Pagtamo ng Kasarinlan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (PDF)
Document Details
Uploaded by CaptivatingStonehenge5693
St. John's Wort Montessori School
Tags
Related
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya PDF
- Paglaya ng Asia at Timog-Silangang Asya PDF
- Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (PDF)
- Aralin 1: Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- BANGHAY ARALIN SA KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA (ARALIN 8): PAGLITAW NG IMPERYALISMONG HAPONES PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng kasaysayan hinggil sa pagtamo ng kalayaan ng ilang bansa sa Timog-Silangang Asya, kabilang na ang Pilipinas, Burma, at Indonesia. Tinalakay dito ang mga pakikibaka laban sa mga mananakop tulad ng mga Español, Amerikano, Hapones, at Olandes. Nakapagbibigay-linaw rin ito sa mga kaganapan na nagdulot ng malalaking pagbabago sa mga sinabing bansa.
Full Transcript
# Pagtamo ng Kasarinlan ng Piling mga Bansa sa Timog Silangang Asya ## Pilipinas: Pakikipaglaban sa mga Espanyol sa Pagtamo ng Kalayaan - Sari-saring paghihirap ang naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol, partikular na sa mga prayle na ginamit ang relihiyong Kristiyanismo...
# Pagtamo ng Kasarinlan ng Piling mga Bansa sa Timog Silangang Asya ## Pilipinas: Pakikipaglaban sa mga Espanyol sa Pagtamo ng Kalayaan - Sari-saring paghihirap ang naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol, partikular na sa mga prayle na ginamit ang relihiyong Kristiyanismo upang makontrol at masikil ang mga Pilipino. - Nakaranas din ang mga Pilipino ng paniniil pagdating sa relihiyon kung saan ay mahigpit na ipinagbawal ng mga prayle ang pagsasagawa ng mga nakagawiang ritwal ng mga Pilipino. - Ito ang naging dahilan ng paglulunsad ng kabi-kabilang himagsikan at rebelyon sa iba ibang panig ng Pilipinas. - Ang maalab na damdamin para makamit ang kalayaan ay lalo pang pinasiklab ng mga akdang mapagmulat na siya ding naging dahilan kung bakit mula sa maliliit na himagsikan ay naganap ang rebolusyo ng 1896. - Hunyo 12,1898 nang idineklara ni Hen. Emillo Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. ## Pilipinas: Pakikipaglaban sa mga Amerikano sa Pagtamo ng Kalayaan - Enero 23,1899 ay naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas kung saan si Emilio Aguinaldo ang idineklarang pangulo ng bansa. - Pebrero 4,1899 nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan ay pormal nang nagsimula ang pakikibaka ng mga Pilipino para makamit ang kalayaan. - Taong 1934, sa bisa ng Batas Tydings-McDuffie ay naitatag ang Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas kung saan si Pang. Manuel L. Quezon ang nagsilbing pangulo. ## Pilipinas: Pakikipaglaban sa mga Hapon sa Pagtamo ng Kalayaan - Sa ilalim ng pamumuno ng mga Hapon ay naitatag ang Pamahalaang Puppet na pinamunuan ni Pang. Jose P. Laurel. - Dahil sa pagmamalupit ng mga Hapon, ang mga Pilipino ay naglunsad ng kilusang gerilya na siyang lumaban sa pagmamalupit ng mga sundalong Hapon. - Ang pangkat na HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa Hapon ay nabuo sa pagsasama sama ng mga kalalakihang Pilipino na naglalayong itaguyod ang kalayaan ng bansa. - Sa pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1944 ay muling naibalik ang Pamahalaang Komonwelt na noon ay pinamunuan ni Pang. Sergio Osmeña dahil sa pagkamatay ng Pang. Quezon. ## Burma: Paglaya mula sa Pananakop ng Britanya - Nagsimula ang unti-unting pananakop ng mga Ingles sa Burma matapos ang Unang Digmaang Anglo-Burmese kung saan sinubukan ni Heneral Maha Bandula ng Burma na kunin mula sa British India ang dating mga teritoryo ng nito. - Unti-unting natalo ang puwersang Burmese ng mga Ingles na kalaunan ay nakita ang Burma na isang magandang teritoryo na maaring daanan ng mayabong na kalakalan sa Tsina. - Matapos ang Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese ay ginawang probinsiya ng British India ang Burma. - 1937 lamang nang muli itong ihiwalay sa India at gawing kolonyang bansa na ang lehislatura ay nasa ilalim ng pamamahala ng Britanya. ## Burma: Paglaya mula sa Pananakop ng Hapon - Sa pagpasok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinalakay ng mga Hapon ang Burma sa tulong ng mga sinanay ng mga Hapon na Burma Independence Army na naglalayong patalsikin ang mga Ingles sa bansa. - Dahil sa naging mapaniil ang mga Hapon, ang Independence Army ay naging Anti-Fascist People's Freedom League (AFPFL) na naglalayong patalsikin ang mga Hapon. - 1945 nang tulungan ng mga Ingles na palayain ang Burma sa kamay ng mga Hapon sa pangunguna ng AFPFL at ni Aung San. - Sa pangunguna ni Aun San ay nagkaroon ng kasunduan sa Britanya upang ibigay ang kalayaan ng bansa. - Sa kasamaang palad, sa kabila ng magandang layunin ni Aung San para sa Burma siya ay pinatay noong Hulyo 19,1947 kasama ang anim pa niyang kasamahan dahil sa alitang politikal at away sa pagitan ng mga pangkat etniko. ## Burma: Paglaya mula sa Panloob na Kaguluhan - Sa kabila ng pagkamatay ni Aung San ay nakamit pa rin ng Burma ang kalayaan noong Enero 4,1948. - Ang pagtatapos ng kolonisasyon ng mga mananakop sa Burma ang siya namang naging hudyat ng pag-igting ng away sa pagitan ng mga pangkat etniko sa bansa. - Ang Burma ay kilala sa pagkakaroon ng maraming magkakaibang lahi at pangkat etniko at ito din ang naging dahilan kung bakit umusbong ang ibat ibang uri ng sigalot na naging mitsa ng kaguluhan sa bansa. - Kabi-kabila ang naganap na riot at kaguluhan sa pagitan ng mga etnikong grupo na sinabayan pa ng pag-usbong ng mga komunistang pangkat na palihim na binibigyan ng mga armas at tulong mula Tsina. - Sa pagpasok ng komunismo sa bansa, unti-unting nabago ang sistemang politikal ng Burma. - 1962 nang mapasailalim ito sa Pamahalaang Militar matapos ang isang matagumpay na kudeta sa pamumuno ni General Ne Win - Isa sa mga hamong kinakaharap ngayon ng bansa ay ang patuloy na digmaang sibil na dulot ng magkakaibang ideolohiya at pangkat na kinabibilangan. ## Indonesia: Paglaya mula sa Pananakop ng Olandes - Ang pagpasok ng mga Olandes sa mga pulong ito ay nagdulot ng matinding pahirap at pagdurusa. - Ilan sa mga ito ay ang polisiyang etikal at sistemang kultural na nagkaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya, lipunan at pamumuhay. - Sa pagtungtong ng ika-19 na siglo ay unti unting namulat ang mga mamamayan ng pulong ito sa konsepto ng kasarinlan at kalayaan at dahil dito ay umusbong ang iba ibang kilusan na naglalayong makamit ang ganap na kalayaan. ## Indonesia: Pag-usbong ng Budi Utomo - 1908 nang umusbong ang Budi Utomo na nangangahulugang “Noble Endeavor” - Pangunahing layunin ng samahang ito na palayain ang Indonesia sa kamay ng mga Olandes at isulong ang kultura at literaturang Javanese. - 1910 unti unting mawala ang popularidad ng samahang ito dahil sa magkakaibang pananaw ng mga kasapi. - Ngunit mahalaga ang naging papel ng Budi Utomo sa pagsibol at pagyabong ng iba pang kilusang nasyonalismo sa Indonesia. ## Indonesia: Pagkakatatag ng Sarekat Islam - Ang Kilusang Sarekat Islam ay itinatag noong 1912 sa isla ng Java. - Layunin nito na itaguyod ang aral at pagpapahalagang Islam gayundin ang ekonomikal at panlipunang kalagayan ng mga kasapi nito. - Tinatayang umaabot sa 2 1/2 milyon ang naging kasapi ng samahan bago natapos ang 1919. - Bukod sa paglaban sa mga Olandes, ay tinuligsa din nito ang mga mangangalakal na Tsino na siyang kakumpetensiya ng mga Hapones sa kalakalan. ## Indonsia: Pagkakatatag ng Partai Kommunis Indonesia - 1924 nang maitatag ang Partai Komunis Indonesia o Indonesian Communist Party na unti-unting nakilala dahil sa pagbilanggo ng mga Olandes sa sosyalistang lider na si Henk Sneevliet na nagsilbing instrumento sa pag-usbong ng kilusang komunismo sa Indonesia at iba pang bansa. ## Indonesia: Pagdating ng mga Hapon - Inukopa ng papalaking Imperyo ng Hapon ang Indonesia at kaiba sa ibang bansa sa Timog silangang Asya ay sinuportahan ng mga Hapon ang kilusang nasyonalismo sa Indonesia upang makuha ang loob ng mga mamamayan. - Sa pag-aakalang ang Hapon ang makakapag-bigay ng ganap na kalayaan ay maraming Indonesian ang sumuporta at tumanggap sa pagpasok ng nga Hapones at naging kaalyado ng ilang nasyonalistang lider tulad nina Sukarno at Mohammad Hatta. - Kalaunan ay lumabas ang tunay na motibo ng Hapon nang mag-umpisa itong higpitan at pagmalupitan ang mga Indonesian. - Sa pagkatalo at pagsuko ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ipinroklama nina Sukarno at Mohhamad Hatta ang kalayaan ng Indonesia noong Agosto 17,1945. ## Indonesia: Panahon ng Pagiging Handa BERSIAP - Nang mabalitaan ng mga Ingles at Olandes ang pangyayaring ito ay sinubukan nilang bawiin ang Indonesia ngunit sila ay nilabanan ng mga Indonesian. - Tinawag ang yugtong ito na panahon ng Bersiap na nangangahulugang “maging handa”. - Inilarawan ang panahon ng Bersiap bilang panahon ng matinding kaguluhan. - Kabi-kabila ang mga patayan, pandurukot at asunto sa mga Olandes at gayundin sa mga Tsino na nasa bansa. - Libu-libo ang namatay kabilang na ang mga kababaihan at mga batang Olandes na naninirahan sa Indonesia. ## Indonesia: Pagkilala sa Pagkabansa at Kalayaan - Dahil sa unti unting pagkatalo sa mga labanan at sa pagtuligsa na rin ng United Nations ay napilitan ding kilalanin ng mga Olandes ang pagiging isang bansa ng Indonesia. - Disyembre 27,1949 ay nalikha ang United Nations Commission on Indonesia (UNCI) upang pangasiwaan ang pag-alis ng mga Olandes sa bansa na umaabot hanggang Agosto 3,1953. - Mula sa pagiging United States of Indonesia na isang pederal na pamahalaan ay naitatag ang Republika ng Indonesia noong Agosto 17,1950. ## Vietnam: Paglaya mula sa pananakop ng Pransiya at Hapon - Sa pagitan ng taong 1859-1883 ay nasakop ng Pransiya ang Indotsina. - Ang pagiging mayaman at pagkakaroon ng stratehikong lokasyon ang naging punto ng interes ng bansang Pransiya. - 1940 naman nang ito ay sakupin ng mga Hapon. - Sa pagbagsak ng ekonomiya ng mga bansa sa Europa matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nakaranas din ng paghihirap ang mga mamamayan ng Indotsina. - Ang paghihirap na ito ang nagpaigting sa pagnanais ng mga mamamayan ng Indotsina na kumawala sa Pransiya at lalong nagpalawak ng impluwensiya ng komunismo sa Vietnam. - Ang kalupitan ng mga Hapon ang naging rason kung bakit ninais ng mga Vietnamese ang kalayaan. ## Vietnam: Ang Pagtatag ng Komunistang Pangkat - Ang pagnanais na ito ay pinangunahan ni Ho Chi Minh, isang nasyonalistang lider na nagtatag ng Indochinese Communist Party noong 1930. - 1942 ay binuo ni Ho Chi Minh ang gerilyang pangkat na League of Independence for Viet Nam o mas nakilala sa tawag na Viet Minh. - Kinilala ang pangkat na ito bilang isa sa mga pinakamatatag na komunistang pangkat na nabuo sa Timog silangang Asya. - Sa pagkatalo ng mga Hapones sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay lalong lumakas ang kapangyarihan ng mga Viet Minh at naitatag ang Democratic Republic of Viet Nam noong 1945. - Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ninais ng mga Pranses na muling makuha ang Vietnam kaya noong 1946 ay muli silang nagbalik upang pabagsakin ang Viet Minh. - Ito ang naging hudyat ng pagsisismula ng Unang Digmaang Indotsina. - Tumagal ang labanan hanggang 1954 kung saan ay ginamit ng mga Viet Minh ang taktikang Hit & Run bilang pantapat sa malakas na hukbo ng Pransiya. - Matapos ang walong taong labanan ay sumuko ang Pransiya. - Naganap ang Geneva Conference at nakipagkasundo ang France sa Vietnam at tuluyang lumisan sa bansa. ## Vietnam: Ang Pagkakahati ng Vietnam - Nahati ang Vietnam dahil sa pagkakaroon ng magkaibang ideolohiya. - Ang 17th Parallel Line of Demarcation ang nagsilbing hangganan ng dalawang bansa. ### Democratic Republic of Vietnam - Sumunod sa ideolohiya ng komunismo - Agrikultura ang naging pangunahing at sentro ng kabuhayan. - Nagpatuloy ang laban para sa muling pag-iisa ng Vietnam. - Itinaguyod ang pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki. ### Republic of Vietnam - Nagpatupad ng awtokratikong pamahalaan - Nagkaroon ng paniniil sa kalayaang politikal - Naging laganap ang korupsiyon at nepotismo - Mariing nilabanan ang komunismo kaya't nanatili sa kanya ang suporta ng Amerika sa kabila ng mga problema sa kanyang pamamahala - Dahil sa mga nagaganap sa pamahalaan ay maraming Timog Vietnamese ang umanib sa komunismo - Sila ay tinawag na Viet Cong na taga suporta ng Hilagang Vietnam - Ang mga Viet Cong ang mga gerilyang naglayong pabagsakin ang pamunuan ni Ngo Dinh Diem. - Nakilala din sa paggawa ng mga tunnel sa ilalim ng lupa na nagsilbing daan at taguan ng mga armas at lagayan ng mga kagamitang pandigma. ## Vietnam: Panghihimasok ng Amerika - Nabahala ang Amerika sa paglawak ng impluwensiya ng komunismo sa Timog Vietnam kaya nagpadala ito ng mga sundalo. - Nobyembre 1,1963 – Nagkaroon ng kudeta at napatay si Ngo DinhDiem - Siya ay pinalitan ni Nguyen Cao Ky na nabigo ding ayusin ang naghihirap na kalagayan at magulong sistemang politikal sa Timog Vietnam. - Palihim na tinawid ng libo-libong sundalo ang 17th Parallel line gamit ang kalsada at lagusan na tumatagos sa Laos, Cambodia at Vietnam. - Agosto 4,1964 naganap ang Tonkin Gulf Incident kung saan ay sinabi ng Amerika na sinalakay ng Hilagang Vietnam ang 2 barkong pandigma ng Amerika sa golpo ng Tonkin. - At dahil dito ay agad na naipasa sa Kongreso ng Amerika ang pagtatayo ng Base Militar sa Vietnam at pagpapadala ng mahigit na 100,000 sundalo. - Sinimulan ng Amerika ang Operation Rolling Thunder: Isang taktikang militar kung saan binagsakan ng mga eroplanong pandigma ng bomba ang ilang mga lugar sa Hilagang Vietnam. - Mas pinaigting naman ng mga Vietnamese ang kanilang taktikang gerilya at gumawa pa ng mas maraming tunnel sa ilalim ng lupa upang maiwasan ang mga bomba. - Naging balakid sa mga Amerikano ang malagong kagubatan ng Vietnam kaya inilunsad nila ang Operation Ranch Hand kung saan ay nagpasabog sila ng mga kemikal na kung tawagin ay Agent Orange upang patayin ang mga halaman at puno sa paligid. - 1968 ay sinimulan ng mga komunista ang sabay sabay na pag-atake sa ibat ibang bahagi ng Vietnam na tinawag na Tet Offensive. - Bilang ganti ay binomba ng Amerika ang Cambodia dahil sa balitang dito nagtatago ang mga komunista (Operation Menu). - Ang kilos na ito ni Pres. Nixon ay nagdulot ng malawakang pagtuligsa sa mga Amerikano. ## Vietnam: Panghihimasok ng Amerika Vietnamization - Ang pagpapauwi sa mga sundalong Amerikano sa Amerika at pagpalit sa kanila ng mga sundalong taga Timog Vietnam na kanilang sasanayin. ## Vietnam: Pagiging Isang Bansa Muli - 1975 nang tuluyang masakop ng Hilagang Vietnam ang Timog Vietnam matapos sumuko ang Pangulo nito na si Duong Van Minh. - Ang pinag-isang bansa ay tinawag na Socialist Republic of Vietnam. This is just a summary based on the images provided. The document itself is very visual and uses different font types and sizes, as well as pictures to communicate the information. For a more complete understanding of the document, it would be helpful to see the original images.