upang mayroong nakahandang kopya na magagamit sa ano mang pagkakataon. B. KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE 1. Sikaping maging maikli lamang ang pagsulat ng bionote. Ilagay lamang ang mga mahahalagang impormasyong may malaking ugnayan sa paksa/larang o paggamitan nito. 2. Isulat ito sa ikatlong panauhang pananaw. Sa ganitong paraan, naiiwasang maghimig-mayabang at nakakaltas ang personal na bias sa pagsulat, pagkat ito ay maaaring makaapekto sa mga babasa o makikinig. 3. Sa pagbuo nito, isaalang-alang ang mga mambabasa. May hinahanap na kredibilidad ang mga mambabasa sa pagbasa niya ng isang bionote, pinapayong isakonteksto ang pagsulat nito ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Iangkop ang ilalamang impormasyon sa paggagamitan nito. Halimbawa: Kung mga administrador ng paaralan ang babasa at pamamahala ng paaralan ang paksa, ilagay ang mga kurso at pinag-aralang may kaugnayan sa edukasyon at pamamahala sa paaralan 31 at huwag nang isama ang iyong sertipiko sa pananahi, ,maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa paggagamitan ng bionote. 4. Gumagamit ng baliktad na tatsulok (inverted pyramid) bilang padron. Kapara ng ginagamit sa pagsulat ng anumang obhetibong sulatin. Sa ganitong proseso, unahin ang pinakamahalaga at pinakamakatutulong na impormasyon tungkol sa sarili hanggang sa maliliit na naaayong detalye. 5. Maging matapat sa mga impormasyong nakalagay, Tandaan, sa pagsulat ng bionote, iniiwasang maghimig-mayabang. Tiyakin lamang na tama at totoo ang lahat ng ilalagay ng mga natamo dahil nakasalalay rito ang kredibilidad na manunulat. C. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE Narito ang mga ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng bionote (Brogan, 2014; Hummel, 2014): 1. Tiyakin ang layunin. Mahalagang malinaw sa iyo ang layunin kung bakit kailangang isulat ang bionote. Kapag tiyak ang layunin, matutumbok mo ang mga detalyeng nararapat na mabasa o marinig ng mga tao at dahil dito mas mapabubuti mo ang kanilang pagkilala sa paksa ng bionote at mapataas din nito ang kanyang kredibilidad bilang isang propesyonal o inidibidwal. 2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote. Nakadepende rin sa layunin ang magiging haba ng bionote. Mahalagang pagdedesisyonan ang haba ng bionote sapagkat kadalasan ay may kahingian ang mga organisasyong humihingi nito. 3. Gamitin ang Ikatlong panauhang perspektib. Kahit pa personal mong bionote ang iyong isinusulat, iminumungkahing gamitin ang perspektibong ito dahil nanunyutralays nito ang tila pagbubuhat ng sariling bangko dahil inilalahad sa bionote ang mga pinakamahalagang tagumpay na natamo. 4. Simulan sa pangalan. Mahalaga ito dahil ang pangalan ang pinakaimportanteng matandaan ng mga tao bilang isang propesyonal at sinusundan naman ng mga ginawa at natamo ng paksa. 5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan. Mas maitataas nito ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao. 6. Isa-isahin ang mahalagang tagumpay. Tanging ang mga nakamit at nagawa lamang na may kinalaman sa audience ang kailangang isama sa iyong bionote. 7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Mahalaga na may element of surprise ang pagpapakilala sa iyo. Bagamat magandang teknik ito upang mapukaw ang 32 interes nila, tiyakin na miuugnay ito sa okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa iyo. 8. Isa ang contact information. Kabilang dito ang iyong e-mail, social media account, at numero ng telepono sa trabaho o personal na numero. 9. Basahin at isulat muli ang bionote. Kapag tapos nang isulat ang bionote basahin mo ito nang malakas. Sa pagbasa mo nito, makikita mo ang mga dapat pang ayusin, tanggalin man o dagdagan. Masusuri mo rin kung epektibo ang paglalahad nito. Mula sa iyong personal ng mga puna, muli itong isulat. Gabay na tanong: 1. Ano ang naging batayan ng pinagmulan ng salitang bionote? 2. Kailan gumagawa o sumusulat ng bionote? 3. Ano ang kahalagahan ng bionote sa mga tagapakinig at sa paglalathala ng mga teksto? 4. Bakit mahalagang maunawan ang pagsulat ng bionote? 5. Paano napauunlad ng bionote ang larangan ng pagsulat? Gawain 1 Gawain : Ilahad mo! Panuto : Gamit ang facstorming web, itala sa loob ng bawat bilog ang hinihinging impormasyon hinggil sa Bionote. 33 Gawain 3 Panuto: Magsaliksik ukol sa mga kasunod na personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan at gawan ng micro-bionote ang bawat isa. Jessica Soho 34 Gawain 4 Panuto: Gawin ang sumusunod: 1. Sa iyong kwaderno, gumawa ng burador sa gagawing sulatin. 2. Bumuo ng orihinal na bionote gamit ang sumusunod na gabay sa paggawa at pamantayan sa tamang pagsulat ng akademikong sulatin na bionote. Gabay sa paggawa A. Isipin na ikaw ay nakapagtapos na sa pag-aaral B. May sariling aklat C. Ikaw ay isang awtor D. At isaalang-alang ang iba mo pang impormasyong dapat na makita sa bionote 3. Kailangang makikita ang mga karaniwang nilalaman ng isang bionote. 4. Lagyan ng larawan. 5. Gagamitin ang rubriks sa pagbibigay ng puntos sa sulatin. Rubriks sa Sulatin Puntos Nilalaman 30% Organisasyon 25% Kaisahan 20% Gramatika/bantas at pagbabaybay 25% Pormat ng Gawain ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ 35 MODYUL 6 Binabati kita at nasa Baitang 12 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito na dinisenyo para sa iyo na makatutulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa mga Akademikong sulatin na magagamit mo sa kasalukuyang panahon. Ang mga inaasahang kasanayan na matatamo ay mula sa kasanayang pampagkatuto sa Modyul 6: Ang Pagsulat ng Talumpati. A. Kahulugan ng Talumpati B. Uri ng talumpati batay sa layunin at pamamaraan C. Mga gabay sa pagsulat ng talumpati Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa. CS_FA11/12PN-0j-92 1. Natutukoy ang kahulugan ng talumpati; 2. Nakasusuri ng uri ng talumpating nabasa/napakinggan; at 3. Nakasusulat ng isang talumpati mula sa mahalagang karanasang natutuhan Aralin 6 Ang Pagsulat ng Talumpati Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008). Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig. Naranasan mo na bang magtalumpati? O kaya naman ay nakapagsulat ka na ba nito? Ano ang dahilan mo ng pagsulat mo ng talumpati? Ano-ano ang mga naging gabay mo at kinonsidera sa pagbuo mo ng iyong talumpati? Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng maraming tao kahit pa man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati. Bago pa man ito bigkasin, mainam na ito ay pinaghandaan upang mas maging kapani-paniwala at kahikahikayat para sa mga taong nakikinig. 36 Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig o audience. Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu. Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon, talas ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika. Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla. Uri ng Talumpati Batay sa Nilalaman at Pamamaraan Nahahati ang sa iba’t ibang uri ang talumpati batay sa nilalaman at pamamaraan. Batay sa nilalaman, maaaring impormatibo o kaya ay persweysib o mapanghikayat ang talumpati. Impromptu at extemporaneous o pinaghandaan naman ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatalumpati. 1. Impormatibong Talumpati. Ang uri ng talumpating ito naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa. Ang kabuuang diskurso nito ay maglahad at magpaliwanag upang maunawaan ng mga tagapakinig ang paksang tinatalakay. Maaaring maging paksa ng talumpati ang pagpapaliwanag tungkol sa proseso na naglalaman ng mga sistematikong serye ng aksyon na tutungo sa resulta o pagbuo ng produkto. Maaari ring simpleng pagpapaliwanag ng iba’t ibang konsepto ng teorya, prinsipyo, paniniwala o ideya ang isang talumpating nagbibigay impormasyon. Ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng impormatibong talumpati ang paglimita sa paksang tinatalakay upang magkaroon ng pokus ang laman ng talumpati. Huwag ding ipagpalagay na lahat ng tinatalakay ay alam na ng tagapakinig at sikaping magbigay ng mga halimbawang malapit sa karanasan ng tagapakinig. 2. Mapanghikayat ng Talumpati. Ang isang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon. Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o posisyon sa isang isyu ang isang natatalumpati batay sa malaliman niyang pagsusuri sa isyu. Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na talumpati ang pagkuwestyon sa isang katotohanan, sa isng pagpapahalaga, o kaya ay sa polisiya. Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig nap ag-isipan ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng kritikal na pagtatanong ng isang mananalumpati. Ang mensahe ng talumpati ay kailangang iangkop sa kaalaman, interes, pagpapahalaga, aktidud, at mga paniniwala ng target na tagapakinig. Samantala, liban sa dalawang tinalakay na uri ng talumpati, tinukoy nina Bernales, et al. (2006) ang iba pang uri tulad ng talumpating Pampalibang, Talumpating Pampasigla, Talumpating Nagbibigay-galang at Talumpating Papuri. Ang huli ay maaaring binibigkas sa okasyon ng Serbisyong Nekrolohikal, Pagtatalaga sa katungkulan, Pamamaalam-Paghahandog o Retirement at Pagmumungkahi o pagsuporta sa Kandidatura. Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan ng pagtatalumpati: 1. Impromptu o Biglaang Talumpati. Ang impromptu o biglaang talumpati ay isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda. Mahalaga ang biglaang talumpati upang masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng isang mag-aaral o tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit walang naunang pagbabasa hinggil ditto. Bukod sa kaalaman, 37 nahahasa rin ng biglaang talumpati ang husay sa organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at pagbibigay-diin sa mahahalagang aspekto ng isang isyu. 2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati. Kabaligtaran ng impromptu, ang talumpating ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at ineensayo bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng talumpati, gumagamit ng mga miiksing tala ang tagapagsalita upang maalala ang mga mahahalagang punto ng inihandang talumpati. Madalas ding sinasaulo o memoryado ang ganitong uri ng mga talumpati. Kumbersasyonal ang katangian ng talumpati at kahit pa praktisado, kailangang ispontanyo ang maging dating nito sa mga tagapakinig. Mga Gabay Sa Pagsulat ng Talumpati Tinipon ng forbes.com sa pamamagitan ng Jeff Schmitt (2013) ang iba’t ibang gabay sa pagsulat ng talumpati mula sa mga eksperto sa political na talumpati. Narito ang ilang patnubay nila: 1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya. Ipinapakita ng mga pananaliksik na kaunti lamang ang naaalala ng isang tagapakinig mula sa isang talumpati kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisapan nila. Laging isipin na maikling panahon lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati. 2. Magsulat kung paano ka nagsasalita. Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sanaysay. Hindi ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng mga tagapakinig. Mas mabuti kung kumbersasyonal ang tono ng talumpati. 3. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa. Interesado ang ga tagapakinig sa konkretong detalye. Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas karaniwan sa pandinig at karanasan ng mga tao. 4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati. Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at kaalaman sa paksa, at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng malalim na pag-unawa at pagbabasa tungkol sa paksa. Mahalagang lahat ng sinasabi ng isang tagapagsalita ay batay sa mga siyentipikong datos at pag-aaral at hindi ayon sa personal na haka- haka lamang. Mas madaling hikayatin ang mga tagapakinig sa pamamagitan ng tiyak na numero at estadistika. 5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati. Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati, balikan ito at maghanap ng mga salita o pahayag na maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay maaaring mas magbigay linaw rito. Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin 1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran - Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari. 2. Talumpating Panlibang – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. 3. Talumpating Pampasigla – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. 4. Talumpating Panghikayat – Pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay. 38 5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. 6. Talumpati ng Papuri – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan Mga Dapat Isa-alang-alang sa Pagsulat ng Talumpati A. Uri ng mga Tagapakinig 1. Ang edad o gulang ng mga makikinig- Iakma ang nilalaman ng paksa at ang wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig. 2. Ang bilang ng mga makikinig – Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati. 3. Kasarian – Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng mga kalalakihan sa kababaihan. 4. Edukasyon o antas sa lipunan – Malaki ang kinalaman ng edukasnon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. 5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig. Dapat mabatid din kung gaano kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. B. Tema o Paksang Tatalakayin 1. Pananaliksik ng Datos at mga kaugnay na babasahin – Magiging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa mga datos, walang laman, at may mga maling impormasyon. 2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran, ito naman ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag ng damdamin kung layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig. 3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto – Mahalagang mahimay o matukoy ang mahahahlagang detalyeng bibigyang-pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati. C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati 1. Kronolohikal ng Hulwaran – Gamit ang hulwarang ito, ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. 39 2. Topikal ng Hulwaran - Ang paghahanay ng mga materyales na talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangan