Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga kaganapan at epekto ng unang yugto ng kolonyalismo. Binabanggit nito ang mga paglalayag, pagtuklas, at impluwensiya ng mga Europeo sa iba't ibang rehiyon. Nakatuon ito sa mga pangunahing pangyayari at konsepto ng panahong iyon.

Full Transcript

## Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo - **Ang mga paglalayag ng Portugal at Spain ay nagbunga ng pagkatuklas ng mga lupaing hindi pa nagagalugad ng kahit na sino. Naging bunga nito ang pagkakaroon ng malakas na ugnayan sa pagitan ng silangan at kanluran;** - **Mas nagkaroon ang mga manlalayag ng...

## Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo - **Ang mga paglalayag ng Portugal at Spain ay nagbunga ng pagkatuklas ng mga lupaing hindi pa nagagalugad ng kahit na sino. Naging bunga nito ang pagkakaroon ng malakas na ugnayan sa pagitan ng silangan at kanluran;** - **Mas nagkaroon ang mga manlalayag ng malaking interes sa larangan ng heograpiya at eksplorasyon gawa ng makabagong pamamaraan sa teknolohiya;** - **Nang dahil sa kolonisasyon , ang sibilisasyong Kanluranin ay nagkaroon nang matinding paglaganap sa Silangan;** - **Nagbunga ng iba't ibang suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang nasakop. Ilan sa mga ito ang pananamantala sa mga likas na yaman at hilaw na mga sangkap, pag-alis ng kasarinlan, at pisikal at emosyonal na pang-aabuso;** - **mga pagbabagong dulot sa ecological system ng daigdig, nagresulta ito ng pagpapalitan ng halaman, hayop, at mga sakit.** ## Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain - **Dahil dito, umusbong ang pagtatatag ng mga bangko. Kinakailangan ng mga mangangalakal nang paglalagyan ng salaping barya. Dito naipakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel na kanilang ginamit. Nagbigay daan ang salaping ito para upang maitatag ang sistema na kung saan ang isang tao ay mamumuhunan ng kanyang salapi upang magkaroon ng tubo o interes. Ang sistemang ito ay tinatawag na kapitalismo.** - **Sa panahon ng Medieval, ang pag-iipon ng salapi ay hindi pa lingid sa kaalaman ng mga tao. Sila ay lubos nang nasisiyahan kapag ang kanilang kita ay sapat na para sa kanilang pangangailangan. Subalit sa pag-unlad ng kalakalan, ang kanilang naipong salapi ay dumami. Ginamit nila ito bilang puhunan upang lumago ang kanilang salapi.** - **Noong ika-15 at ika-16 na siglo ay nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag. Ang bansang Italy ay nawala sa dati nitong kinalalagyan sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England ang naging sentro ng kalakalan.** - **Higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia dahil sa pagkakatuklas ng mga lupain. Kape, ginto, at pilak sa North America; asukal at molasses sa South America; at indigo sa Kanlurang Indies. Ang naturang mga produkto ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na mula sa Mexico, Peru, at Chile.** ## Ang mga Dutch - **Napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges noong ika-17 siglo bilang pangunahing bansang kolonyal sa bansa. Ang Moluccas ay kanilang inagaw mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon na kung saan pinataniman ng mga halaman ang mga lupain. Ang naging bunga nito ay sapilitang paggawa na siyang naging patakaran din ng mga Espanyol sa Pilipinas.** - **Ang mga Dutch ay nagkaroon ng kolonya sa North America. Ito ay pinangunahan ni Henry Hudson, isang English na manlalayag na naglakbay para sa mga mangangalakal na Dutch. Noong 1906, kaniyang napasok ang New York Bay at pinangalanan itong New Netherland. Isang trade outpost o himpilang pangkalakalan naman ang itinatag sa rehiyon noong 1624 na pinangalanang New Amsterdam at ngayon ay kilala bilang New York City.** ## Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan - **Nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong taong 1518. Si Magellan ay isang manlalakbay na Portuges na naglayag para sa bansang Spain na kung saan ito ang nag pondo ng kaniyang paglalayag.** - **Mula kanluran patungong silangan ang naging ruta ng kaniyang ekspedisyon. Kanilang natagpuan ang silangang baybayin ng South America o mas kilala ngayon bilang bansang Brazil. Kanila ring nilakbay ang Strait of Magellan na noo'y isang makitid na daanan ng tubig. Sila ay naglayag sa malawak na karagatang Pasipiko at dito nila narating ang Pilipinas.** ## Paghahati ng Mundo - **Upang maiwasan ang tunggalian sa interes ng Portugal at Spain ay dumulog ang dalawang bansa kay Pope Alexander VI. Naglabas ang papa ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain. Sa pamamagitan ng Treaty of Tordesillas noong 1494, hinati ang Daigdig sa Portugal at Spain. Ang hatian ay batay sa line of demarcation, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantic tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timog Pola. May karapatan ang Spain sa mga katubigan at kalupaan sa Kanlurang bahagi ng Daigdig samantalang ang Silangang bahagi ng Daigdig ay sa Portugal. Ang kasunduang ito ay nagpapatunay lamang na ang eksplorasyon at pagtuklas sa mga bahagi ng mundo na hindi pa nararating ng Europe ay pinaghatian ng Portugal at Spain.** ## Noong 1507, ang Italyanong nabigador na si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na hindi Asya ang narating ni Columbus kundi ang Bagong Mundo o New World - **Apat na beses siyang naglakbay sa kalupaang ito na nang lumaon ay pinangalanang America alinsunod sa pangalan ni Amerigo.** ## Sa kabila ng mga paghihirap na dinanas ng kanyang ekspedisyon ay narating ni Columbus ang isla ng Bahamas sa Caribbean na inakala niyang India - **Narating din niya ang Hispaniola (kasalukuyang Haiti at Dominican Republic) at Cuba. Ang mga lupaing ito na narating ni Columbus ay kalaunang tinawag bilang New World. Hindi man nagtagumpay sa paghanap ng bagong ruta pasilangan ay ipinagdiwang ng Spain ang resulta ng ekspedisyon ni Columbus at siya ay ginawaran ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang natagpuan.** ## Paglahok ng Spain sa Paglalakbay - **Pinangunahan nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille ang pagpapadala ng ekspedisyon sa Silangan na unang pinamunuan ng Italyanong manlalayag na si Christopher Columbus noong 1492. Ang paglalayag ni Columbus ang naging hudyat ng pakikilahok ng Spain sa eksplorasyon at paglalakbay. Inilunsad ni Columbus ang kanyang ekspedisyon sa ilalim ng watawat ng Spain patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantic.** ## Taong 1497 ng pamunuan ni Vasco da Gama ang ekspedisyon hanggang Calicut, India. - **Ang kaniyang ekspedisyon ang nakatuklas ng unang rutang pangkaragatan mula sa kanlurang Europe hanggang India. Ang paglalakbay ni da Gama ang nagbigay-daan sa mga Portuges upang matuklasan ang yaman ng Silangan at maunlad na kalakalan.** ## Narating ng mga Portuges ang Africa at nalibot ni Bartholomeu Diaz ang Cape of Good Hope noong Agosto 1488 - **Pinatunayan ng kanyang paglalakbay na mararating ang Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.** ## Ang anak ni Haring Juan ng Portugal na si Prinsipe Henry, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag kung kaya't siya ay kinilala bilang "The Navigator" - **Hinikayat niya ang mga Portuges na maglakbay upang makatuklas ng bagong teritoryo at kayamanan.** ## Mga Bansang Kanluraning Nanguna sa Eksplorasyon - **Ang mapa ay nagpapakita ng mga bansang kanluranin na nanguna sa eksplorasyon, mula sa Portugal at Spain sa kanluran patungo sa Russia sa silangan.** ## Ang Paghahanap ng Spices - **Hinangad ng mga Europeo ang mga produkto mula Asya tulad ng mga spices o pampalasa. Ang spices ay ginamit sa pagpreserba ng pagkain lalo na ang karne at ginamit din sa medisina. Ninais ng mga Kanluranin partikular ang mga Portuges na makatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan sa dagat upang makibahagi sa kalakalan ng spices at makaiwas sa mga lupaing kontrolado ng mga Muslim.** ## Halimbawa, si Prinsipe Henry ng Portugal na nagpamalas ng interes sa paglalakbay kaya sinuportahan niya ang mga manlalakbay ng Portugal - **Ang mga instrumentong pang nabigasyon tulad ng compass at astrolabe at sasakyang pandagat na caravel ay nakatulong upang maisakatuparan ang paglalakbay sa malawak at hindi kabisadong karagatan.** ## Napukaw ang pansin ng mga Europeo sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo sa kanyang aklat na "The Travels of Marco Polo" na naglarawan ng yaman at kaunlaran ng China gayundin ang paglalakbay sa Asya at Africa ni Ibn Battuta - **Ang suportang inilaan ng mga hari sa mga paglalayag ng mga Europeo ay nakatulong sa interes ng mga manlalayag.**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser