Q2 AP Review Notes-Grade 8 PDF

Summary

These are review notes for Grade 8 Araling Panlipunan, covering the second quarter. Topics include Greek civilizations, and the development of civilizations in different regions.

Full Transcript

**GRADE 8 ARALING PANLIPUNAN** **SECOND QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: KABIHASNANG GRESYA** - Ang pinakamahalagang dagat para sa kabihasnang ito ay ang Dagat Aegean na nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga Griyego - Ang pagiging mabundok ng Gresya ang...

**GRADE 8 ARALING PANLIPUNAN** **SECOND QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: KABIHASNANG GRESYA** - Ang pinakamahalagang dagat para sa kabihasnang ito ay ang Dagat Aegean na nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga Griyego - Ang pagiging mabundok ng Gresya ang nakatulong sa pag-usbong ng mga pamayanang Griyego. - **KABIHASNANG MINOAN** - Tinawag niya itong **Minoan mula sa mga Griyegong Alamat tungkol kay Haring Minos.** - Pinaniniwalaang si Haring Minos ay namuno sa isla ng Crete at nag-alaga sa isang halimaw na kalahating-tao at kalahating-toro na tinatawag na ***minotaur*** - nakakitaan sila ng **husay sa sining** tulad ng mga obra sa natagpuang mga labi ng palasyo ng Knossos. - Ang mga larawan ay tinatawag na ***Fresco*** - **KABIHASNANG MYCENAEAN** - **Mula sa Mycenaea-isang** lungsod sa peninsula ng Peloponnese na nakadikit o kasama sa pangunahing kalupaan ng Gresya - Itinatag ni Perseus, anak ng dakilang diyos na si Zeus - Kinikilalang kaharian ni **Haring Agamemnon** na nagsimula ng Digmaang Trojan - **KABIHASNANG HELLENIKO** - Ang mga **lungsod-estado ay mayroong kalayaang pamunuan ang kanilang sarili** - Itinuturing na **panahon ng purong kulturang Griyego.** - **ANG MGA DORIAN-** Mga **nomadikong mandirigma na naninirahan sa hilagang Gresya** at kalaunan ay nanatili rin sa mga lungsod na kanilang itinatag - **GREEK DARK AGE**- paghinto ng kaunlaran dahil hindi binigyan ng pansin ng mga Dorian ang kultura at sining. - **ANG POLIS**- Ang mga lungsod-estado sa kabihasnang Helleniko ay tinatawag na **Polis.** Nangangahulugang **"bayan" o "lungsod"** sa wikang Griyego. - Ang pinakamahalagang bahagi ng polis ay ang **ACROPOLIS.** ito ay ang kadalasang matatagpuan sa mas mataas na bahagi ng polis A. **MGA LUNGSOD ESTADO** **-** Naging tanyag na polis sa kasaysayan ng Gresya ang Sparta at Athens **1. SPARTA- Matatagpuan sa Laconia, Peloponnese** **PAMAHALAAN:** **OLIGARKIYA- piling mga tao lamang ang may kapangyarihan.** **- AGOGE-** pagsasanay military. Sa murang edad na pito ay ipinadadala na ang mga lalaki sa kampo upang sanayin. Mananatili sila sa kampo hanggang sila ay umabot sa edad na 30 **2. ATHENS-** Unang pamayanan na nagpalaganap ng DEMOKRASYA **PAMAHALAAN-** pinamumunuan ng ilang mga tanyag na pinuno na tinatawag na *archon* , na nangangahulugan ng "pangunahing pinuno ng polis" **- OSTRAKON-** piraso ng sirang paso na ginagamit ng mga mamamayan ng Athens upang isulat ang pangalan ng taong nais nilang tanggalin B. **MGA DIGMAAN** 1. **DIGMAANG GRIYEGO-PERSIYANO** Isa sa mahabang digmaan sa pagitan ng mga polis ng Gresya at ng Imperyong Persiyano. DAHILAN: pagpapalawak ng teritoryo ng Persia. 2. **DIGMAANG PELOPONNESIAN-** Digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta Nagsimula ito nang tangkaing sakupin ng Athens ang polis ng Corinth na kaalyado ng Sparta. - **KABIHASNANG HELLENISTIKO** - Ito ay nangangahulugang "impluwensiya" o "koneksiyon" sa kulturang Griyego. Umiral ang panahon ng mga hari. A. **PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA** **- SOCRATES-** May-likha ng Socratic Method **- PLATO-** May akda ng The Dialogues na tumutukoy sa mga aral ni Socrates at ng The Republic **- ARISTOTLE-** Itinatag niya ang Lyceum **- PYTHAGORAS-** Nagmula sa kanya ang pag-aaral sa heomatriya (Geometry) at ang Pythagorean Theorem **- HERODOTUS-** kilala bilang \'Ama ng Kasaysayan\' sa Gresya **LESSON 2: KABIHASNAN SA ROMA** - Ang pangunahing pinagkunan ng kabuhayan ng Roma ay ang **Ilog Tiber.** Ang ilog na ito ang siyang nagbigay-buhay sa mga sinaunang pamayanan sa Roma. - **KAHARIANG ROMANO-** Ang **Republika ng Roma** ay sinasabing nagmula sa kahariang itinatag ni Romulus. Ang panahon ng kahariang Romano ay uminog sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapalawig ng kalakalan - Ang **republika ay** sistema ng pamahalaan kung saan ang mga binotong kinatawan ng taumbayan ang silang magdedesisyon para sa kanila - Ang **senado** sa parirala ang kanilang paglalayo sa monarkiya at ang taumbayan ay bilang pagpapahalaga sa mga mamamayan. - Mayroong mga **asamblea** ang Republikang Romano kung saan kasapi ang lahat ng mamamayang sundalo. Ang mga kinatawan ng bawat asamblea ang siyang bumuboto sa mga batas na ipinapanukala ng mga konsul o senador. - **IMPERYONG ROMANO-** Ang lipunan ng Imperyong Romano ay nahati rin batay sa mga antas. Ang tatlong pangunahing antas ay ang mga patriyarka, mga plebeyo, at mga alipin - **IMPERYONG BYZANTINE** A. **USAPING PANRELIHIYION at PAGKAKAHATI NG SIMBAHAN** ![](media/image2.png) B. **Ang Krusada** ay inilunsad sa paglalayong **bawiin sa mga Muslim ang mga teritoryong nasakop nila mula sa mga Kristiyano**. Nilahukan ito ng maraming mga Kristiyano. Ang unang tatlong Krusada ay nakatulong nang malaki sa hangaring ito. Sbalit bunsod ng ginawa ng Ikaapat na Krusada, humina ang imperyo. (Ang pagtalakay sa mga Krusada ay isasagawa sa sunod na kabanata.) - Ang labanan ng Rome at Carthage ay tinawag na **Punic War.** **LESSON 3: MGA KABIHASNAN SA AMERIKA** - **KABIHASNANG MESOAMERIKA** - Ang **Mesoamerika ay lugar na kinaroroonan ng Mexico at ng mga bansa sa Gitnang Amerika**. - Ang , **salitang *meso*** ngangahulugang **\'gitna.\"** Matatagpuan sa kasalukuyang bansang Mexico A. **OLMEC**- pinakaunang kabihasnang naitatag at hinalinhinan ng iba pang kabihasnan sa rehiyon B. **AZTEC**- ang huling katutubong kabihasnan sa Mesoamerika. - **KABIHASNAN SA AMERIKA-** Isa itong **malaking landmass** na nahahati sa dalawang kontinente. - Napapaligiran pa ito ng dalawang karagatan, ang Karagatang Pasipiko sa kanluran at Karagatang Atlantiko sa silangan. - **MISSISSIPPI-** kabihasnang ito ang nagkaroon ng malawak na impluwensiya sa kultural sa kaniyang kinalalagyang lugar **LESSON 4: MGA KABIHASNAN SA PASIPIKO** - Ang mga isla sa Karagatang Pasipiko ay kilala sa tawag na **Oceania.** Nakabalangkas ito sa **tatlong pangkat** - **Micronesia,** hango sa \"micro\" na ibig sabihin ay \"maliliit\" patungkol sa maliliit na isla rito; - **Polynesia,** hango sa \"poly\" na ibig sabihin ay \"marami\" dahil sa maraming isla rito at sa naging tanyag na kultura nito noong unang panahon; at - **Melanesia,** hango sa \"mela\" na ibig sabihin ay \"maitim\" dahil sa kulay ng mga unang taong nanirahan dito bago dumating ang mga Europeo. **LESSON 6: KABIHASNANG ISLAMIKO** - **Nagmula** ang relihiyong Islam **sa Arabia,** isang peninsula sa pagitan ng mga kontinente ng Aprika at Asya - **Abu Bakr-** ang nakilala bilang unang Caliph ng mga Muslim - Sa Hilagang Europa ang tinaguriang pinagmulan ng Bubonic Plague.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser