ARALIN 2: ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN, HALINA’T SALIKSIKIN PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Sir Noel P. Trillana, LPT
Tags
Summary
This presentation outlines different types of academic writing in Filipino. It details the characteristics, styles, formats, and purposes of various academic genres, and poses pivotal questions for understanding.
Full Transcript
ARALIN 2: ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN, HALINA’T SALIKSIKIN SIR NOEL P. TRILLANA, LPT LAYUNIN: 1.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. 2.Naipapaliwanag ang iba’t ibang anyo ng akademikonhg sulatin batay sa kahulugan, kalikasan at katangian. 3.N...
ARALIN 2: ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN, HALINA’T SALIKSIKIN SIR NOEL P. TRILLANA, LPT LAYUNIN: 1.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. 2.Naipapaliwanag ang iba’t ibang anyo ng akademikonhg sulatin batay sa kahulugan, kalikasan at katangian. 3.Nagagamit ang angkop na pormat at Teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin. 3K: Kahulugan, Kalikasan, at Katangian Bilang Anyo ng Akademikong Sulatin Upang gabayan ang mag-aaral sa pag-unawa sa anyo ng akademikong sulatin, mainam na maging gabay ang sumusunod na katanungan. 1. Para saan ang akademikong sulatin? 2. Ano ang kahulugan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin? 3. Paano nagiging magkakaugnay ang kahulugan, kalikasan at katangian bilang batayang konsepto ng anyo ng akademikong sulatin? Kahulugan ng Akademikong Sulatin Masasabing akademiko ng isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na larangan o maaaring interdisiplinari o multidisiplinari mula sa mga disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham humanistiko at iba pa. Narito ang mga akademikong sulatin kung saan maaaring umikot ang paksa at paraan ng akademikong sulatin. A. Humanidades Humanindades Wika Literatura Pilosopiya at Teolohiya Mga Pinong Sining 1. Arkitektura 2. Teatro 3. Sining 4. Sayaw at Musika B. Agham Panlipunan Agham Panlipunan 1. Kasaysayan 2. Sosyolohiya 3. Sikolohiya 4. Ekonomiks 5. Administrasyong Pangangalakal 6. Antropolohiya 7. Arkeolohiya 8. Heograpiya 9. Agham Politikal 10.Abogasya B. Agham Pisikal Eksaktong Agham 1. Matematika 2. Kemistri 3. Inhenyeriya 4. Pisika 5. Astronomiya B. Agham Pisikal Agham Biyolohikal Biyolohika Botanika Soolohiya Medisina Agrikultura 1.Pagsasaka 2.Pangingisda 3.Pagmimina 4.Paghahayupan 5.Paggugubat Bawat larangan na pagmumulan ng akademikong sulatin ay mayroong tiyak na terminolohiyan o register ng wika. Kalikasan ng Akademikong Sulatin Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman. Marapat na ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Bago ang kaalaman kung ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong magbibigay ng malawak na kabatiran at mahalaga sapagkat ang impormasyong ipinababatid ay mapapakinabangan para sa sarili, pamilya, panlipunan at pambansang kapakinabangan. Gabay Bilang Hulwaran sa Angkop na Paraan ng Akademikong Sulatin Pagpapaliwanag Pagtatala o Enumerasyon Pagsusunod-sunod Paghahambing at Kontrast Sanhi at Bunga Suliranin at Solusyon Pag-uuri-uri o Kategorisasyon Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon atv Suhetisyon Paghihinuha Pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon Anumang paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin, mahalagang mabigyan ito ng angkop na pagsusuri batay sa ASPEKTO NG PAG-UNAWA Pagpapaliwanag Pagpapakahulugan Paglalapat Pananaw Pagdama Kaalaman sa Sarili Kalikasan ng akademikong sulatin na magpahayag ng kaalaman batay sa angkop na paraan na nakaugat sa kakayahang umunawa ng manunulat upang ipaunawa ang kaniyang naisip at naranasan. Pagkatandaan! PANG- KAALAMAN PARAAN UNAWA KATANGIAN Hindi maaaring alisin ang pagiging sining at agham ng akademikong sulatin. Taglay na katangian ng isang akademikong sulatin ang pagiging malikhain ng isang manunulat sa pagsasalansan ng mga konsepto na umiikot sa paksa. Binabagayan niya ito ng angkop na paraan na dumaraan sa tumpak at makatotohanang paraan. KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN Makatao sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin ng mga makabuluhang impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan. Makabayan sapagkat ang kapakinabangang hatid na akademikong sulatin ay magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan at bansa. Demokratiko sapagkat ang akademikong ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan. Iba Pang Katangian ng Isang Akademikong Sulatin na Dapat Isaalang-Alang. 1. May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion sa mga sulatin. 2. Pantay ang paglalahad ng mga ideya. 3. May paggalang sa magkakaibang pananaw. 4. Organisado 5. May mahigpit na pokus 6. Gumagamit ng sapat na katibayan