AKADEMIKONG PAGSULAT PDF
Document Details
Uploaded by UndamagedCoconutTree
Tinajero National High School - Annex
Ivy Emmanuela Yosuiico-Noe
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o panayam tungkol sa mga bahagi at proseso ng akademikong pagsulat sa Tagalog. Tinalakay dito ang iba't ibang yugto at elemento ng pagsulat, kabilang ang pagtatanong at pag-uusisa, pag-aanalisa, pagbuo ng balangkas, at pagsulat ng mismong papel. Kinilala rin ang iba't ibang perspektibo tungkol sa kahalagahan ng pagsulat.
Full Transcript
AKADEMIKONG PAGSULAT IVY EMMANUELA YOSUICO-NOE AKADEMIKO Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus). Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na na...
AKADEMIKONG PAGSULAT IVY EMMANUELA YOSUICO-NOE AKADEMIKO Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus). Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na nagbibigay tuon sa PAGSULAT Ayon kay Arapoff, ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan nang mahusay na pagpili at pag- oorganisa ng mga karanasan. Kakikitaan ng kahusayan sa pag- iisip ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang PAGSULAT Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga na buong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayo ng mailahad ang kaisipan ng mga tao. PAGSULAT Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato. PAGSULAT Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain (complex). Ang prosesong ito ay nag- uumpisa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang MOTIBASYON Batay sa mga pananaw ng iba’t ibang dalubhasa, ano-ano ang mahahalagang ideyang binanggit nila hinggil sa pagsulat? Isulat ang sagot sa grapikong presentasyon. PAGSULAT PROSESO NG PAGSULAT 1. Pagtatanong at Pag- uusisa Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming tanong. Kung ang kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, karaniwang maraming tanong ang nag- uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para makahanap ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik. II. Pala-palagay Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang INCUBATION PERIOD. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang susulatin. Lumalawak ang pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao, pagbabasa, at pagmamasid. III. Inisyal na Pagtatangka Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin. Pagsulat ng Unang Burador Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang borador. Dito na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel. Pagpapakinis ng PapeL Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito para makita ang pagkakamali sa baybay, paggamit ng salita, gramatika, at ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katuwirang nakapaloob sa komposisyon Pinal na Papel Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, puwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito. BAHAGI NG AKADEMIKONG PAGSULAT MGA BAHAGI 01 Titulo o Introduksyon 02 o Panimula. Pamagat. Naglalaman Task Name ito ng Karaniwang titulo o pamagat ng isinasaad dito ang papel; pangalan ng paksa, kahalagahan sumulat, petsa ng ng paksa, dahilan ng pagkasulat o pagsulat ng paksa at pagpasa, at iba pang impormasyon pambungad na na maaaring tukuyin talakay sa daloy ng ng guro. papel. MGA BAHAGI 03 Katawan. 04Kongklusyo Dito matatagpuan ang mga n Dito nilalagom ang mga mahahalagang pangunahing puntos ng papel. pagtalakay sa paksa. Isinasaad din sa Ang pangangatwiran, bahaging ito ang pagpapaliwanag, napatunayan o pagsasalaysay, napag-alaman batay paglalarawan at sa paglalahad at paglalahad ay pagsusuri ng mga matatagpuan sa impormasyong bahaging ito ginamit sa papel o sa pananaliksik. URI NG PAGSULAT PORMAL Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging ginagamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang URI NG PAGSULAT DI-PORMAL Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang nakikipag- usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kuwento at iba pa. URI NG PAGSULAT KU M B I N A S YO N May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng journal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal at di-pormal na URI NG AKADEMIKONG PAGSULAT ABSTRAK TALUMPATI PANUKALANG SINTESIS Task Name PROYEKTO BIONOTE AGENDA Task Name KATITIKAN NG PULONG THINK-PAIR-SHARE Bilang mag-aaral sa senior high school, sa paanong paraan makatutulong ang kasanayan sa pagsulat? Bakit mahalagang maging sistematiko sa larangan ng pagsulat? KAHALAGAHAN NG PAGSULAT Kahalagahang Panterapyutika Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng indibidwal ang kanyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang naiibsan at mailabas ang mabigat nilang nararamdaman. Kahalagahang pansosyal Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap. Sa modernong panahon, ang pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napabilis at napadali pa ang ating komunikasyon. Kahalagahang pang- ekonomiya Sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang matanggap sa mga trabaho tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na maaaring makatulong upang magkaroon ng kita Kahalagahang Pangkasaysayan Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at pagdodokumento dito. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa kasalukuyang panahon ay maaring magamit na reperensiya sa hinaharap. AKADEMIKONG PAGSULAT Isinusulat na may partikular na kumbensiyon. Ito’y may layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Paglalahat ng Aralin Lumikha ng isang SANAYSAY kaugnay sa lahat ng mga kaalamang natamo tungkol sa pagsulat. DACAL ASALAMAT