received_1191655342152767.jpeg
Document Details
Uploaded by CureAllGyrolite2992
University of the Visayas
Tags
Related
Full Transcript
## Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino "credit" sa posible at aktwal na diskoneksyon. Ang kalutasan naman sa diskoneksyong ito ay ang makikita sa masayang tinig. Sa pangalawa, ang mga sumusunod naman ang makikita: ang masaya at solidong imahen ng babae, ang balisa at tila unt...
## Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino "credit" sa posible at aktwal na diskoneksyon. Ang kalutasan naman sa diskoneksyong ito ay ang makikita sa masayang tinig. Sa pangalawa, ang mga sumusunod naman ang makikita: ang masaya at solidong imahen ng babae, ang balisa at tila unti-unting naglalahong imahen ng kaparehong babae, at ang masayang imahen ng mga manginginom sa katapusan. Ang unang imaheng nabanggit ay kumakatawan sa pagkakaroon ng koneksyon sa lipunan. Ang pangalawang imahen naman ay kumakatawan sa diskoneksyon. At ang pangatlo naman ay suysoy sa ideya ng pagiging bahagi ng lipunan. Sa dalawang patalastas, sa pamamagitan ng pagpapakita ng magkataliwas na kalagayan, iminumungkahi ang ideyang ang pagiging bahagi ng isang indibidwal sa lipunan ay nakakabit sa serbisyo at produktong pilit na ibinebenta. Sa pamamagitan ng paglalaro sa damdamin at mga imahen, lumalabo ang ideya o realidad na ang kaakuhan ay nakasalalay sa kanyang personal na pakikisalamuha sa ibang tao at komunidad o organisasyong ginagalawan o kinabibilangan. Sa ganito, ang mga advertisement na ito ay nag-uudyok sa mga mamimili na kumunsumo nang sobra-sobra upang ang pakiramdam ng pagkatiwalag ay mabawasan o tuluyang mawalan. Sa kasalukuyan, malaking porsyento ng pang-araw-araw na badyet ng isang may-ari ng cell phone, estudyante man o propesyunal, ay napupunta sa prepaid card o sa pagbabayad ng linya (kung ito ay line subscription). hango sa artikulong "Ang Kaakuhang Pilipino at Mistipikasyon sa Advertisement" ni Prop. John Enrico C. Torralba Sa artikulong iyong binasa, tiyak na napansin mo ang mga terminong ginamit ng may-akda na may kaugnayan sa paggamit natin ng cell phone. Tiyak din na ang mga terminong ito ay madalas mong sinasambit lalo na kapag hawak mo o ginagamit mo ang iyong cell phone. Gaya ng paggamit ng cell phone, napakarami pang gawain ng tao na ginagamitan ng mga espesyalisadong termino. Madalas, ang mga terminong ito ay hiram na mga salita o mula sa mga banyagang kultura. Kasabay ng pagtanggap at panghihiram ng banyagang kultura ang patuloy na pagdami ng mga espesyalisadong terminong ginagamit ng mga tao gaya natin dito sa Pilipinas. Halimbawa, nang hiramin natin ang kultura ng paggamit ng washing machine, ang mayamang salita natin sa paglalaba gaya ng kuskos, kusot, piga, kula, babad, banlaw, palo-palo, palanggana, batya, at iba pa ay nadagdagan ng mga salitang wash, rinse, spin, reserve, soak, speed, hyper speedy, normal, mini, delicate, tub, tub hygiene, at iba pa. Sa larangan halimbawa ng komunikasyon gamit ang cell phone,