ARALIN 4: REBOLUSYONG SIYENTIPIKO PDF
Document Details
Uploaded by WorldFamousJubilation7173
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pangunahing siyentipiko at kanilang mga kontribusyon sa larangan ng agham. Ito ay nagbibigay-diin sa mga ideya at mga imbensyon na nagpalipat sa Rebolusyong Siyentipiko.
Full Transcript
ARALIN 4: REBOLUSYONG SIYENTIPIKO PAGHIHIKAYAT SA SIYENTIPIKONG PAG-AARAL Dalawang siyentipko na nakatulong sa pagpapaunlad ng pag-aaral sa agham. Deductive Approach (Rene Descartes) - Tinatawag din na top-down approach. - Magsisimula sa isang idea, ipotesis, o teorya bago magsagaw...
ARALIN 4: REBOLUSYONG SIYENTIPIKO PAGHIHIKAYAT SA SIYENTIPIKONG PAG-AARAL Dalawang siyentipko na nakatulong sa pagpapaunlad ng pag-aaral sa agham. Deductive Approach (Rene Descartes) - Tinatawag din na top-down approach. - Magsisimula sa isang idea, ipotesis, o teorya bago magsagawa ng ekspirimentasyon. Inductive Approach (Sir Francis Bacon) - Tinatawag din na bottom-up approach. - Magsasagawa ng konklusyon batay sa mga obserbasyon. AMBAG NG MGA SIYENTIPIKO BIYOLOHIYA ROBERT HOOKE (1635-1703) Siya ay isang Ingles na maalam sa astronomiya, pisika, at biyolohiya. Pinakamahalagang akda niya ang Micrographia noong 1665 na nagpakita ng kanyang mga pag-aaral gamit ang mikroskopyo. Siya ang itinuturing na nakatuklas ng selula. ANTOINE VAN LEEUWENHOEK (1632-1723) Siya ay isang Olandes na nakagawa ng mas pinahusay na mikroskopyo at nakadiskubre ng bacteria at protozoa. Tinagurian siyang “Ama ng Mikrobiyolohiya.” CAROLUS LINNAEUS (1707-1778) Isa siyang Swedish na botaniko na nagpasimula ng pagpapangalan at pagkakategorya ng mga halaman at hayop batay sa kanilang mga katangian na kung tawagin ay taksonomiya. Tinagurian siyang “Ama ng Taksonomiya.” INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK ANDERS CELCIUS (1707-1778) Isa siyang Swedish na astronomo na nakaimbento ng centigrade thermometer scale na kung tawagin ay celsius. EVANGELISTA TORRICELLI (1608-1647) Siya ay isang Italyanong pisiko na nakaimbento ng mercury barometer noong 1643. DANIEL GABRIEL FAHRENHEIT (1686-1736) Isa siyang Olandes na pisikong nakaimbento ng alcohol thermometer (1709) at mercury thermometer (1714). Ang eskalang pantemperatura na kanyang nadiskubre ay tinawag na fahrenheit. KIMIKA ROBERT BOYLE (1627-1691) Siya ay isang Anglo-Irish na kimiko, pisiko, at imbentor na itinuturing na unang modernong kimiko na sumulat ng Sceptical Chymist noong 1661. Naging tanyag siya sa kanyang pormulasyon ng Boyle’s Law. ANTOINE LAURENT LAVOISIER (1743-1794) Isa siyang Pranses na kimiko na sumulat ng Elementary Treatise of Chemistry noong 1789. Siya ang nakatuklas at nakapagpangalan sa mga elementong oxygen, hydrogen, at sulfur. JOHN DALTON (1766-1844) Siya ay isang Ingles na kimiko at meteorologo na kilala sa pagkakatuklas niya ng atom. LOUIS PASTEUR (1822-1895) Isa siyang Pranses na kimiko at mikrobiyologo na nakadiskubre ng mga bakuna sa anthrax at rabies, at sa proseso ng paghahanda ng pagkain at inumin sa pamamagitan ng pagpapakulo o pasteurization. MEDISINA ANDREAS VESALIUS (1514-1564) Siya ay isang Belgian na gumawa ng komprehensibong paglalarawan sa anatomiya ng tao sa De Humani Carparis Fabrica noong 1543. Ang aklat na ito ang nagbigay-daan sa mga modernong pag-aaral sa biyolohiya at medisina. WILLIAM HARVEY (1578-1657) Isa siyang Ingles na manggagamot na nakatuklas sa sirkulasyon ng dugo mula sa puso hanggang sa iba’t ibang parte ng katawan ng tao. EDWARD JENNER (1749-1823) Siya ay isang Ingles na manggagamot na tanyag sa pagkakaimbento ng bakuna para sa smallpox, isang sakit na kumitil sa buhay ng maraming tao sa kasaysayan. Tinawag siyang “Ama ng Immunolohiya.” PISIKA ALLESANDRO VOLTA (1745-1827) Isa siyang Italyanong kimiko, pisiko, at imbentor na nakadiskubre ng elektrikong baterya at methane. MICHAEL FARADAY (1791-1867) Siya ay isang Ingles na siyentipiko na nakadiskubre sa ilang organikong compound at unang nakatuklas ng elektromagnetismo BENJAMIN FRANKLIN (1706-1790) Isa siyang Amerikanong polymath. Kinilala siya sa kanyang mga eksperimento sa elektrisidad na nagbigay-daan sa imbensyon niyang lightning rod. Napatunayan niya na ang kidlat ay may elektrisidad at ang elektrisidad ay may positibo at negatibong KABABAIHAN SA LARANGAN NG AGHAM MARIA WINCKELMANN-KIRCH (1670-1720) Siya ay nagmula sa Alemanya at ang unang babaeng astronomo na nakadiskubre ng kometa (1702), pinag-aralan ang Aurora Borealis o ang tinatawag na polar o northern lights (1707), at sumulat ng artikulo hinggil sa conjunction ng araw at ng mga planetang Saturn at Venus (1712). EMILIE DU CHATELET (1706-1749) Siya ay nagpakadalubhasa sa matematika at pisika. Ang mga akda ni Newton na nakasulat sa Latin ay isinalin niya sa wikang Pranses.