Kasaysayan ng Indonesia at Malaysia (PDF)

Document Details

SharperAlder

Uploaded by SharperAlder

Pavia National High School

Tags

kasaysayan ng Indonesia kasaysayan ng Malaysia kolonyalismo Southeast Asia

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng paglalahad ng mga pangyayaring may kaugnayan sa kasaysayan ng Indonesia at Malaysia. Sa pamamagitan ng mga impormasyon, nalalaman natin kung paano sumakop ang Portugal, Netherlands, at England sa mga bansa. Kasama sa inilarawan ang mga dahilan, mga tauhan, at mga pangyayari sa mga panahong ito.

Full Transcript

# Indonesia Ang Indonesia ay sinakop ng Portugal, Netherlands, at England. Tanyag noon pa mang panahon ng panggagalugad at pagtuklas ang Indonesia. Maraming mga kanluraning bansa ang naghahangad na marating ang lupaing ito dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba't ibang baha...

# Indonesia Ang Indonesia ay sinakop ng Portugal, Netherlands, at England. Tanyag noon pa mang panahon ng panggagalugad at pagtuklas ang Indonesia. Maraming mga kanluraning bansa ang naghahangad na marating ang lupaing ito dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas na tinatawag ding Maluku. Ito ang dahilan kung bakit tinagurian ito bilang Spice Island. Ito ang lupain na nais marating ng mga kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan, ito ay bahagi ng bansang Indonesia. Bukod pa rito, ang maayos na daungan at pagiging sentro ng kalakalan ay ilan din sa mga dahilan ng kanilang paghahangad na masakop ito. Noong taong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque, isang Portuges, ang Malacca. Dahil sa paghahangad sa mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas noong 1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito, at nagsimulang palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo. Ang hindi maiwasan na digmaaan ng Portugal at Spain ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado. Sa pamamagitan ng Tratadong Zaragosa noong 1529, nakuha ng Portugal ang Moluccas. ## Subalit sa kabila ng kanilang pamamayagpag, kalaunan ay sumunod ang Netherlands sa pananakop dito. Nasakop ng mga Dutch ang Jakarta noong 1619 at ginawa itong kabisera ng Netherlands East Indies. Sa paglawak ng impluwensiya ng British sa Indonesia ay napailalim ang Sultanong Malay sa kanilang kontrol. Ang Netherlands ay dating sinakop ng mga Español. Nang lumaya ito nagsimula siyang magpalakas ng kagamitan sa paglalakbay sa dagat at pakikidigma. Dutch ang tawag sa mga naninirahan dito. Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang pandigma. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, nakipag-alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng *divine and rule policy* upang mapasunod at masakop ang mga nabanggit na isla. Ang *divide and rule policy* ay ginamit ng mga Dutch upang mapasunod at masakop ang mga islang nabanggit. Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar. ## Itinatag din ang Dutch East India Company upang pag-isahin ang mga kompanyang nagpapadala ng paglalayag sa Asya. Dahil dito, nagkaroon ng monopolyo ng kalakalan sa Indonesia. Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil sa epekto ng Napoleonic Wars subalit nabalik din ito sa mga Dutch matapos ang digmaan. Taong 1796 ay nabili ni Francis Light ng British East India Company ang isla ng Penang. Sa paglawak ng impluwensiya ng British sa Indonesia ay napailalim ang Sultanong Malay sa kanilang kontrol. Noong 1808-1811, panandaliang pinamunuan ng Pransya ang Indonesia at ng Britanya naman noong 1811-1816. Ito ay bunga ng Digmaang Napoleonic sa Europa. Napabalik naman sa kamay ng mga Dutch ang Indonesia taong 1816. ## Hindi tulad ng mga Español, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at maiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila ng puwersa o dahas upang masakop ang isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakipagkalakalan sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang naimpluwensyahan ng Dutch ang kultura ng mga Indones. # Malaysia Katulad din ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands, at England. Pangunahing layunin din ng mga bansang ito ang pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan. Bukod sa kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop, subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser