Q1-AP7-Aralin1 (4) PDF: Pisikal na Heograpiya ng Timog-Silangang Asya
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Mga Sinaunang Kabihasnan sa Timog Silangang Asya PDF
- PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA (ARALING PANLIPUNAN 7)
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Sinaunang Kasaysayan ng Timog Silangang Asya PDF
- Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Silangang Asya
- Paglaya ng Asia at Timog-Silangang Asya PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pisikal na heograpiya ng Timog-Silangang Asya. Pinag-aaralan ang klima at iba pang katangian ng rehiyon.
Full Transcript
ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Bakit magkakatulad ang klima sa Timog-Silangang Asya? ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Nagkakatulad ang klima sa Timog-Silangang Asya dahil sa pagkakaroon ng tropical na klima, na dulot ng mataas na temperatura at mataa...
ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Bakit magkakatulad ang klima sa Timog-Silangang Asya? ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Nagkakatulad ang klima sa Timog-Silangang Asya dahil sa pagkakaroon ng tropical na klima, na dulot ng mataas na temperatura at mataas na antas ng pag-ulan sa buong taon, pati na rin ang epekto ng monsoon winds. Ang monsoon winds ay mga pana-panahong hangin na nagbabago ng direksyon dalawang beses sa isang taon. Sa Timog-Silangang Asya, ang mga ito ay nagdadala ng malalakas na ulan tuwing tag-ulan (habagat) at nagdadala ng tuyong panahon tuwing tag-tuyo (amihan). Ang mga monsoon winds ay pangunahing dulot ng pagkakaiba sa temperatura ng lupa at karagatan. ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Bakit kakaiba ang klima sa hilagang sa hilagang dulo ng Myanmar? ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Kakaiba ang klima sa hilagang dulo ng Myanmar dahil sa mataas na altitud at malamig na temperatura sa lugar, na nagiging sanhi ng pagkakaiba sa klima kumpara sa iba pang bahagi ng bansa. ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG- SILANGANG ASYA ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Lokasyon ng Timog-Silangang Asya Matatagpuan sa Timog ng mainland China, silangan ng Timog Asya at Bay of Bengal, kanluran ng Oceania at Pacific Ocean, at Hilagang Kanluran ng Australia. Ito ay nakalatag sa tropics na ansa gitna ng globo sa pagitan ng Tropic of Cancer na 23°26'.7 latitud Hilagang Hating-Daigdig at Tropic of Capricorn sa 23°26'20.7 latitud Timog Hating daigdig maliban sa pinakahilagang bahagi ng Myanmar na nakalagpas sa hilaga ng Tropic of Cancer. ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Nakalatag sa tagpuan ng tatlong pangunahing continental plates ng Eurasia, Indian-Australian, at Pacific plates. Ito ang dahilan kung bakit kasama ang rehiyon ay kabilang sa sona ng pacific ring at Circum-seismic Belt. Circum-seismic Belt: tumutukoy sa mga rehiyon sa mundo kung saan madalas nagaganap ang mga lindol. Ang mga lugar na ito ay kadalasang nasa paligid ng mga hangganan ng tectonic plates. ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Pacific Ring of Fire: Sona ng mga bulkang nasa paligid ng Pacific ocean na nagmumula sa antarctic pataas sa Timog at Hilagang Amerika paikot sa silangang bahagi ng Asya pabalik sa Antartic ARALING PANLIPUNAN 7 ARALIN 1-UNANG MARKAHAN Philippine Fault Zone ARALING PANLIPUNAN 7