Rebolusyong Siyentipiko PDF
Document Details

Uploaded by AlluringQuantum
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng buod ng Rebolusyong Siyentipiko sa isang pananaw na nakatuon sa mga pangunahing pangyayari, personalidad, at ideya. Kasama rito ang mga pag-aaral nina Nicolaus Copernicus at Johannes Kepler.
Full Transcript
# Rebolusyong Siyentipiko - Naghudyat noong ika-16 at ika-17 na siglo - Simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento - Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo - Bagong siyensiya – bagong tuklas...
# Rebolusyong Siyentipiko - Naghudyat noong ika-16 at ika-17 na siglo - Simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento - Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo - Bagong siyensiya – bagong tuklas na kaalaman - Age of Reason (Panahon ng Katwiran) - para sa bagong liwanag at bagong paglalarawan ## Nicolaus Copernicus - Isang Polish mula sa Pamantasan ng Krakow, Poland - Nagpasimula si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paniniwala at tradisyon ng mga tao - Binigyang-diin niya na ang mundo ay bilog taliwas sa naunang paniniwala dito - Teoryang Heliocentric - pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito'y umiikot sa araw - ang araw ang sentro ng sansinukuban ## Mga Bagong Teorya tungkol sa Sansinukuban (Universe) ### Johannes Kepler - Isang Aleman na astronomer natural scientist at mahusay na matematisyan - Ellipse – ito ay tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di-gumagalaw sa gitna ng kalawakan - Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay hindi pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw - Galileo – nakabuo ng teleskopyo noong taong 1609 - Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya'y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng simbahan - pagbuo ng mga unibersal na batas sa pisika ## Panahon ng Enlightenment - Panahon ng Kaliwanagan – paggamit ng pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon - Ito raw marahil ay isang kilusang intelektuwal binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan - nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon, demokrasya, at maging sa sining ## Ang Makabagong Ideyang Pampolitika ### Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tungkol sa Pamahalaan - Thomas Hobbes - ginamit ng ideya ng natural law (absolute monarchy) GANAP na kapangyarihan - Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao - Leviathan - tanyag na aklat na isinulat noong 1651 - Binigyan-diin niya na ang tao ay kailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan at maging masunurin`sa pinuno ng pamahalaan ### Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke - John Locke - pilosopo ng England na may parehong pananaw paniniwala kay Hobbe - ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari - Binigyang-diin din niya na kung ang tao ay gumamit ng pangangatuwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang pamahalaang mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kanya - Two Treatises of Government noong 1689 - lathalaing kanyang ginawa ### Baron de Montesquieu - Isang pilosopong pranses na kinilala sa larangan ng politika - naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan (sangay ng pamahalaan) - Lehislatura, Ehekutibo, Hukuman ### (Voltaire) Francois Marie Arouet - isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France - Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.