Q1-KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK 2024-2025 PDF

Summary

This document is a course outline for a Filipino communications and language studies course. The course will cover the nature, characteristics, evolution, and use of the Filipino language in Filipino cultural situations. It includes assessment activities and course requirements.

Full Transcript

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Level: SENIOR HIGH SCHOOL Semester: FIRST Subject Group: CORE SUBJECT Quarter: FIRST Course Description: Pag-aaral tungkol sa pan...

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Level: SENIOR HIGH SCHOOL Semester: FIRST Subject Group: CORE SUBJECT Quarter: FIRST Course Description: Pag-aaral tungkol sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Course Requirements: Makikita sa ibaba ang mga gawain na kailangan maisagawa sa itinakdang araw. Ito ay may kalakip na pursyento sa bawat gawain. WEEK ACTIVITIES Date of Completion Final Grade 1 Enabling Assessment 1 10% 2 Mini Performance Task 1 15% 3 Enabling Assessment 2 10% 4 Mini Performance Task 2 15% 5 Enabling Assessment 3 10% 6 Mini Performance Task 3 15% 7 Enabling Assessment 4 10% 8 Final Performance Task 15% TOTAL 100% QUARTER 1 CULMINATING PERFORMANCE TASK GOAL: Ikaw ay lilikha ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistikong iyong napiling komunidad. ROLE: Ikaw ay isang manunulat. AUDIENCE: Guro, mag-aaral, mga indibidwal mula sa komunidad. SITUATION: Ikaw ay magsasagawa ng isang panayam sa ilan sa mga miyembro ng inyong komunidad maaaring miyembro ng pamilya, kapitbahay o kabaranggay na may kinalaman sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napili mong komunidad. Gamit ang mga datos mula sa panayam na ito ay bubuo ka ng isang sanaysay na tumatalakay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. MGA MUNGKAHING KOMUNIDAD: Pamayanang kinabibilangan Millennials Social media users LGBTQ community Mga katutubong grupo Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 1 PRODUCT: Isang maikling sanaysay (3-5 pangungusap) STANDARDS: PAMANTAYAN 5 4 3 2 Ang sanaysay ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na pangungusap alinsunod sa ibinigay na paksa. Ito ay nagpapahayag ng mga datos mula sa isinagawang panayam. Napalawak ang kaisipang kaugnay ng paksa. Malinaw ang mensahe at konseptong ipinaaabot. Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting sanaysay kabilang ang tamang gamit ng salita, baybay, bantas, atbp. KABUUANG PUNTOS Prerequisite Assessment 1. Ano ang kinalakihan/kinagisnan mong Wika? 2. Gaano kahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan? 3. Ang wika ba ay masasabing kaluluwa ng bansa? ARALIN 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA INTRODUCTION A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin. Nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. TIME ALLOTMENT: 4 hours D. CONSULTATION: For questions and clarifications, you may consult your subject teacher on the assigned schedule via face-to-face, FB messenger, mobile number E. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon c. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika. F. INSTITUTIONAL VALUES: Social Responsibility Ilang gabay na kaalaman tungkol sa Wika  Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan sa pagkatuto ay pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang-araw araw na pakikipag-ugnayan.  Sa masistemang pagpapakahulugan, ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa pamamaraang pa arbitrary upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa lipunang natatanging kultura. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 2 DEVELOPMENT A. MOTIBASYON “Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon ito’y makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaskyon” –Anonymous B. LESSON PROPER “Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan nito, tiyak na mawawalan ng saysay ang mga karunungang na kapaloob dito”. Mga eksperto na nagbigay pakahulugan hinggil sa wika. “Ang wika ay proseso ng malayang paglikha; ang mga batas at tuntunin nito ay hindi na titinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha ay malaya at nagkakaiba-iba. Maging ang interpretasyon at gamit ng mga salita ay kinasasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.” NOAM CHOMSKY “...habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika, pinangangalagaan niya ang marka ng kanyang kalayaan, gaya ng pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang pinanghahawakan niya ang sariling paraan ng pag-iisip.” DR. JOSE RIZAL Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 3 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.” HENRY GLEASON “Ang wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.” BERNALES KAHALAGAHAN NG WIKA  Instrumento sa pakikipagkomunikasyon.  Mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.  Nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagalaganap ng mga karunungan at kaalaman.  Mahalaga ang wika bilang Lingua Franca. Lingua Franca –Tumutukoy sa isang salita o diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na magkaiba ng pangunahing wika. Chunk 1 MGA KALIKASAN NG WIKA  Ang wika ay may masistemang balangkas. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita nakapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.  Ang wika ay arbitraryo. Pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo o tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 4  Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin.  Ang wika ay dinamiko. Ang wika ay sinasabing dinamiko dahil sa paglipas ng panahon nakakaranas rin ito ng pagbabago. Ang pagbabagong ito ay dulot narin ng mga bagong salita na ating nagagawa at mga salita na nakuha natin dahil sa pakikisalamuha sa mga dayuhan. Hindi ito ay isang konsepto na nag babago sa bawat henerasyon dahil sa pagkakaroon natin ng makabagong karunungan at dahil sa pananaliksik nakakalikha tayo ng mga bagong salita. ILAN PANG KAALAMAN HINGGIL SA WIKA  May mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.  HETEROGENOUS ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.  HOMOGENOUS ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR  Ang Tagalog, Sinugbuang Binisaya, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa ay mga WIKA.  Ang DIYALEKTO ay nangangahulugang varayti ng wika, hindi hiwalay na wika.  Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog may napakaraming baryasyon ayon sa heograpiya: Tagalog ng Batangas – Ala e, ang bait naman niya! Tagalog Nueva Ecija – Kainam-naman ng ugali niya. Tagalog Pangasinan – Ang bait niya eh. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 5  BERNAKULAR ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro o ng kalakalan. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.  Halimbawa: Ilonggo – Bernakular ng mga taga-iloilo Waray – Para sa Leyte Bisaya – Sa lugar ng Cebu Tagalog – Para saManilenyo BILINGGUWALISMO at MULTILINGGUWALISMO  BILINGGUWALISMO. Paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan.  MULTILINGNGUWALISMO. Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”. Chunk 2 WIKANG PAMBANSA Unang bahaging Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”. Filipino ang sumisimbulo sa ating pambansang pagkakakilanlan. Ang Filipino ang nagbabandila sa mundo na hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan. Ang wikang pambansa ang sumasagisag sa ating kalayaan. WIKANG PANTURO Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksyion 6, nakasaad “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon”. Mahalaga kung gayon na gamitin ang Filipino sa pagtuturo hindi lamang para sa epektibong pagtuturo kundi pati na rin sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga estudyante. OPISYAL NA WIKA Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa. Samantala, gagamitin naman ang INGLES bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’tibang bansa sa daigdig. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 6 UNANG WIKA Tinatawag na “Wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. PANGALAWANG WIKA Ito ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. Halimbawa: Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-iloilo. Ang Filipino ang pangalawang wika para sakanila. Halimbawa: “taal na tagalog” ang mga taong ang unang wika ay tagalog. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 7 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT Enabling Assessment Activity No.1. (Mga Konseptong Pangwika) A. Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. HANAY A ____1. Lengua ____2. Ipinalalaganap nito ang kultura ng bawat pangkat. ____3. Ginagamit sa pormal na edukasyon ____4. Ginagamit naman ito ng mga tao sa isang bansa ____5. Lingua Franca HANAY B a. wikang ginagamit ng magkausap na may magkaibang katutubong wika b. wika c. wikang opisyal d. dila at wika e. wikang panturo f. tagalog g. Filipino B. PANGKATANG GAWAIN: Gawin gabay ang mga sumusunod: 1. Maghanap ang bawat grupo ng iba't ibang post o komento sa napiling social media platform. 2. Pagsama-samahin ang nakuhang impormasyon. 3. Tukuyin ang mga salitang balbal o kolokyal na ginamit. 4. Tukuyin ang mga hashtags at emoticons, at suriin ang kanilang gamit at kahulugan. 5. Tukuyin kung paano ginagamit ang code-switching (paghahalo ng wikang Filipino at Ingles). 6. Suriin ang istruktura ng mga pangungusap at kung paano nito naaapektuhan ang komunikasyon. Pag-uulat: 1. Ipagawa sa bawat grupo ang isang presentasyon gamit ang PowerPoint o Google Slides. 2. I-report ng bawat grupo ang kanilang mga natuklasan, gamit ang mga konkretong halimbawa mula sa kanilang datos. SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 8 ARALIN 2: GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA INTRODUKSYON: A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. TIME ALLOTMENT: 4 hours D. CONSULTATION: For questions and clarifications, you may consult your subject teacher on the assigned schedule via face-to-face, FB messenger, mobile number E. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A. K. Halliday) b. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lord http://lourddeveyra.blo gspot.com) B. INSTITUTIONAL VALUES: Social Responsibility Prerequisite Assessment 1. Sa paanong paraan ka makipag-usap sa iyong mga magulang? 2. Ano ang pinagkaiba ng pakikipag-usap mo sa iyong magulang sa iyong kaibigan? DEVELOPMENT A. MOTIBASYON 1. May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya kakausapin? Ano ang sasabihin mo sa kaniya? 2. Hindi mo maabot ang iyong bag dahil masikip ang kinalalagyan mo. Daraan ang isa mong kaklase at makikisuyo kang abutin ito para sa iyo. Paano mo ito sasabihin? LESSON PROPER  Naniniwala si Halliday na may gampanin ang wika sa pagbubuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay- interpretasyon sa wika bilang isang sistema.  Ibig sabihin, ang wika bilang potensiyal sa pagpapakahulugan ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa partikular na panlipunang setting ng MICHAEL HALLIDAY komunikasyon. Source: https://www.goodreads.com/author/show/6271757.M_A_K_Halliday Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 9 Chunk 1 Tungkulin ng Wika Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Interaksyunal  Kapag nagbubukas ng interaksyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid.  Ang “Ako” at “Ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bunuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa. Halimbawa:  Pasalita: Kumusta?  Pasulat: Liham Pangkaibigan Imbitasyon sa Isang Okasyon (Kaarawan, Anibersaryo) Regulatori  Tungkulin ng wika na may kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa pag- uugali ng iba.  Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humuling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid. Halimbawa:  pasalita: pagbibigay ng direksyon  pasulat: panuto Heuristik  Tungkulin ng wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran.  Sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang indibidwal. Halimbawa:  Mga pahayag na “Ano ang nangyari?” “Para saan”?  Sarbey, Pamanahong Papel Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 10 Instrumental  Tungkulin ng wika na ang layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga presensya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. Halimbawa:  pasulat: liham pang-aplay  pasalita: pautos Imahinatibo  Tungkulin ng wika upang ipahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig. Halimbawa:  Tula  Paglikha ng mga popular na pick-up-lines. Chunk 2 Gamit ng Wika  PANGHIHIKAYAT (conative)– Ito ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. Halimbawa:  Sa mga politikong katulad ng “Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota”.  Pahayag na nag-uutos ng mga komersiyal sa telebisyon “Ano pang hahanapin mo? Dito kana! Bili na!”.  IMPORMATIBO (informative) – Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita. Halimbawa:  Panayam  Pagtuturo  Balita  LABELING – Gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay. Halimbawa:  Regine Velasquez – Asia’s Song Bird  Guard sa Eskwelahan – “Kuya Guard”  Front Liner – (Bagong Bayani) Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11  PHATIC - Gamit ng wikang karaniwang maiikli ang mga usapan, tinatawag itong social talk o small talk. Panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa. Halimbawa:  Magandang Umaga!  Kumain kana?  EMOTIVE - Pagpapahayag ng damdamin o pagpapalutang ng karakter ng nagsasalita. Nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot at awa sa pang araw-araw nating pakikipag-ugnayan. May mga pagkakataong maibabahagi natin ang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap. Halimbawa:  “Nalulungkot talaga ako sa nangyayari sa ating mundo ngayon”.  “Natatakot ako nab aka lumala pa ang ang Covid-19”.  EXPRESSIVE - Gamit ng wika na nakatutulong sa tao upang mas makilala at maunawaan ng iba pang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa. Halimbawa:  Tungkol sa ating paniniwala, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 12 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module.) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT MINI PERFORMANCE TASK 1 (Gamit at Tungkulin ng Wika) A. PICTO-SURI https://pbs.twimg.com/media/CbzuX0cUYAADg-5.jpg 1. Ano-ano ang maaaring nakapaloob na balita sa radio? 2. Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipagkomunikeyt ng isa DJ sa radyo? 3. Anong lengguwahe ang maaari niyang gamitin sa pakikipagkomunikeyt sa tao? https://www.youtube.com/watch?v=0JjuUsbb4p4 1. Ano ang paksang nakapaloob sa isinagawang panayam kay Pangulong Duterte? 2. Paano nakatulong ang panayam na ito sa maraming tao? 3. Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipanayam kay Pangulong Duterte? Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 13 B. Pag-unawa sa Gamit ng Wika sa Lipunan Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Ilapat ang nauunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Pumili lamang ng tatlo sa mga pamimilian. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kuwarto. 2. Paggawa ng resipi ng ulam. 3. Pagbabasa ng mga karatula sa daan. 4. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad. 5. Paglalagay ng mga babala sa daan. 6. Pakikiusap na matanggap sa trabaho. 7. Paggawa ng cake sa kaarawan. 8. Pagbibigay ng direksyon ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit. 9. Pagpapaalala ng ina sa mga anak na dapat makauwi ng tamang oras. 10. Pagbibigay-kabatiran sa sitwasyon ng pandemya. SIGNATURE OVER PRINTED NAME AND OF PARENT OR GUARDIAN DATE: Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 14 Prerequisite Assessment 1. Saan hinango ang salitang pakikipagtalastasan? Ipaliwanag. 2. Ano ang kahalagahan ng pakikinig kung walang nagsasalita? At ano ang kabuluhan ng pagsasalita kung walang nakikinig? ARALIN 3: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN (PASALITA) A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat po sa panibagong araw na ibinigay nyo sa amin. Nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. TIME ALLOTMENT: 4 hours D. CONSULTATION: For questions and clarifications, you may consult your subject teacher on the assigned schedule via face-to-face, FB messenger, mobile number E. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa. LESSON PROPER Bahagi ng buhay natin ang magsalita. Katunayan, sa halos lahat ng oras na gising tayo o kahit; sa ating mga panaginip, tayo ay nagsasalita. Sa pagsasalita, napapahayag natin ang ating damdamin, saloobin, opinion, haka-haka at mga nalalaman sa mga taong nakikinig sa atin. Gamit ang wikang nakasanayan bilang midyum, naisasagawa natin ang isang mabisang pakikipagtalastasan. Komunikasyon  Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.  Ang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi" ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahuluganbatay sasistema ng mgasenyales at batassemiyotiko. Chunk 1 Uri ng Komunikasyon 1. BERBAL NA KOMUNIKASYON  Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita maaaring pasulat o pasalita. Pagpapakahulugan sa salita  DENOTASYON – Ang tunay na kahulugan ng isang salita na makukuha sa diksyunaryo. Halimbawa: Bola -laruan na hugis bilog  KONOTASYON – Isang salitang nagtataglay ng positibo o negatibong kahulugan ng isang salita. Ito ay binibigyan ng kahulugan depende sa kung paano ginamit sa pangungusap. Halimbawa: Bola– matamis na dila Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 15 2. DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON  Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON DI-BERBAL  Nakakatulong ito sa paglalahad ng emosyon o damdamin ng isang tao.  Nakapagbibigay linaw sa mga pakahulugang nakapaloob sa mensahe.  Napapanatili ang proseso ng palitan, na isang tungkuling sayklikal sa pagitan ng mga kalahok. Chunk 2 MGA ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL  SIMBOLO (ICONICS) – Paggamit ng mga simbolo o icons upang katawanin ang isang kaisipan.  KULAY – Paggamit ng isang partikular na kulay na nakabatay sa isang pang-kulturang kaisipan na kumikilala rito.  PANDAMA (HAPTICS) –Iba’t ibang paraan ng paggamit ng pandama upang makapagbatid ng mensahe.  ESPASYO (PROXEMICS) – Pinahahalagahan nito ang mga pagpapakahulugan sa espasyo o pagitan na nililikha ng tao sa kanyang kapwa.  ORAS (CHRONEMICS)- isang anyo ng komunikasyong di berbal. Ito ay tumutukoy sa paggamit at pagpapahalaga ng oras bilang batayan ng kaakibatan ng mensahe.  PARALANGUAGE – Kinikilala nito ang mga pamamaraan ng pagbigkas ng isang salita.  KATAWAN (KINESICS) – Mensaheng nalilikha sa pagkilos ng katawan at iba pang bahagi nito. 3. KOMUNIKASYONG BISWAL Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng larawan, o simbolo na maaaring kumatawan sa salita. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 16 Iba pang paraan ng paggamit ng wika Intrapersonal  Kilala rin bilang komunikasyong pansarili. Interpersonal  Komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.  Isa ito sa mga pangunahing sangay ng pasalitang komunikasyon. Komunikasyong Panggrupo  Ayon kina Beeve at Masterson (2006) Ito ay kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao.  Kung saan angproseso ng komunikasyon ay pwedeng gawin sa mediated o face to face napamamaraan. Pampublikong komunikasyon  Ito ay kinasasangkutan ng mahigit 20 tagapakinig. Inaasahang handa ang tagapagsalita.  Ito ay pormal napag-uusap. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 17 Komunikasyong pangmadla.  Ito ay komunikasyon na hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe kung anong uri o saang pangkat kabilang ang kanyang mga tagapakinig/manonood.  Ito ay isang uri ng mediated communication, at tinuturing na pinakapormal at pinakamagastos na komunikasyon. Komunikasyong interkultural  Ito ay tumutukoy sa komunikasyon sa pagitan ng mga taong nabibilang sa iba’tibang kultura, kabilang narin ang iba’tIbang kultura na matatagpuan sa ibang bansa. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 18 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: Panuto: Magsagawa ng panayam sa 10 tao kung alin sa mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan ang mas mainam gawing pasulat o pasalita. Maari silang magbigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan. Ilahad ang kinalabasan ng panayam. SITWASYON PASULAT PASALITA 1. Pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang magkaibang panig. 2. Paghingi ng direksyon ng isang lugar na hindi pamilyar sa iyo. 3. Pagtuturo sa bata ng iba’t ibang lenggwahe mula sa ibang lugar 4. Pagbibigay ng anunsyo tungkol sa mga nais gawin sa mga darating na araw. 5. Pagbibigay ng mensahe para sa kaibigang nasa malayong lugar. LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 19 ARALIN 4: SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat pos a panibagong araw na ibinigay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. TIME ALLOTMENT: 4 hours D. CONSULTATION: For questions and clarifications, you may consult your subject teacher on the assigned schedule via face-to-face, FB messenger, mobile number E. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. ALAM MO BA? Sa survey noong 1992, 18% lamang ng mga Pilipino ang may ganap at kahusayan sa paggamit ng wikang ingles, karamihan sa kanilaý isinilang at lumaki sa Amerika at bumalik lamang sa Pilipinas. LESSON PROPER SITWASYON NG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN Bawat indibidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika na may kaakibat na tungkulin na kailangang pagtuunan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang paggamit nito. May mga pagkakataong kinakailangan ang gabay na tungkulin sa wika sa isang sitwasyon, at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa iisang sitwasyon. Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations in the Functions of Language”, mayroong kategorya na ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at pasalitang paggamit ng wika. Halimbawa: Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa klase sapagkat mayroong sakit. Pasalita: Pakikipag-usap sa mga nakasabay sa grocery at pinag-uusapan ang tungkol sa buhay may asawa at magulang. Isang katangian ng wika ay nakasandig sa kultura. Anuman o sinuman ang mandayuhan at makaranas ng mga pangyayari, matuto ng mga bagay-bagay ay tiyak na maiimpluwensyahan ang wika. Mabilis na lumalawak ang mga salitang hiram at nagiging bokabularyo rin kinalaunan. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 20 Chunk 1 MGA SITWASYONG PANGWIKA SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON  Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang na abot nito.  Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang malalayong pulo at ibang bansa.  Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga local na channel.  Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.  Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghali ng programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino. SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO  Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radio sa AM man o sa FM.  Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.  Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.  Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid: o Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang mambabasa. o Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad. o Hindi pormal ang mga salita. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA  Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.  Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.  Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.  Malawakang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamamayan ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.  Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong istrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR FLIPTOP  Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.  Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 21  Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang mga ginagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang nanlalait.  Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT  Ang pagpapadala ng sms (short messaging system) ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa bansa.  Humigit kumulang 4 nabilyong text ang ipinapadala at natatangap ng ating bansa kaya ito ay kinilalabilang “Text Capital of the World”.  Madalasang paggamit ng code switching at madalas pinaiikli ang baybay ng mga salita.  Walang sinusunod na tuntunin o rule. SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET  Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.  Karaniwang may code switching.  Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I-post.  Ingles ang pangunahing wika dito.  Naglalaman ng mga sumusunod  Impormasyon sa iba’tibang sangay ng pamahalaan  Mga akdang pampanitikan SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN  Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipagkomunikasyon maging sa mga dokumentong ginagamit.  Gumamit rin ng Filipino kapag nag iindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino. SITWASYONG PANGWIKA SA PAMAHALAAN  Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.  Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 22 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT MINI PERFORMANCE TASK No.2. (Sitwasyong ng Wika) PANUTO: Gumawa ng isang sarbey tungkol sa mga salitang madalas marinig na ginagamit sa mga lugar na nakasulat sa talahanayan. Magtala ng 5 salita sa bawat lugar. 1.Palengke 2.Mall 3.Paaralan 4.Pasyalan SIGNATURE OVER PRINTED NAME OF PARENT/GUARDIAN DATE: Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 23 ARALIN 5: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA INTRODUKSYON: A. KAGAMITANG PANTURO: Module, pen, paper, aklat, internet (if applicable) B. PANALANGIN: Ama, maraming salamat pos a panibagong araw na ibinIgay nyo sa amin nawa ay marami kaming matutunan sa araw na ito at ingatan nyo po ang bawat-isa. Amen. C. TIME ALLOTMENT: 4 hours D. CONSULTATION: For questions and clarifications, you may consult your subject teacher on the assigned schedule via face-to-face, FB messenger, mobile number E. RUA: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. b. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan ng wika. c. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa. d. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa. C. INSTITUTIONAL VALUES: Critical Thinking and Social Responsibility Pre-requisite Assessment Panuto: Magtala sa talahanayan kung ano-ano ang alam mong alpabetong ginamit sa Pilipinas sa nagdaang panahon hanggang sa kasalukuyan. Maaari kang magtanong-tanong sa mga taong kakilala mo na maaaring makapagbigay ng kinakailangan mong impormasyon. Bansang sumakop Alpabetong ginamit Mga salitang ginagamit sa Pilipinas Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 24 LESSON PROPER Sa loob ng mahabang panahon patuloy na nagbabago ang pagkakabuo sa pambansang wika ng Pilipinas. “Panahon ng Kastila”  Ipinag-utos ng Hari ng Espanya na turuan ang mga katutubo ng wikang Kastila. Ngunit hindi nila nasunod ang utos ng Hari bagkus sila ang nag-aral sa wikang katutubo sa tatlong dahilan: 1. Ayaw nilang mahihigitan ang kanilang talino ng mga katutubo. 2. Natatakot silang baka maghimagsik ang mga katutubo laban sa kanila. 3. Nangangambang baka magsumbong sa Hari ng Espanya ang mga katutubo tungkol sa kabalbalang ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas.  Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.  Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila. Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon. Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.  Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Dahil sa mga sumununod: 1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol. 2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.  Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. “Panahon ng Rebolusyong Pilipino”  Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking bagay upang mapagbuklod ang kanyang kababayan.  Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng katipunan, wikang tagalog ang ginagamit nila sa mga kautusan at pahayagan. Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika.  Si Emilio Aguinaldo itinatag nya ang unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang ng wikang Tagalog dapat gamitin, ang pamamayani ng mga ilustrado sa asembleyang konstitusyonal ang naging pangunahing dahilan nito.  Sa panahong ito ay namulat ang isipan at damdaming makabayan ng mga Pilipino  Dito naitatag ang kartilya ng Katipunan na nakasulat sa wikang Tagalog.  Sa panahong ito ay maraming naisulat na mga akdang pampanitikan na siyang nagpapagising sa damdaming makabayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.  Sa pamamagitan ng Biak na Bato (1897), nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ngPilipinas. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 25 “Panahon ng Amerikano” Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nalipat sa kamay ng mga Amerikano ang pananakop sa Pilipinas. Dumating sila dala-dala ang tatlong motibo, pangkabuhayan, ideolohikal at imperyalismong motibo.  May pagbabagong naganap pagdating ng mga Amerikano sa bansa.  Kabaligtaran ang nangyari sa panahon ng Amerikano. Pilit nilang pinakalimutan sa mga katutubo ang wikang bernakyular at sapilitang ipinagamit ang wikang Ingles.  Malugod naman itong tinanggap ng ating mga ninuno sa kadahilanang: 1. Uhaw ang ating mga katutubo sa edukasyong liberal. 2. Mabuti ang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga katutubo.  Nagpatayo sila ng pitong pampublikong paaralan sa Maynila na kung saan ang mga sundalong Amerikano ang kanilang unang naging guro. Thomasites ang tawag sa mga ito.  Monroe Educational Commission (1925) - Nagsasaad na mabagal matuto ang mga batang Pilipino kung Ingles ang gamiting wikang panturo sa paaralan batay sa ginawang sarbey.  Panukalang Batas Blg. 577 (1932) gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang primary ang mga katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933.  Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)  Noong Marso 24, 1934, pinagtibay Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.  Oktubre 27, 1936 Itinagubilin ng Pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.  Nobyembre 13, 1936 Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.  Nobyembre 9, 1937 Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 26  Disyembre 30, 1937 Inilabas ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.  Noong Abril 1, 1940 Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang: 1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa 2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan. “PANAHON NG HAPON”  Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “PURISTA”. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.  Pinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles.  Panahong namayagpag ang panitikang tagalong.  Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa. “Sa Panahon ng Pagsasarili”  Hunyo 7, 1940 Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.  Hunyo 19, 1940 dito sinimulang ituro ang pambansang wikang nakabatay sa Tagalog sa mga paralang pribado at pampubliko.  Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.  Setyembre 23, 1955 Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggan (bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa”.  Oktubre 24, 1967 Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.  Hulyo 21, 1978 Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat Kumuha ng labindalawang (12) yunit. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 27 “Sa Kasalukuyang Panahon”  Pebrero 2, 1987 Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga sumusunod: o Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. o Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles  1987 Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.  1996 Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).  Hulyo, 1997 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.  Tagalog – katutubong Wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)  Pilipino –unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas  Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)  TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA  Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.  Tagalog, sentimentalism o paghahanap ng pambansang identidad; at instrumental o funsiyonal o batay sa gamit ng wika sa lipunan.  Tagalog ang may pinakamaunlad na katangian panloob; estruktura, mekanismo, at panitikan, at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag ng bokabularyo. ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Ang Katawan at Kaluluwa.... (Bahagi ng pagtalakay ni Efren R. Abueg) Ang ating wikang pambansa ay napag-uusapan. Sasabihing ito'y Tagalog, Pilipino o Filipino. Makikilala sa mga sagot na ito ang oryentasyon sa wika ng mga mamamayang Pilipino. At kung masagot namang Filipino ang wikang pambansa natin, hindi naman ito mabigyan ng angkop na depinisyon. Tatlong komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal (Concom) ang nagbibigaylinaw sa katangian ng Filipino bilang wikang pambansa. Sa katitikan ng pulong ng subkomite sa wika ng Concom noong Setyembre 10, 1987, ganito ang salin ng kanilang palitan ng mga pangungusap: Ayon kay Komisyoner Wilfrido Villacorta: Ito ang isang umiiral na wikang pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino… sapagkat ito ay isa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P. Sinabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang impormasyon nito ay kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit hindi Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 28 nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay isang lingua franca." Tinalakay ni Ponciano Bennagen: Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng komunikasyon nagbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang-kahulugan ng isang pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang isang lumalawak na bersyon ng Pilipino." Nilinaw ni Komisyoner Francisco Rodrigo: Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga't ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino." Binigyan din nila ng historikal na perspektibo ang Filipino. Binanggit ni Rodrigo na "ang Pilipino ay batay sa Tagalog", samantalang sinabi naman ni Bennagen na " ang Pilipino....bilang isang lumalawak na bersyon ng Filipino." Mula kay Rodrigo na sinabing "Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe" hanggang sa winika ni Villacorta na "subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi ito umiiral." At ipinanghuli niya: "Ito ay isang lingua franca." Kaya mula sa Tagalog (sa panahon ng Pangulong Quezon) hanggang sa Pilipino (sa panahon ni Kalihim Romero ng Edukasyon) hanggang sa Filipino (sa panahon ni Presidente Aquino), makumpleto ang ebolusyon ng wikang pambansa. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 29 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT Enabling Assessment Activity No. 3 (Kasaysayan ng Wikang Pamabansa) Panuto:: Bumuo ng Timeline ng maikling kasaysayan ng wikang pambansa. Gamit ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba, iugnay ang mga ito ayon sa panahong nakalaan sa bawat larawan. PANAHON NG KASTILA PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG HAPON Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 30 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT Mini Performance Task No.3. (Kasaysayan ng Wikang Pambansa) Tukuyin kung ang mga pahayag ay Opinyon o Katotohanan 1. Dapat isa batas ang pagpapalit ng Pilipino mula sa Filipino kung ang tinutukoy ay wika. 2. Ang Wikang Filipino ay isang pagpapalawak na bersyon ng Pilipino." 3. Mapapaunlad ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng palagiang paggamit nito sa ating pamayanan. 4. Isang katotohanan na ang wika ay tinaguriang katawan at kaluluwa ng isang bansang malaya. 5. Sa isang komunikasyon, kailangan nating magkaroon ng midyum na gagamitin na siya ang nagbibigkis sa atin Batay sa mga pahayag mula sa iyong naging kasagutan, ipaliwanag mo kung bakit OPINYON o HINDI ang iyong napiling sagot sa bawat pahayag. Isulat ang iyong paliwanag sa sariling sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 31 ANSWER SHEET (Ipasa lamang ang sagutang papel hindi ang buong module) Name: Section: LAST NAME, FIRST NAME MIDDLE INITIAL ENGAGEMENT Enabling Assessment No.4. (Kasaysayan ng Wikang Pambansa) Panuto: Magsagawa ng maikling saliksik sa mga kasalukuyang kinakaharap na isyu ng ating wikang pambansa gaya ng CHED Memorandum Order No. 20 s. 2013, na nag-alis sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Itala ang mga nasaliksik at magbigay ng mga mungkahing solusyon para sa mga naitalang isyu. Gawan ito ng slide show presentation at ibahagi sa harap ng klase. Rubrik Nakalap na mga isyung Pang-wika 35% Organisasyon 10% Kalinawan ng Presentasyon 10% Kahandaan 10% Mga ibinigay na mungkahing solusyon 35% KABUAAN 100% Colegio de Los Baños – KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 32 QUARTER 1 CULMINATING PERFORMANCE TASK GOAL: Ikaw ay lilikha ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistikong iyong napiling komunidad. ROLE: Ikaw ay isang manunulat. AUDIENCE: Guro, mag-aaral, mga indibidwal mula sa komunidad. SITUATION: Ikaw ay magsasagawa ng isang panayam sa ilan sa mga miyembro ng inyong komunidad maaaring miyembro ng pamilya, kapitbahay o kabaranggay na may kinalaman sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napili mong komunidad. Gamit ang mga datos mula sa panayam na ito ay bubuo ka ng isang sanaysay na tumatalakay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. MGA MUNGKAHING KOMUNIDAD: Millennials LGBTQ community Pamayanang kinabibilangan Social media users Mga katutubong grupo PRODUCT: Isang maikling sanaysay (5-10 pangungusap) STANDARDS: PAMANTAYAN 5 4 3 2 Ang sanaysay ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na pangungusap alinsunod sa ibinigay na paksa. Ito ay nagpapahayag ng mga datos mula sa isinagawang panayam. Napalawak ang kaisipang kaugnay ng paksa. Malinaw ang mensahe at konseptong ipinaaabot. Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting sanaysay kabilang ang tamang gamit ng salita, baybay, bantas, atbp. KABUUANG PUNTOS

Use Quizgecko on...
Browser
Browser