FILIPINO SA PILING LARANGAN Modyul 1 PDF

Summary

This document is a module for a Filipino language course. It contains information on different types of academic writing, including writing an agenda and minutes of meetings, and an outline of writing a project proposal. It also includes practice activities and suggested learning exercises. It is designed for secondary school students.

Full Transcript

12 FILIPINO SA PILING LARANGAN Kagamitan ng Mag-aaral Modyul 1 TALAAN NG NILALAMAN MUDYOL 1 YUNIT 1 : Mga Praktikal na Sulatin sa Loob at Labas ng Akademikong Larang Pangkalahatang Kaisipan ARALIN 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT I. Pam...

12 FILIPINO SA PILING LARANGAN Kagamitan ng Mag-aaral Modyul 1 TALAAN NG NILALAMAN MUDYOL 1 YUNIT 1 : Mga Praktikal na Sulatin sa Loob at Labas ng Akademikong Larang Pangkalahatang Kaisipan ARALIN 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT I. Pamantayang Pampagkatuto/Mga Layunin II. Pagtalakay ng Paksa at Talaan ng Gawain A. Inroduksyon B. Pagtatalakay C. Pagsasanay (Gawain) D. Buod E. Karagdagang Gawain F. Takdang Aralin III. Mga Sanggunian ARALIN 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM I. Pamantayang Pampagkatuto/Mga Layunin II. Pagtalakay ng Paksa at Talaan ng Gawain A. Inroduksyon B. Pagtatalakay C. Pagsasanay (Gawain) D. Buod E. Karagdagang Gawain F. Takdang Aralin III. Mga Sanggunian ARALIN 3: PAGSULAY NG ADYENDA AT KATITIKAN NG PULONG I. Pamantayang Pampagkatuto/Mga Layunin II. Pagtalakay ng Paksa at Talaan ng Gawain A. Inroduksyon B. Pagtatalakay C. Pagsasanay (Gawain) D. Buod E. Karagdagang Gawain F. Takdang Aralin III. Mga Sanggunian ARALIN 4: PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO I. Pamantayang Pampagkatuto/Mga Layunin II. Pagtalakay ng Paksa at Talaan ng Gawain A. Inroduksyon B. Pagtatalakay C. Pagsasanay (Gawain) D. Buod E. Karagdagang Gawain F. Takdang Aralin III. Mga Sanggunian PANGWAKAS NA GAWAIN MODYUL 1 MGA PRAKTIKAL NA SULATIN SA LOOB AT LABAS NG AKADEMIKONG LARANG MODYUL 1: MGA PRAKTIKAL NA SULATIN SA LOOB AT LABAS NG AKADEMIKONG LARANG Pangkalahatang Kaisipan Ang edisyong ito na Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay nakabatay sa mga kasanayan sa pagkatutong itinadhana ng K-12 Dokumentong Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga paksa, babasahin, gawain, at mga pagsasanay sa seryeng ito ay sadyang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay magiging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubook at realidad ng totoong buhay. Sa unang bahagi pa lang ng aralin ay makikita na ang pagpapalalim na gawaing nago sa pamantayan sa pagganap ng kurikulum. Makabubuti it upang mapaghandaan ng mga mag-aaral ang gawaing nakabatay sa totoong buhay na nakalaan para isagawa nila sa pagtatapos ng aralin. Makikita sa mga susunod na pahina ang ilang bahaging hinango mula sa iba’t ibang aralin sa aklat. Ipinapakita sa mga ito kung paano binalangkas ang bawat bahagi ng aklat upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning nabanggit para sa mga mga mag-aaral na gagamit nito. MODYUL 1 ARALIN ANG AKADEMIKONG 1 PAGSULAT I. Pamantayang Pampagkatuto/Mga Layunin:  Nasusuri ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo. (CS_FA11/12PN-0a-c-90)  Nakapagsasagawa ng panimulang sulatin/pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39) II. Pagtalakay ng Paksa A. Introduksyon Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag- aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), it ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niya ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Ito ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon. Katanungan blg. 1: Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng mga akademikong sulatin? B. Pagtalakay Ang Pagsusulat Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa kompyuter.May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisaisahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng teksto. Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko Ayon naman kay Mabilin (2012), may-akda ng Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino na nagsaad na ang pagbabasa ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niya ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Ayon sa kanya, ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring mapagsalin-salin sa bawat panahon maaaring mawala ang alasla ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman. Limang Makrong Kasanayang Pangwika (1) Pakikinig, (2) Pagbabasa, (3) Panonood  Mga makrong kasanayan na madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan (4)Pagsasalita, (5) Pagsusulat  Mga makrong kasanayang kung saan ang isang indibidwal na nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat 1. Wika- nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nai ssumulat. Mahalagang matiyak kung anong uri nito ang gagamitin upang madaling maiakma sa uri ngtaong babasa ang akda, komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw,masining, tiyak, at payak na paraan. 2.Paksa- nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datosna ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. 3.Layunin-nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isang sulatin. Kailangang matiyak na matutugunan ng isang sulating isusulat ang motibo ng iyong pagsusulatnang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakaysa katauhan ng mga mambabasa. 4. Pamamaraan ng Pagsulat- mayroong limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahadang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin salayunin o pakay ng pagsusulat. Maaaring gumamit ng paraang: 4.1. Impormatibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. 4.2. Ekspresibo kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sakanyang sariling karanasan o pag-aaral. 4.3. Naratibo kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa mga ito. 4.4. Deskriptibo kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.- 4.5. Argumentatibo kung saan ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas, ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. 5. Kasanayang Pampag-iisip- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang susulatin. Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat - dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa wika at retorika partikular na sa mga sumusunod:  wastong paggamit ng malaki at maliit na titik  wastong pagbabaybay  paggamit ng bantas  pagbuo ng makabuluhang pangungusap  pagbuo ng talata  masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan 7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin- kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito. Katanungan Blg. 2: Ano ang kahulugan ng pagsulat? Ng akademikong pagsulat batay sa iyong binasa? Mga Uri ng Pagsulat 1. Akademikong Pagsulat – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. - kritikal na sanaysay - lab report - eksperimento - term paper o pamanahong papel 2.Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin. - ulat panlaboratoryo - kompyuter 3. Dyornalistik na Pagsulat – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin. -magazine -school paper -dyaryo 4. Reperensyal na Pagsulat– uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa. - Bibliography - index -note cards 5. Propesyonal na Pagsulat– uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon. - police report - investigative report - legal forms - medical report 6. Malikhaing Pagsulat – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat. - pagsulat ng tula - nobela - maikling katha Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat Mahalagang maunawaan din ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsupat. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod. 1.Obhetibo- Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat. Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag nabatay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinion. 2.Pormal- Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito, Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling mauunawaanng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat namaging pormal din. 3. Maliwanag at Organisado- Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos napagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan. Hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na pilimpili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. 4.May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang magpabago- bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa napiling paksa. 5. May Pananagutan- Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapananagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod sa ito ayisang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng iyon C. Pagsasanay Gawain Blg. 1: “SURIIN AT KILALANIN MO AKO” Layunin: Nasusuri ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo. (CS_FA11/12PN-0a-c-90) Mga Kagamitan: bondpaper, at bolpen Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat teksto, tukuyin kung ano ang layunin, katangian, at uri ito ng sulatin/pagsulat at ipaliwanag. Isulat ang kasagutan sa panibagong bondpaper. Paliwanag:___________________ Ang gamit nang mantika ay ____________________________ maaari bang gamitin muli bilang ____________________________ diesel?Paano lilinisin o gagawin ____________________________ muling bago ang mantikang ____________________________ pinaggamitan na? Ano ang ilang ____________________________ basura na pwedeng gamiting bio- ____________________________ fuel? Ano ang iba pang altenatibo _______________________. upang makagawa ng asin? Paliwanag:___________________ Ang layunin ng ____________________________ pananaliksik na ito ay ang ____________________________ malaman at mabatid kung ano ang ____________________________ mga pinagdadaanan ng mga batang ____________________________ ina sa anim na aspeto: emosyonal, ____________________________ espiritwal, mental, pinansyal, ____________________________ relasyonal at sosyal. _______________________. Pasado alas-4 ng hapon Paliwanag:___________________ pinuntahan ng mga tauhan ng ____________________________ Quezon City Police District Station ____________________________ 6 ang Kabisig corner Katangian ____________________________ Street para imbestigahan ang ulat ____________________________ ng isang concerned citizen na ____________________________ nakakita kay alias Harold Moises ____________________________ na may dala dalang baril. _______________________. PAG-IBIG Paliwanag:___________________ ____________________________ ____________________________ Isang aklat na maputi, ang ____________________________ isinusulat: luha! ____________________________ Kaya’t wala kang mabasa kahit isa ____________________________ mang talata. ____________________________ Kinabisa at inisip mulang ating ____________________________ pagkabata, ____________________________ tumanda ka’t nagkauban, hindi mo _________________________. pa maunawa. -Landicho, Domingo G. Paliwanag:___________________ “Kultura”,Liwayway, Volume ____________________________ 18,(Oktubre 21, 2002), pahina 31. ____________________________ ____________________________ -Santos, Soy. “Piyesta ng ____________________________ Quiapo”,kabayan (Enero 09, ____________________________ 2003), pahina 5. ____________________________ ____________________________ ____________________________ _________________________. Noong nakaraang linggo, Paliwanag:___________________ nagdaos ng kaa-rawan si National ____________________________ Capital Region Police Office ____________________________ (NCRPO) chief General Debold ____________________________ Sinas. Marami siyang naging ____________________________ bisita. Nagkaroon ng kainan at ____________________________ inuman. Nagkuhanan ng picture at ____________________________ nakita na hindi naipatupad ang ____________________________ social distancing sa pagtitipon. ____________________________ Maraming walang suot na face _________________________. mask. At nalabag ang liquor ban Gawain Blg. 2: “PAGPAPAYAMAN NG KAALAMAN” Layunin: Nakapagsasagawa ng panimulang sulatin/pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39) Mga Kagamitan: bondpaper, at bolpen Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik/sulatin kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer. 1. Uri ng Akademikong Sulatin: Halimbawa ng nasaliksik na teskto: Kahulugan: Katangian: Sanggunian: 2. Uri ng Akademikong Sulatin: Halimbawa ng nasaliksik na teskto: Kahulugan: Katangian: Sanggunian: 3. Uri ng Akademikong Sulatin: Halimbawa ng nasaliksik na teskto: Kahulugan: Katangian: Sanggunian: D. Buod Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), it ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o minamakinilya sa kompyuter.May prosesong nakalangkap sa akademikong pagsulat na iisaisahin sa bahaging ito, kasama ang pagtalakay ng uri, anyo sa layunin at organisasyon ng teksto. Ang mga gamit o pangangailangan sa pagsulat ang mga sumusunod: wika, paksa, layunin, pamamaraan ng pagsulat, kasanayang pampag-iisip, at kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat at kasanayan sa paghabi ng buong sulatin. Mga uri ng akademikong sulatin: malikahing pagsulat, akademikong pagsulat, teknikal na pagsulat, reperensiyal na pagsulat, propesional ng pagsulat, at dyornalistik na pagsulat. Mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat ang mga sumusunod: obhetibo, pormal, maliwanag at organisado, may paninindigan at may pananagutan. E. Karagdagang Gawain Layunin: Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Mga Kagamitan: bondpaper, at bolpen A. Panuto: Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. _________1. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng pagsulat nito. _________2. Ang paraang argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo ay nakapaloob sa pangangailangang ito. _________3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon. _________4. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat. _________5. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doktor, nars, inhenyero, at iba pa. _________6. Ito ay nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat. _________7. Ito ay nagsisilbing giya sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat. _________8. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip nadarama gaya ng tula, dula, awit, at iba pang katulad. _________9. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editorial, lathalain, at iba pa. _________10. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. B. Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik/sulatin kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer. Layunin: Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat. Mga Kagamitan: bondpaper, at bolpen Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian. Isulat sa isang panibagong bondpaper. Katangian ng Akademikong Pagsulat Paliwanag: __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ F. Takdang-Aralin Panuto: Sa panibagong bondpaper, sumulat ng isang maikling sanaysay batay sa mga katanungan na may 5-6 na pangungusap lamang. Layunin: Nakasusulat ng sanaysay batay gamit o pangangailangan sa pagsulat. Mga Kagamitan: bondpaper at bolpen 1.Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular sa hinaharap? 2. Pumuli ng iyong paksa, sumulat ng isang maikling sanaysay na may 5-6 na pangungusap lamang. Pumili ng isa sa mga gamit at pangangailangan sa pagsulat, gamitin at gawin itong gabay. III: Karagdagang Sanggunian  Alcaraz, Camara., et al. Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: Lorimar Publishing Co., 2005  Lontoc, Noe. et al. Pinagyamang PLUMA: Filipino sa Piling Larangan. Quezon City: Phoenix Publishing House., 2017

Use Quizgecko on...
Browser
Browser